OMS 28

332 5 6
                                    

PAANO NGA


Pikit-mata kong sinasamyo ang sariwang hangin sa hindi ma-taong puwesto ng open field sa loob ng University na pina-pasukan ko. Tapos na ang mga aktibidad na ginanap sa loob ng campus ngunit tila hindi pa rin namamatay ang usapan tungkol dito. Marahan kong idinilat ang aking mga mata dahil sa papalapit na tawanan. Nakita ko ang apat na babaeng senior students na panay pa rin ang tawanan ngunit agad din na tumigil nang namataan akong naka-tingin sa kanila.


"Tapos? Ano'ng nangyari sa inyo after the party? Kinausap ka ng Mommy niya and then?" ani Elliana, namamangha. "Did you—"


"Hi, ate Marge, ate Elliana!" bati ng mga estudyante samin.


Bahagya pang gumuhit ang ngiti sa aking labi nang nakita ang pagka-irita ni Elliana dahil sa naputol niyang tanong. Her lips molded into a very thin line. Dahan-dahan siyang sumulyap sa mga estudyante pagkatapos ay masungit silang tiningnan.


"Naku, sorry po. Ang ingay namin."


"Nakaka-takot ka talaga tumingin, ate Elliana!"


Tamad na tumayo si Elliana at saka humalukipkip. "Tapos na ang klase ninyo, 'di ba? Bakit nandito pa kayo?"


"May titingnan lang po." ani ng pinaka-matangkad sa grupo.


Wala pang ilang segundo ay mabilis silang nag-paalam sa akin pagkatapos ay kumaripas ng takbo. Tinanaw ko sila habang nag-uunahang umupo sa damuhan upang panoorin ang mga naglalaro ng soccer. Umiling ako at bahagyang napa-ngiti.


Infatuation. Shallow. Drifting.


Tiningnan ko si Elliana na panay na ang buga ng hangin sa ere. Tila dini-dibdib ang hindi niya naituloy na tanong sa akin. Hindi ko napigilan ang takas na tawa sa aking bibig kung kaya't nakuha no'n ang atensyon niya.


"You know I hate this feeling, Marge. 'Wag mo nga akong tawanan." simangot niya.


Tumango ako. I know, Elliana. I know. Sa higit dalawang taon ba naman na mag-kasama kami, paano'ng hindi namin makikilala nang lubos ang isa't isa?


"Sorry na." wika ko, natatawa. "You should work on your patience. There's a thing called timing and next time."


Umiling siya. "I'm working on it. See? Finally, you're now telling me that sickening story of yours. Samantalang ako, halos lahat ng nangyari at nangyayari sa buhay ko ay alam mo."


Ilang segundo ko siyang tiningnan. She has those beautiful brown eyes, high cheekbones, small nose, thin lips and shoulder-length ombre hair. Tama lang ang kaputian niya at halos magkasing-tangkad kami. Noong una akala ko ay hindi kami magkaka-sundo pero nagka-mali ako. Masaya ako na bukod kay Aimee ay naka-kuha ako ng totoong kaibigan sa katauhan ni Elliana.


Ngumiti siya sa'kin habang patuloy parin sa pag-hihintay ng sagot. I looked at her straight in the eyes. Doon ay muling sumilip nang paunti-unti ang hibla ng nakaraan. I've already buried them deep down inside of me. I've locked up those despairs until turned into scars. That was a long process and it never happened overnight. 'Yung tipong kahit ano'ng klaseng pagsi-sikap ang gawin ko ay hindi ako maka-usad.

One More StepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon