PARA SAAN
Tulala ako sa aking kwarto buong gabi noong araw na iyon. Inisip ko kung ano nga ba ang nangyayari sa akin. Kung bakit naging ganito na ang sitwasyon. Noon, ang nais ko lang naman ay makitang muli si Clifford. Gusto ko lang naman malaman kung ano na ba ang balita sa kanya. Oo, sobra ang pangungulila ko noong umalis siya nang walang pasabi. Nasaktan ako doon. Syempre umasa rin ako na baka sa isang araw ay babalik siya kaya nag-hintay ako.
Ngunit habang tumatagal ay nawala ang pag-asang iyon. Hanggang sa makilala ko si Axel na siyang naging dahilan kung bakit sa pag-lipas ng panahon ay nakalimutan kong naghi-hintay pala ako kay Clifford. It's my choice. And choosing not to hope for Clifford is my decision.
Ngayon ay pare-pareho lamang kaming nasasaktan. Pakiramdam ko ay naka-kulong kami sa miserableng sitwasyon na ito. Bumalik si Clifford dahil sa tingin niya ay ito ang tamang panahon para balikan ako. Para humingi ng tawad dahil sa biglaan niyang pag-alis. Para ipa-intindi sa akin na ang ginawa niyang iyon ay para sa ikabubuti ko.
Marahil ay mapag-biro talaga ang tadhana. Kung kailan nalimot ko na ang lahat ay kusa namang bumabalik ang mga iyon para magpa-alala sa akin ng lahat ng nangyari. Para saan? Para pagsi-sihan ko ang lahat? Na sana ay nag-hintay pa ako nang matagal? Na sana ay hinabaan ko pa ang pasensya at pagtitiwala ko dahil may maganda namang maidudulot iyon?
Siguro nga ay may parte sa akin na umaayon sa isipin na iyon. Ngunit buo ang loob ko na wala na ang lahat. Na kahit baliktarin ko man ang mundo ay tapos na ang mga kailangang matapos. Naniniwala ako na nangyayari ang isang bagay dahil may dahilan ang lahat. Hindi dahil iyon ang naka-sulat sa mga palad ko ngunit dahil iyon ang pinili ko.
Pumikit ako nang mariin nang umihip ang sariwang hangin sa field. Ilang beses ko nang ipinagpabalik-balik ang aking cellphone sa bulsa ko. Ilang araw na ang nag-daan ay hindi pa rin nagpa-paramdam sa akin si Axel. Maski isang text noong araw na iyon ay wala akong natanggap. Ni hindi ko rin siya nakaka-sabay sa pag-pasok o maging sa pag-uwi man lang.
Sa tuwing naiisip ko ang nangyari sa aming likod-bahay ay hindi ko maiwasan ang hindi makaramdam ng kirot sa dibdib ko. Naaalala ko pa rin kung paano niya ako talikuran noong araw na iyon. Nitong mga nag-daang araw ay sinanay ko ang aking sarili na hindi siya kulitin. Itinatak ko sa aking isipan na ayos lang ang ganito. Na masasanay din ako na wala siya sa paligid ko.
Itinuon ko ang aking atensyon sa pag-aaral ng mga nakaraang lectures. Ngunit sa tuwing isasarado ko ang aking libro ay doon ulit bumabalik ang sakit. Doon ko nararamdaman na tila may kulang sa akin. Na tila may hinahanap ako sa aking paligid. Doon ko napagtanto na hindi pala maayos ang nararamdaman ko. May hapdi at sakit akong itinatago na maski sa aking sarili ay pilit kong itinatanggi.
"Nag-iisa ka? Nasaan sila?"
Nabulabog ako sa aking mga iniisip nang marinig ko ang boses ni Jonas. Mabilis akong tumingin sa kanya. Wala pa akong sinasabi ay agad na siyang umupo sa tabi ko. Ngumiti ako pagkatapos ay ibinalik ang aking tingin sa malawak na field.
"Nasa library sila. Malapit na ang exam kaya todo review na." Sagot ko habang naka-ngiti.

BINABASA MO ANG
One More Step
TeenfikceIpinanganak sa isang masaya at simpleng pamilya si Margarette Dominguez. She's content with her life even though she knows she's lacking of something. Namulat siya sa mga bagay na bago makuha ay dapat munang paghirapan at pag-tyagaan. Isa na doon an...