ALWAYS
"Seriously? You look like you're going to a vacation trip for a month." Pang-aasar ni Aimee kay Elliana habang nilalagay ang isang malaking maleta sa likod ng sasakyan ni Axel.
"Dinala ko na lahat. Baka may maiwan." Hagikhik ni Elliana.
Niyakap ako ng kaibigan habang tumatalon-talon pa nang siguradong tuloy na tuloy na ang pag-uwi namin sa Luisiana.
"I'm so excited, Marge! After so many damn years, makaka-punta na rin ako sa wakas!"
"You will enjoy our place, Elli."
Nakisali naman si Aimee at pinang-gigilan kaming dalawa. "Mag-eenjoy tayo roon, ah!"
Ang plano ay bukod sa pag-dalo namin sa malaking okasyon para sa kaarawan ni Clifford, mamamasyal din kami sa iba't ibang lugar sa Laguna. Isang linggo ang pag-kakasyahin namin para roon.
Sa likod ng sasakyan ni Axel ay nakaparada rin ang kay Leo. Bumaba siya mula roon kasabay si Vincent at Anton. Nag-high five ang tatlo kay Axel nang makalapit sa sasakyan nito. I saw Leo asked something to Axel and they all looked at our direction.
Ngumiti si Axel sa akin at sumenyas na lumapit ako sa banda nila. I smiled back. Hinatak ko si Aimee at Elliana kahit na hindi pa rin sila natatapos sa pag-uusap ng kung ano.
Dumiretso ako sa kinatatayuan ni Axel nang nag-lahad siya ng kamay sa akin. Niyakap niya ako mula sa gilid. Kumaway ako sa mga kaibigang lalaki habang naririnig ang pag-tikhim ni Aimee di kalayuan sa harap ko.
"Ano ba 'yan. Bakit naman ang sweet nong dalawa dyan." Pabiro niyang sabi sabay irap sa akin.
"Parang ayaw ko nang maki-sakay sa kanila. Nakaka-inggit!" kantyaw naman ni Elliana.
"Makipag-palit kaya tayo kay Vince at Anton."
"Sorry, girls. It's a no. Kaskasero 'yang si Axel." Ani Vincent.
"Stop it." Sita ko sa mga kaibigan, inihihiwalay ang sarili kay Axel.
Imbis na bitiwan niya ako ay mas lalo lang niya akong idiniin sa katawan niya. Nakita ko ang pag-iling ni Leo at ang pabirong suntok ni Anton kay Vincent.
"Dude, ang sweet mo pala? May itinatago ka pala." Pang-aasar ni Vincent.
"Us against the world, bro. We got you." Seryosong sabi naman ni Anton.
Nang narinig ko ang katagang iyon ay sumeryoso rin ang itsura ng mga kaibigan namin. Nag-tinginan sila sa isa't isa pagkatapos ay tumingin sa amin ni Axel. Kusa kong idinako ang mga mata ko kay Axel na sakto namang naka-pako na ang mga mata sa akin.
Dumampi ang kanyang labi sa aking noo. This man! Kahit nariyan ang mga kaibigan namin ay hindi nagpa-pigil na hagkan ako. He smiled at me then looked away.

BINABASA MO ANG
One More Step
Novela JuvenilIpinanganak sa isang masaya at simpleng pamilya si Margarette Dominguez. She's content with her life even though she knows she's lacking of something. Namulat siya sa mga bagay na bago makuha ay dapat munang paghirapan at pag-tyagaan. Isa na doon an...