BISITA
"Hanggang kailan ka dito, Ax?" Tanong ni Leo habang diretso pa din sa pag-titipa sa kanyang cellphone.
Bumaling ako ng tingin kay Axel. Mukhang nag-iisip pa siya ng isasagot niya kay Leo. Bahagya siyang tumingin sa akin pagkatapos ay nagkibit-balikat.
"Hindi ko pa alam. Depende, siguro." Aniya.
"Ah. Akala ko you're staying for good. Hindi pala?" Utas ni Leo na may bahid nang pagtataka.
Pinilig ko ang aking ulo sa direksyon nila Aimee at Sherrie. Gusto kong marinig ang isasagot ni Axel ngunit sa tingin ko ay hindi ko dapat siya titigan nang ganon. It's too obvious, right?
May kung ano'ng ipinapakita si Aimee kay Sherrie dahil parehong nakatuon ang atensyon nila sa cellphone ni Aimee. Bahagya pang parang naging kiti-kiti si Sherrie dahil sa kung ano. Ngumiwi ako dahil sa reaksyon ng kaibigan ko.
"Hindi pa sa ngayon. I'll just wait for Kuya. Sabay kaming babalik sa New York." Ani Axel.
Nanlaki ang mga mata ko. Ibinalik ako ang aking tingin kay Axel. Sakto naman na nakatingin din siya sa akin. Hindi nagtagal ang pag-tuon niya ng atensyon sa akin dahil sabay na umirit si Aimee at Sherrie na malapit lang sa pwesto ko.
Ngunit ako? Nanatili ang mga tingin ko sa kanya. Nahirapan pa akong lumunok sa hindi ko malaman na dahilan. I heard his name. I heard Clifford's name. Babalik ba siya? Gusto kong malaman.
May kung ano ang biglang nabuhay sa sistema ko. 'Yung tipong sobrang tagal kong itinago iyon at ngayong may pagkakataon na ay hindi ko naman alam kung paano papaunlakan. Gusto kong makita 'yung tao na minsan din na naging parte ng buhay ko. 'Yung tao na minsan din na naging dahilan kung bakit gustong-gusto ko lagi sa bahay dati. Kasi alam ko na nandoon siya. Naghihintay sa oras ng pag-awas ko.
"Si Kuya Clifford? Akala ko ba ay next year pa siya?... 'Tsaka hindi na siya nagagawi sa Luisiana. Ilang taon na din siguro 'yun." Ani Leo.
Two years or so actually. Matagal na panahon na. Ngunit para sa akin ay bago pa lamang iyon. Parang noong isang linggo lang siya umalis at hanggang ngayon ay hinihintay ko pa din ang pagbabalik niya. Ewan ko. Pero 'yun kasi talaga iyong pakiramdam ko.
Umaasa kasi ako na makakasalubong ko siya sa Luisiana. O di kaya ay biglang magkaroon ng himala na tawagan niya ako o maski ang telepono sa bahay. Pero syempre. Sino ba kasing may sabi na umasa ako? Sarili ko lang naman, e. Kaya heto, wala din nagsabi na tumigil ako sa paghihintay. Kasi kung sarili ko lang din ang magsasabi non, mukhang mahihirapan ako.
"Maaga siyang uuwi. Siguro ay ilang linggo din 'yun dito." Dinig kong tugon ni Axel.
Huminga ako nang malalim. Kung totoo nga iyon, sana ay makita ko ulit siya. Napapa-isip tuloy ako kung ano na ang itsura niya ngayon. Kung mas lalo ba siyang tumangkad? Mas lalo ba siyang gumwapo? Ewan. Sa ngayon, ang nais ko lang ay makita siya ulit. Sapat na siguro 'yun.
![](https://img.wattpad.com/cover/45356155-288-k407678.jpg)
BINABASA MO ANG
One More Step
Fiksi RemajaIpinanganak sa isang masaya at simpleng pamilya si Margarette Dominguez. She's content with her life even though she knows she's lacking of something. Namulat siya sa mga bagay na bago makuha ay dapat munang paghirapan at pag-tyagaan. Isa na doon an...