JINGU (AGNEZKA PATRIARCA) POV
Tahimik na naglalakad kami ni Jun sa hallway, habang ang ibang mga estudyante nakatingin sa'min, as per usual pinag-uusapan ang gwapo kong kakambal. Usually nagkwe-kwentuhan kami habang naglalakad or nakikinig siya habang nilalait-lait ko ang mga nadadaanan namin. But this time it seems he's occupied with something or somebody, he keeps on doing something on his phone.
Umirap nalang ako. Hindi ko na siya tinignan at tinignan nalang ang mga tao sa paligid ko at sinimulang lait-laitin sa utak ko.
Biglang pinutol ni Jun ang katahimikan sa pagitan namin. "Jingu, mauna ka na sa room, pupuntahan ko lang ang Chairman."
Hindi na niya hinintay na um-oo ako, usually he would wait for my answer pero umalis lang siya tuloy-tuloy. Ano naman kaya ang gagawin niya sa office ng stiff na babaeng 'yon? Parang robot din gumalaw 'yon, just like him, bagay sila. For sure pag nagkaanak silang dalawa si Astro Boy ang lalabas.
So I watched his back as he hurriedly go on his own way. Gusto ko man itanong kung anong gagawin niya doon, most of the time he would say something, but he didn't. Hmpf! I don't care. I started walking away, medyo natatandaan ko na ang pasikot-sikot sa university na'to, kaya pwede na'ko maglakad mag-isa. Kinuha ko ang cellphone ko at nagsalpak ng earphone, naghahanap ng magandang kanta.
Habang naglalakad, pagtingala ko hindi na pamilyar sa'kin ang kinalalagyan ko. Dios mio! Don't tell me naliligaw nanaman ako? Where the hell am I now? And there seems to be no one in here.
Masakit man isipin at tanggapin pero may direction problems ako, mabilis kong nakakalimutan ang mga lugar. Unless that place leaves me a good impression, but you see, school sucks so I don't have the space in my brain to bother remembering it.
Tinignan ko ang paligid, I'm doomed. I'm definitely lost. How great! Siguro kailangan ko na ng aso para mag lead sa'kin kung saan ako dapat pumunta? Why the hell does this place have to be this d@mn big?! D@mmit!
Maglalakad-lakad nalang ako at baka sakaling maawa sa'kin ang panginoon at dalhin ako sa room ko.
Napapansin ko na parang puro puno nalang ang nakikita ko, mas lalo pa yata akong napapalayo at naliligaw. Mukhang hindi pa naman ako nakakalabas ng university dahil wala pa naman akong nadadaanan na gate o bakuran.
Nasaang parte na ba ako ng school? Or should I ask, nasa school pa ba ako? Maganda ang lugar at mahangin. Walang katao-tao, which is not a good thing for me. Walang tao, means walang mapagtatanungan kung nasaan ako.
"D@mn it!" Napamura nalang ako.
Kasalanan 'to ni Jun. Kung hindi lang siya lumandi muna kay Chairman at hinatid muna sana niya ako, edi sana hindi ako naliligaw ngayon. Inuuna pa kasi ang landi. Kingina!
After walking around for half an hour, I seem to be just going around in circles. I decided that its stupid to continue wasting my time. Para akong naghahanap ng treasure chest sa ilalim ng dagat, inside Bermuda Triangle pa.
Nahiga nalang ako sa damuhan, nakikinig ng magandang OPM songs at pinikit ang mga mata. Dinama ko ang simoy ng hangin at huminga ng malalim. Sarap sa pakiramdam ng fresh air, puro polusyon nalang kasi ang nasasagap ko, at least makakapag pahinga ang lungs ko sa maduming hangin ng bansang 'to.
Sana ganito palagi.
Habang nag mumuni-muni ako, bigla naman akong nakarinig ng hindi kaaya-ayang ingay na medyo nagpasira ng mood ko. Feel na feel ko na ang refreshing air, tapos may sisira. Pakiramdam ko pa nga nalilinis ang lamang loob ko dahil sa sariwang hangin.
Pinilit kong huwag nang pansinin ang ingay, pero wala talagang nakakaistorbo na. Kunot noo akong bumangon at sinundan ang maingay na tawanan. Papalapit ng papalapit ang ingay sa bawat yapak ko.
Nang makalapit na'ko, I saw a guy lying on the ground, with bruises on his body, crying helplessly and kept on saying he was sorry.
Tinignan ko maigi kung ano ang nangyayari. Pinagtutulungan ang kawawang lalaki, sinisipa nila ito habang nagtatawanan sila na parang mga abnormal. Bullying? Are you serious? Aren't they too old to be doing stupid sh!t like this? Gosh! It's the 21st century, hindi na uso ang pang-bubully.
Nakatiklop ang lalaki habang nagmamakaawa na tumigil na ang mga mokong sa pang-aapi sa kanya, pero parang wala silang naririnig at tinuloy lang ang kanilang happy-bully. Nainis ako bigla, not because of the pitiful guy, but because they ruined my good-peaceful morning.
Tumingin ako sa paligid ko ng maibabato sa kanila, I saw a small rock. Pinulot ko ito at inasinta sa ulo ng isa sa kanila.
*pak*
After that agaran kong nakuha ang atensyon nilang lahat.
"Aray! Tangina, sino 'yon!?" Galit na sigaw ng lalaking binato ko sa ulo habang hawak niya ang unti-unting bumubukol niyang ulo.
Lahat sila tumingin sa'kin.
Hindi ko alam na uso parin pala ang bullying sa college. Ang immature naman ata? Don't you think so? Ok sana kung gang war, but hey this is different. Stupid and idiotic at the same time.
Nakita ko pa kung paano kumislpa ang mata nung batang binubugbog. He looked at me with sparkling eyes, of course, ako ang kanyang knight in shining uniform. Paslamat siya chicks ang nagligtas sa kanya.
"Hoy babae! Ikaw ba ang bumato sa'kin? Kilala mo ba kung sinong kinakalaban mo?!" Maangas na tanong nung binato ko.
Umiling ako. "Hindi kita binato, nanonood lang ako dito. Siya ang nagbato sa'yo." Tumuro ako sa isa sa mga kaibigan niya na medyo may kalayuan sa kanila na kaninang nakikitawa lang.
"Siya ang bumato sa'kin?" Tanong pa nito, tumango lang ako ulit. "T@ngina ka, ba't mo'ko binato?! Gusto mo ding masaktan?!"
Biglang kinabahan ang lalaking tinuro ko, namutla pa nga ang mukha. "P-pare hindi ako ang bumato sa'yo, 'yung babae." Sabay balik na turo sa'kin nung lalaki.
"Ba-bakit naman kita babatuhin?" Nag iyak-iyakan ako at kunwariang natatakot. "Nakita ko na babato din sana siya sa lalaki, pero ikaw ang natamaan. Gusto ko lang naman magtanong kung saan ang daan pabalik, nakita ko nalang siya na pumulot ng bato." Sabay tumulo na ang peke kong luha.
"Tarantado ka, nanisi ka pa ng babae!" Sabay sinimulan niyang pagsuntok-suntokin ang kaibigan niya. "Bago ka lang pumasok sa grupo tapos ganyan ka na umasta! Nakalimutan mo na ata kung sino ako!" Sigaw pa nito.
"P-pare hindi kita binato!" Sigaw pa nung lalaki habang sinusuntok.
"'Wag mo'kong ma pare-pare!"
"T@ngina! Kung ayaw mong maniwala edi 'wag!" Tapos gumanti narin ng suntok ang isa. Maya-maya nagsuntukan na ang dalawa.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko, napatawa na ako ng malakas. "Hahaha!" Langya! Uto-uto, naniwala naman siya agad na 'yung tropa niya 'yung nambato sa kanya, medyo bobo.
"G*go ka! Niloko mo ako, kilala mo ba kung sino ang kinakalaban mo?!" Sigaw ng uto-uto na nang gagalaiti sa galit.
Pinakalma ko ang sarili ko at pinunasan na ang luha sa mata, dahil sa kakatawa. "Ano naman ang pakialam ko kung sino ka? Pangalan nga ng presidente ng bansang 'to hindi ko alam, pangalan mo pa kaya?" Nawala na ang ngiti ko at matalas ko silang tinignan. Nang bigla kong maalala na pwede na akong magtanong kung saan ang daan papunta sa room. "Saan ang daan papuntang main building?" Diretsahang tanong ko?
"Tarantado pala 'tong nerd na 'to eh! Pagtapos mo akong barahin at batuhin, magtatanong ka ng lugar ha! Gusto mo atang masaktan eh 'no?!"
Pagtapos naman niyang sabihin ang mga katagang 'yon, may lalaki mula sa likod ko ang humawak sa aking balikat, sinipa ko siya sa kanyang tagiliran dahilan para mahirapan siya tumayo, sinuntok ko naman sa mukha ang nasa harapan ko.
Nagulat silang lahat nang dalawa sa mga ka-myembro nila ang agaran kong napabagsak, dahilan para mas lalong dumami ang kalaban ko. Dalian nagsilapit ang buong grupo, lima silang lumapit sa akin, ang iba ay may hawak na baseball bat at ang iba naman ay may bakal.
Pero hindi 'yon dahilan para matakot ako, mas delikadong bagay pa ang mga naiingkwentro ko. Hindi ako matatakot dahil lang sa mga laruan na'to. Sunod-sunod silang umatake sa'kin, pero walang hirap ko silang pinapatumba. Lumipas ang isang minuto, lahat sila duguan at wala ng malay.
Manghang-mangha 'yung lalaking binubugbog nila kanina. Tumayo siya at agad na lumapit sa'kin, ang mga mata lumuluha habang kumikislap.
"Ang galing mo! Tinulungan mo nanaman ako." Malaki ang ngiti na saad nito sa'kin. Nanaman? Anong sinasabi ng sira-ulong 'to? "Maraming salamat talaga, ako si JC." Pakilala niya sa sarili.
"I didn't help you, I don't care who you are. Pinatatahimik ko sila, that's all. Huwag kang managinip ng gising." Walang emosyon kong saad. That's the truth, I could care less even if they skin him alive.
Tumalikod na ako para sana umalis nang may maalala ako. I could ask him for directions.
"Saan ang daan papunta sa main building?"
"This way." Biglang may nagsalita sa likod ko.
Lumingon ako. May lalaking nakasandal sa may puno, his hands crossed as he look deeply into my eyes. It looks like kanina pa siya nanood. He was staring at me intently, his eyes flowing with suspicions. Matangkad, mahaba ang brownish na buhok, malalim at itim ang mga mata.
Halatang habulin ng mga babae at bakla.
If memory serves me right, this man is Yamazaki Takeo. The son of the strongest Yakuza in Japan right now, sa murang edad ay isa na sa mga mahuhusay na hitman.
What the hell is this guy doing here?
Naglakad na siya palayo kaya sumunod nako. Tahimik lang akong sumusunod sa kanya, bahala na kung nakita niya ang laban ko kanina, wala naman siyang sinasabi, so ok lang siguro. Pagdating namin sa room, nandoon na silang lahat, maliban sa aming dalawa ni Takeo. Nagkla-klase sila na parang mga mababait na estudyante. Nakita ko kung paano maningkit ang mata ni Jun, masamang tingin ang ipinukol niya kay Takeo, pero hindi ko na 'yon pinansin.
Walang pakialam na nagpunta na ako sa pwesto ko at naupo. Agad na lumapit si Jun at nagtanong, may halong irita sa boses. "Why are you with that guy?" Seryosong tanong niya habang ang kilay magkasalubong.
Ba't naman mainit ang ulo ng isang 'to?
Dahil ba magkasama kami ni Takeo at hindi siya maasahan? Kasalanan naman niya, iniwan niya kasi ako at inuna pa talagang lumandi kay Chairman bago ako ihatid. Edi sana hindi ako naligaw at hindi kami magkasama ni Takeo.
"It's none of your business." Sagot ko ng pabalang.
Hindi na siya nagtanong pang ulit, kaya umupo na ako ng maayos at pumikit. Tinuloy na ng guro ang pagtuturo, but no one was listening. Nagbubulungan ang lahat ng mga estudyante. Everybody is shocked na magkasama kami ng idol nilang si Takeo.
Lumipas ang oras and finally its lunch break! Tumayo na kami ni Jun para maghanda na pumunta sa cafeteria at kumain. Becuase you know, I'm so d@mn hungry! Buhay ko ang pagkain at pagkain ang buhay ko. Does that even make sense?
Nang pahakbang na ako paalis, lumapit si Tao at nagtanong. "Bakit kayo magkasama ni Take-chi? Selos ako, pag ako hindi mo'ko pinapansin. Pero siya nakakasama mo, ang daya!" Nag-iinarteng banat niya, nag iyak-iyakan pa, feeling niya ba bata pa siya para gumanyan-ganyan sa harap ko?
Sarap sungalngalin.
Napansin ko na lahat ng tao sa paligid napatigil sa ginagawa, obviously naghihintay ng isasagot ko. Mga chismosa lang. Pati si Jun tumigil at kahit nakatalikod siya sa'kin I know he's waiting for an answer. Halata namang walang pakialam si Kang Hoo at Shark dahil naglalakad na sila papalabas ng room, si Takeo rin.
"Ba't hindi mo itanong sa tropa mo?" Pagmamataray ko at pumiglas sa kanya.
Ang kulit kasi ni Tao kaya ayaw kong dumidikit sa kanya, daig niya pa ang five years old na bata sa kakulitan. Ang sakit sa ulo.
"Ayaw niya sumagot ehh!! Alam mo naman 'yon, magsasalita lang pag kinakausap si Kahoo!" Parang bata na maktol pa ni Tao at sumunod sa'min.
"Guess what?" Nilingon ko na ang makulit. "We had a date, so please f*ck off." I said, para lang matahimik na siya. I'm really hungry and I want to go to the cafeteria.
Napanganga si Tao, gulat na gulat sa sinabi ko. Well that worked. So Jun and I left him and walked towards the cafeteria. Wala pa masyadong tao kaya kumuha na kami ng makakain namin. Woah! Na-miss ko ang pagkain dito! Ang sarap talagang mag-aral sa high-end University. Kung ganito araw-araw, sino ba namang hindi gaganahang pumasok?
Matapos naming kumain ng lunch, inaantok at tinatamad nanaman akong pumasok ng klase. Susunod nanaman kasi ang Math na lubhang kinaayawan ko. Sino ba naman kasing abnormal ang may gusto ng Math? Math professors?
"Mauna na'ko." Tinatamad na sinabi ko kay Jun habang patayo na. Nagulat ako nang bigla niyang hilain ang kamay ko na medyo nagpa-pikon sa'kin. Ayoko sa lahat 'yung dinadampot ako na parang bata. "Cazzo! (F*ck!) The hell are you doing!? You want to die?"
Bumuntong hininga lang si Jun na parang pagod na pagod. "Saan ka nanaman pupunta? May klase pa tayo."
"I wanna go home, you know that this is not my thing. I can't believe that you're so into this going to classes thing. Gusto ko gumala."
"Its also not my thing, but its the GodFather's order."
"There you go again, Godfather this, Godfather there. Boss here, Boss there. Tell me, are you sercretly obssessed with my Nonno?"
"I am his subordinate, I follow his orders. If I'm not going to follow his words, then I wouldn't be here with you. In the first place alam mo ba ang daan pauwi? O kahit manlang palabas ng campus?"
Napatigil ako at napaisip. He's right, I don't know the way out of this hell-hole. "Hindi." Nakapamaywang kong saad. Buti pinaalala niya, muntik nanamana akong maligaw sa campus na'to. Bakit kasi kailangan pa na sobrang laki ng lugar?
"Sabay na tayong umuwi, may sasabihin din ako sayong importante."
Sabay na kaming umalis, bago dumiretso sa bahay dumaan muna kami sa 7-11 kasi gusto ko bumili ng ice cream at junk foods. Of course, mawawala naman ba ang Red Horse. So I grab everything I could, and had Jun pay for everything.
Pagdating sa bahay nilapag ko lahat ng pagkain at alak sa coffee table, binuksan ang TV at naghanap ng magandang panonoorin. I stopped at the news channel, because Jun said he wanted to check the news. He sat down beside me as I eat my icecream. I didn't bother to share, I ate it in the container itself. Jun just grabbed a can of beer and drank.
We both were silently watching, minding our own business when he abruptly talked.
"Magsisimula na ang Battle Royale ngayong gabi." Napatigil ang pagsubo ko nang magsatlita siya.
So magsisimula na pala ang larong 'yong. And here I am, I was planning to have a movie marathon tonight, kaya nga ako bumili ng maraming pagkain. I guess I'll just do it after the battle.
Sumulyap ako ng tingin kay Jun na matiim na nakikinig ng news, napatingin ako sa Red Horse na hawak niya. "That's my beer."
Tumingin siya sa'kin at ngumisi. "I paid for it."
"Are we still going to wear that elementary uniform?" I asked, as my eyes shine like a diamond.
"Yes. Kailangan natin 'yon. How about we make our own different name in this country? Make a monster that the people will fear. Wouldn't that be interesting?" Ngisi niya pa sa'kin sabay tinuro ang pang elementary uniform na naka hanger na sa may hagdanan.
Isa pa 'tong si Jun na mahilig sa bakbakan eh, kahit na laging tahimik, alam ko sa loob-loob ng animal na'to hayok na hayok siya sa laban.
Kinagabihan mabilis naming tinungo ang dapat na puntahan, Star Tower.
Isang Five star hotel sa Manila, 'yan ang alam ng lahat. Lingit sa kaalaman ng mga ordinaryong tao at gobyerno, sa ilalim ng magarang hotel na 'to magaganap ang isang malawakang bakbakan ng mga malalakas. Mali pala, hindi kasama ang gobyerno, dahil sigurado akong alam nila ang nangyayari. Wala lang silang kilos na magawa, dahil sa pera.
Pera lang naman nagpapatakbo ng mundong 'to eh. Kaya minsan, wala naring pakinabang ang mga pulis, kahit alam nilang may mga kagaguhan na nangyayari sa mundo, tahimik sila dahil sa mga perang naka tape sa bibig nila. Ang ganda ng mundo 'no? Maraming pasikot-sikot.
Dati nga, pangarap ko maging pulis, kasi gusto ko ako mismo ang huhuli kay Nonno para ikulong. Malaki din kasi ang pataw sa ulo ng matanda, pati sa ulo ng tatay ko. I would have become a big shot kapag napakulong ko ang dalawang 'yon. Kaso lang ang daming batas na dapat sundin kaya hindi ko maatim na maging pulis. Tsaka, nalaman ko din na sangkot ang gobyerno at pulis sa mga kalokohan kaya, I changed my mind.
Habang naglalakad kami papasok sa Star Tower, tinanong ko si Jun. "Sino nga pala ang organizer's ng event na 'to?"
"Tungkol diyan, pinapa imebstiga ko pa eh. Hindi kasi ma-verify." Medyo naiinis na tugon niya, mukhang maraming oras ang pinupukol niya sa gabi para lang sa game na 'to ah. "Hindi ko pa masabi sa ngayon, pero na pinpoint ko na ang mga suspect. Ang hindi ko lang mahanap ay ang ring leader ng lahat. Pero sa paglalaro natin dito, tiyak na magpapakita siya sa'tin."
"Alam kong kaya mo 'yan hanapin, lagi mong nagagawa 'yon kahit noon pa." Pampagaan ko sa kanya, pero totoo naman ang sinabi ko. Lahat ng mga iniimbestigahan niya ay nahahanap din niya agad, matalino siya at hindi ko 'yon ipagkakaila. "Who are the target participants in this game?"
"Gangsters, hitmen, mafia, underground fighters. Those associated in the underworld. This game is a little international so we might meet aliens here."
Habang naglalakad kami parang may nakita akong pamilyar na mukha sa peripheral view ko, sa bandang kanan. Nang tumingin naman ako sa direksyon na 'yon, biglang nawala. Napahinto ako, I saw it again, that familiar silhouette.
Agad akong naglakad papunta sa kung saan ko nakita 'yon, narinig ko pa na tinatawag ako ni Jun pero hindi ko pinansin.
"Hey! What's wrong? May nakita ka bang kakilala mo?" Tanong ni Jun nang huminto na'ko sa paghahanap.
"I don't know." Nalilitong sagot ko.
Namamalik mata lang ba'ko? Imposible naman na nandito ang taong 'yon, hindi naman niya alam kung nasaan ako eh. Hindi kaya nahanap na niya? Ang bilis naman ata, pero hindi ako pwedeng magkamali na siya 'yon. Palingon-lingon, hanap ng hanap. Natawa nalang ako sa ginagawa ko, namimiss ko na ba siya ng sobra para mamalik mata ako ng ganon? Kung nandito nga ang taong 'yon, ako ang unang pupuntahan niya dito sa Pilipinas, dahil wala naman siyang ibang rason para pumunta dito kundi ako lang.
Pabayaan na natin ang mapaglaro kong utak.
"What, may nakita ka bang multo?" Natatawang tanong ni Jun.
Tinaasan ko lang siya ng kilay. "Wala, namalik mata lang ako."
Paglapit namin sa receptionist, pinakita ni Jun ang dala niyang invitation na binigay ni Bia sa'min kasama ng folder. Binigyan kami ng key card ng receptionist, Room - 301. Agad naming tinungo ang nasabing kwarto at pagbukas ng pintuan, sinalubong kami ng isang lalaki na naka tailcoat.
Mukhang nagulat siya nang makita ang kabuuan namin.
Sino ba naman ang hindi? Makakita ka ng elementary student na pupunta sa lugar kung saan nagpapatayan ang mga tao, nakakagulat talaga. Tinanong nito kung kalahok ba kami o audience, sinabi ni Jun na kalahok.
There were two elevators inside the room, iginiya kami nito sa kaliwang elevator na magdadala sa'min sa underground arena kung saan mahahanap ang malaking pulong ng mga manlalaro ng Battle Royale.
Pagpasok sa lounge kung saan naghihintay ang iba pang kalahok, maraming mata ang napunta sa'min. Ang iba pa nga ay nilait kami, sinasabi na bakit sila nagpapasok ng mga bata dito. Buong lakas kong pinipigilan ang sarili ko baliin ang leeg ng kung sino mang nagsabi n'on.
Marami kang emosyon na mararamdaman sa loob. Kaba, dahil hindi mo alam kung ano ang mangyayari at baka mamatay ka sa laban. Pagkasabik, dahil hindi ka na makapaghintay na tapusin ang mga kalaban mo at magsimula na ang laro. Alarma, dahil hindi mo alam kung kelan maaring magsimula ang laro o baka naman hindi mo lang napapansin, nagsisimula na pala.
Habang lamang sa mga kalahok ang kaba, eto naman ako na sabik na sabik. Sana magsimula na ang laro, ramdam ko ang pagka intense ng paligid na lalong nagpapa excite ng puso ko. Hindi ako mapakali, baka kapag nagtagal pa ang paghihintay ko, bigla nalang akong gumalaw dito at simulan kong labanan ang mga hinayupak sa loob.
Mukhang napansin ni Jun ang nararamdam ko, kinurot niya ang kanang pisngi ko. "'Wag ka masyadong atat, wala pa nga eh." Pangangatyaw niya.
Pagkasabi ni Jun non biglang may nagsalita sa speaker na tila ba trigger ng mga manlalaro. "Good evening ladies and gentlemen, welcome to the event everyone has been waiting for. I know that everyone has been so eager with this, so let's cut the chase and start this SH*T!"
What a very touching words from the host, sa sobrang ganda tagos sa puso at kaluluwa ko. Rinig dito sa lounge ang hiyawan ng mga audience mula sa speaker, lahat kami pinalabas at pinadiretso sa malaking pinto.
Pagbukas ng pinto napapikit ako dahil sa liwanag ng ilaw, dahan-dahan kong minulat ang mata ko.
Matatanaw mo ang maraming tao na naghihiyawan sa tuwa dahil lumabas na ang mga pang-sabong nila. Habang nakatayo ako pakiramdam ko nasa isang Roman Arena ako, kung saan may lalabas na Lion/Tiger or whatever kind of monster, pagkatapos papatayin kami isa-isa. Matira matibay kumbaga, mukhang hindi lang ako ang nakakaisip n'on, pati si Jun at ibang kalahok.
Hindi na ako nagulat, madalas na ang ganitong laro para sa mga mayayaman na walang magawa sa mga kwarta nila. Ngayon nga na nililibot ko ang mata ko, makikita mo na ang mga taong nakaupo at naghihihiyaw ay kung hindi isang politiko, artista, milyonaryo, bilyonaryo, entrepreneur, Hari/Reyna, mafia at alam mo na, mga taong may datung.
Hindi natin sila masisisi, bored sila eh. Kaso ayoko sa lahat ang mga taong ganito, imbis na ibigay nalang nila ang pera nila sa mahirap nagawa pa nila ang gumasta para sa isang walang kwentang laro.
Although I also find these kind of games awesome.
Hay! Ewan ko ba kung bakit ganito ang takbo ng utak nating mga tao. Kahit alam nating mali, patuloy nating ginagawa. Pano ba naman kasi, kung ano pa 'yung mali, 'yon pa 'yung mas masaya at nakakatuwa. Well matatanda na tayo, alam na natin ang dapat nating gawin.
Nang nakalabas na ang lahat, biglang nagsalita ulit ang host.
"Magandang gabi ating mga kalahok, hindi ba kayo natutuwa sa stage na pinagawa ko? Very artistic diba?" So may balak pa pala siyang mag malaki sa walang kwenta niyang stage. Hindi ba pwedeng ituloy nalang ang nais na sabihin para magsimula na? "Ang first round ay tatawagin nating ROMAN ARENA!" Natahimik ang lahat sa sinabi ng host, nakangiti siya dahil mukhang epektibo ang pag-iiba niya ng boses at idiniin ang pangalan ng stage.
"Simple lang ang mangyayari mga kaibigan." Pinitik niya ang daliri at may lumabas na malalaking hawla sa arena, apat na malalaking hawla, na ang laman ay liyon at tigre na may mga posas sa leeg. "Hahayaan kong malaya ang mga mahal kong alaga sa loob ng trenta minuto, tinignan natin kung ilang ang matitira. Madali lang 'di ba? And just to tell you, I haven't feed them for the past five days, they're starving."
Matapos mag-explain ang host sa kung anong mangyayari, ilan sa mga kalahok ang natakot na, may ilan pa ngang mahina ang loob na hinimatay.
"Ayoko na! Uuwi na'ko! Hindi ganito pinag-usapan natin"
"Buksan niyo 'tong pinto!"
Pagmamakaawa ng ilan sa mga kalahok na sinundan naman ng iba.
What did they actually expect? This is a game, a death game. Who the f*ck brought this weaklings here? Food for the lion and tiger?
"Once you're in, you can never go out. Hindi kayo maaring sumuko dito, kahit na BUHAY niyo pa ang KAPALIT."
©IF02
BINABASA MO ANG
The Legendary Durga
ActionShe is a wonder. She is stunning. She is a Goddess. Fighting against armed men, killing them in the blink of an eye, swinging her sword as if she was dancing an exotic dance and a dangerous smile creeping on her face, smile that could make people tr...