OMS 16

551 8 0
                                    

SANA


Umangat ang gilid ng labi ni Axel. Nanunuya ang ngiti niya na iyon. Ilang sandali pa ay tumikhim ako.


"Breakfast?" Paanyaya ko kahit halos pabulong na noong sabihin ko iyon.


"Sure!" Masaya niyang tugon. "Masarap mag-luto si Tita. Sana ay namana mo 'yun sa kanya."


Pakiramdam ko ay nag-init ang aking pisngi. Tinalikuran ko siya para itago ang kaba na alam kong nakabalandra sa aking mukha.


What is this, Marge? What's the meaning of this?!


"Wala kang aasahan na ganyan sa akin." Sabi ko nang hindi pa rin siya tinitingnan.


"E ano pala?"


Doon ay muli ko na siyang hinarap. Umupo ako sa bakanteng silya sa tapat niya. Kita ko ang seryoso niyang mukha. Minsan lang siya maging ganyan kaya todo kaba ang naramdaman ko sa aking dibdib.


"Pagbu-bungkal ng lupa. I'm good at nothing, you know." Sabi ko.


"Oh? Malawak ang lupain namin. Makakatulong ka doon." Tugon niya habang hindi mababakasan ng pag-ngiti ang kanyang mga labi.


Inirapan ko siya. 'Yun lang siguro ang kaya kong magawa sa harapan niya. There's no sense of humor in our conversation. Ngunit may kung ano akong nararamdaman na hindi ko maintindihan sa ngayon.


"Kumain ka na nga! Kung anu-ano ang sinasabi mo." Bulalas ko habang nilalagyan ng pagkain ang kanyang pinggan.


Batid ko ang pag-tahimik niya. Ilang segundo rin iyon kaya naman tumunghay ako sa kanya. Lihim akong napalunok nang maabutan ko siyang nakatitig sa akin.


Oo! Hindi lang basta tingin ang ginagawa niya. Nakatitig siya! Dahil doon ay mas lalong bumilis ang pintig ng aking puso.


This isn't the first time he laid his eyes on me. This isn't the first time he looked at me like that. Everything is just so obscure. The first time was just so intense I couldn't even stare back at him.


At ngayon, mukhang nasasanay na ako. Siguro ay may malakas na kalabog pa rin sa aking dibdib ngunit nakakaya ko na. Hindi tulad noong una.


"Marcus! Let's eat!" Tawag ko sa aking kapatid mula sa kusina.


Tapos ko nang lagyan ng kanin at ulam ang pinggan ni Axel. Pinag-taasan ko siya ng kilay nang nakita ko siyang nangingiti habang umiiling.


"What?" Tanong ko.


Hindi siya nagsalita. Sa halip ay tumayo lamang siya. Nagtaka ako ngunit sinikap kong hindi na magtanong pa. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa tumigil siya sa bandang gilid ko.

One More StepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon