OMS 21

397 8 5
                                    

HE'S BACK


Dumaan ang ilang araw. Naka-hinga kami nang naluwag noong natapos ang aming reporting sa isa naming subject. Mabuti na nga lang talaga ay pinag-handaan namin nang mabuti iyon. At heto nga, exempted kami sa susunod na periodical test. Iba talaga kapag pinag-sisikapan. Hindi imposible na makuha.


"Magaling kasi 'yong leader namin, 'di ba Marge?" Ani Dian, isang kaklase.


Ngumiti ako. "Magaling din kayo. Kaya nga tayo exempted."


"E ikaw kaya ang gumawa. Nag-research lang kami tapos ikaw na ang tumapos ng lahat." Natatawa pa si Dian habang palabas kami ng room.


"Kayo talaga. Nag-contribute lahat, kaya 'wag ninyo akong purihin."


"Pero really, Marge. Super thank you talaga! Mapagtu-tuunan ko ng pansin ang iba pa nating subjects." Sabi ni Lucille na hinawakan pa talaga ang kamay ko para siguro maramdaman ko ang sinseridad niya.


Ngumiti ako. Hindi na ako nakapag-salita pa. Umalis na rin sila pagka-tapos naming mag-usap tungkol sa nangyaring reporting. Para sa akin, accomplishment iyon. Hindi lahat ay nabibigyan ng ganoong privilege.


Lumapit sa akin sila Sherrie at Aimee nang nilubayan na ako ng mga naging ka-grupo ko. Ngiting-ngiti sila sa akin.


"Ang galing mo talaga, Marge! Ikaw na!" Bungad ni Sherrie.


Umiling ako. Ayos na sa akin na makita nila ang effort ko. Pero kapag paulit-ulit, tila ba naririndi rin ako. Sa lahat ng ayaw ko kasi ay 'yong makakuha ako ng napakadaming atensyon. Hindi ako kumportable sa gano'n.


"Saan tayo magse-celebrate?" Sabi ni Aimee.


"Celebrate agad? Napaka-liit na bagay iyon. Hindi natin kailangang gumastos para doon." Tanggi ko.


Nagla-lakad kami palabas ng school. Uwian na kaya naman nag-kalat na naman ang mga estudyante sa paligid. Ang ilan ay naka-tambay sa labas samantalang ang ilan naman ay nagla-lakad na pauwi.


"Ano? Saan tayo?" Tanong ni Sherrie.


"Wala kang sundo, Marge?" Sa halip na sagutin ni Aimee si Sherrie ay iyon naman ang itinanong niya sa akin.


Umiling ako. Wala kaming usapan kaya, wala. Ang sabi niyang babawi siya ay hindi pa nangyayari. Ilang araw na rin siguro kaming saglit lang kung mag-kita. Siguro ay manga-ngamusta lang kami sa isa't-isa pagkatapos ay diretso uwi na. Hindi tulad noon na tatambay muna kami sa field bago umuwi. O di kaya ay ikakain niya ako sa labas. Pero ngayon? Nakakapag-tampo na.


"Baka busy iyon. Malapit na rin matapos ang school year. Hindi kaya ay nag-aayos iyon ng mga papeles niya pauwi sa America?" Bulalas ni Aimee nang hindi ko siya sagutin kanina.


May pumintig sa puso ko. Parang may nabasag na kung ano doon. Kinabahan ako nang marinig ko iyon. Hindi ko naisip na mangyayari iyon. Masyado lang akong nalulong sa presensya niya na kahit ang mga maaring mangyari ay hindi ko na naisip pa.

One More StepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon