I PROMISE
Sinulit ko ang mga panahon na laging bumibisita si Axel sa amin. Tila nabura ng kung ano ang sakit na naramdaman ko noong mga nakaraang araw. Humupa ang tensyon sa pagitan naming dalawa. Tinangay ng hangin noong mga oras na iyon ang lahat ng agam-agam ko. Mahirap. Pero 'di bale na lang.
"Okay na ba ito?" Ani Aimee habang inilalapat sa kanyang katawan ang kulay rosas na dress.
Saglit akong tumango at saka muling ibinaling ang atensyon sa aking ginagawa. Abala ako sa pagbabasa ng libro. Narito ako ngayon kina Aimee. Aniya'y kailangan namin mag-handa para sa okasyon na gaganapin sa mga Robles. Sa totoo lang, muntik ko na iyong hindi puntahan.
"Paano'ng oo ang sagot, Marge, e hindi mo pa nga nakikita itong dress kung bagay sa akin o hindi."
"Bagay naman sa iyo lahat, Aimee. Hindi ka dapat nag-aalala kung ano ang magiging itsura mo." Litanya ko habang inililipat ang pahina ng libro.
"You didn't pay attention, Marge. That's the point."
Nagulat ako nang bigla niyang hinablot ang libro at saka ibinagsak sa lamesita. Tumunghay ako sa kanya. Naabutan ko ang pag-ikot ng kanyang mga mata. Aba't umiirap pa!
Umiling na lamang ako sa inasta niya. Maliit na salo-salo lang iyon, sa palagay ko. Ngunit pakiramdam ng pinsan ko ay kailangan naming pagtuunan ng atensyon ang bagay na iyon.
Pinagtaasan ko siya ng kilay. Muli siyang umismid at kumuha ng ibang dress.
"Hindi ka ba excited? Imbitado tayo roon, Marge. Sa tingin ko ay iilan lang ang naiimbitahan ng mga Robles. This is one of a kind." Saad ng aking pinsan na tila may kinang sa kanyang mga mata.
Ngumuso ako. Tama siya. This is one of a kind.
"O baka kasama rin sa salo-salo ang kanilang mga trabahador. I don't know, really." Pagpapa-tuloy ni Aimee.
Siguro ay mahigit isang oras siyang pumili ng kanyang susuotin bago niya tinantanan ang mga nakahilerang damit sa kanilang sala. Samantalang ako ay nagpa-tuloy lang sa pagba-basa.
"Nag-text si Sherrie. Malapit na sila."
Kumunot ang aking noo. "Sila?"
Nag-ngising aso si Aimee dahil sa pagka-lito ko. Nanunukso pang nagtaas-baba ang kanyang kilay hanggang sa marinig namin ang malakas na busina na nagmumula sa labas ng bahay.
"Sila na iyan." Ani Aimee habang humahakbang palayo.
Sumunod ako sa kanya. Saktong pag-bukas ng pinto ay ang pag-bungad naman ni Sherrie. Malaki ang ngisi niya.
"Kanina pa kayo?" Tanong niya.
Umangil si Aimee sa tabi ko. "Hindi ba obvious, Sher? Namumuti na ang mga mata namin kakahintay sa'yo."

BINABASA MO ANG
One More Step
Ficțiune adolescențiIpinanganak sa isang masaya at simpleng pamilya si Margarette Dominguez. She's content with her life even though she knows she's lacking of something. Namulat siya sa mga bagay na bago makuha ay dapat munang paghirapan at pag-tyagaan. Isa na doon an...