CHAPTER 46

9.9K 335 144
                                    

JUN (SEBASTIAN CROSS) POV

Dalawang linggo at tatlong araw nang hindi nagpapakita si Jingu. Iyon din ang dami ng araw na wala akong ginawa kundi magkulong sa bahay kasama ang alak at hintayin ang pagbabalik niya.

Dahil wala akong magawa kundi maghintay.

Ilang beses narin namin sinubukan na hanapin kung nasaan siya, pero burado lahat ng trace. Kung may makikita man, peke ito. Halatang pinaglalaruan kami ni Ryuuzaki. Napahilamos ako sa mukha papunta sa buhok. Ilang gabi ko narin itong paulit-ulit na ginagawa. Hindi na 'ko magtataka kung bigla akong makalbo.

Ipinaalam ko na kay Godfather ang nangyari, inutusan niya ako na 'wag gumawa ng kahit anong kilos. Alam na ni Ryuuzaki kung nas'an ako o baka matagal na niyang alam. Sa inakto niya nang sumulpot ako sa harap niya, hindi siya nagulat. Alam na niyang magkikita kami noon.

Five years ago, nang malaman ko ang pagkamatay ng matalik kong kaibigan, agad akong naghanap. Hinanap ko ang pumatay sa kaniya. Sa halos kalahating taon na paghahanap, napunta ako sa isang kakaibang organisasyon.

Organisasyon ng mga assasin, pero hindi iyon ang kakaiba d'on.

Lahat ng miyembro, sumusunod sa isang tao na kahit minsan hindi nila nakita. Kahit na ang matataas na ranggong assassin ay hindi pa nasilayan ang pagmumukha ng kanilang pinuno. Ang tawag nila sa pinuno ay...

DRAGON.

Kapag mayroong malakihang misyon at kailangan ang malalakas na assassin, dumadating ang kinikilalang kanang-kamay ng pinuno. Siya ang kadalasang nagbibigay ng misyon sa mga batikang assassin, pero kahit ang mukha nito ay hindi nila alam. Lagi itong may suot na maskara at naka voice changer. Ang tawag sa kaniya ay Smiley, dahil naka smile ang maskara niya.

Dahil sila lang ang tingin ko na makakatulong sa'kin para malaman kung sino ang pumatay kay Gio, sinalihan ko agad ang grupo. Hindi nagtagal naging isa ako sa mga high ranking. Isa sa mga pinakamalaking misyon ko ay ang wasakin ang mga grupong maaring maging sagabal sa paglaki ng organisasyon.

Ginawa ko ang inuutos nila, winasak ko ang bawat grupo na inutos nilang wasakin, mag-isa. Nahirapan ako, hindi simpleng bagay ang wasakin ang isang buong organisasyon.

Isang gabi pinatawag ako ni Smiley, pinapunta niya ako sa isang hotel, may ipapakilala daw siya sa'kin. Agad akong nagtungo sa grandeng hotel na 'yon at pumasok sa suite na sinasabi niya. Sinalubong ako ni Smiley, wala na ang maskara sa mukha niya at gaya ng maskara nakangiti din siya, hindi magandang ngiti.

Isang lalaki na may kulay abong buhok at asul na mga mata, pinakilala niya ang sarili niya sa akin, his name was Yuki. 

Tama 'yung lalaking naka-hood na kasali sa Battle Royale, 'yung lalaking umagaw ng espada ni Jingu. Hindi ko na pinaalam kay Jingu na magkakilala kami ni Yuki, hindi din naman ako nilapitan ni Yuki para ipaalam na magkakilala kami. Isa pa, ayaw kong malaman ni Jingu ang nakaraan ko sa organisasyon, kaya nanatili akong tahimik.

Nagitla ako nang magpakilala sa'kin si Yuki, kung ano siya at ilang taon na, sinabi pa nga niya ang zodiac sign niya. Pinapasok niya ako sa loob ng silid. I was wary the whole time, siyempre hindi ko alam kung mapagkakatiwalaan ba ang mga taong 'to.

Pero pagpasok ko, ang una kong nakita ay ang likod ng isang lalaki, nakatayo siya at nakatingin sa mailaw na labas ng New York. Pula at mahaba ang buhok niya, may malaking tattoo ng dragon ang naka pinta sa buong likod niya.

Alam ko na agad kung sino ang lalaking iyon. Siya ang pinuno si...

Dragon.

~THE LEGENDARY DURGA~

The Legendary DurgaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon