CHAPTER 5

22.6K 454 22
                                    

JUN (SEBASTIAN CROSS) POV

She stopped walking all of a sudden. "Parang ayaw ko pumasok." Pati ako napahinto sa paglalakad dahil sa sinabi niya.

What the hell is wrong with this woman? We're on our way to our room, tapos bigla nalang niyang sasabihin na ayaw niya pumasok? Sometimes I wonder if this lady actually have some mental problems. She's the only person that I can't read.

"Why?" Nagtatakang tanong ko.

"I don't feel like it."

Ayan, ganyan siya. Akala mo importante ang sasabihin pero 'yon pala, ayaw lang niya. Bigla-bigla nagbabago ang isip, on the spot. Hindi ko alam kung niloloko ba'ko ng babaeng 'to o talagang ganyan talaga siya. Masyado siyang na spoiled ni Boss. Minsan gusto kong sumigaw pero hindi ko magawa dahil baka masapok ako nito ng wala sa oras, bigat pa naman ng suntok niya.

"And what if I say no?" Sinubukan kong tanong.

"I never asked for your fucking opinion, big brother." And yes cursing is always a part of her every sentence. I still wonder kung talaga bang magka dugo sila ni Boss, he may be cruel but he's a gentleman.

Talagang diniinan niya pa 'yung part na big brother huh. Napa buntong hininga nalang ako. Ano ba naman kasi ang magagawa ko kung ayaw niyang pumasok? Not like I could pull her to the room and force her to study like a good nerd that she is.

Wala naman sa'kin kung gusto niyang pumasok o hindi. I know she's intelligent, but Boss insisted that she study. But then again, I can't force her. I'll try to persuade her a little, but that's it.

"Ok 'wag na tayong pumasok, libutin nalang natin ang school."

"Bakit? Kung gusto mong pumasok, go! Hindi mo'ko kailangan samahan."


As if I would let her on her own. Malingat lang ako saglit, maya-maya naka amba na ang kamao niya. Umiwas nalang ako ng tingin at hindi siya sinagot.

"Hoy kupal ka! Kahit hindi ka mag salita alam ko na agad ang iniisip mo! Suotin mo nalang palagi ang poker face mo! Tch!" Sigaw niya sa'kin, napatawa naman ako.

"Halata pala."
Saad ko. She rolled her eyes at me then walked away. Parang buntot na sumunod lang ako sa kanya. "Where're you going?"

"Gusto ko kumain."

"Kaka-kain lang natin ng breakfast, gutom ka nanaman?"

Nilingon niya ako na para bang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. Na para bang ako na pinaka hambog na tao sa buong mundo, at talagang suminghal pa siya with wide eyes.

"Kapatid kita, you should know na wala pa sa kalingkingan ng talampakan ko ang kinain ko kanina, kaya tara na bago pa kita kainin sa sobrang gutom." Yaya niya sa'kin, pinangunahan pa ako sa paglalakad, akala mo naman alam niya ang daan papunta sa cafeteria.

Ilang beses man kami nagkanda ligaw-ligaw dahil siya ang nangunguna, salamat naman sa diyos at safe kaming nakarating sa cafeteria. Muntik pa kaming makalabas ng school grounds, dahil pinilit niya talagang manguna.

"Woah! Kung alam ko lang na buffet style pala ang school ng mayayaman edi sana sa private na din ako nag-aral noon pa, no one told me about this. Totoo nga ang kasabihan na; nasa huli ang pagsisisi." Sabi niya habang naglalaway na nakatingin sa pagkain sa harap niya.

Hindi ko tuloy mapigilan ang mapatawa sa loob ko, para siyang lalaki na tumitingin sa magandang babae. Nag eenie-meenie-maynimo pa siya kung alin ang uunahin niyan lalantakan.

Can she even finish that mountain of food? I bet she can, impossible for me though.

"Lahat 'yan kakainin mo? Kagabi din sandamukal ang kinain mo eh, ubos laman ng rice cooker. Baka sumakit naman ang tiyan mo sa dami niyan."

Nakakamangha ang pagiging matakaw niya, para bang walang hangganan ang sikmura niya. Meron bang black portal sa loob ng katawan niya? Saan napupunta ang mga pagkain? Pwede na nga ata tawaging talent ang kakaibang abilidad niya.

Para siyang human vacuum kung kumain, sigurado akong naiinggit ang ibang mga babae sa kanya, kahit sobrang takaw niya, hindi siya tumataba. Salamat sa araw-araw niyang pag-eehersisyo.

"Oo bakit? May reklamo ka? Kumuha ka ng sarili mong pagkain, katamaran nito."


Grabe, babae ba talaga 'to? Ano 'to baboy na nasa anyo ng tao? Pang tatlong lalaki ang kakainin niya, kumain na siya ng breakfast kulang pa. Ako nga hanggang dalawang plato lang eh, pakiramdam ko sasabog na'ko non. Hindi kasi ganon kalaki ang appetite ko at mabilis akong mabusog.

Since nakaka-enganyo siya panoorin habang kumakain, kumuha narin ako ng kakainin ko.

When all of a sudden, there was a ruckus by the cafeteria door.

"They're here." Bulong ng mga kababaihan.

"To think na papasok sila sa first day!" Tili pa ng isang babae.

"Buti nalang at pumasok tayo ng maaga, sulit!"

I didn't bother to check. I looked at Jingu, tuloy lang siya sa paglantak, hindi alintana ang kaguluhan na nagaganap. That's just like her. Lumala ang tilian ng mga babae. This time tumingin na'ko kasi masakit na sa taenga.

I saw four men, one of them is familiar. It was the guy that Jingu wanted to punch earlier. The girls called them Four Devas. Napakunot ang noo ko, I know that name. 

Naglakad ang apat papalapit sa'min, which I found weird. I immediately got alarmed, but enough for the four of them not to notice. Sa paglapit nila, lumalapit din ang ingay ng mga babae, pero wa-epek parin kay Jingu, basta nasa harap ng pagkain.


~THE LEGENDARY DURGA~
JINGU (AGNEZKA PARTRIARCA) POV


Sinimulan ko nang lantakan ang pagkain, baka mamaya makipag-agawan pa si Jun surot sa'kin eh. Habang kumakain ako nakarinig ako ng ingay na parang mga kumakahol na babae, hindi ko nalang pinansin dahil busy ako.

Nararamdaman ko na may tao, hindi, may mga tao sa likod ko, pero hindi ko pinansin. Kumakain ako, walang dapat na umistorbo sa'kin habang kumakain. Kundi mauulit ang history, World War 9999.

"Hey! Diba ikaw ung nakausap ko sa may garden?" May nagsalita mula sa likuran ko.

Hindi ko pinansin kung sino man ang hinayupak, baka mamaya walang kwenta lang. Kung gusto niya makipag-usap sa'kin, mamaya na, busy ako. Kinalbit niya ako, pero tinuloy ko parin ang pagkain ko.

Kumalbit nanaman siya, pero hindi ko ulit pinansin.

Kumalbit nanaman, pero hindi ko ulit pinansin.

Kung sino man ang ulol na'to na ayaw akong tigilan, t@ngina niya. Subukan niya pang kumalbit ulit nang makalbit ko ang leeg niya at mawalan siya ng hininga.

"Uy! Pansinin mo naman ako, iiyak ako."

At dahil kumalbit nanaman si g*go, marahas akong tumayo at nilingon ko ang lapastangan. Ang aga-aga pinapainit ang ulo ko. Mga istorbo! Ganito ba mga Filipino, istorbo? Hindi ba nila alam na hindi dapat sila nakikipag usap sa mga busy kumain?

"Tigil-tigilan mo'kong puta ka, baka hindi kita matantyang gago ka!" Napatayo na ako sa inis. Badtrip na tinitigan ko ang makulit na nasa likod ko. "Ano bang gusto mo?! Ba't ka nagpapapansin? Bawal manglimos dito, alis! Bwisit!"

Nagtaka ako nang biglang natahimik ang buong lugar, mga masasamang tingin ang pinupukol sa'kin ng mga babae. Kung may lumalabas lang na laser sa mata nila, siguro kanina pa'ko patay.

I looked back at the four guys in front of me. What do they even f*cking want from me? Nilingon ko si Jun, he looked back at me but there was nothing in his face. Wala siyang pakialam, obviously.

"Diba ikaw 'yung kausap ko kanina? D'un sa may garden." Tanong ng pinaka maliit sa grupo nila.

That's it?! That's what he wanted to ask? Kung ako ba ang kausap niya sa putakteng garden! Sino ba 'tong gagong 'to?! Gusto niya ba na ilibing ko siya ng buhay sa garden niya!? Bwisit!

But then again, I have things that I need to hide so I have to calm down.

Inhale...

Exhale...

"I don't know you, get lost." Kalmado kong saad.

Right after I said that, naramdaman ko na tumalas ang tingin sa'kin ni Jun. I could tell he's trying to say na 'wag akong gumawa ng hindi magandang eksena. Baka magkagulo. Sh!t! Ito na nga ba sinasabi ko eh.

"Uwaahh! You're so cruel. Susuntukin mo na nga sana ako knina eh, hindi lang natuloy dahil tinawag ka ng kambal mo."

Napakunot ang noo ko. This b@stard said that kanina lang kami nagkausap. How did he know na magka-kambal kami ni Jun? F*ck! I think delikadong tao ata ang nakabangga ko. This is not good. D@mmit! Wala pa nga akong isang linggo dito eh, t@nginang buhay naman 'to oh!

I'm in a tight pinch people.

I heard some students, they were whispering to each other. Probably about me or rather sa amin, after all, nasa amin lahat ng atensyon. I can feel that all of the women are glaring at me, dahil ata sa sinabi ng kupal na'to na susuntukin ko siya dapat kanina.

"Sino ba 'yong bitch na 'yon? Ba't siya kinakausap ng kings?"

"Susuntukin daw sana niya si Tao! How dare that f*cking nerd!?"

"Gusto ata makatikim nitong b*tch na 'to eh. Pero infairness gwapo 'yung kambal niya."

"Gwapo nga ng kasama niya."


Tinititigan na'ko ni Jun, pahiwatig na 'wag kong hayaan na uminit ang ulo ko. I need to settle this quietly or else hell will break lose. Hindi ko pwedeng basta-basta nalang paganahin ang kamao ko. Isa akong normal na tao ngayon, hindi ako si Agnezka o ang Durgatinashini.

Ako si Jingu Hitsugaya, a normal college student.

"Pasensya na, hindi ako ang taong hinahanap mo. Wala akong alaala na nakausap kita, hindi pa ako nakakapunta sa garden na sinasabi mo. This is my first day here." Malumanay kong wika.

Wow! Agnez you are so awesome! Improving! Good! Keep up the good work, great Agnez. Hindi ko maiwasan ang mapangiti sa loob-loob ko.

Pagkasabi ko nun tinalikuran ko na sila, tinuloy ko ang nagambala kong pagkain. I smiled at Jun, he smiled back, para bang sinasabihan niya ako ng 'good job'. Nagulat nalang ako nang biglang umupo ang isa sa kanila sa tabi ko, it was the same guy who kept on bugging me.

This b@stards are really getting on my nerves. Wala pa atang balak na iwan nalang kami. Kining ina! Dahil hindi ko na napigilan ang sarili ko, naihampas ko ng malakas ang kamao ko sa mesa at padabog na tumayo.

"Fuc---" Inamba ko ang kamao ko, handa nang suntukin ang hinayupak, pero agad akong pinigilan ni Jun.

"Let's go." Mahinang saad nito habang hawak-hawak ang nanginginig kong kamao.

I looked the four guys dead in the eye. Labag man sa kalooban ko sinunod ko na si Jun at umalis na kami. I hate wasting food, kaso no choice eh. They knew na kambal kami ni Jun. Kung sino man ang apat na bugok na 'yon, for sure I need to beware of them.

Good thing dahil hindi na nila kami sinundan. If they continued to persist, I would kill them. Ilulubog ko sila sa pinaka ilalim ng dagat para walang maka alam ng pangyayari.

Habang naglalakad, sinilip ko si Jun, still wearing his poker face.

"Jun, sorry, I caught unnecessary attention."

He looked at me without saying anything. Hindi ko tuloy alam kung galit siya sa'kin dahil sa nangyari. That wasn't my fault you know, they were the one trying to piss me off. I even did my best to calm myself down. I didn't use my fist like I usually would. I held a lot back, I should be rewarded for being gracious.

Bigla ko nalang naramdaman na may kamay na pumatong sa ulo ko, sabay ginulo ang buhok ko. Agad na uminit ang ulo ko, babalian ko sana si Jun sa ginawa niya nang matigilan ako. He was smiling, althought it looks like a forced one, nahawa na'ko sa ngiti niya. Naalala ko ang pakiramdam ko sa twing kasama ko si Fratello noon, this ain't bad.

Hindi naman siguro masama kung iisipin ko na totoong kuya ko narin siya.

"I like it." Biglang sabi ko, then he asked what I liked. "This! Us! It's not that bad, being Hitsugaya siblings."

"I feel the same."
Sabi niya but then I saw a speck of sadness in his eyes. "By the way, I know those boys earlier."

"You do? Sino 'yung mga hinayupak na 'yon?!"
I'll have them pay for ruining my eating session.

Dahil sa mga bastardo na 'yon kinailangan kong umalis! Ayaw ko pa naman sa lahat ay 'yung nagsasayang ng pagkain, maraming batang gutom! And I'm one of them! This sin they carry is punishable by death, starvation!

"Sila ang Apat na Deva Kings."

"Deva Kings?"


I feel like I've heard it somewhere before? Hmmm. Saan ko nga ba narinig ang pangalan na 'yan? Ah! Kay Ryuu, he did mention that group before, but I don't remember why. Well, not like may kwenta ang pinagsasasabi ng lalaking 'yon sa'kin, kaya hindi ko na inalala masyado.

"Are they strong?" I asked.

He shrugged. Napakunot ang noo ko ng konti, pero binalik ko din naman agad sa dati. Naramdaman ko kasi na may sumusunod sa'min. I could tell na napansin din naman agad ito ni Jun. Hindi kami lumingon para hanapin ito, we both walked, acting as if we don't know anything and continued talking about random things.

Kanina pa ba kami sinusundan nito? O baka naman tauhan 'to ni Nonno? O di kaya nung Deva Kings?

"They seemed to be feared here in Philippines." Biglang saad ni Jun.

"Feared? Ha! That means Philippines is so weak that they fear a bunch of kids. How pathetic." Natatawang saad ko.

"You should never underestimate your enemies. That's one of our codes." Paalala niya sa'kin, ang mukha strikto.

I looked back at him and smirked, I didn't respond and just stayed silent. Look at him acting all tight up. Sa bilis kumalap ng impormasyong ng grupo nila, I doubt they're normal. Hindi na nakakapagtaka.

This should be interesting.

"Baka nakakalimutan mo, so let me remind you. You're Jingu Hitsugaya my little sister, not Agnezka Patriarca." Jun stated with a warning tone. Simply telling me na 'wag susubukang labanan ang mga 'yon. What should I do? They're making me lust for blood. "Let's go back home, I'll show you something."

I looked at him with questioning eyes, but he just smirked. "Ok."

Pagdating namin sa bahay umakyat agad siya sa kwarto niya, pagbaba niya may dala na siyang folder. Inabot niya sa'kin na agad ko namang binuksan. It was information, profile ng apat na lalaki kanina, Four Deva Kings.


~~~



Name: Kobayashi Tao - King of the North, the all-knowing. Leader of the Black Sphinx Gang. Son of a fashion designer and a billionaire computer software engineer.
Weapons: Shurikens, Bombs, Strings.
Abilities: Excel's in using any kinds of machinery, trained to be a great spy ever since a kid.
Birthday: March 25, 1993 (18) Aries

Name: Shark Smith - King of the east. Leader of Blue Pegasus Gang. Guradian of the Nation. Son of the Prime minister in United kingdom.
Weapons: Knuckles and pure strength
Abilities: Fighting with many opponents with no worries, great stamina.
Birthday: November 13, 1993 (18) Scorpio

Name: Regis Lowsley - King of the west. Leader of White Hawk Gang. punishes those who oppose. Adopted son of a great doctor in America.
Weapons : Chains.
Abilities : Can pinpoint peoples vital points easily with great agility.
Birthday : December 10, 1993 (18) Sagittarius

Name : Yamazaki Takeo - King of South. Leader of the Red Phoenix Gang. One who expands wisdom. Son of the best Yakuza Family in Japan. (oldest within the four kings)
Weapons: Guns and short swords
Abilities : He can use any kind of Guns and has been trained to be the next boss of the Yamazaki Group.
Birthday : January 18 , 1993 (19) Capricorn

~~~

"Deva Kings huh, interesting." 
Komento ko habang patuloy na binabasa ang information nila. Nadadagdagan ang excitement ko lalo na kapag mukhang may ibubuga ang kalaban. Matagal-tagal narin akong hindi nakakakita ng malakas na kalaban. Subukan ko kaya sila? I'm itching for a fight and thirsty for blood.

"You look excited." Jun declared habang nakahalukipkip sa may hagdan. Eyeing me with probing eyes.

I sneered, then looked back at the profile of the four guys. "What makes you say that?" I asked then threw back the folder on the table and looked at him with a challenging gaze.

"The word excitement and bloodlust is written in caps lock at your forehead."

"Haha! Yes! I'm in ecstasy right now, my hands are dying to be scratched. It's so itchy, so fucking itchy."

"I thought you wanted a peaceful life, that's why we're here in Philippines."
Parang napapagod na saad niya at naupo.

"I know." I stood up and walked towards the window and stared there, after a couple of seconds I looked back at him. "But I can't control it. Any more minute and I'm gonna burst and just attack anybody. You can't blame me for being such a bloodthirsty monster you know. It runs in the blood, reprimand my Nonno or ancestors if you want."

Kung hindi niya lang pinakita sa'kin ang profile na apat na 'yon, edi sana hindi ako ganito ka excited.

"You see, these kind of opponents are rare, even in Italy there's only a few." Naglakad ako papalapit sa kanya, yumuko ako para magkatapat ang mukha namin and I made sure that I'm close enough to intimidate him. Then I whispered. "You should let me play once in a while big brother or would you like to be my playmate?" I continued, trying to provoke him but all he did was sigh.

"Ok, sundan mo ako." Saad niya sabay naglakad na palabas ng bahay, papunta sa kotse.

Sinundan ko lang siya ng tingin. Ano naman kaya ang plano ng isang 'to? Pagpasok niya sa sasakyan, binuhay na niya ang makina, pero hindi ako pumasok. I still didn't know what he was planning.

"Saan naman tayo pupunta?"

"PLAYGROUND."

©IF02

The Legendary DurgaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon