CHAPTER 22

16.1K 328 14
                                    

JINGU (AGNEZKA PATRIARCA) POV

"Jingu, gising na malalate tayo."

Isang normal na umaga nanaman, kung saan pumapalibot nanaman sa buong bahay ang walang tigil na bunganga ni Jun, daig pa ang mother-in-law kung magbunganga. Hindi na ako natutuwa sa ganitong pangyayari araw-araw, lagi nalang akong nabubulahaw sa umaga.

Life is a five letter word, B*TCH!

"Ok! Ok! Ok! I heard you for the f*cking hundredth times, b*stard! Could you start my day any worse? I'll friggin' kill you one of these days." Pagpapatahimik ko sa kanya, salamat naman dahil tumahimik siya. "I better stock up a good quality grenade and feed it to him."

Nag unat-unat muna ako ng ilang beses na parang pusa bago bumangon sa kama, pag bangon ko nag unat-unat ulit ako ng ilang libong beses pa. Pagpasok sa banyo naligo na'ko at nagbihis.

Nasa hagdan palang ako pababa naamoy ko na agad ang pandesal na binili niya sa kabilang kanto, pati hotdog, itlog at bacon na niluto niya. This is what you call the typical morning cuisine, hinding-hindi ako magsasawa sa ganitong breakfast, promise.

I could eat these things for lunch and dinner.

Paglapit ko sa mesa naghuhugas na agad siya ng pinggan na ikinakunot ng noo ko. He usually leave those things to the maid, we actually have one, if you guys didn't know.

"Hoy! Tara na kain na, mamaya mo na tapusin 'yan, rather wag na kasi may dadating naman na katulong. You don't need to finish that you know."

"Nah, tapusin ko na. Wala pa naman siya, ayaw kong iwan ang mga plato dito sa lalabo na naka tambak."


"Wow! Typical housewife lines. Hey mommy, come and eat with poppy." Pang-aasar ko pa, kasabay noon biglang tumunog ang doorbell, nagsasabing nandyan na ang maid. "Oha! 'Yan na si Manang, lika na kumain ka na dito." Yaya ko pero hindi parin siya lumapit o lumingon manlang sa'kin, tinuloy lang niya ang paghuhugas na parang walang narinig.

"Hindi, sige na mauna ka na, hindi ako gutom."

"Halika na, wala akong kasabay kumain."

"Hindi talaga kasi ako gutom eh."


Aba 'tong hindot na 'to, talagang hindi niya manlang ako nililingon. Kanina pa niyaya kumain ang dami pang arte, pabebe masyado. Nilapitan ko nga sabay hinila paupo sa table. Hindi kasi makuha sa salita, gusto santong paspasan.

Nang bubulyawan ko siya, natigilan ako sa nakita ako. Shock would be an understatement, my mouth hanged for a moment. I was in deep shock na kung hindi siya nag ehem, hindi ako makakabalik sa reality.

"W-what the..." Tinignan ko siya maigi, umiwas siya ng tingin. "Sino ka?!" Gulat kong tanong, hindi lang halata.

Sino ba naman kasi ang hindi magugulat sa itsura niya ngayon? Buong puso kong sinubukan na pigilan ang pagtawa ko pero hindi ko kinaya, napahalakhak ako ng malakas, halos gumulong na nga ako sa sahig dahil sa kakatawa. Dumating pa sa punto na sobrang sakit ng sikmura ko at nahirapan akong huminga.

"Tch! Kaya ayaw ko ipakita sa'yo eh." Nakahalukipkip na saad niya, habang magkasalubong ang kilay.

Meron lang naman siyang malaking black-eye, courtesy of yours truly. Ito ang kinalagyan niya dahil sinuntok ko silang dalawa ni Kang Hoo kaphapon. I didn't expect na mag ma-marka, hindi ko naman nilaksan maigi ang suntok and it wasn't my intention.

Pinilit kong pigilan ang tawa ko pero hindi ko talaga kaya, kusang lumalabas at ayaw tumigil. Pakiramdam ko nasisiraan ako ng bait, 'pag pinipilit kong pigilan lalong lumalakas at lumalala.

It's just so hilarious, it's killing me.

"Ikaw kaya ang may gawa nito, at least try to be a little sorry."

"Sorry."
Hingi ko ng tawad habang natatawa parin.

"Very cute apology, I don't feel an ounce of regret."

"HAHA! Come on, I'm sorry, really. Hindi ko naman ine-expect na magkaka black-eye ka eh."

"Let's eat, malalate na tayo."

"Roger."


Hanggang sa makarating kami sa loob ng sasakyan pinipigil ko parin ang sarili ko sa pagtawa, sa tuwing mapapalingon siya sa'kin natatawa talaga ako. Sa inis niya sa'kin nag-suot siya ng shades para matakpan ang black-eye niya, in the end natawa parin ako habang nabyahe.

Pagdating sa school naabutan namin si Kang Hoo na kararating lang at inaayos ang big bike niya. Lumingon siya nang napansin niya ang pagdating namin, nagpigil ako ng ngiti nang makita na gaya ni Jun naka shades din siya.

Lumapit ako sa kanya na may masamang ngisi.

"B-bakit?" Tanong niya nang bigla ko siyang lapitan.

"Ganda ng shades mo ah, saan mo nabili 'yan?" Kunwariang tanong ko pa. "Pwede arbor?"

"Hindi, bumili ka ng sarili mo."

"Edi, pwede pa try?"

"Hindi."

"Bakit naka shades ka?"

"Wala ka na d'on."

"May tinatago ka ba?"

"WALA! Ba't ang kulit mo?! Bumalik ka na nga sa kapatid mo!"


Humarang ako sa harap ni Kang Hoo na ikinagulat niya, umabante ako para hablutin ang shades niya, iilagan sana niya ako pero mas binilisan ko ang kilos. Gumulong-gulong agad ako sa sahig nang makita ang malaking black-eye na parehong-pareho kay Jun. Humalakhak ako ng malakas na nagpahinto sa ibang mga estudyante na naglalakad.

"Dios mio! This is God d*mn hilarious."

Naiinis na binawi ni Kang Hoo ang shades niya sa'kin, now dalawa na silang naka shades. Tinigil ko na ang kakatawa dahil kasalanan ko naman kung bakit sila nagkaroon ng ganyan, although natatawa parin ako minsan 'pag natatanaw ko sila.

Habang sabay kaming tatlo na naglalakad papunta sa classroom napansin ko nalang na may namumuong gulo nanaman sa pagitan nilang dalawa. Paglingon ko nagbabangayan sila na parang mga batang paslit.

"Sa ibang daan ka nga dumaan." Saad ni Kang Hoo.

"Bakit hindi mo gawin, ikaw ang nakaisip diba? Uutusan mo pa'ko." Jun.

What are they, kids? Definitely.

Bago pa sila magkaabutan dito humarang nako sa gitna, pinatunog ko ang kamao ko para tumigil sila, thank Gods kasi na-gets nila. Buti naman at hindi ko kailangan mag banat ng buto sa umaga. I'm not in the mood to swing my fist, may araw din kayang ayaw kong pumatay.

Pagpasok sa room nandoon na ang Four Devas, doing their usual routine. Regis is flirting, Tao is doing something on his phone, Shark still looking blankly and Takeo reading a book.

Pagkakita ni Tao at Regis sa pagdating namin kumaway-kaway agad sila, akala mo kinakawayan nila 'yung mga fans nila, while Shark and Takeo remained unmoved, as usual.

"Cutie, goodmorning." Sabay abot sa'kin ni Tao ng pockey na strawberry flavor. "Here, pockey."

I'm starting to like this little guy, he keeps on giving me treats without even me asking and I sh*t you not, he do it everyday. Most of all puro mga strawberry flavor pa ang binibigay niya, which is my number one favorite flavor in the whole wide world, second is chocolate.

"Thanks." Nginitian ko siya ng matamis.

Nagtaka ako nang biglang mamula si Tao, tumakbo siya papunta sa pwesto niya at naupo na parang bata na nakasulyap sa crush niya. I looked at him, nang mapatingin siya sa'kin yumuko siya sa desk niya na parang natutulog.

The hell is wrong with this guy? He must be touched in the head.

Napalingon ako sa dalawang lalaki sa tabi ko, si Jun at Kang Hoo, both looking dreary as always. Binuksan ko ang pockey sabay sinubuan ko sila tig-isa ng pockey sa bibig, take note, pwersahan. The black air around them is suffocating, although it's my fault.

So I gotta fix this.

"Kumain kayo ng pockey, ang dilim ng aura niyo eh, pwede bang itigil niyo 'yan? Ang hirap huminga 'pag magkabilaan na madilim ang hangin. Are you guys trying to ruin my day?" Pakiusap ko sa kanilang dalawa pero walang nagbago. Dumating na ang professor at nagsimula nang magturo, mukhang napansin niya ang dalawang naka shades.

"Bakit naka shades kayong dalawa sa loob ng room?"
Tanong ng professor, but his question remained unanswered. Ini-snob lang naman siya ng dalawang katabi ko.

Pinabayaan nalang ng professor ang dalawa, alam naman kasi niya na hindi nila tatanggalin ang shades kahit na magsasasayaw siya ng hubad sa harapan, kahit pa mag baliw-baliwan siya. Tumingin ako sa kanan kung nas'an si Jun, tahimik lang si siya, the same with Kang Hoo.

Lumipas ang ilang subjects na wala talagang umiimik sa kanila. I even wondered kung humihinga pa ba sila, or kung tao pa ang katabi ko, mamaya manika nalang. Actually na-miss ko ang ganitong panahon, tahimik, walang ingay at walang istorbo. The days na tahimik lang kami ni Ryuu, hanging at our usual place.

Nag-ring na ang school bell, pahiwatig na lunch break na, agad naman na lumapit sa'kin si Tao na para aso, which he is.

"Let's eat?" Yaya ng cute na cute kong pet chihuahua, let's name him Tao-chi.

Naglakad kaming pito papunta sa cafeteria. Habang dinadaldal ako ni Tao at Regis, siya namang sobrang tahimik ng apat na kalalakihan sa likod namin, akala mo nakatahi ang mga bunganga nila. Well, bahala sila sa buhay nila. Ok lang 'yung dalawa na si Shark at Takeo, lagi naman kasi silang ganyan katahimik, panis nga ata laway niyang mga 'yan eh.

Pagpasok na pagpasok namin sa cafeteria, of course, agaw pansin nanaman ang grupo nila Kang Hoo. Siyempre dahil nandito kami ni Jun at kasama sila, marami agad ang nag-react, especially ang mga babae.

'Bakit kasabay niya ang Kings?' 'Grr, magkadikit pa sila ni Tao!' 'Look naka shades si Kaiser ang cool niya tignan!' 'Pati 'yung isang naka shades, gwapo!' 'Ok lang 'yung naka shades na isa, pero 'yung babae d'on, hindi ok.'

I wanted to say, rinig na rinig ko ang bulungan niyo girls. Hindi naman ako mahilig makipag-away, lalo na sa mga mahihinang tao, walang thrill 'yon. Basta 'wag lang sosobra ang kabastusan sa harap ko.

Umupo na kami sa pwesto na walang nakaupo, ang trono nila. Ang ganda lang ng pwesto, sa gitna ng cafeteria, mukhang reserve pa nga itong pwesto na 'to kasi wala talagang bumalak na umupo dito from the start. Paano naka assign na kasi ang seat na ito para sa grupo ng mga mokong, and since markado na ito ng gay group, walang nagtatangka.

Nag prisinta si Tao na siya na ang kukuha ng pagkain para sakanila and since gusto ko pumili ng pagkain sumama na ako sa kanya. As always, buffet nanaman ang pagkain, sarap! Mapapadami nanaman ang lamon ko nito, although araw-araw naman talagang madami.

Pagdating namin ni Tao sa table, gulat na gulat ang mga mokong sa dami ng laman ng plato ko. Sorry ha, medyo gutom ako, gutom na gutom. Tsaka ang sarap kasi ng pagkain dito sa cafeteria. So habang gulat ang mga mokong, hindi ko na sila pinansin, kumain na kami ni Jun since sanay naman na siya makita ang katakawan ko.

"Ang takaw mo pala." Komento ni Regis pero hindi ko 'to pinansin. 'Wag kakalimutan, ayoko na nakikipag-usap habang kumakain. Unless importante ang pag-uusapan, kaya galit-galit muna tayo.

Nabulunan ako bigla.

"Calm down woman, hindi tatakas ang pagkain mo. Mahaba pa naman ang oras, you don't have to rush." Saad ni Kang Hoo sabay inabutan ako ng tubig at hinimas-himas ang likod ko.

Gahaman ko itong tinungga, then tinuloy ang pagkain ko, as if nothing happened.

Sobrang nabusog nanaman ako ngayong lunch, grabe, sarap talaga ng pagkain sa university na 'to. Hindi na'ko nagsisisi na pumunta ako sa maliit na bansang 'to. Now that I think about it, bakit nga ba magkakasabay kami ngayon kumain? Ano na ang nangyari sa kahapon na nagsuntukan si Jun at Kang Hoo? Nakalimutan na ba nila 'yon?

"Tambay tayo sa likod." Yaya ni Kang Hoo.

