OMS 18

583 13 0
                                        

EVERY HEARTBEAT


Natulala ako. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Ayaw kong saktan siya. Ngunit ayaw ko rin naman na mabuo ang ideya sa isip niya na si Axel ang dahilan kung bakit hindi pwede. Kung bakit tinanggihan ko siya. Kung bakit hanggang kaibigan lang kami.


"No! No, Jonas." Nalilito kong tugon. "Hindi ganon."


"Then why is it so hard for you to give me a chance? Dahil ba hindi ako kasing-yaman nila? Dahil hindi ako lumaki sa Amerika?"


Napa-singhap ako. Diretso ko siyang tiningnan. Hindi ako makapaniwala na ganon ang iniisip niya. Ni hindi ako makalunok nang maayos dahil sa mga narinig ko mula sa kanya.


Mas lalo pa siyang lumapit sa akin. Nanatili ako sa kinatatayuan ko. "Tell me, Marge. Bakit hindi pwede?"


"Kaibigan kita. Mahal kita bilang isang kaibigan. Alam mo iyon, di ba?... At ito? Iyang nararamdaman mo sa akin? It's just infatuation. You're just infatuated to me." Mahinahong litanya ko. Umiling pa ako nang ilang beses. "Ayaw kong masira tayong dalawa dahil dito."


"No, Marge. We can keep the friendship. Hindi ako mawawala sa iyo, I promise."


Kumunot ang aking noo. Ayaw kong ipagdikdikan sa kanya ang dahilan ko kung bakit hindi pwede. Kung bakit ayaw ko. It's not just because of our friendship. Pero kasi hanggang doon na lang talaga iyon. Isang kaibigan lang ang tingin ko sa kanya at wala akong kakayahan na gawing mas higit pa doon ang nararamdaman ko.


Oo, pwede kong subukan. Pero alam ko naman sa sarili ko na kahit ilang libong beses kong subukan ay wala talaga. He's just a friend. No more. No less.


"Jonas, please understand." Sabi ko habang pinaglalaruan ang aking mga daliri sa kamay. Hindi ko na kayang titigan pa siya. Masakit makita na nagkakaganito kaming dalawa.


Narinig ko ang buntong-hininga niya. Doon pa lang ako ulit tumunghay ng tingin sa kanya. I could see his soul right through his eyes. He's so kind and all, but the moment isn't just right. We aren't just right. We can never be.


"Akala ko may pag-asa na ako." Muli niyang pagsasalita. "Noong umalis si Clifford, akala ko ay pwede na."


Kinabahan ako sa mga binibitiwan niyang salita. Pakiramdam ko ay namutla ako. Marinig ko pa lamang ang pangalan niya ay kusa nang lumundag ang puso ko. Siguro ay sa tinagal ng panahon, may nakaka-alala pa rin sa kanya bukod sa akin. And it happened to be Jonas.


"Sobrang saya ko noon. Sa wakas, kapag wala na siya sa Luisiana, siguro naman ay pwede nang ako naman ang lagi mong kasama. Baka pwede nang ako naman iyong uubos ng oras mo dahil mamasyal tayong dalawa... Na ako 'yung dahilan kung bakit palagi kang excited umuwi galing school. Ako 'yung dahilan kung bakit hindi ka nakakasama kina Aimee at Sherrie..."


May kirot akong naramdaman sa dibdib ko. Hindi ko alam na ganito. Wala akong ideya dahil ang atensyon ko ay na kay Clifford noong mga panahon na iyon.

One More StepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon