JINGU (AGNEZKA PATRIARCA) POV
Naglalakad ako mag-isa papaasok sa University. Bakit? Nasaan si Jun? Tangina niya! Hindi kami nagpapansinan ng mokong na 'yon. Bakit? Dahil binuwisit niya ako kagabi. Alam na ngang mainit ang ulo ko dumagdag pa siya. Kinuha ko nga 'yung sasakyan, mag taxi siya bahala siya sa buhay niya.
*Growl*
Tunog ng nangangalam kong tyan. I'm so hungry, maaga kasi akong umalis ng bahay, dapat kumain ako kahit tinapay lang. Tch! Sa cafeteria nalang ako kakain, tutal eat-all-you-can five star restaurant naman 'yon.
Habang naglalakad ako bigla akong nakarinig ng nagtitilian na mga babae. Napakunot ang noo ko. What the hell is going on? May gulo ba?
Nako Agnezka Patriarca or Hitsugaya Jingu, o kung ano man ang pangalan ko, 'wag ka nang maki usyoso hindi maganda maging chismosa, 'wag ka nang pumunta don, halika na at dumiretso na sa cafeteria at kumain nalang. Mamaya masangkot ka pa sa gulo, imbis na manalo ka sa sugal niyo ni GodFather, baka matalo ka.
Pero dahil hindi ko mapigilan ang curiosity ko, of course I ended up going to that weird noise. Lumapit ako sa kumpol at nagtanong sa kung sinong pwedeng tanungan.
"Kuya anong meron? May artista ba?" Wala naman sigurong masama kung titingin lang saglit diba?
"Tanga kasi 'yung lalaki eh." Sabay turo niya sa lalaking duguan na nakahandusay sa sahig. "Natapunan niya ng kape ang damit ni Kaiser."
Woah! Woah! Woah! Hold on! Kaiser? Why the f*ck is his name so cool? I want to be called by that name too! Kaiser means Emperor in German. Nakakainggit! I want that name too. Patayin ko kaya kung sino man 'tong Kaiser na tinatawag nila?
Tinulak-tulak ko 'yung mga nasa harapan ko, may iba pa ngang nagalit pero hindi na nakasagot nang titigan ko sila ng masama. Aba kahit babae pa sila babalian ko sila ng panga. Pagkalapit ko nasa unahan na'ko kung saan kitang-kita ko na ang nangyayari. Nakatalikod 'yung tinatawag nilang Kaiser, medyo may katangkaran at malapat na katawan.
Nanlaki ang mata ko nang lumingon siya, that familiar irritating face. Why is he here? He's Kaiser? Are you kidding me?! Siya 'yung pesteng sira-ulo kagabi, 'yung kapit bahay kong ungas. Why is there a dead body in front of him?
"S-s-sorry Kaise--" Oh! So he's not dead yet? "arghhh!" Naputol ang sinasabi nung lalaki nang bigla siyang sipain sa mukha nung Kaiser.
Wait! That's not the f*cking point! That man is the Kaiser! How dare he have an awesome name!? While I get Jingu? How can my name be anymore pathetic and lousy as it sounds?! If I remember right, he called himself... Chin Ma Lo? Chuk chak? Hmmm. Ano nga ba 'yon? I'm not really good with names. Chu--- CHUN KANG HOO! Oh yeah! I'm such a genius.
Tinignan ko si Chun Kang Hoo, his eyes were cold, the eyes of someone already stained with blood. The all so familiar stare of a killer, that kind of stare always turns me on. What's this? His aura, it feels like there's a monstrous lion around around him. I looked at my hand, it was shaking. Nanginginig ako? Me? The Durgatinashini. Haha! I feel excited for some reason, I couldn't help but lick my lower lip as I look at the so called Kaiser. This is awesome. I can't believe na may ganitong halimaw sa Pilipinas, kung nalaman ko lang agad, sana matagal na akong nagpunta dito para hamunin ang hampas lupang 'yon.
Then I thought of something awesome.
Susuntukin na sana ni Kaiser sa mukha ang kawawang binata na dugu-duguan na, agad akong tumakbo papalapit para saluhin ang kamao na paparating.
Pinanood ko kung paano manlaki ang mata ni Chun Kang Hoo nang makita na may sumalo ng suntok niya, napanganga pa nga ito. Nang rumehistro na sa kanya ang nangyari napakunot ng maigi ang noo niya. Shock would be an understatement, not only him, the whole student body that's watching right now.
"Don't you think that's enough? The boy is about to die. You shouldn't kill a person who's out of your league." Mahinang bulong ko habang hinihigpitan ang grip sa kamao niya na naglalabasan na ang mga ugat dahil pinipilit niyang tanggalin sa pagkakahawak ko.
I do admit though, he's strong. Masakit ang palad ko and I could still a bit of tingling pain in my palm, malakas ang impact. Kung hindi ako malakas, baka bumaluktot na ang siko ko sa pagsalo ng suntok niya.
"Gusto na atang mamatay ng nerd na 'yon eh"
"Bakit niya pinigilan si Kaiser? She's dead."
"Someone's trying to be a hero. LOL!"
Nagsimula nanamang magbulungan ang mga estudyante. Karamihan sa kanila masama ang tingin sa'kin, 'yung iba gulat at namamangha. I wonder, hindi ba nila alam kung paano bumulong? Bakit kailangan naririnig ng iba ang bulong nila? Ganito ba ang mga Pinoy, mahilig bumulong ng malakas.
Napatingin ako sa likod ni Kang Hoo nang may marinig akong sumipol, it was that guy who kept bothering me at the Cafeteria before, I think his name was... Tae? Too? Tao, yea it was Tao. There's other three guys beside him. I guess the Four Deva Kings are complete.
"Bakit mo'ko pinigilan?" Biglang nagsalita si Kaiser, ang boses malalim at mapagbanta. Masa ang tingin niya sa'kin. Nginisian ko lang siya at marahas na binitawan na ang kamao niya.
Is this really the same guy who was clinging to me last night? Feels like a different kind of crazy to me. Hindi kaya may kakambal ang putanginang 'to? Kung alam ko lang na ganito pala siya kalakas, edi kagabi ko pa sana siya hinamon ng death match.
"The guy's dying, won't you let him go?" Balewalang saad ko.
Truth to be told, I could care less kung mamatay ang lalaking binubugbog niya o kahit patayin niya ang sangkatauhan. I just needed a reason to provoke him, to piss him off and make him want to kill me. It's not everyday na makakakita ako ng gaya niya.
*DING DOONG DEEEENG*
Tumunog na ang bell na nagsasabing oras na para pumasok sa klase. Good timing! Hindi ko na pinansin si Chun Kang Hoo, lumingon na ako sa lalaking bugbog sarado. Tumingala sa'kin ang sugatan na lalaki na para bang isa akong anghel na pinababa ng panginoon para iligtas ang kawawa niyang kaluluwa.
Nginitian ko ang lalaki. "Thanks." Kinindatan ko siya, tapos naglakad na ako papasok. Salamat sa kanya nagkaroon ako ng rason para makipag-away. Now then, let's see kung ano ang magiging reaksyon ni Kaiser at Four Devas. Base sa itsura ni Chun Kang Hoo nang pigilan ko siya kilala niya ang Devas, this is going to be an interesting school year.
"Hoy!" Tawag sa'kin ni Kang Hoo.
Bahagya akong lumingon at pa-inosenteng tinignan siya ang mukha nakatagilid at ang mata kunwariang nagtataka. Kitang-kita ko kung paano niya isarado ng mahigpit ang kamao niya, napangisi naman ako. Napansin ko na biglang kumunot ang noo ni Kang Hoo nang may mapansin at maalala. Nagtataka ako kung bakit parang ibang-iba siya, parang hindi siya 'yung lalaki na nakasabay ko kagabi, parang ibang tao. Does he really have a twin?
Well, not like it really matters.
Since there's no since of him talking, tumalikod na ako ulit at tinuloy ang paglalakad. Then bigla siyang sumigaw. "You interrupted me, tapos lalayasan mo'ko?!" Hindi ko siya pinansin, parang wala akong naririnig na naglakad parin palayo.
I felt something ominous incoming from my back. Agad-agad akong lumingon at inilagan ang suntok na paparating. Hindi man tumama ang kamao niya sa'kin dahil nakailag ako, but I'm sure if it wasn't for my good reflex dumudugo na sana ang ilong ko ngayon.
Nang makailag ako tinitigan ko siya ng masama, kulit nito ah.
"Y-you, nakailag ka. You're not normal, who are you?" Nakasimangot na tanong sa'king ni Kang Hoo.
Wow! This guy is funny. Siya nga 'yung kagabi pinipilit ang pangalan niya sa'kin, tapos ngayon hindi niya ako maalala. Although, yes, hindi ko sinabi ang pangalan ko sa kanya, he should at least remember my beautiful face.
Then may naisip akong magandang gawin. Nakangiti na dahan-dahan akong lumapit kay Kang Hoo, malambing na nilapat sa pisngi niya ang kanang palad ko at pinapunta ito sa batok niya. Pinilit kong ilapit ang mukha niya sa mukha ko, sabay bumulong ako sa tenga niya ng...
"I wonder? Take a guess."
After saying those words I walked away and of course hindi ko kinalimutan na kindatan ang nakanganga na Kaiser. That was definitely a fun encounter Kaiser, or should I say Chun Kang Hoo?
Then I stopped on my tracks.
Wait! What am I doing? Am I crazy? There must be something wrong with my head. Why did I do that? Aren't I supposed to hide my identity? I shouldn't have provoked that finocchio (f*g). I just officially ruined my life. Sh*t!
Baka mamaya malaman nila kung sino talaga ako, then 'pag nalaman nila kakalat na agad sa buong Pilipinas kung sino ako, tapos malalaman ni Nonno. D*mmit!
*Growl*
Nevermind! I should fill my tummy first, gutom na gutom na'ko. Bahala na si Batman, hintayin nalang natin ang susunod na mangyayari. Hindi bagay sa'kin ang mag-isip, baka magkasakit ako.
BINABASA MO ANG
The Legendary Durga
AcciónShe is a wonder. She is stunning. She is a Goddess. Fighting against armed men, killing them in the blink of an eye, swinging her sword as if she was dancing an exotic dance and a dangerous smile creeping on her face, smile that could make people tr...