OMS 15

545 12 0
                                    

HINDI DAPAT


"Ano'ng meron? Bakit nagtatawanan kayo dyan?" Sita ni Sherrie habang palapit sa amin. Kasunod niya ay si Aimee na may dalang payong.


"Hi!" Bati ni Aimee sa amin. "Kanina ka pa, Axel?"


Nanatili ang tingin ko sa paligid habang dinadama ang pagdampi ng hangin sa aking balat. Nakaupo kami ngayon sa bleacher kung saan may malaking puno sa gilid dahilan kung bakit hindi kami naiinitan ngayon.


"Yup! Sinamahan ko ang isang ito sa faculty." Ani Axel nang hindi tumitingin sa akin.


Namilog ang bibig ni Sherrie at saka kumindat sa akin. Umiling ako at inirapan siya. Bakit? It's not a big deal, right?


Axel and I are, I think, good friends for several months now. Hindi ko maitatanggi kung paano kaming naging malapit sa isa't isa nitong mga nakaraang linggo. Hindi ko rin matandaan kung paano iyon nangyari. It just happened like we knew each other for so long. We may have our differences, but yes, we sometimes share the same sentiments.


Ang alam ko rin ay nagbabakasyon lang siya rito ngunit nakapagtataka lang na hanggang ngayon ay nandito pa rin siya sa Luisiana. At oo, hanggang ngayon ay wala pa rin si Clifford. Nakakatuwa ngang isipin na hindi na tulad noong dati kung paano ako makaramdam ng lungkot sa tuwing naiisip ko ang isang iyon.


Totoo nga ang mga sinasabi ng karamihan. Habang tumatagal ay nawawala ang kung ano man na nararamdaman mo para sa isang tao o bagay. Sa una ay gustong-gusto mo ngunit kapag tumagal ay hindi na pala. Doon mo maiisip na oo nga pala, wala nga pa lang permanente sa mundong ito. Lahat nang dumarating ay nawawala. At lahat ng nararamdaman mo, maging lungkot, galit o saya man iyan, darating ang araw na mapapalitan ng ibang damdamin ang mga iyan. Sa takdang panahon, mapapalitan rin ang mga iyan.


"Tulala ka dyan."


Doon lang ako bumalik sa aking ulirat nang kurutin ako ni Axel sa aking pisngi. Masama ang tingin na ipinukol ko sa kanya. Ngunit hindi nag-tagal ay ngumiti ako.


"That hurts!" Singhal ko.


Tumikhim si Sherrie. "Ano? Tara na? Tapos na ako."


Tumango ako. "Ikaw Aimee?"


Ngumiti siya sa akin. "I'm done! Sisiw lang naman!" Aniya tapos ay ngumisi.


"Saan tayo?" Tanong ni Axel.


Naglalakad kami palabas ng school. Malapit nang mag-tanghali kaya naman halos lahat ng estudyante na nag-aasikaso ay lumalabas na rin para siguro kumain. Wala kasing canteen kapag ganitong panahon.


"Sa farm ninyo?" Nag-aalinlangan na sabi ni Aimee.


Nakita ko ang pag-nguso ni Axel. Nangingiti siya habang umiiling. "Wala na ba kayong ibang alam na puntahan?"


One More StepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon