JINGU (AGNEZKA PATRIARCA) POV
Tahimik kaming lahat na nasa elevator, pinapanood namin ang paglipat ng ilaw hanggang sa huminto ito sa 25th floor. Habang pinapanood at mataas ang tensyon sa loob, may naalala ako bigla. Nilingon ko sila Kang Hoo na pare-parehong tinitignan ang ilaw ng elevator.
"We have the same goal." Putol ko sa katahimikan.
Napatawa ng mahina si Kang Hoo at tumango. "Paunahan nalang."
"Don't even think about it, you'll never be ahead of me." Sabay ngisi ko.
Nang huminto na ang elevator sa 25th floor, tumakbo agad kami palabas at ginamit ang fire exit para akyatin ang nalalabing palapag. Binalaan kami na Tao na maraming gwardya ang nakapalibot sa 28th floor kaya hindi na namin tinuloy hanggang doon.
"Ingat kayo, maraming gwardya at mahigpit ang security nila, baka mawa--" Biglang naputol ang linya ni Tao, this place is probably bugged.
Maliit na binuksan ni Takeo ang pintuan, binilang niya kung ilan ang gwardya. "There's 12 of them."
"Ok, I'll take care of it." Lakas loob na suhestyon ko.
"Anong plano mo?" Nagdududang tanong ni Regis, mukhang walang tiwala ang isang 'to sa awesomeness ko.
Kaya naman instead na magpaliwanag, nginisian ko nalang siya at hindi sumagot. Binuksan ko agad ang pinto at naglakad palabas, naging alerto agad ang mga gwardya at tinignan ako ng masama.
"Kyaaahh!! Tulungan niyo ako, may mga lalaki na gusto akong gahasain!" Tinuro ko ang direksyon na pinanggalingan ko, habang nagkukunwariang umiiyak. "Tulungan niyo ako." Kumapit pa ako sa isa sa mga gwardya.
"Sino ka?" Tanong ng isa sa mga gwardya.
"Bigla nalang nila akong dinala dito. Naligaw ako habang hinahanap ang room ko."
Tumakbo silang lahat agad sa direksyon na tinuturo ko, kung nasaan sila Jun at tinutukan ng baril. Napangisi ako nang makita ang gulat na gulat sa ekspresyon ng bawat isa sa kanila.
"Hoy! Anong ibig sabihin nito?" Sigaw ni Regis.
Nagsimula silang atakihin ng mga gwardya, nakahalukipkip na pinapanood ko naman sila habang naglalaban. Based on my observation, Jun is the strongest in the group, Takeo the second, Kang Hoo third, Shark fourth, Regis then Tao. "Hmm. They're not that bad, I guess. Not good enough though."
Nang matapos na sila, nginitian ko lang sila ng matamis, lahat sila masama ang tingin sa'kin of course aside from Jun. He just walked towards me with an indifferent expression, and took a key card on one of the guards pocket. "Let's go." Mahinang saad niya.
We walked inside, at pagpasok namin sa pad, madilim ang lugar at maraming yapak ng paa na paparating ang naririnig ko. I looked at Jun, it seems like he noticed it too.
Nang may makakita sa amin, agad kaming inatake. Isa-isa namin itong pinatumba ng madali. I looked at around, the place is huge, it will take time to find somebody in this place. "We have to split." Jun suggested.
We all nodded at him and ran on different directions. Malaki ang lugar at hindi magandang ideya kung magkukumpulan kami sa isang lugar, konti lang ang oras na mayroon kami and any moment pwedeng madagdagan ang mga tao dito.
Lahat na ng kwarto binuksan ko, lahat ng pwedeng pagtaguan tinignan ko, but I couldn't find anything. Tumakbo ako pabalik sa kinatatayuan namin kanina, all of them are there, but no signs of the Moon Girl.
"So its a no?" Hinihingal na tanong ko, lahat sila umiling.
Nalibot na namin lahat, bawat sulok, pero wala parin kaming nakitang iba.
"Did that Sasaki trick us?" Biglang putol ni Regis sa katahimikan, lahat kami napaisip bigla. That's not impossible. "Baka naman wala siya dito, niloko lang siguro tayo ni Sasaki."
"Ba't naman siya maglalagay ng maraming gwardya dito kung wala naman palang babantayan?" Tanong naman ni Kang Hoo.
Napatango si Kang Hoo at Takeo sa sinabi ng kaibigan.
"That's right, why?" Bulong ni Jun, at bigla para siyang may na-realize. Bigla siyang tumakbo palabas ng pad. "Hanapin niyo ang bawat kwarto, tignan niyo."
"Bakit?!" Naiinis na sigaw ni Regis.
"I see, I didn't think of that." Biglang saad din ni Kang Hoo. "That room is nothing but a diversion, she's still here, somewhere in this floor. Let's go!"
It has already been more than half an hour, but there's still no sign of that person. We've checked all the room, every nook and cranny, but nothing. Paikot-ikot kami, pero wala talaga. Sa sobrang pagod ko kumapit muna ako sa dingding para huminga saglit.
I didn't realize na painting pala ang nakapitan ko, napatayo ako bigla nang naramdaman ko na parang nag-click ito. Pinuwersa ko ang kamay ko sa painting, and it clicked again, however nothing happened.
This can't be...
"How do I open this thing?" I took the hand gun on my back pocket and pointed it at the edges, before I could even pull the trigger, the painting opened. "What the...?"
I put down my gun and cautiously walked inside, I looked at the surrounding, walang kahit anong nakalagay maliban sa malaking kama na nababalutan ng puting maninipis na tela. May nakita akong anino na nakaupo doon, base sa itsura ng anino, babae. Mahaba at kulo ang buhok nito.
Maingat na tinutok ko agad ang baril ko, delikado na. Dahan-dahan akong lumapit sa kama, maingat at tahimik, sabay inangat ko ang kurtina. Nagulat ako at naibaba ko ng wala sa oras ang hawak na baril. Isang batang babae na mukhang sampung taong gulang palang ang nandoon. Tumingala siya sa'kin sabay malambing na ngumiti. Maputla ang labi niya at kulay itim ang malalim niyang mga mata. Masasabi mo na maganda ang lahi na pinanggalingan nito. What is a kid like her doing in this place? Wait! Don't tell me this kid.
"Ako nga, kanina ko pa hinihintay ang pagdating mo. It's nice to meet you Hitsugaya Jingu o mas gusto mo bang tawagin kitang Agnezka Patriarca? Ang nag-iisang tagapagmana ng pinakamalakas na vigilante family sa Italya, ang Patriarca Famiglia, at ikaw din ang nag-iisang Durgatinashini. Tama ba?" Nakangiting saad nito.
Sa gulat ko tinutok ko agad sa noo ng bata ang baril na hawak ko. She know who I am. Lumingon ako sa likod, baka mamaya narinig ng mga kupal sa labas ang sinabi ng batang 'to. How did she know? Ngayon ko lang siya nakita at iilang tao lang ang nakaka-alam ng tunay kong pagkatao, maliban sa pamilya ko at si Jun.
Just who is this kid?
"Don't worry, I have no intention of telling the people you came here with about your situation." She stated and for some reason I believed her that easily.
"Paano mo nalaman kung sino ako? Paano mo rin nalaman na paparating kami, you said you were waiting for me. How? Who are you?" Tanong ko.
"Tungkol sa pagkatao mo, sinabi ito sa'kin ni Godfather, at sa pagdating mo naman, sabihin nalang natin na nakikita ko ang kinabukasan. Hindi man lahat, pero nakita kita."
"So it was true that you can see the future?"
"Ganoon na nga."
"I can't believe that its really true. Haha! Its the 21st century. Gosh!"
Maya-maya nakarinig ako ng yapak ng paa na tumatakbo papalapit. "Jingu!" Dumating bigla si Kang Hoo at tumakbo papalapit sa'kin. "May nakita ka ba di---" Napatigil siya nang makita ang batang babae, na nginitian niya lang.
"Didn't thought about a secret door here." Narinig ko ang boses ni Regis, nasa likod niya si Jun, Takeo at Shark na mukhang napatitig lang din sa bata.
Nginitian sila ng batang babae.
"What's up guys?!" Biglang may nagsalita sa earpiece, it was Tao. "The target is in front, take her and leave, guards are on their way." Utos pa nito.
"Roger." Sagot ni Regis. Tinuon niya ang pansin sa bata sabay ngumiti. "Little princess you need to come with us."
Tumango lang naman ang bata.
Is she really going to come with us just like that? Hindi manalang muna ba siya magtatatanong kung saang impyerno namin siya balak dalhin o kung anong gagawin namin sa kanya. Well, she can see the future so maybe it doesn't really that matter. I don't think we'll be torturing her anyway.
"δεν φοβούνται. (You're not scared.)" Kausap ni Shark sa bata.
That was the second time I heard this killing machine speak, I suddenly felt proud of myself. Feeling ko ako ang unang tao na nakarinig sa kanya magsalita, ng dalawang beses.
"Nagpunta kayo para iligtas ako diba? Bakit ako matatakot?" Ngiti ng bata. Is this brat gonna keep that smiling face forever? Binuhat siya ni Shark na para bang wala manalang itong konting kabigatan.
Madali naman kaming nakalabas ng Star Tower ng walang nakakahalata sa'min. Sinundo kami ni Tao na may dalang tinted van para magkasya kaming lahat. Dumiretso kami sa bahay ni Kang Hoo para pag-usapan ang mga bagay na dapat pag-usapan.
Pagdating namin doon, lahat kami pagod at nanahimik lang sa kinauupuan namin. Dinalhan kami ng inumin at iba't-ibang meryenda ng mga maid. Kang Hoo's mansion was beautiful, westerner na westerner ang dating. Not really my type, I prefer the Victorian Style houses, its dark and creepy.
Habang dumudukot ako ng prutas, biglang lumapit sa'kin ang bata.
I looked at her, she's really beautiful and there's a sacred feeling to her. "What's wrong? What do you want?" Tanong ko habang ngumunguya.
Umiling siya at ngumiti. "Gusto ko lang tumabi sa'yo. Ok lang ba?" Tanong niya pa sa'kin.
Napangiti ako, she's still a little girl. "Silly girl, come here." Pinaupo ko siya sa tabi ko at inabutan ng biscuit.
Tinitigan ko siya habang mahinhin na kinakain niya ang binigay ko sakanya. 'Yung mukha niya ay pinaghalong cute at maganda. Parang kapag nadapa o natapilok siya, bigla nalang siyang mababasag o di kaya puputok na parang bula. Sobrang fragile ng dating niya sa akin, and so pure, a human completely different from me.
Niyakap ko siya bigla. "Ughh!! You're so d@mn cute!" Napahigpit dahil sa sobrang gigil ko. "By the way, what's your name?" Tanong ko habang hinahawi ang mahaba at kulot niyang buhok. "How old are you?"
I wonder kung ito din ba ang pakiramdam ng may bunsong kapatid. Bunso kasi ako kaya hindi ko alam and I didn't have any other siblings other than Fratello. Ano kaya iniisip ni Fratello noong nabubuhay pa siya? Did he think that I also looked fragile like this small girl? Or did I look dangerous?
"My name is, Amy Cosmos. I'm twelve and a half." Mahinang sagot ng bata.
"Amy... Amy..." I said it a couple of more then smiled. "Nice name, I like it, bagay sa'yo." Puri ko pa sa kanya.
For some unknown reasons, magaan ang loob ko kay Amy. Who wouldn't diba? This girl is just so angelic that everybody can't help but be kind to her. Anyone who stays with her would like to pamper her with luxurious things. I wonder kung anong klaseng demonyo ba si Sasaki at nagawa niyang kidnappin ang ganito kagandang bata.
Nang napansin ko na may sariling mundo na pala kaming dalawa ni Amy habang nagkwe-kwentuhan, nilingon ko ang mga kasama ko na tahimik. Nakalimutan ko na may mga kasama nga pala ako. All of them looking at us, as if we were some kind of a high grade meat.
Tumaas agad ang kilay ko nang makita ang tingin nila sa'min. "Ano?" Pagtataray ko. "Gusto niyong lumipad 'tong tooth pick papunta sa mata niyo?" Banta ko pa.
"You look so picturesque together, Cutie." Parang nananaginip na saad ng humanoid pet ko, si Tao. "Amy-chi, wearing that pretty dress and you wearing that sexy dress. The both of you are sparkling. It was just so hard to interrupt the cute little coversation the two of you are having."
Inirapan ko lang si Tao. "Dami mong alam." Pambabara ko pa.
"By the way, I already took a photo of you two, I'll make it my wallpaper. Hehe!" Pinakita pa ni Tao sa'kin ang picture namin ni Amy na magkayakap.
Napabuntong hininga nalang ako sa kabaliwan ni Tao, mahinhin na tumawa naman si Amy.
Biglang pinagtama ni Jun ng malakas ang dalawa niyang palad para agawin ang atensyon naming lahat. "How about you guys start talking? Bakit niyo hinahanap ang Moon?" Matalas na tanong ni Jun, ang mata hindi na malambing.
Nagsimula na ang dapat pag-usapan.
"I should be the one asking that." Matalas na saad naman ni Kang Hoo.
"Who gave you the right to ask question? I'm the one asking, so you should just answer." Buwelta naman ni Jun.
"This bit----!" Tumayo na si Kang Hoo, pero pinigilan siya ni Takeo. "Takeo! Bitiwan mo'ko papatayin ko 'tong animal na'to!"
"Kang..." Mahinang tawag lang ni Takeo.
"Hmpf!" Naiinis na naupo nalang si Kang Hoo.
Napataas ang kilay ko, wala naman pala siyang binatbat kay Takeo, 'pag sinabi ni Takeo na umupo siya uupo naman siya. And he call himself Kaiser, with how pathetic he is.
"Napagutusan lang kami na hanapin siya at ibigay sa dapat pagbigyan." Paliwanag ni Regis.
"Sino nag utos sa inyo at kanino niyo siya ibibigay?" Tanong ni Jun.
Biglang may kumatok. Pagtingin namin lahat sa pinto, pare-parehas kami ng reaksyon, aside from Jun. "Good evening Ladies and Gentlemen, Good job! You guys got the right person." Bati sa'min ng bagong dating na babae, none other than Chun Bia.
Was it her? Siya ba ang nag-utos sa mga mokong na'to na hanapin ang Moon? Kung ganoon bakit hindi nalang niya hinayaan ang mga 'to? Bakit pati kami sinali pa? Tsk!
"Noona." Saad ni Tao na parang wala sa sarili.
"Nice to meet you Amy Cosmos, we're glad to have you back." Parang host sa game show na saad ni Bia. "The Godfather will definitely be happy."
"Thank you Miss Chun Bia, its a pleasure to meet you for the first time." Bati ni Amy at ngumiti din.
"Oh! I can see the look of confusion on your faces guys. Except for Jun who has this really irritating blank expression." Patukoy niya kay Jun na medyo may pagkainis sa boses. "Let me explain, I have you guys find this little girl because Sasaki kidnapped her from u-..."
"We already know that part." Singit ko.
"It was a favor from the Godfather so I just helped him out." Simpleng paliwanag ni Bia.
"Helped him out?! We were the one who did everything, you didn't do anything at all, not even a tiny bit." Reklamo ni Kang Hoo na nagpataas ng kilay ni Bia. "You didn't give us even a single information. We had to do everything!"
"Naneun dangsin-eul oechyeossda, Chun Kang Hoo! Amado dangsin-eun naega salam ibnida ij-eo beolin! (Sinisigawan mo ba'ko, Chun Kang Hoo! Nakalimutan mo yata kung sino ako!)" Banta ni Bia na nagpaurong sa buntot ni Kang Hoo.
"Joesonghabnida, silsulo ul-eossda. Geuleona ttohan sasil jeonja 'ttaemun-ida. (Sorry, hindi ko sinasadya sumigaw. Pero totoo naman eh.)" Nagmamadali na humingi ng tawad si Kang Hoo.
Pinilit ng ilan sa'min ang hindi tawanan na makita si Kang Hoo na takot na takot sa ate niya. Kaso lang hindi na namin mapigilan ni Tao ang mapatawa, kaya malakas na humalakhak kami. Dumating pa nga sa punto na sumakit ang sikmura namin sa kakatawa.
"Tumahimik nga kayo!" Bulyaw ni Kang Hoo na may namumulang pisngi. I don't know kung galit siya o nahihiya.
"Yeah, sorry Kahoo." Nagpipigil na saad ni Tao.
Humihina na ang tawa ni Tao pero ako pinipilit ko parin pigilan. Tinignan ako ng masama ni Kang Hoo na lalong nagpalakas ng tawa ko. Mukhang sobrang naiinis na siya kaya tumigil na ako, kahit may konting hysterics.
"Ehem!" Serious mode on na'ko. "Bakit mo ba tinutulungan ang Godfather? I don't think you're part of the family? Are you?" Tanong ko kay Bia.
"I'm not part of the family, I'm simply a friend. Isa pa, malaki ang utang na loob ko sa Patriarca family, and to..." Lumihis ang tingin ni Bia kay Jun na ikinakunot ng noo ko, pero bumalik din agad sa'kin. "Tutulungan ko ang Godfather sa lahat ng kailangan niya sa abot ng makakaya ko."
"Yeah right, but we're the one doing the dirty work here." Pabulong na maktol ni Kang Hoo.
"May sinasabi ka mahal kong kapatid?" Agad na umiling si Kang Hoo.
"How about Amy?" Tinanong ni Regis kung ano ang gagawin sa bata.
"Jun and Jingu will take care of her for the meantime, the Godfather says so."
"What?!" Napasigaw ako. Anong iniisip ng matandang 'yon? Gagawin pa kaming babysitter! There really is something wrong with his head.
"Ayaw mo? Kawawa naman si Amy." Pangongonsensya ni Bia.
"That's not it, moron! She was just kidnapped, not long ago. And now you want her to stay with us? Are you serious?! Kailangan niya ng proteksyon. We don't know when an enemy might attack. She needs to go back to the family." Sigaw ko.
"Ok lang sa akin na mag-stay sa inyo." Biglang saad ni Amy.
"But it's dangerous. We may be strong, but we won't be enough if they attack us." Seryosong saad ko sa bata. "Strong people can be out-numbered, we're not super humans." Napayuko ang bata, mukhang iiyak na. Ughhh! I have a weakness when it comes to pouting kids. Well, it's not like they're going to attack us immediately, right? "Alright, ok lang ba sa'yo na every morning makakarinig ka ng sigaw na nakakarindi?" Sumusuko na saad ko.
Lumapit si Jun kay Amy, lumuhod siya para magkalevel ang mata nila. "Don't worry Amy, kaya lang naman ako sumisigaw dahil ayaw bumangon ng isa diyan." Parinig sa'kin ni Jun.
Then it was my turn to roll-eyes.
"That means I can stay with you guys?" Excited na tanong ng bata.
"Of course you can." Sagot ni Jun.
Nginitian siya ni Amy at niyakap, hindi nakatakas sa mata ko ang bulong na ginawa ng bata sa kanya. Too bad they're too far away for me to hear. Napansin ko na nag-iba ang hilatsya ng mukha ni Jun matapos magsalita ang bata, shock painted his face, pero mabilis siyang nakabalik sa dati.
What the hell was that?
"Amy-chi, halika dito." Tawag ni Tao kay Amy at binuhat niya ito. "Amy-chi ang cute-cute mo. Alam mo meron din akong nakababatang kapatid. Nasa France siya ngayon at sobrang namimiss ko na siya."
"Ariana ang pangalan niya diba?" Panigurado ni Amy. Hanep din ang powers niya eh 'no. Kahit hindi pa niya nakikita, nakikilala na niya.
"Oo, Ariana ang pangalan niya, magkasing edad kayo at mayroon siyang red hair na kagaya mo at blue eyes."
Matapos ang diskusyunan namin, tinahak na namin ang kanya-kanyang landas pabalik sa mga bahay namin. Of course kasama namin si Amy. Tahimik lang siya sa likod ng sasakyan, natutulog.
Tahimik lang kami, pagod ang lahat eh.
Makakatulog na sana ako nang biglang magsalita si Jun.
"I'm glad." Biglang punit ni Jun sa katahimikan. Nagtatanong na tinignan ko lang siya. "I'm really glad that you're safe, I was scared. I didn't know what I'm going to do if something happened to you."
I looked at his face, he seemed pale.
Huminto ang sasakyan nang mag-red ang stop light, tumingin siya sa'kin at parang nasasaktan na ngumiti. I immediately held his hand, and smiled, the usual perky smile.
"Stop being a worry-wart. I'm fine, see." I smirked at him.
"I know, but its not like I can help it."
"I'm sorry for making you worry."
"I can protect you. So please, next time, let me be the one to stand in front of you."
"I understand. Don't worry, everything's alright."
Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya, telling him that I'm really fine. He seems not to believe that I'm still in one piece. Umandar na ang sasakyan nang mag green na ang stop light. Dumungaw ako sa bintana at pinanood ang mga gusali na nalalagpasan namin.
Napabulong nalang ako ng. "For now."
©IF02
BINABASA MO ANG
The Legendary Durga
ActionShe is a wonder. She is stunning. She is a Goddess. Fighting against armed men, killing them in the blink of an eye, swinging her sword as if she was dancing an exotic dance and a dangerous smile creeping on her face, smile that could make people tr...