Tumango si Tao sabay kumapit sa'kin na parang koala. "Hehe."

"Ba't ba masyado kang madikit? Para kang babae na ayaw hiwalayan ang boyfriend. Put some distance man, ang init-init na nga eh."

"Gusto kitang katabi eh."
Medyo naluluha pa ang mata ni Tao.

Pinabayaan ko nalang, kahit naman ilang beses ko siyang paalisin babalik at babalik siya, parang aso or maybe mas maganda kung sabihin kong parang peste? Huminto na ako nang matapat kami sa pintuan ng next subject namin ni Jun, pati sila napatigil at nagtatakang tinignan ako.

"Ba't ka huminto?" Tanong ni Kang Hoo.

"Obvious ba? Papasok na'ko, malapit na ang next class ko, eto na 'yung room oh." Turo ko pa sa pinto ng classroom.

"Meron tayong dapat pag-usapan diba?" Sabi ni Kang Hoo, his face saying, are you ok?

Tumingin ako kay Jun na blanko ang mukha, he just gave me his signature fake smile. That means, yea-let's-go-with-them. Kaya sumama na ako sa tambayan ng mga bugok.

I'm actually starting to pity my after luch professor, kahit isang beses hindi ko pa napapasukan ang klase niya. Kailan kaya ako makakapasok sa klase na 'yon, siguro never in this life.

Pagdating namin sa tambayan nila, agad kaming humilata ni Regis at Tao sa couch. Pare-pareho kasi kaming busog na busog at siyempre 'pag busog gusto maupo lang o mahiga.

"Laro tayo." Biglang aya ni Regis.

"Ilang taon ka na ba para maglaro? Feeling bata ka eh 'no?" Taas kilay ko sa kanya.

Nginisian ako ni Regis, mapanghamon na ngisi. "Bakit, natatakot ka ba na matalo ka ng batang 'to?" Banat niya sa'kin.

As if namang magpapatalo ako sa hung-hang na 'to. "Bring it on!" Hamon ko.

Nilabas ni Takeo sa kung saan ang mga game consoles nila at sinet-up na ito para magsimula kaming mag laro, sasali ata si Takeo. I didn't expect him to be the kind of guy that play games. Nakita ko ang Tekken so 'yon ang naisipan kong i-suggest na laruin namin.

It's been quite a while since I've played this game. Marunong pa kaya ako? I wish, ayokong matalo sa mokong na 'to.

"Eto ang lalaruin natin." I suggested.

"You have good taste, Cutie." Puri ni Tao.

"So sino ang kalaban ko?" Maangas kong tanong sa tatlo na gusto ring sumali. Naglaro silang tatlo ng jack-en-poy para malaman kung sino ang aking makakatunggali, nanalo si Regis.

Nagsimula na kaming dalawa, ginamit niya si Jin Kazuma at ang gamit ko naman ay si Lili. Paburito ko si Lili, not because her character design is very beautiful and not because I'm a girl and she is too. Mahusay kasi ang mga galaw niya, gusto ko ang mga sipa niya at maganda pa ang buhok niya, kaya siya ang nakakadalasan kong ginagamit.

Magsisimula na ang laban, chini-cheer ako ni Tao na medyo nag mo-motivate sa akin.

Round 1

Ready!

FIGHT!

Pagka start na pagka start ay siya naman ang biglang pagdilim ng screen, no hindi siya dumilim, naging plain black lang ang TV, it went dead. Calling customer service; black, blue, snowy screen. Joke!

Pinatay pala ni Shark, tinanggal niya sa sasakan ang TV.

Problema nitong pipi na'to?!

"Ba't mo pinatay Shark?!" Naiinis na tanong ni Regis, ang kilay nagsasalubong na.

"Oo nga, magsisimula na eh." Dagdag pang protesta ni Tao, si Takeo naman tahimik lang na nasa sulok, akala mo hindi siya sangkot sa laro namin.

Lumapit si Kang Hoo at pinagbabatukan ang dalawa. "Hindi tayo nagpunta dito para maglaro kayo ng Tekken!" Bulyaw pa nito.

Nag pout si Tao at Regis, akala mo naman cute. Hindi binatukan ni Kang Hoo si Takeo, madaya, may favorite. Lumapit sa'kin si Jun, blanko ang mukha niya, galit din. Umiwas ako ng tingin, well I know na mali ako sa part na 'yon, pero para 'yon lang eh.

Ba't ba ang aarte ng mga lalaki ngayon? Daig pa ang babae, kainis.

Matapos ligpitin ng dalawa ang game consoles, naupo na kaming lahat ng maayos, seryoso narin kami. Of course magkatabi kami ni Jun, at nasa harap naman namin ang grupo nila Kang Hoo.

"So, anong kailangan niyo sa'min?" Tanong ni Kang Hoo.

"Impormasyon." Jun.

"Anong klaseng impormasyon?" Kang Hoo.

"Lahat, lahat ng underground events na nangyari dito sa Pilipinas at saka ang rason kung bakit niyo kailangan hanapin ang babae na hinahanap niyo." Tanong ni Jun, nagsisimula nanaman ang question ang answer.

"We can always give you information, if that's all you want. But before anything else why don't you guys tell us who you are. Saan kayo nanggaling? What are your plans? We know na peke ang profiles niyo." Akusa ni Kang Hoo.

Pinaulanan kami ni Kang Hoo ng tanong, I remained silent, hindi ako magaling sa mga ganitong usapan, isa pa si Jun naman ang may pasimuno nito kaya bahala na siya diyan.

"Patriarca Famiglia." Sagot ni Jun

Gamuntik-muntikan na akong mabulunan. Kung umiinom lang ako ng tubig ngayon, siguro kanina ko pa nabigyan ng shower ang lima na nasa harap namin. What is he thinking? Bakit niya sinabi? Kahit kailan talaga hindi ko maiintindihan ang takbo ng utak ng lalaking 'to. What is wrong with him?

"Hey!" Sigaw ko kay Jun, but it seems like he didn't hear me or rather, hindi niya 'ko pinansin.

"Tungkol naman sa profile namin, oo peke 'yon, pero totoo ang mga pangalan namin." Dagdag pa ni Jun, kalahating kasinungalingan.

"Partriarca?! Anong ginagawa niyo dito? Anong posisyon niyo sa family?" Hindi mapakali na tanong ni Kang Hoo.

Looks like hindi niya inaasahan na parte kami ng malakas na family. Well, if I was in his position, I would be shocked too. Everybody gets shocked and scared when they hear the Patriarca Family name.

"I answered your question, isn't my turn now?" Now Jun's back with his killer smile. "May alam ba kayo sa Pulang Ulan?"

Pulang Ulan? What the hell is that? I think I heard it somewhere, but I don't really remember. Ano naman kaya ang tungkol d'on? Is it like, a deadly battle that it almost rained blood?

Something like that?

Nakita ko na sumimangot ang mukha ni Kang Hoo, naging mapait naman ang madalas na nakangiting mukha ni Tao.

Bakit ganito nalang kung magbago ang reaksyon nila? Especially Tao, the guy who smiles even if there's nothing to smile at. Karumal-dumal ba talaga ang Pulang Ulan na 'yon? Dahil kung iisipin, ang ibig sabihin n'on ay umuulan ng dugo.

"Ba't mo tinatanong 'yan?!" Biglang sumingit si Tao.

Kapansin-pansin na mainit ang ulo niya bigla at sobra ang pagkakasalubong ng kilay niya, parang nagbanggaan na truck. Galit siya, bakit?

"Dahil kailangan namin ng impormasyon tungkol d'on." Simpleng sagot ni Jun.

What's wrong with my little humanoid pet? Hindi pa man kami nagkakasama ng ganoon katagal, I know na hindi siya ang uri ng tao na biglang mangungunot ang noo ng mababaw lang ang dahilan. Marahas na tumayo si Tao at nag walk-out.

Just what in the Satan's-hairy-ass was that?!

"Pasensya na kung biglang naging ganon si Tao, black topic kasi 'yon eh." Hingi ng tawad ni Regis. "Tungkol sa Pulang Ulan, matagal nang pinagbawalan na pag-usapan ang bagay na 'yon, alam ng buong taga underworld dito sa Pinas na hindi pwedeng pag-usapan ang nangyari noong panahon na 'yon." Paliwanag pa nito.

This guy, pati siya namutla na. Now, this is making me more curious.

"Anong koneksyon ni Tao sa Pulan Ulan?" Tanong ko.

"Wala kaming karapatan para sabihin kung ano ang nangyari, maganda sana kung hindi natin pag-uusapan ang tungkol d'on. You guys can ask another question, just not that one." Sagot ni Regis.

"Ngayon naman, ano ang Pulang Ulan?" Sunod kong tanong.

Again he didn't answer, not one of them did. Yumuko lang si Regis and the rest all got serious faces. What a hard to get boys.

"Play safe, huh."

©IF02

The Legendary DurgaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon