BETTER THAN THIS
Umawang ang aking bibig. Mariin ang tingin na ipinukol sa akin ni Axel. Nanginginig ang mga kamay ko dahil sa sobrang takot. Dahil sa sobrang kaba. Ngayon ko lang siya nakitang ganito. Madilim ang mga mata niya. Naka-kuyom ang kanyang mga palad. Ilang minuto rin akong naka-tingin sa kanya. Sa halip, siya ang unang nag-iwas ng tingin.
Muling bumuka ang aking bibig. Gusto kong mag-salita. Gusto kong sabihin sa kanya kung ano ang nasa isip ko. Kung ano ang nararamdaman ko. Ngunit agad ko rin na itinikom iyon dahil sa nagba-badyang mga luha. Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi para maiwasan ang panginginig nito.
"Tell me how. Tell me why, Marge. You know I always believe in you. I trust you." May halong pait at galit ang tinig na iyon ni Axel.
Pumikit ako at saka umiling. "It's not... We're just... friends. Childhood friends. That's all, Axel."
"Then why didn't you tell me. Ngayon ko pa nalaman. Ngayon ko pa nasaksihan. Fine! You're friends!" Aniya sa impit na tono. "Now, tell me! Do you feel more than that? Are you... Are you in love with my brother?" Dugtong niya na tila nahihirapan sa mga huling salita.
Nanlaki ang mga mata ko. Umiling ako ngunit hindi ako sumagot. Am I in love with him? Of course, not! I'm into Axel. I know that for sure! But maybe... Maybe, I was.
Nangingilid ang mga luha sa aking mga mata. May kung ano'ng nakabara sa aking lalamunan. Gusto kong mag-salita ngunit kinakain ako ng takot. Natatakot ako na baka hindi niya ako tanggapin. Alam ko kung gaano ka-halaga sa kanya ang kanyang pamilya. It's his brother we're talking about.
Pinag-lapat ko nang madiin ang mga labi ko. Tumunghay ako sa kanya para makita kung ano ang kanyang reaksyon. Ngunit walang nag-bago. Bigo akong nag-iwas ng tingin. Masakit makita na nasa ganitong sitwasyon kaming dalawa. Batid ko sa aking sarili na wala na iyon. Nasasaktan lang ako dahil kailangan kong ipa-mukha sa kanya na hindi siya iyong una kong nagustuhan. Na kahit kailan ay hindi siya iyong tao na binigyan ko ng espasyo sa puso ko. Na hindi siya... Hindi siya iyong kaya kong hintayin dahil umaasa akong sa huli ay kami pa rin. Kahit para sa kanya ay hindi, para sa akin ay kami hanggang sa huli. Masakit! Sobrang sakit dahil hindi siya iyong tao na iyon.
No! It's never him who gave me my first heartache. It's never you, Axel.
"I waited for him." Panimula ko. "I waited for Clifford. I hoped for him. Kahit hindi niya sinabi. Kahit wala siyang sinabi ay hinintay ko siya. Yes, you were right. I was too reserved back then. Kasi umasa ako na babalikan niya ako. You don't know how much it hurts being left behind."
Sumulyap ako sa kanya. Namumula ang kanyang mga mata. Pati ang kanyang pisngi at ilong ay gano'n din. Iniwas ko ang aking mga mata. Binaybay ko na lang ang dagat ng mga kulay luntian na pananim sa paligid. Siguro ay maiibsan nito ang sakit.
"He was my best friend. He was always there for me." Ngumiti ako nang mapait, naalala ang nakaraan. "He was my playmate. Kahit na sobrang kulit ko, binibigay niya sa akin ang mga ka-pritso ko. Sa tuwing uuwi ako ay nakikita ko siya dito sa bahay. Sa tuwing papasok ako ay sinusubukan niyang mag-paalam. Nasanay ako sa kanya, Axel. And all of a sudden, he was gone... without saying goodbye. He just left me. It hurt me not seeing him anymore."
BINABASA MO ANG
One More Step
Novela JuvenilIpinanganak sa isang masaya at simpleng pamilya si Margarette Dominguez. She's content with her life even though she knows she's lacking of something. Namulat siya sa mga bagay na bago makuha ay dapat munang paghirapan at pag-tyagaan. Isa na doon an...