OMS 32

100 4 0
                                    

WORDS


Lagi ay nakukuha ako ni Axel dahil sa mga mata niya. May kung ano roon na tila humihingi ng pagkaka-taon. Na tila nagmamaka-awa. Pumikit ako, iniisip kung paano niya ako napa-payag sa pag-sakay dito.


"Are you sleepy?" aniya sa pagitan ng katahimikan naming dalawa.


Iminulat ko ang aking mga mata. Umiling ako bilang sagot sa tanong niya.


"Have you been well, Marge?" ang boses niya ay tila humahaplos sa akin.


Kumirot ang puso ko. Bumaon ang kirot na iyon, dahilan upang may mabuong bukol sa aking lalamunan. Tumikhim ako para alisin ang nagbabara roon. Ibinaling ko sa labas ang mga mata ko para ibsan ang sakit. Sakit na ngayon ay hindi ko na alam kung para saan, para kanino, para sa ano.


"Ayos naman." halos pa-bulong na wika ko.


Narinig ko ang marahas na buga niya ng hangin. Ipinihit niya ang manibela para sa pag-liko ng sasakyan.


"Hindi mo ba tatanungin kung naging maayos ako?"


Mapait akong ngumiti. Diretso ang tingin ko sa kalsada habang binabaybay ang daan patungo sa towers. Sa harap namin, di kalayuan, ay ang sasakyan ni Aimee. Mangilan-ngilan na lang ang nabyahe ng ganitong oras, hindi tulad kanina noong papunta pa lang kami sa club. Ngunit kahit gano'n, pakiramdam ko, ito ang isa sa pinaka-mahabang biyahe na naranasan ko.


"Hindi mo man lang ako kakamustahin?" I heard frustrations in his voice. "You don't want to talk to me."


Suminghap ako. "Hindi sa gano'n. Wala naman tayong dapat na pag-usapan. Wala akong sasabihin sa'yo."


Nasa basement parking na kami. Hindi pa rin niya pinapatay ang makina ng sasakyan. Nanatili kami sa loob pero walang nagsa-salita. Nakita ko ang pag-labas ni Aimee at Elliana mula sa kotse. Nag-lakad sila patungo sa amin.


"Axel." For the first time, nabanggit ko muli ang pangalan niya. "Lalabas na ako."


"Baby..." he said, pleading.


I stopped from opening the passenger's door. Alam kong hindi ito makabu-buti para sa aming dalawa. Pero hindi ko mapigilan na hindi siya tingnan ngayon. Nasasaktan ako dahil nasasaktan ko siya. Kanina, akala ko ay ayos lang siya. Pero ngayon, it looks like he's at his weakest point.


Nakita ko ang pagsu-sumamo sa kanyang mga mata. Ibinalik ko ang tingin ko sa unahan. Nanatili si Aimee at Elliana sa harap ng sasakyan. Pumikit ako. This is not right. The feelings I have for him is excruciating. It is selfish.


Huminga ako nang malalim. "Please, Axel. 'Wag na nating ipilit pa. Hindi tayo pwede."


"Bakit hindi pwede, Marge? Ipa-intindi mo sa 'kin kung bakit hindi pwede."


"Tatlong taon na ang lumipas, Axel. Are you still not over it? W-wala na akong nararamdaman para sa'yo." I said, wishing that it sounds true.

One More StepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon