OMS 10

621 15 2
                                    

UNFATHOMABLE


Dinig ko pa din ang pag-halakhak niya mula sa aking likuran. Napapairap ako sa kawalan dahil pakiramdam ko ay napahiya ako. At aaminin ko na bahagya ako'ng nakaramdam ng hiya noong sinabi niya iyon sa akin. He's very straight-forward. Lahat siguro ng nasa isip niya ay kusang lalabas sa kanyang bibig. Hindi ba pwedeng itago na lang niya sa kanyang sarili iyon?


"Hey, Marge!" Tawag niya sa akin.


Mas pinabilis ko pa ang aking mga hakbang. Ramdam ko ang pag-sunod niya sa akin kahit halos takbuhin ko na ang dinadaanan ko. But it's no use. Dahil kusa akong napahinto nang maramdaman ko ang kamay niya sa aking braso.


Parang may humahabol sa aking puso dahil sa sobrang bilis ng tibok nito. Huminga ako nang malalim. Tumunghay ako sa kanya at tumambad sa akin ang nakakaloko niyang ngiti. This guy!


"Not so fast, Marge! Sasamahan nga kita, di ba?" Aniya pagkatapos ay kumalas mula sa pagkaka-kapit sa akin.


Hindi ako umimik. Tahimik lang din siya habang sinasabayan ang lakad ko. Kahit maingay sa palengke ay kusa kong narinig ang malalim na buntong-hininga niya. Tinagilid ko ang aking ulo para masilip ko siya. Seryoso siya at nakakunot ang noo. Kinagat pa niya ang kanyang labi na tila nag-aatubili sa kanyang sasabihin.


Mabilis kong ibinalik ang aking paningin sa daanan. Tumikhim pa ako para maibsan ang nakakabalisang katahimikan na namamagitan sa aming dalawa. I don't know but I suddenly feel awkward. And I really don't know where it is coming from.


"Kaya ko na Axel. Pwede namang ako na lang mag-isa." Sabi ko.


Mula sa gilid ng aking mga mata ay nakita ko ang kanyang pag-iling. "Delikado na, miss. Malapit na din mag-gabi. Baka wala kang masakyan pauwi sa inyo."


Tama. May punto siya. Mahirap ang sakayan kapag gabi na. Ngunit mas mahirap naman makasama ang isang ito. Parang hindi ako mapalagay.


"Mabilis lang ako. Kaunti lang ito... Dito ako lumaki kaya mas alam ko ang mga pasikot-sikot dito." Sa halip ay naitugon ko pa.


Nang malapit na kami sa tindahan kung nasaan ang mga school supplies ay bigla naman siyang tumigil sa paglalakad. Hinarap niya ako. Nakita ko ang pag-tiim bagang niya. Tila nauubusan na siya ng pasensya sa inaasta ko.


Napaatras ako sa kinatatayuan ko dahil sa posisyon niya. Pigil ko pa ang aking hininga habang nakatuon lang ang tingin niya sa akin.


"Just because I grew up abroad doesn't mean I'm ignorant in this place... Believe me, I've known better." Masungit na litanya niya at saka ako tinalikuran.


Laglag ang panga ko habang pinapanood ko lang ang pagpasok niya sa loob ng tindahan. Marahan akong pumikit bago nag-diretso sa paglalakad. Batid ko naman na masyado lang siyang nagpapaka-gentleman. At alam ko din sa sarili ko na masyadong maaga para ipagka-tiwala ko ang aking sarili sa kanya. He's responsible but I don't think I'm his responsibility.

One More StepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon