READY
Tulad ng ipinangako, we wandered around Luisiana. We visited Talay, Hidden and Hulugan Falls. Elliana was so mesmerized that she doesn't want to go back to Manila anymore. It was tiring but definitely a memorable one.
"Can I stay here longer?" ani Elliana kahit bakas sa mukha ang pagod.
"Punta tayo sa bayan. Parang masarap mag-food trip." Ani naman ni Sherrie habang pasalampak na umupo sa couch.
Alas-kwatro ng hapon nang makauwi kami sa bahay. Mabuti na lang at may nilutong meryenda si Mama dahil hindi kami naka-daan sa bayan para bumili ng makakain.
"Meryenda muna." Alok ko sa kanila, sinisipat ang mga lalaki sa labas habang nagbababa ng mga gamit namin.
"Parang hindi na kaya ni Elli na mag-food trip sa bayan." Natatawang sabi ni Aimee. Tumayo pa ito para tumabi sa pwesto ni Elliana. "Ano? Kaya pa?"
"Kaya pa naman." Bulong na wika ni Elliana habang naka-pikit na.
Umiling ako habang natatawa. "Pahinga na tayo. Baka hindi maka-bangon si Elli bukas."
Kumuha ng cinnamon bread si Aimee at saka ibinigay kay Elliana kahit na nanatili itong naka-pikit. "Kumain ka muna bago ka mag-pahinga."
Dahan-dahan pang nag-mulat ng mata si Elliana at saka umayos ng upo. "Pero I swear, nag-enjoy ako! Ang ganda ng falls!"
"Told you." Si Aimee sabay kindat pa kay Elliana. "Nabigla lang ang katawan mo pero worth it 'di ba?"
"Maybe it's possible to make it as a wedding place, right?" Wala sa sarili niyang wika.
Nagka-tinginan kami nila Aimee at Sherrie. Pare-parehong nagta-tanong ang mga mata namin.
Naguguluhan man ay sumagot pa rin si Sherrie. "I... think so. It's possible, I guess."
"Maganda pero mahirap puntahan. Sa iba na lang siguro." Halakhak ni Elliana.
"After the event, maybe we can stroll around San Pablo?" ani Aimee.
Tumango ako. Not a bad idea. We can do it while we have the luxury of time. Bukas na gaganapin ang okasyon. Dahil sa mga pinuntahan namin ay hindi ko na gaano pang naisip ang maaaring mangyari bukas.
"Seven Lakes. What do you think?" sabi ko at saka ako tumayo para kumuha ng maiinom sa kusina.
"Pwede!" Sherrie answered eagerly. "Yambo Lake? Pandin?"
Sasagot pa sana ako kay Sherrie nang maramdaman ko ang pag-pulupot ng braso sa aking baywang. Dahil doon ay hindi ako tuluyang naka-hakbang papuntang kusina.
"Meryenda muna." Alok ko kay Axel para makawala sana sa kanya. Sa halip ay lalo niyang hinigpitan ang yakap mula sa likod ko. "Tapos na kayo?"
"Uh-huh." Ramdam ko ang mainit na hinga niya sa aking batok. I smiled at that.
Bahagya pa akong humarap sa kanya para makita ang kanyang mukha. He planted a kiss on my head.
"I love you." He whispered out of nowhere.
Nakita ko ang pag-tayo ni Sherrie at saka nag-martsa papuntang kusina.
"Ako na ang kukuha ng maiinom. Naaalibadbaran ako sa nakikita ko." Pabiro niyang litanya. "Kapag kaharap ko kayong dalawa, lagi kong nararamdaman na mag-isa ako. Na walang nagma-mahal sa akin."
Sabay-sabay kaming tumawa. We laughed our hearts out hanggang sa nakabalik siya galing kusina. At ang babaeng ito! Inirapan pa 'ko.
"Masyado ka nang masaya." Dagdag pa niya.
BINABASA MO ANG
One More Step
Roman pour AdolescentsIpinanganak sa isang masaya at simpleng pamilya si Margarette Dominguez. She's content with her life even though she knows she's lacking of something. Namulat siya sa mga bagay na bago makuha ay dapat munang paghirapan at pag-tyagaan. Isa na doon an...