OMS 14

595 10 0
                                    

IBA PA RIN


Nagsimula ang laro matapos ang ilang briefings. Nagtawanan pa si Aimee at Sherrie dahil masyado naman daw pormal at may ganon pa na pakulo. Ngunit sa huli ay nakisabay na rin sila sa pag-cheer.


Syempre naroon si Axel kaya ang team niya ang sinusuportahan ng dalawa. Kahit pa nga sabihin na hindi naman sila sa Luisiana nag-aaral ay nakakuha pa rin sila ng mga taga-suporta.


Si Leo, katulad ni Axel, ay iilang beses pa lang na nagagawi sa lugar namin. O baka ako lang ito na laging missing in action kapag nasa Luisiana sila. Sa katunayan, una ko siyang nakita noong nag-punta kami sa farm ng mga Robles. Nakakatawa dahil napagkamalan ko pa siya na isang trabahante doon.


Tulad ng sinabi ni Jonas, mas naging magaling nga siya ngayon. Syempre mas naging matipuno rin ang pangangatawan niya kaya naman siguradong kaya na niya ang mas matagalan na pag-takbo sa court. Dalawa sa mga ka-grupo niya ay ka-batch namin. Si Enzo lang ang pamilyar sa akin dahil kaibigan siya ni Jonas. Ang dalawa pa na ka-grupo nila ay nasa higher level.


"Ano? Mukhang nagkaka-sundo kayo ni Axel, a?" Kantyaw sa akin ni Sherrie nang umupo ako sa tabi niya. Sa kabilang gilid naman niya naka-pwesto si Aimee.


Umiling ako. "Hindi. Tinanong lang niya kung boyfriend ko daw iyong si Jonas."


"Ano'ng sagot mo?" Nanlalaki ang mga matang tanong niya sa akin. "Uyy! Parang may kakaiba doon sa kinilos niya."


"Baliw ka na ba? Kaibigan ko lang si Jonas. Alam mo naman iyon. Masyado lang kaming close kaya napagkakamalan." Sabi ko na hindi na napigilan ang pag-tawa.


"Sus! E bakit kasi hindi mo mapaunlakan iyong isang 'yun."


Umirap ako. "Bata pa kami, Sher. Ano ka ba naman. Tsaka pag-aaral muna bago 'yung mga ganoong bagay."


"Kapag kay Clifford, ano? Siguro'y mabilis pa sa alas kwatro kung sagutin mo 'yun." Natatawa niyang turan.


Nasapo ko ang aking noo. Pagdating sa bagay na 'yun, pwedeng oo, pwede rin namang hindi. Syempre, doon ako sa kung saan kami mas makakabuti. Hindi naman maari na oo lang nang oo.


Naputol ang pag-uusap namin ni Sherrie nang may kumulbit sa aking braso. Kunot noo kong nilingon kung sino iyon. Namilog ang bibig ko nang mapagtantong si Marcus ang nasa tabi ko.


"Ate." Bungad niya.


"Ano'ng ginagawa mo dito?" Nagtataka kong tanong. "At bakit ganyan ang itsura mo?"


Basa ang kanyang buhok. Maging ang suot niyang damit ay tila basa. Naningkit ang mga mata ko.


"Naglaro kami dito." Sagot niya.


"Hindi ka nagpaalam kay Mama."

One More StepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon