OMS 25

498 6 0
                                    

IKAW LANG


Pilit ko rin siyang nginitian pagkatapos ay nag-patuloy sa ginagawa ko. Nanginginig ang mga kamay ko habang iniisa-isa ang bawat libro na nasa lagayan nito. Pigil ko ang aking hininga habang unti-unting kinakain ng mga hakbang niya ang pagitan naming dalawa.


Nag-iinit ang gilid ng aking mga mata. Naninikip ang aking dibdib. I missed him! Ngunit tila wala akong magagawa para pahupain ang bagay na iyon. Kung magpa-patuloy ang ganito ay sigurado akong maaapektuhan pati na ang pag-aaral ko. Hindi dapat gano'n ang kalabasan nito. Hindi dapat.


May kung ano'ng bumara sa aking lalamunan. Diretso ang tingin ko sa kanya. Ilang beses ko siyang tinanguan. Hindi ko alam ang aking sasabihin ngayong nandito siya sa harapan ko.


Akala ko ay madali lamang ito. Na yayakapin ko siya nang mahigpit sa oras na mag-krus ang landas naming dalawa. Na marami akong sasabihin dahil hindi ko gusto ang pakiramdam na hindi ko siya nakakasama o nakikita man lang.


Ngunit iba pala kapag nandyan na siya sa harap ko. Hindi ko na makuha pang mag-salita. Parang may malaking espasyo na nagla-layo sa akin patungo sa kanya.


"Marge..." Tawag niyang muli sa pangalan ko.


Huminga ako nang malalim. Pagod at pag-aalala ang nabasa ko sa kanyang mga mata nang tingnan ko siya. Malakas ang pag-bayo ng aking dibdib. Hindi ko makuha kung saan iyon nanggagaling. Ngunit isa lamang ang alam ko. Siya lang ang may kakayahan para maramdaman ko ang ganito.


"I missed you..." Halos pabulong na wika ko.


Kasabay noon ay ang pag-tunog ng malamyang buzzer, hudyat ng pag-sasara ng library. Mahigpit kong niyakap ang librong kailangan ko. Nag-iwas ako nang tingin at mas lalo pang hinigpitan ang pagkaka-yakap sa libro.


Ang katotohanang hindi ko siya nakita noong mga nakaraang araw ay talagang dumagdag sa mga nagpa-gulo sa aking isipan. Hindi ito madali. Ngayon ko napagtanto na hindi pala talaga ito madali. Bawat hakbang ay may tinik. Bawat pasanin ay mabigat at may kaakibat na responsibilidad. Every decision has its own way of hurting both of us.


Ayaw kong dahil dito, dahil sa kanya, ay magugulo ang lahat. Ayaw ko. Hindi iyon tama. Hindi iyon ang gusto kong mangyari.


Nagulat ako nang hawakan ni Axel ang aking braso. Tumunghay ako sa kanya. Naroon pa rin sa kanyang mga mata ang pagod at sakit. Hindi ko alam kung saan iyon nanggagaling.


Maybe, for some reason, he still thinks of me these past few days. He still. And the thought of that brings so much pain in me.


Mataman niya akong tiningnan. Bago pa mag-salita si Axel ay may boses akong narinig sa bandang likuran ko.


"Hey, let's go."


Binitiwan ni Axel ang aking braso at saka bumaling sa may ari ng boses.


"Just for a sec, Frezzah."


Hinigit ko ang aking hininga at lakas loob ko silang hinarap. Ilang segundo akong natulala nang namukhaan ko ang babae. Siya iyong kasama nila Leo sa kanilang lamesa. Ngayong nasa harapan ko siya ay kita ko nang malapitan ang kanyang mukha.

One More StepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon