OMS 31

93 1 0
                                    

DAHIL GUSTO KO


Bumaling sa akin si Aimee. Nagka-tinginan kaming tatlo nila Elliana. Ngumiti ako. Kahit hindi ko alam kung ano ba ang dapat maramdaman ay ngumiti pa rin ako. I assured them that I am okay. Kahit binigyan nila ako ng nagta-tanong na mga mata ay ipinag-kibit balikat ko na lang iyon.


Batid ko na magki-kita kaming dalawa. Darating ang araw na magku-krus ang landas namin. Pero hindi ko inasahan na sa ganitong paraan at lugar kami muling magki-kita. To be honest, I have no clue what should I say. How should I react? 'Pag nakita ko siya ay babatiin ko ba siya? Ngingiti ba ako o ano? Damn, Marge! What's wrong with you?


Kumuha pa ako ng isang inumin. Pinag-laruan ko muna iyon bago muling ininom. Ngayon ay hindi ko na masyadong naramdaman ang pag-guhit no'n sa aking lalamunan.


"Bakit hindi n'yo siya kasabay?" si Aimee. "Where is he now?"


Hindi ako nag-angat ng tingin. Ayoko naman na kakitaan nila ako ng kahit kaunting kuryosidad sa pinag-uusapan nila. Sapat na sa akin ito. Ayokong gumawa ng kahit na anong eksena na magla-lagay sa akin sa alanganin.


"May dinaanan pa siya kanina bago tumulak dito." boses ni Vincent iyon. "Medyo busy siya sa lupain nila at sa pag-aaral. Mabuti nga't naka-kasama pa namin siya sa mga ganitong lakad."


"Wala namang nag-bago. Tulad pa rin ng dati." ani Anton. "Except that Marge is nowhere to be seen after graduation."


"She's in Manila, you know." usal ni Aimee.


Agad akong dinapuan ng kaba nang narinig ko ang aking pangalan. Tumunghay ako sa kanila. Walang bahid ng kahit na anong galit o pagka-dismaya man lang.


Nagpa-tuloy sila sa usapan. Puro tawanan na ang naririnig ko ngayon. Tinawag naman ako ni Elliana na ngayon ay mariin ang tingin sa akin.


"Tara na?" mahinang tanong niya.


Ano ba dapat ang gawin ko? Dapat bang umalis na ako rito o dapat na manatili? If I stay here, may mangya-yari ba? E kung aalis ako, may magba-bago ba?


Pinuno ko ng hangin ang aking dibdib. Sasagot na sana ako nang tinawag ni Leo ang isang pamilyar na pangalan. Nahigit ko ang aking hininga. Tila biglang namatay ang puso ko. Nawalan ito ng tibok. Nang pinakawalan ko ang hangin ay doon ko naramdaman ang mabilis na pintig nito. Doon ko napagtanto ang sakit na dala ng maliliit na tambol na nanatili sa dibdib ko.


Alam ko kung bakit. Alam na alam ko kung bakit ang sakit sa pakiramdam. Hanggang ngayon, narito pa rin ang hapdi.


"Bro!" si Anton at Vincent. Nakita ko ang pag-tayo nilang dalawa para hintayin siya.


Sabay na napa-tingin si Aimee at Elliana sa akin. They gave me an apologetic look. Tulad ng lagi kong ginagawa, ngumiti ako. I gave them assurance that I am okay. That I am still okay. That there's nothing to worry about. Kahit ang totoo ay unti-unti nang gumuguho ang kaloob-looban ko.

One More StepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon