GUSTO
Nakaalis na ang huling truck kung saan ikinarga ang mga basket ng mangga. Mabilis na nag-paalam ang apat na trabahante sa lalaki na hanggang ngayon ay nanatili pa rin sa tabi ko. Kung hindi ako nagkakamali ay magkasing-edad pa lang kami. Pero heto siya at nag-aasikaso ng mga bagong ani. Parang sa murang edad ay napaka-responsable na niya.
"Baka matakot sa'yo, Ax." Natatawang wika ni Aimee pagkatapos ay lumingkis sa braso ko.
Umirap ako sa kawalan. Bakit ako matatakot sa kanya? Gwapo siya. Matangkad. Matipuno. Hindi ako matatakot sa katulad niya. Hindi siguro... sa ngayon.
"Bakit naman, Aimee?" Naisa-tinig ko. Nagawa ko pang tumingin kay Axel habang nagtatanong sa pinsan ko.
Bumitiw siya sa pagkapit sa aking braso dahilan para maagaw niya ang atensyon ko. Nagkibit-balikat siya. "Delikado kasi ang isang 'yan."
Kumunot ang aking noo. Tila hindi ko siya maintindihan. Ilang sandali pa ay narinig ko ang tawa ni Axel. Lumapit sa kanya si Leo at pabiro siyang sinuntok sa dibdib. Lihim akong napangiti. Pakiramdam ko ay lalakeng-lalake siya.
"Stop it, Aimee. Ano'ng delikado ang sinasabi mo." Aniya na hanggang ngayon ay natatawa pa din.
"Delikado? Sino?" Naguguluhan na tanong ni Leo.
Tinuro ni Aimee si Axel. Natatawa siya habang nakaturo pa din. "'Yan si Axel. Sabi ko sa pinsan ko ay delikado ang isang iyan."
"Aimee, hindi ko alam kung maniniwala ako sa'yo o ano." Naiiling na wika ko.
Diretso pa din sa pag-tawa ang pinsan ko. Totoo naman. Hindi ko alam kung ano'ng delikado ba ang sinasabi niya. Delikado saan? Mukha namang mabait si Axel. Ewan ko lang kapag nakilala ko siya nang lubusan.
Humakbang ako para makalapit nang husto kay Axel. Bakas pa din sa mukha niya ang pagpigil ng tawa. Narinig ko naman ang pag-tikhim ni Sherrie sa di kalayuan. Hindi ko na lang siya pinansin. Nagpatuloy ako at saka inilahad ang kanang kamay ko nang nasa tapat ko na siya.
Nag-angat siya ng tingin. Mabilis na napawi ang ngiti niya pagkatapos ay umayos sa pagkakatayo. This time, I could see his serious side.
Ngumiti ako kahit kinakabahan sa ginagawa ko. "I'm Margarette Dominguez. You can call me Marge." Masayang wika ko.
Pinagtaasan niya ako ng kilay. Nasa magkabilang bulsa ang kanyang mga kamay. Diretso lang ang tingin niya sa akin. Napawi ang ngiti ko nang tingnan lang niya ako. That's rude, right? Kanina ay masaya siya dahil nakikipagtawanan pa siya. Pero ngayon na nakatayo ako sa harapan niya at nakikipag-kilala, bigla namang nagbago ang itsura niya.
Lalo ko pang nilakihan ang pag-ngiti ko. Kahit kinakabahan na baka mapahiya ako ay ginawa ko pa din. Nakita ko ang pagbaba niya ng tingin sa nakalahad kong kamay. Sa totoo lang, nakakatuwa siyang tingnan kapag tumatawa. Para kasing ang bait niya. Pero kapag nag-seryoso na siya ay nakakatakot pala. Hindi ko mabasa kung ano'ng iniisip niya.

BINABASA MO ANG
One More Step
Teen FictionIpinanganak sa isang masaya at simpleng pamilya si Margarette Dominguez. She's content with her life even though she knows she's lacking of something. Namulat siya sa mga bagay na bago makuha ay dapat munang paghirapan at pag-tyagaan. Isa na doon an...