OMS 22

381 7 0
                                    

SORRY


Mataman na naka-tingin si Sherrie sa akin. Pinag-lapat niya nang mariin ang kanyang mga mapupulang labi pagkatapos ay dahan-dahan ang pag-tango. Doon lamang ako nakaramdam ng kaba.


Ang malaman na nandito mismo si Clifford sa sarili naming bahay ay sadyang nag-bigay ng mumunting lamig sa aking puso. Hindi ko alam kung paraan saan iyon. Matagal ko siyang hinintay. Ngunit sa tinagal ng panahon, naka-limutan kong maging masaya habang naghi-hintay sa kanya. Naiwala ko ang galak at pananabik sa bawat hakbang ng panahon na dapat ay maramdaman ko ngayon sa pag-dating niya. Naiwala ko siya sa bawat pag-lipas ng mga araw.


"Ahmm, Marge..." Untag ni Sherrie sa akin.


Knowing I could also see Axel is another story. Umaalingawngaw pa rin sa aking tainga ang naging pag-uusap namin ni Lucille kanina. I felt a hollow feeling inside of me. Could it be possible? Of course, Marge. Everything is possible.


Tumango ako. "Let's go, Sher. Nandoon ba si Mama?"


"Oo, Marge. They look so happy. Lalo na noong nakita ni Tita si Clifford. I don't know. Parang long-lost son lang ang peg."


"Ngayon lang kasi siya nagpakita, e. Kaya siguro gano'n."


"How are you feeling, Marge?"


Hindi pa kami nakaka-baba ng hagdan ay dinig ko na ang masasayang boses na nagmumula sa aming sala. Bumalandra ang kaba sa aking dibdib.


"I'm okay. Ano ka ba naman, Sher!" Natatawa kong sabi sa kanya.


Habang pababa ng hagdan ay mas lalo lamang lumalakas ang tawanan at kwentuhan. Mas lalo ko lang din naramdaman ang lamig sa aking kamay. Noong una ay hindi ko maisip kung para saan ito. Ngunit unti-unti ay batid ko na. Huminga ko nang malalim para maibsan iyon. Kasama kaya ni Axel iyong babaeng tinutukoy ni Lucille? My God! Hindi ko alam kung ano'ng gagawin ko sa oras na makita ko siyang may kasamang ibang babae!


Bumungad sa akin si Mama na masayang naka-upo sa sofa. Katabi niya si Papa na todo-ngisi sa kung ano'ng pinag-uusapan nila. Si Marcus naman ay kain nang kain ng tsokolate habang nakatutok sa kanyang video game. Naka-talikod sa akin ay isang lalaki na ngayon ko na lang ulit makaka-harap. Naka-upo siya habang naka-tapat sa mga magulang ko.


"Marge! What took you so long? Kanina pa si Clifford dito, anak." Ani Mama sa akin.


Ngumiti ako. Isang pilit na ngiti dahil sa kaba na bumabalot sa akin. Diretso lang ang tingin ko sa kanyang likod. Pinapanood ko ang bawat galaw niya. Tumikhim ako kasabay ng pag-tayo niya. Kusang kumalabog ang dibdib ko nang humarap siya sa akin. Ngumiti siya at unti-unting humakbang patungo sa aking kinatatayuan.


He's way different now. Mas tumangkad siya. Kitang-kita ang hubog ng kanyang muscles. Tama lamang ang laki ng kanyang pangangatawan. Sa bawat hakbang niya ay humahapit nang husto sa kanyang braso ang suot niyang kulay puting t-shirt. Napa-awang ang bibig ko. Magka-mukha sila ng kanyang kapatid. Mas seryoso lang ang aura ni Axel kaysa sa kanya.

One More StepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon