JINGU (AGNEZKA PATRIARCA) POV
Napa buntong hininga ako nang mag flashback sa utak ko ang mga nangyari, limang taon narin ang lumipas, pero tandang-tanda ko parin ang lahat. Ang sinusubukan kong maalala is 'yung mga magagandang parte ng nakaraan ko. Ba't kailangan pa sundan ng parte na 'yon? Malikot masyado ang utak ko, nakakainis, parang hindi sumusunod sa'kin. Ang taga-tagal narin noong nangyari 'yon. Kung buhay lang sana si kuya edi sana wala ako sa lugar na'to.
Kung buhay lang siya... The hell!
"Jingu! Ok ka lang ba?" Nag-aalalang tanong sa akin ni Jun habang naglalakad kami papunta kung saan naka park ang sasakayan.
Tumango lang ako sa kanya bilang sagot, ayaw ko kasi magsalita, feeling ko kapag nagsalita ako pipiyok ako dahil sa nararamdaman ko. Mamaya mapahiya pa'ko tapos tawanan niya lang ako.
I need to stop being gloomy.
Habang naglalakad nakarinig kami ng kaluskos, mula sa kaliwa. Naging alerto kami agad ni Jun, mamaya kalaban. Hinarang nanaman ni Jun ang sarili niya sa harap ko bilang protekta, eto nanaman siya. Nangyari na 'to noon at hindi ko na hahayaang may humarang pa sa'kin para protektahan ako.
Ilang taon ang ginugol para maging mas malakas, para hindi na ulit ako mawalan ng importanteng tao, dahil sa kahinaan ko. Kaya hinawi ko si Jun paalis sa harap ko, muli nagtaka nanaman siya sa inakto ko, pero hindi ko na pinansin.
I'm not someone so weak para protektahan.
Tumigil ang kaluskos, may lumabas na maliit at itim na tuta sa harap namin, isang yorkie. It was the dog that, that guy picked up. What was his name again? The one who defeated those baldies earlier... Hmmm... I think it starts with letter S, something like Shenlong? Nah... I think it was more, Shakki? No. Oh yea, it's Shark.
What a weird name. Why would you name your son after a fish? How stupid.
"Captain Neil Sieg Bieg Black Rose Jackson Chika Ding!" Narinig ko ang sigaw ng isang nakakairitang boses. I know that, that annoying voice, it makes me cringe everytime I hear it.
Lumitaw ang ulo ng isang lalaki na ang pangalan ay Tao. Talagang hindi niya pinalitan ang pagka haba-habang pangalan ng aso na 'yan. Wala na ba siyang ibang maisip? Hindi ba siya nahihirapan? Baliw ba siya o nagtatanga-tangahan lang?
Buti hindi niya naisapan na dagdagan pa ang sukdulan ng haba na pangalan na 'yon. Grabe lang ha, ilang pangalan ang pinagsama-sama para sa aso na 'yan. It's amazing how he could call the whole name of the dog perfectly.
"Ah!" Seems like napansin na niya kami. "Cutie and Big brother, kayo pala. Saan kayo pupunta? May klase pa tayo." Tanong niya habang yakap-yakap ang gustong kumawala na tuta.
Diba parang animal abuse na 'yang ginagawa niya? Halata namang ayaw ng aso sa kanya eh, kawawa naman. Kung nakakapagsalita lang siguro ang hayop na 'yan, malamang kanina pa 'yan sumisigaw ng tulong.
I actualy feel sorry for the little guy.
I didn't bother answering his question, tinuloy ko nalang ang lakad papunta sa sasakyan, Jun did the same, dinedma namin siya. Taray lang 'no? Well this guy represents the word annoying. Jun and I don't have the time, or rather we don't want to waste our time associating with this guy.
"Grabe!" Sumigaw si Tao. "Ang snobbers niyo!" Nag-pout pa na animo'y bata, na nakakatawa naman tignan kasi cute siya. "The stunt you pulled earlier at the school gates, don't do it again." Biglang humina ang boses ni Tao, ang boses niya mapagbanta pero medyo nag-aalala.
Napahinto ako, pati si Jun at lumingon sa kanya. "What do you mean?" Walang emosyon kong tanong.
Napansin ko na tahimik lang na nakikinig si Jun, his eyes looking at me as if he was saying I should be careful. So nandito siya para balaan ako? O takutin ako? kung alin man sa dalawa, or baka parehas, hindi ko alam.
Hindi ko rin naman gusto malaman.
"Don't oppose him." Oppose who? What the hell is this guy talking about? "I was able to save you today and persuade him, but next time, I don't know. Don't upset him." Seryosong saad ni Tao. Is he saying I should be careful of my actions? Towards that retarded Chun Kang Hoo? Hmpf! I could kill the five of them easily, but then again, I can't. At the least, not right now. "Cute ka pa naman."
Nawala ang pagka seryoso sa mukha niya at muli siyang naging cheerful. Hindi bagay ang mag seryoso sa kanya at mukhang hindi din niya kayang magtagal sa ganong mood.
"I didn't ask you to save me." Simpleng saad ko.
After saying that hindi ko na hinintay ang susunod niyang sasabihin, although I appreciate his concern, it's not needed. Pumasok na kami sa kotse at iniwan siya. Papalayo na kami nang mapatingin ako sa side mirror, nakita ko si Tao na kumakaway, parang timang. Weird na bata, pero ayon sa files na binigay ni Jun hindi ordinaryong bata ang isang 'yon. Sa attitude niyang 'yon sinanay siya bilang assassin, pwedeng ginagamit lang niya na front ang ganong arte, para hindi mapansin ng iba kung ano talaga siya.
By the end of the day, he's just a killer, just like the rest of us.
Tama ang kasabihan, don't judge the book by its cover.
Napalingon ako kay Jun, he's been quiet for quite a while a now. I mean, oo lagi siyang tahimik at hindi kumikibo, pero iba ang feeling ko ngayon, parang may something. Well, I better not think too much about it, baka nireregla lang.
Nakadungaw lang ako sa binatana nang makita ko ang tunay na kagandahan ng Pilipinas.
Napaka ganda ng nakikita ko ngayon, parang isang painting, tinitignan ko ang karagatan habang pinipilit ng haring araw ang magtago. Napaka ganda, unti-unting dumidilim ang paligid na lalong nagpapaaliwalas ng lugar.
~~~
"Wow! It's so beautiful!" Saad ng batang babae na mukhang limang taong gulang palang.
Nakasuot siya ng isang magarang kasuotan. Ang buhok niya mahaba at itim, mga mata ay parang mas matamis sa tsokolatte. Sa maliit nitong mukha naka plaster ang isang makulay at malambing na ngiti.
"But you are thousand more, no, rather millions more beautiful than that my Little Princess."
Sambit ng isang batang lalaki na parang nasa edad siyam. Gaya ng batang babae, pati ito ay nakasuot ng magarang damit, parehas din ang kulay ng mata at buhok nila.
Bata pa lamang ay maganda na ang tindig ng batang lalaki, ang mata niya may bahid ng dignidad at katapangan.
"Really?!" Maligayang tanong ng batang babae.
"Of course!" Nakangiting tugon naman ng batang lalaki.
"Then promise me that we will always be together, ok? And you will always protect me from the bad guys." Tinaas niya ang hinliit para kunin ng kanyang nakakatandang kapatid at ginawa naman nito.
"Yup! I promise." Naghawak kamay ang dalawang bata at masayang pinagmasdan ang kagandahan ng araw na unti-unting nagtatago sa karagatan.
~~~
Hindi ko namalayan na sa kakatingin ko sa sunset na'to, maalala ko nanaman ang nakaraan. What the hell?! Anong nangyayari sa'kin? Am I getting old to be this sentimental about every single thing? Panay ang flashback ng mga nangyari noon. Hindi naman 'to nangyayari sa'kin noon, well it does, but not this frequent.
D*mn it all!
What the hell is wrong with me? Why am I getting all emotional like a friggin' pregnant woman, this is so unlike me.
Fratello, didn't you promise me that we would always be together? Nangako ka na pro-protektahan mo'ko kahit na tumanda ka na. Pero as'an ka ngayon? Wala ka na, sinungaling ka, napaka-laki mong kabog. Nag promise ka diba? Ba't wala ka na? Sabi mo kahit matandang-matanda ka na, dito ka lang sa tabi ko.
Sh*t! Sh*t! Sh*t!
T*ngina Fratello, g*go ka na traydor ka pa. Blood oath, we did a f*cking blood oath. Ang sino mang hindi tumupad sa pangako ay may matinding kaparusahan, pero tinakasan mo naman. Grabe ka talaga. How could you?
Kapag nagkita tayo sa impyerno, I'll be sure to make you suffer.
If it wasn't for that man, sana buhay ka pa, sana nanonood tayo ng sunset ngayon. Sana hindi ako ang susunod na magiging boss ng family, sana hindi ko kinamumuhian si Nonno ngayon. Sana hindi ako ganito ngayon, pilit na nagkikimkim ng galit.
Sana.
Sana..
Sana...
Ang daming sana, hanggang sana nalang kasi eh. Kasi wala na eh, kaya sana nalang ang nagagawa ko. Kasi kahit anong gawin ko hindi ka naman babalik, kahit magdasal ako hindi ka babalik, kahit maging banal na tao ako hindi ka babalik.
Nagulat nalang ako nang biglang may humawak sa kamay ko, it's cold, not like Fratello's which is warm. But this cold hands touching mine, I don't hate it, rather it's somehow comforting. Hindi ko namalayan na matinding nakakuom na pala at malapit nang dumugo ang palad ko, dahil sa sobrang pagkakabaon ng mga kuko ko. Hindi ko napansin na natigil pala pati ang paghinga ko, nang hawakan ni Jun ang kamay ko at nakahinga ako ng maluwag, na hindi ko pinapansin na iniipit ko na pala.
"Ok ka lang ba, Jingu?" Nag aalalang tanong niya sa'kin.
I wonder, how many time has been that he kept asking me that question, I think he kept asking that ever since we landed in this country. Minsan hindi ko narin maintindihan ang sarili ko, parang bigla nalang naging ibang tao ako.
I looked at him. "Yea, I'm good." Mahinang tugon ko.
Bakas padin sa mukha niya ang pag-aalala. This guy is really such a worry-wart, but I sorta like this part of him. This part of him really resemble Fratello so much, it's actually creepy, but I don't hate it. It's the kind of creepy that I like.
If it wasn't for the red-head guy, hindi sana mamamatay si Fratello, it's all his fault and I'll make sure that hey pays for everything he's done. I won't kill him, I'll take him to my place and I'll play with him until he begs me to kill him.
I'll give him my very own hell.
"Pumunta tayo sa branch family headquarters." Utos ko kay Jun.
Pansin ko na nagulat siya, pero nanatili akong tahimik at diretsong nakatuon ang tingin sa daan. After a couple of minutes kinuha ko ang phone ko at nag scroll lang sa facebook. Hindi parin gumagalaw ang sasakyan, sisigawan ko na sana si Jun pero bigla siyang nagsalita.
"Bakit?" Nagtatakang tanong niya. Alam kong hindi kami magpupunta doon kapag hindi ko siya sinagot.
"I have to do something important." Sagot ko nalang.
Nagtitigan muna kami ng ilang segundo bago siya bumuntong hininga, sabay nilipat na ang direksyon ng sasakyan. The reason why I came in this country in the first place is not to rest myself from the underground world, as I've said before I never wished for a normal life. I'm a person from the underworld and that will always be the same in the future. Once you've been tainted by this black colored world, don't expect to go back.
The only way you can get away from this hell-hole is death.
I only came here for the sole purpose of looking for Fratello's killer, that's all. I immediately planned to come in this country, just to kill that b@stardi. And I will do it, no matter how many years it must take, no matter how many life I must take, no matter how many people I must hurt, no matter how many people I must use and no matter how much blood it must take.
I will do it.
"Hinahanap mo parin ba ang pumatay sa Kuya mo?" Tanong ni Jun na nakatingin lang sa kalsada habang nagmamaneho. Hindi ako sumagot, rather ayaw ko. "Dapat tigilan mo na 'to." Napakunot ang noo ko nang may dinagdag pa si Jun. "Nothing will change."
"Mind your own d@mn business." Medyo galit pero kalmado ko paring saad.
Medyo naiinis na napatingin ako sa kanya nang ihinto nyia ang sasakyan sa gitna ng kalsada. Tumingin siya pabalik sa akin na may nag-aalalang mata.
"Jinug... no Agnezka, you need to stop this. Don't look for that guy, he's dangerous." Babala niya pa.
I didn't look at him, I don't know what I'll do kapag ginawa ko. Ramdam ko sa tinig ng boses niya ang lubhang pag-aalala at sinseridad niya. But I don't care, kailangan kong hanapin ang pumatay kay kuya, hahanapin ko siya at ang pamilya niya, papatayin ko ang lahat ng taong importante sa kanya.
Ipaparamdam ko sa kanya kung ano ang naramdamn ko noong mga panahon na kunin niya ang buhay ni Fratello sa harapan ko. Hinding-hindi ako titigil hangga't hindi ko 'yon nagagawa, kahit gaano pa kadumi, gagawin ko.
I'll do everything, even at the cost of my own life.
"Please, Agnez." Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko, pero sa iba lang ako tumingin. "Kalimutan mo na ang nangyari."
Nang lumabas ang salitang kalimutan sa bibig niya, nagdilim ang paningin ko at parang naging bato ang katawan ko. Unti-unting nawawalan ng sense lahat ng bagay. Huminga ako ng malalim para hindi ako tuluyang lamunin ng dilim at baka hindi ko mapigilan ang sarili ko sa pagiging bayolente.
After a couple of more breathes, napakalma ko ang sarili ko. "Just do what I say." Mahinang saad ko.
"Agnez, please, kali--." Hindi ko na pinatapos si Jun, tuluyan nang uminit ang ulo ko.
"SHUT UP!" Sigaw ko habang ang mga mata ko nanlilisik, tinaboy ko ang kamay niya na nakahawak sa'kin. I was shaking from anger. "Anong sinasabi mong kalimutan?! Sinasabi mo bang kalimutan ko ang kapatid ko?! Sinasabi mo bang kalimutan ko ang pagkamatay niya?! You don't know jack sh!t, so f*ck off and drive!"
"No, Agnez list--." When he tried talking again I got frustrated, I wanted to strangle him to death.
"I said shut the f*ck up! Baka nakakalimutan mo, pwes ipapaalala ko sa'yo. You're nothing but one of our men, wala kang karapatan na diktahan o panghimasukan ang gusto kong gawin sa buhay. You're here to help me, that's all, but you don't have a say to what I want to do! Wala kang kapatid kaya hindi mo alam! Hindi mo alam ang pakiramdam ng mamatayan! Hindi mo alam kung ano ang pakiramdam na panoorin ang kapatid mo na unti-unting nawawalan ng buhay sa harap mo! Kasi manhid ka, robot ka, laging blanko ang mukha mo kahit anong mangyari. Kasi wala kang pamilya!"
Hindi ko na napigilan ang mga salitang lumabas sa bibig ko dahil sa sobrang galit. Hinihingal na tinitigan ko siya. Hindi ko nakontrol ang sarili ko.
Nakita ko kung paano siya nasaktan sa huling salita na sinabi ko, nabasa ko ang gulat, dismaya at lungkot sa mukha niya. Umiwas siya ng tingin, hindi nagtagal bumalik ang dating mukha niya, just like the first time we met. His empty face. I felt guilty, hindi ko 'yon sinasadya. I got mad and I said something I shouldn't have said.
I wanted to apologize, but there were no words coming out of my mouth, because of my pride.
I can't even apologize.
Na gu-guilty ako kasi alam kong nag-aalala lang siya kaya niya nasabi ang mga bagay na 'yon. Dahil nandoon parin sa mga mata niya ang salitang nababahala.
Huminga ako ng malalim dahil alam kong hindi maganda na mawala sa hulas ang utak ko. Pinilit kong kalmahin ang sarili ko kahit ramdam na ramdam ko na parang gustong kumawala ng puso ko sa kinalalagyan nito, ang paghinga ko bumibilis din.
Ilang minuto kaming natahimik na dalawa, nakakabingi at nakakasuka din at the same time. Mainit, pero nakabukas naman ang aircon. Kailangan kong mag sorry. "So--." Pero bago pa man lumabas ang salita sa bibig ko, naunahan na niya ako.
"Sorry." Mahinang paghingi niya ng tawad, kahit ako dapat ang mag sorry.
Alam kong ako 'yung mali dahil sinigawan ko siya ng ganon, kung ano-ano pang sinabi ko sa kanya na masasakit na salita. But in the end it was still him who apologized. What the hell? Is he trying to make me feel guiltier than ever? How could he not get mad at me? How could he say sorry, when I'm the one at fault?!
"Sebastian, I'm s-s-sorry, h--." Pinutol niya ang sasabihin ko.
"It's ok, you were right. I almost forgot my position, forgive me. Wala akong karapatan na pakialaman ang buhay mo, totoo din 'yung sinabi mo na wala akong pamilya. Pasensya ka na kung pinakelaman ko ang buhay mo." Patuloy pa niya habang nakatingin sa daan.
I looked at him, I wanted to hold his hands like he always does with me when I'm out of it, but I couldn't move my hands. "Sorry." Was all I could wispher.
"But I do know." Sabi niya na parang naiiyak. "I do know the feeling of losing someone."
Hindi na ako nagsalita, tumahimik nalang ako buong biyahe. Hindi ko na alam ang sasabihin ko, wala na. I severed the relationship that we build the whole time we're together. Now we're back at nothing. I didn't know, mas maganda pala makapanakit ng pisikal kesa emosyonal; mahirap, masakit sa dibdib, ang hirap huminga and I don't know why.
Our journey to the headquarters was as quiet as a heavy storm. No one was talking but I feel like I'm in a middle of a noisy storm. I felt suffocated, like my neck is being tangled by some thick thread, called conscience.
Forget it, not like I can take back whatever I have done or said. I'm not gonna cry over a spilled milk, I'm not a snotty kid as to cry over it again and again, I can always buy a new one.
Lumipas ang ilang nakakabinging oras ay nakarating narin kami sa isa sa mga headquarters ng Patriarca Famiglia dito sa Pilipinas. Maraming headquarters sa buong mundo ang Patriarca, we've expanded globally kaya malaki ang impluwensta namin kesa sa gobyerno.
If you search thoroughly, it has always been the underground moving this world. It has never been the government, they're there just for the people, in the end government is still the underworlds puppet.
Awtomatikong bumukas ang itim na gate at pinapasok kami ng mga gwardya. Naka pila ang mga lalaking naka suot ng itim na suit, malalaki ang katawan nila at halatang maraming pinagdaanan sa buhay. Lahat sila ay pumugay sa aming pagdating at yumuko, nagbibigay galang.
Hindi ko magawang tumingin kay Jun habang pinagbubuksan niya ako ng pinto, kahit na masama ang loob niya sa'kin pinagsisilbihan niya parin ako. I feel so bad, he should at least say something to me, mas lalo akong nahihirapan dahil umaarte siya na parang wala lang.
Siyempre naman galit siya.
What did I expect?
"Young Mistress!" Sabay-sabay na sigaw ng mga matitikas at mukhang malalakas na lalaki pagtayong-pagtayo ko.
Nananatili silang nakayuko na hindi ko na ikinagulat dahil normal na sa akin ang ganitong scenario. Matindig lang akong naglakad papasok sa mansyon, tahimik na nakasunod sa akin si Jun.Isang matanda ang naghatid sa amin sa gusto kong puntahan. "Magandang hapon Young Mistress, matagal na naming hinihintay ang inyong pagdating." Malumanay at marespetong bati ng matanda.
Walang emosyon akong tumingin sa kanya, nawala na ako sa mood. Unti-unti nadin umiinit lalo ang ulo ko. I can't handle this kind of pressure, this is the first for me.
Habang naglalakad kami, nililibot ko ang aking mga mata at napapansin ko ang kagandahan at ka engradehan ng lugar, traditional Filipino style mansion. Nang makarating kami sa isang pinto, may nakita akong isang babae na naka business attire.
Matangkad siya, morena, maganda at sexy, masasabi ko na super qualified siya maging isang modelo or artista. Matured na matured ang dating niya, especially with her reading glasses. She looks to be in her mid 20's.
"Good afternoon Mr. Cross, it is such a pleasure to see you again." Bati ng babae kay Jun.
What the...?! Bakit si Jun lang ang binabati niya? At bakit kilala ni Jun ang babaeng 'to? It should be me dahil ako ang amo niya?! I'm the heiress of the Patriarca Famiglia, Agnezka Patriarca!
This insolent b*tch dare to ignore my presence?!
"Chairman, I did not expect to see you here." Wika naman ni Jun, na ikinataka ko.
Chairman? As in 'yung chairman d'un sa school? Hindi ko kasi siya nakita dahil ayaw ko pumasok sa opisina niya nung panahon na 'yon, so siya pala ang Chairman, ang bata niya pa.
"Good afternoon Young Mistress, it is an honor to finally meet you." Nag bow siya sa akin. "We have been waiting for your arrival, he will be delighted to see you." Kumatok sa malaking pintuan si Chairman na nasa likuran niya. "They have arrived, Sir."
"Let them in."
Pag bukas ng pintuan, nanlaki bigla ang mata ko sa gulat. Isang lalaki na nasa mid 70's niya ang nakangiti sa akin at tumayo.
"It's been a while, Princess."
©IF02
BINABASA MO ANG
The Legendary Durga
ActionShe is a wonder. She is stunning. She is a Goddess. Fighting against armed men, killing them in the blink of an eye, swinging her sword as if she was dancing an exotic dance and a dangerous smile creeping on her face, smile that could make people tr...