OMS 29

97 0 0
                                    

JUST FINE


I left Luisiana two weeks after our graduation. Nag-dalawang isip pa ako na ipaalam sa mga magulang ko ang biglaang desisyon. Naguluhan sila ngunit sa huli ay hinayaan din ako. I keep this undisclosed to everyone, including our common friends. Nag-alala ako na kung sasabihin ko sa iba ay madali itong makakarating sa kanya.


I stayed with Tita Cecilia while I am taking care of my enrolment in one of the Universities in Manila. It went well until Aimee found out that maybe, I ran away.


"You didn't tell me, Marge?! Why?" litanya niya sa kabilang linya, ika-tatlong linggo ko sa Maynila. "Nag-layas ka ba o ano? Wala kang pinag-sabihan? Kung hindi kami nag-punta sa bahay ninyo, di ko malalaman. Hindi namin malalaman!"


"I'm sorry. Alam ko namang makakarating din sa'yo ito. Tingnan mo ngayon." natatawa kong sabi.


Dinig ko ang marahas niyang pag-buga ng hangin. "Axel is asking me your whereabouts. Hinahanap ka niya. May problema ba kayo? Malaki ba iyon na nagawa mong lumuwas dyan nang hindi namin nalalaman?"


Hindi pa ako nakaka-sagot ay sinundan na niya ang unang litanya.


"Alam mo bang araw-araw akong tinatawagan ni Axel, nagta-tanong kung bakit palagi kang wala sa inyo. I don't know kung hindi ba niya naka-usap sila Tita sa inyo, kung hindi ba niya nadadatnan doon, but I think, hindi nga... Marge, he's calling me everyday! Hanggang sa pumunta na kami nila Sher sa inyo at saktong nandoon si Marcus. At ayon nga! Wala ka na pala sa lugar na 'to!"


For a minute, I panicked. Malaking pagkaka-sala siguro ang nagawa ko dahil sa naging reaksyon ni Aimee. What more for Axel? Will he raise hell because of this? O palalampasin na lang niya ito?


"Mabilisang desisyon ang nangyari, Aimee. For sure naman, magkikita tayo rito. Dito ka rin mag-aaral hindi ba? We will see each other soon." sabi ko.


"Mabilisan?" naguguluhan niyang tanong. Tila ang narinig lang ay ang una kong sinabi. "Ibig sabihin lang nyan, may iniiwasan ka. May tinatakbuhan ka." She said with finality.


Hindi ako kaagad na naka-sagot. Tama naman siya, e. Tumakbo ako palayo. Umiwas ako hangga't maaga.


"Marge," patuloy niya sa mas nag-aalalang tono. "Kung ano man ang problema, pwede mong sabihin sa'kin, 'di ba? I won't judge. Iyan ang lagi kong sinasabi sa'yo. I will always listen, gaano man kahaba ang gusto mong sabihin... But please, tell Axel why you did this. He is longing for you. He needs you."


Na-estatwa ako sa mga narinig ko mula sa aking pinsan. He's searching for me. He searched for me. I felt happy for a second. Sa huli ay napalitan iyon ng sakit at pait. Dahil alam ko na hindi ganoon ka-lalim ang nararamdaman niya para sa'kin. Sa tingin ko ay madali niya rin akong makakalimutan. Mas madali ito para sa kanya.


"I have to do this, Aimee. We need this."


I thought that it was the plan I had to make. No, that was the only choice I had to make. Wala na akong ibang maisip na paraan kung paano ko siya maiwawala. Kung paano ko puputulin ang koneksyon naming dalawa.

One More StepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon