CHAPTER 24

15.3K 313 22
                                    

JINGU (AGNEZKA PATRIARCA) POV

"Jingu! Jingu! Jingu!"

Heto nanaman tayo sa nakakairitang umaga. Hindi niya ba kayang tumahimik? Hm? Bakit nasa sofa ako? Oh yeah, nakatulog pala kami ni Jun dito kagabi. "Oh please shut it! I'm awake, see I'm awake." Humikab pa ako at nagunat-unat.

"Good, ligo ka na at mag ma-mall tayo."

"Back to normal ka nanaman, I would've preferred the you last night. D@mmit you are so f*cking noisy!"
Pagmamaktol ko habang naghahanap ng maiinom sa ref.

"Sorry to tell you Babe that last night is a fleeting moment. So please go and take a bath so that we can go and buy the things we need." Utos niya sa akin habang nagluluto.

"Hindi ba tayo papasok?" Tanong ko. "Its not like I want to go to school, I would love not to, but its not like you to skip classes."

"Nakalimutan mo na? May party mamayang gabi sa Star Tower, kailangan natin bumili ng damit at late na para pumasok sa school, lunch na po."


Napa-irap nalang ako at uminom ng tubig. Kagabi lang para siyang bata na inagawan ng candy tapos ngaoyn, ganyan na siya ulit. I looked at him, he still don't look the same as he always does, but I guess he's fine now.

"Ligo na!"

"Oo na maliligo na po, Kuya."


Umakyat na'ko sa kwarto ko para maligo at nang mahaplusan ako ng tubig bigla nagising ang diwa ko. Pagtapos kong maligo, nakahanda na ang lunch. Pagtapos namin kumain ay agad kaming dumiretso sa SM para mamili ng damit.

"Next."

"Nope."

"Not that."

"No."

"Never."


Hindi ko na napigilan ang sarili ko at pinunit ko na ang damit na suot. Napa gasp naman ang mga attendant na babae sa kinilos ko, iniisip siguro nila nasisiraan na ako ng bait. Sino ba naman ang hindi?

"Vaffanculo! (F*ck off!) What in the sh!ttest hell is wrong with you? All you freaking do is let me change and change. You know what? F*ck this! F*ck you! F*ck her and this whole city and everyone in it! I'm done!" Sabay walk-out.

Uminit na ang ulo ko dahil pagdating na pagdating namin sa mall agad naming pinasok ang isang mamahaling boutiqe na puro dress. Kanina pa ako nagsusukat ng mga damit at lahat ng suotin ko ay ayaw niyang tanggapin. Hindi naman ako panget, sexy naman ako, bakit hindi parin siya ng hindi.

Nakakadalawang hakbang palang ako papaalis sa kasuklam-suklam na shop na ito suot-suot ang isang pinunit na dress, dahil sa init ng ulo ko, nang biglang humarang siya sa harap ko para pigilan ako.

"Don't be mad, it's because those are too revealing. Do you want to show your body that much?" Turo niya sa dress na suot ko. Kita ang cleavage, likod at ang legs ko, revealing nga naman.

"'Yung impokrita na 'yon ang kumukuha ng damit, hindi ako!" Tinuro ko ang attendant na kanina pa kami ina-assist. Siya naman kasi talaga ang nagbibigay ng damit, sinusuot ko lang. Nahihiyang ngumiti naman 'yung attendant.

Pinaupo muna ako ni Jun sa inuupuan niya kanina. Naglakad siya sa shelf at naghanap ng dress. Bigla siyang may hinila at iniabot ito sa akin.

"Sukat mo." Utos niya.

"Last na 'to, kapag ayaw mo parin, susunugin ko na ang lugar na'to kasama ka." Banta ko at pumasok na sa loob ng dressing room.

"Ok tutulungan pa kita. Sigurado ako na hindi na 'yan revealing kagaya nung iba." Pahabol niyang sigaw.

Pagsuot ko, infairness sexy siya pero hindi ganoon ka-revealing. Pinakita ko na kay Jun ang itsura ko at salamat naman sa diyos dahil satisfied na siya. Napansin ko nga 'yung difference nung mga damit na pinili nung babae sa pinili ni Jun. Mas maganda ang kay Jun, 'yung mga pinapasuot sa'kin nung babae, puro maikli pa sa short eh.

Nung nagustuhan na ni Jun, binayaran na niya ang damit.

"Babayaran ko lahat ng sinukat niya, 'yung mga hindi napili, sunugin mo." Utos niya sa attendant habang may matamis na ngiti sa mukha at inaabot ang black card niya. Sumunod naman ay pumunta kami sa jewelry shop para bumili ng alipores.

"Welcome! Naghahanap po ba kayo ng wedding ring?" Business smile na bungad sa'min ng staff, nagulat ako dahil napagkamalan kaming magka relasyon ni Jun. Hindi naman nakapagtataka kasi hindi nalalayo ang edad namin.

"We're siblings." Mabilis na tugon ni Jun.

"Ouch! HA!" Bulong ko sa sarili ko. Ang sakit naman magsalita nento, parang nandidiri siya isipin na magiging kami. Hindi naman sa gusto ko, pero nakakinsulto lang.

Hindi nalang ako nag-react kasi baka kung ano pa ang isipin niya. Habang nag-iikot ako at nag hahanap ng mabibiling alahas, nakakita ako ng isang ordinaryong bracelet. May lumapit na staff sa'kin at kinuha 'yung bracelet para ipakita ang kabuuan nito sa'kin.

"Nagustuhan niyo po ba?" Tumango ako. May naka sulat sa loob nito, hindi ko lang maintindihan ang mga salita. "Ang bracelet na 'yan ay para sa dalawang tao, subukan mo, pwedeng hatiin sa gitna 'yan." Sinubukan ko ang sinabi niya, naging dalawa ang bracelet. "Pwede mong ibigay ang isa sa taong importante sa buhay mo at ang isa naman ay sa'yo."

"So para 'to sa mga magkarelasyon?"
Nawalan na tuloy ako ng gana.

"Hindi naman, pwede mo 'yan ibigay kahit kanino, basta importante sa'yo. Ang ibig sabihin ng bracelet na 'yan, atsaka ang mga nakaukit sa loob ay 'strong and lasting bond', pwede mo ibigay sa kapatid mo." Ngiti niya sa'kin at tinuro si Jun na busying-busy sa pagtingin ng mga alipores.

"Bibilhin ko 'to."

Nginitian ako ng staff. Siguro gawa-gawa lang niya ang mga bond-bond na sabi niya pero dahil nagustuhan ko kung pano niya ako utuin, bibilhin ko nalang. Atsaka pwede rin itong palatandaan na kahit isang taon lang naging mag-kapatid kami ni Jun.

Biglang sumikip ang dibdib ko nang maisip ko na sa isang taon babalik kami sa normal, or rather, wala na ako sa family at normal na tao nalang. Hindi ko na siya makakasama n'on, dahil for sure babalik siya sa puder ni Nonno.

Binayaran ko na ito at binigyan pa ako ng malaking discount nung babae dahil daw gwapo ang kuya ko, napatawa ako. Hindi ko naman kailangan ng discount. Pinang tip ko nalang sa kanya 'yung sobra.

Agad kong tinago ang bracelet na binili ko, gusto ko ibigay 'to sakanya sa tamang oras at panahon. Hindi pa ngayon.

"Jingu, ano sa tingin mo?" Pinakita niya sa akin ang bonggang necklace na puno ng diamond at ang ganda, sobra. Alam mo 'yung literal na kumikinang at no doubt na mabigat 'yon.

"It's beautiful."

"Alright! Miss bibilhin ko 'to."


Pagtapos naming bilhin lahat ng kailangan. Nagpa spa at massage pa kami tapos nagpunta ng salon para ipa-ayos ang buhok ko. Grabe hindi ko alam kung saan nalaman ni Jun ang mga ganitong gawain at hindi ko di alam kung pano siya nakakapag tyaga na hintayin ako. Sakit sa kasu-kasuan.

Nang natapos nadin ang lahat, sa wakas. Ready na kami for action!

Nandito na ako ngayon sa harap ng Star Tower mag-isa, bakit kamo? Nasan kamo si Jun na dapat ay kasama ko ngayon, ayon oh! Iba ang kasamang babae, hindi ko alam kung saan niya nakilala o napulot si ate, pero hindi na masama. Wala tayong magagawa, ito ang plano eh. Kailangan kong pumasok ng mag-isa sa Star Tower na parang normal na bisita lang.

Pagkatapos ay kunwarian kong matatapunan ng wine ang damit ni Sasaki Yo at aakitin ko siya, ang simple lang diba? Laging nangyayari sa movies, pero lagi naman daw effective. Kaya naman ito ako ngayon papasok na mag-isa. Madami ang tumitingin sa akin, panget ba ang suot ko? May dumi ba ako sa mukha? Panget ba 'yung make-up? Tae sabi ko na hindi mapagkakatiwalaan ang shukla na 'yon eh.

Ginawa siguro niya akong tanga! Hindi ko nalang pinansin ang mga tingin na ipinupukol sa'kin ng mga tao. Sanay nanaman ako sa ganyan eh. Pagpasok hindi ko alam kung bakit, pero nakatingin silang lahat.

"Hello my Lady, can I have this dance?" May lumapit na agad sa akin. Actually gwapings si kuya kaso maliit siya, gusto ko 'yung mas matangkad sa akin.

"Later." Pagtataboy ko, maya-maya may lumapit nanaman.

"Hey beautiful, my name is..." Gwapo din ang isang 'to kaso blonde, I hate blonde. Although blonde si Tao, siya ang human pet ko so hindi ko siya hate. I like darker hair more.

"Excuse me ma'am would you like some drinks?" Alok sa'kin ng waiter, hindi ko na tinanggihan tutal nauuhaw narin ako.

"Give me champagne." Utos ko at binigyan niya ako agad ng may ngiti sa mukha.

May lumapit nanaman sa'kin and this time dark na ang buhok niya at matangkad siya sa'kin ng ilang sentimetro. Ok na sana kaso lang masyadong malaki ang katawan niya, sobrang laki na. Kaya tinanggihan ko siya.

Patuloy padin ang paghahanap ko sa target at nang makita ko na ang makinis na ulo ni Sasaki Yoh, walang isip-isip ko itong tinungo, pero ilang metro nalang ang lapit ko nang biglang may humila sa'kin papunta sa dance floor. Susuntukin ko sana ang lapastangan na humila sa akin, pero sinangga niya.

"Kang Hoo!" Gulat na wika ko, I never expected it to be him. We started dancing to the music. "Why'd you suddenly pull me?"

"Because I need to have a dance with you. You look so different tonight, with the glasses and braids gone." Puri niya sa akin, hindi ko akalain na makakarinig ako ng puri sa lalaking 'to.

"T-thanks." Nahiya ako dahil hindi ko 'yon inasahan.

"Have you seen yourself in the mirror? If not yet please do, you'll see a woman with a beauty that would make Aphrodite die in shame. Do you feel the women of this party staring daggers at you?" Turo niya sa mga babaeng, totoo nga naman na masama ang tingin sa akin. "You're already being buried six feet under by their tiny heads"

Nagtawanan kaming dalawa 'don.


~THE LEGENDARY DURGA~


KAISER (CHUN KANG HOO) POV

Nang makita ko si Jingu agad ko siyang hinila para magsayaw. Kusang gumalaw ang katawan ko, hindi ko alam kung bakit. Sobrang ganda niya ngayon gabi, maganda naman talaga siya eh kaso lang lagi siyang nakasuot ng salamin tapos naka braids. Parang tinatago 'yung ganda niya.

Nagkatitigan kami at hindi ko maiwasan ang mahumaling sa mata niya na parang nang-aakit. Kahit alam kong hindi naman niya ginagawa. Iniwas niya ang tingin sa'kin, dahil siguro nahiya siya. Napatawa lang ako.

Kulay light pink ang dress niya, amoy rosas din ang perfume niya. Makikita kung gaano kaputi ang kutis niya. Kanina pagpasok na pagpasok niya dito, lahat ng mata nakatuon sa kanya. Ilang mga lalaki agad ang nagtangkang lumapit sa kanya, kahit gaano ka lambot ang dating ng damit niya, siya naman ang talas ng lakad at tingin niya.

Kaya hindi gaanong madami ang nakalapit sa kanya dahil sa nakaka intimidate na aura sa paligid niya.

Nang matapos na ang kanta. Nginitian niya ako at dahan-dahang lumayo sa akin. She mouthed thanks at tuluyan na siyang nawala sa dagat ng mga tao.

"Kang." Narinig ko ang boses ni Shark sa likod ko at inabutan niya ako ng champagne.

*Bzzt*Bzzt*

"Guys nakita ko si Cutie! Sobrang ganda niya! Ang daya dapat pala sumama ako, naka sayaw ni Kahoo si cutie! Kainis!!!!" Pagmamaktol ni Tao mula sa earpiece ko. Ngayong mga oras na 'to hindi siya kasama sa party.

FLASHBACK (HIDEOUT)

"Here's the plan, mag s-stay ako dito. I'm gonna hack the security cameras around and inside Star Tower. Ipapahiram ko sa inyo itong SOBRANG MAHAL, SOBRA!" Talagang nilaksan pa niya 'yung last part at inulit pa.

"You don't need to repeat it." Bored na bored na saad ni Regis habang naglilinis ng tenga.

"Yes I need to! Iniiwan niyo lang kung saan-saan! Ang mahal ng materyales niyan!" Maktol ni Tao.

"Ang kuripot mo, mayaman ka naman."

"Hindi porket may pera kailangan na gumastos palagi!"
Sigaw ni Tao. Tatango-tango naman si Takeo na isa pang matipid kahit na mayaman.

"Tama na, ituloy mo Tao." Utos ko.

"Please, I want you guys to promise, 'wag niyo iwala 'yan. Those are modified earpieces, ilang araw ginugol ko diyan, nag-iisa lang 'yan sa mundo." Halos mangiya-ngiyak na pakiusap ni Tao. Lagi kasi namin nawawala o nasisira ang mga gadget na pinapahiram niya kapag may mga ganitong klase kami ng misyon.

"PROMISE!" Sabay-sabay naming pangako, with cross your heart pa daw.

"Ok! Going back, I'm gonna stay here, I'll give you instructions on where you have to go, may GPS ang bawat earpiece na 'yan, so I know where you guys are. You also don't have to worry about it being seen, skin tone ang ginawa ko."

"Spare us from mechanics, mga importanteng kailangan nalang."
Reklamo ni Jingu habang naglalaro sa cellphone.

"Nag e-explain pa eh." Maktol naman ni Tao. Tumingin ako sa kanya ng masama. Lumunok muna siya ng dalawang beses bago magsalita ulit.

"Jun dapat magkahiwalay kayo ni Cutie pumasok sa party, she have to be alone para mapansin siya. Then Regis, do the usual, get information as much as you can. I have a list of woman and people you have to talk to. Big bro, Kahoo and Sharky, spread, kayo ang gwardya ni Cutie in case na may kung anong mangyari."

"Ako?"
Tanong ni Takeo.

"You'll be the waiter. I'll give you a drug and a bug, you know what to do with those, we need to record their conversation. After that stand-by, watch out for guards."

"Roger."
Saludo ni Takeo.

"Cutie, you have to be the most careful. Don't let that bald-geezer touch any part of your body. After mong makuha ang kailangan mong makuha, kill him if you want, but try not to, we might need him in the future. Bibigyan nalang kita ng sleeping spray, use it after that." Tumango si Jingu.

"Ok, madali lang pala." Ngumisi si Jingu.

"Sigurado ka ba na magiging ok ka lang?" Nag-aalalang tanong ni Jun.

"Yup, don't worry."


~THE LEGENDARY DURGA~


JINGU (AGNEZKA PATRIARCA) POV

"Cutie ang ganda-ganda mo." Puri sa akin ni Tao mula sa earpiece habang papalapit ako sa target.

Hinanda ko na ang champagne na hawak ko para tapunan si Sasaki Yo. Natigilan ako nang matanaw ko sa gilid si Jun na napapalibutan ng mga babae, nagtama ang mga mata namin. Nag-aalala parin siya, halata sa mata niya. Kaya ngumiti ako bago putulin ang saglit naming pagtitinginan.

Nakita ko din si Regis na maraming kumpol ng babae ang kalandian, parang nakapasok na siya sa sarili niyang harem world. Hindi ko na sila binigyang pansin, finocus ko nalang ang sarili ko kay Sasaki, paglapit ko sakanya, nagkunwarian akong natapilok at itinapon ang champagne na dala ko sakanya.

"Oh my gosh! I'm so sorry." Ginaya ko 'yung boses nung mga malalandi d'on sa campus. And wow, pwede na'kong maging artista, ang husay ko. Clap! Clap!

"What the--!" Hindi itinuloy ni Sasaki ang sasabihin niya.

"I'm really sorry. I'm not that used to wearing dresses that's why I tripped." Nag te-teary eyes pa ako kunwari, thanks to eye-drops. Kumislap ang mata ni Sasaki, mukhang nagustuhan niya ako. Lalo ko pang nilandian ang boses at kilos ko.

"I-it's ok darling. I see that you are not that fond of wearing dresses. Why don't we go ahead and remove it?"

Ughhh! Goosebumps. Nakakadiri ang ngiti niya, I want to kill him!!! Nakakapikon pala ang ganitong klase ng trabaho. I want to smash the glass I'm holding right into his face, then I want to slit his throat open. Relax A! Good news 'to sa side natin, dahil ibig sabihin hindi mo na siya kailangan suyuin ng matagal para lang makapasok kayo sa kwarto.

"Oh! So vulgar!" I said sweetly.

Ewww! Pakiramdam ko may lumalabas na bulate sa bunganga ko. Parang nabubulok na nga ata. I want this to end, I'm starting to regret taking this job. Ok lang sana kung may ka-gwapuhan ang lalapitan eh, kaso hindi.

Hinawakan ni Sasaki ang baywang ko, nakakapanindig balahibo. Gusto kong tutukan ng baril ang gitna ng mata niya tapos barilin siya. Hindi ko magawa, kailangan kong magtiis, ginusto ko 'to eh.

*Bzzt*Bzzt*

"Bear with it, don't waste the effort you made."

Narinig ko sa earpiece ang pamilyar na baritonong boses pero at the same time sexy accent ni Jun. Lumakas at tumibay ang determinasyon ko na ipagpatuloy ito, hindi ako nainis or napikon sa sinabi niya, usually kapag ibang tao. Minumura ko na kapag pinangungunahan ako.

Pinigilan ko ang sarili ko. Pagpasok namin sa kwarto agad kong pinag-aralan ang lugar. Huhubaran na sana ako ng libog na kalbo pero agad akong umiwas.

"Oh bakit ka umiwas? Kanina lang gustong-gusto mo ah?" Nagtatakang tanong ni Sasaki.

"Nagmamadali ka kasi masyado, uminom muna tayo ng konting alak, gusto pa kasi muna kita makilala." Pinilit ko parin maging sweet at malandi, hindi pa siya lasing eh. "Tatawag ako ng waiter para dalhan tayo ng masarap at mamahaling wine."

Nag panggap ako na may tinatawagan sa telepono pero ang totoo ay wala naman. Siguradong nakikita ngayon ni Tao ang nangyayari. Tatawagin na niya si Takeo para mag dala ng wine.

"Naka tawag ka na ba? Gusto na kasi kita halikan." Nag-papawis siya habang sinasabi ito. Sobrang nakakadiri, ito ang unang pagkakataon sa buhay ko na sobrang nadiri ako sa tao, gusto ko na siya pag pira-pirasuhin. Nag flash ulit sa isip ko ang sinabi ni Jun.

Bear with it, don't waste the effort you made.

Bear with it, don't waste the effort you made.

Bear with it, don't waste the effort you made.

"Ano ka ba chill ka lang Darling, gusto ko uminom muna tayo para naman malaman ko kung malakas ka uminom, mahilig kasi ako sa lalaki na malakas uminom eh."
Darling!? asfgfsdfsdf, I'm dying! Painumin niyo nalang ako ng lason para matapos na ang paghihirap ko, ayoko na mabuhay!

"Ganon ba? Ako ang tamang lalaki para sa'yo. Wala pang alak ang nagpapalasing sa akin."

Hindi ko na siya sinagot dahil nag ring na ang doorbell, pahiwatig na andyan na si Takeo. Saved by the bell! Pagbukas ko ng pinto nakatayo si Takeo na naka pang waiter na costume. Ang gwapo parin ng isang 'to. Natigilan siya ng ilang segundo habang nakatingin sa'kin pero agad din akong nginitian.

"Good evening ma'am, I bought one of our best wine." Bati ni Takeo.

"Thanks, come in." Pinapasok ko si Takeo sa loob at inilagay niya sa table ang wine. Matagumpay din niyang naisalampak ang recorder sa ilalim ng mesa.

"Have such a wonderful night, ma'am and sir." Binagalan niya ang hakbang nang nakatapat na siya sa akin. "Anata wo totemo utsukushi. (You're so beautiful.)"

Namula ako sa biglang bulong niya, hindi ko inasahan kay Takeo ang ganon. Nagtaka ako kung bakit siya marunong mag Nihonggo, Japanese nga pala siya.

Nagsimula kaming uminom ni Sasaki habang nagkwe-kwentuhan. The wine is actually good, though I can taste a little of the drug, good thing Tao made me another drug to counter it para hindi ako maapektuhan.

And then, he's down.

Kinuha ko ang cuff na binigay sa'kin ni Tao, then pinosasan ko na si Hizaki.

"Mahilig ka pala sa S&M." Lasing na saad ni Sasaki.

"Ha?!" Sira ata ang ulo ng isang 'to. After that kinuha ko ang latigo at winagayway sa kanya.

"Sadista ka pala? Hindi ko akalain, kanina lang pacute ka pa sa labas tapos ganito ka pala ka wild." Nanayo nanaman ang balahibo ko sa kanya, kaya tinadtad ko siya ng latigo sa katawan.

*Bzzt*Bzzt*

"'Wag mo muna siyang patayin cutie. Teka, saan mo nakuha ang latigo na 'yan?" Pigil sa'kin ni Tao.

"Bigay ni Regis. Anyway, sabihin mo sa'kin kung nas'an ang babae na kinuha niyo?!"

"Babae?! Anong pinagsasasabi mo?"

"Sumagot ka!"

"Bakit mo siya gustong makita?"

"Gusto ko lang i-compare kung mas sexy ba'ko sa kanya."

"Haha, hindi na kailangan, mas sexy ka d'on syempre. Bata lang naman ang Moon na 'yon eh."

"Anong ibig mong sabihin na bata pa?"

"Literally bata, as in batang paslit. Kapangyarihan lang naman niya ang kailangan namin wala ng iba pa. Pagtapos n'on itatapon na namin ang batang 'yon."

"Nasan siya!? Kapag hindi mo sinabi sa'kin sisiguraduhin ko na magdudusa ka!"
Banta ko.

"Kahit patayin mo'ko, hindi ko sasabihin sa'yo. Tingin mo ilang taon na'ko sa mundong 'to para hindi malaman kung spy ang kaharap ko?" Napakunot ang noo ko bigla. Don't tell me?! "Meron akong mga alaga na nasa labas, they should be on the way here. You better run, my little kitty."

Nagulat ako nang biglang bumukas ang pintuan. "Ito ba ang tinutukoy mo?" Maangas na tanong ni Kang Hoo, sa tabi niya si Jun, Shark at Takeo. May mga hawak na walang malay na tauhan ni Sasaki.

"W-what?!" Bumakas na ang takot sa mukha ng kalbo.

Napangiti ako. "Ano sasabihin mo ba kung nasaan ang bata o gusto mong pahirapan muna kita?!" Pinatunog ko ang latigo sa harap niya na ikinaputla ng mukha niya.

"Tch! 28th floor." Talunan na saad ni Hizaki. "Pakawalan niyo na'ko, nakuha niyo na gusto niyo!"

"Not yet."
Nakangisi na lumapit si Kang Hoo kay Sasaki at hinubaran ito, kinuhaan niya ng mga hindi magandang litrato ang lalaki. Pang blackmail daw ito.

Nagulat ako nang bigla nalang akong hinigit ni Jun paharap sa kanya, ang mukha niya puno ng pag-aalala.

"Are you ok? Did he touch you or something?" Hindi mapakali na tanong ni Jun, habang tinitignan ang kabuuan ko.

"I'm fine." Ngiti ko. 

Bigla niya akong niyakap at huminga ng malalim. "I was so worried."

"Ang sweet, nakakaselos." Nakapameywang na usal ni Regis. "Ako din pa hug."

*Bzzt*Bzzt*

"Guys why the hell are you slacking off? We don't have all the time in the world, we got the information we need, she's on the 28th floor, move!"

"ROGER!"

©IF02

The Legendary DurgaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon