CHAPTER 42

8.1K 272 51
                                    

JINGU (AGNEZKA PATRIARCA) POV

Pahikab-hikab akong bumaba habang nag-uunat. Antok na antok parin ako dahil sa kulang na tulog. Nagbasa pa kasi ako ng One Piece bago matulog, kaya ito puyat. Eto namang si Jun na walang pakisama, walang tigil akong ginigising.

"Good morning Ate Jingu." Bati sa'kin ng isang nakakamiss na nilalang. Ilang araw  namin siyang pinag i-stay sa ibang bahay at hindi nabibisita.

"Amy!" Patakbong pinuntahan ko siya at mahigpit na niyakap. Sobrang na miss ko siya. "I missed you, good morning."

"Good morning Honey!"
Matamis na bati ng isa pang tao na matagal ko ding hindi nakita, si Chun Bia.

"Bia! Morning." Nakangiting bati ko.

Kumain kaming apat ng maingay at masaya. Panay ang kwento ni Amy sa mga nangyari sa kanya nitong mga nakaraang araw na hindi kami nagkakasama. Gustuhin ko man na patirahin ulit dito si Amy, hindi pwede dahil marami pang kalaban at hindi namin siya mababantayan ng ayos. Pansamantala muna siya kay Bia, tutal wala namang kasama sa bahay ang babaeng 'to.

Pagtapos naming kumain ng agahan, pumunta na kami sa school. Tuloy parin ang maingay na school festival. Hindi na kami kasali sa cosplay cafe nila dahil muntik ko nang sirain ang buong room sa inis.

Minabuti nalang ng mga klasmeyt ko na pabayaan kami at sila nalang.

Pagkahatid namin kay Amy sa elementary building dumiretso na agad kami ni Jun sa hideout kung saan naghihintay ang Kings. Dalawang araw na ang lumipas nang ipalagay ni Kang Hoo ang tagapag masid sa paligid ng Ryuugumi mansion, pero wala paring kakaibang nangyayari.

Pinanood namin ang tapes ng CCTV sa paligid ng mansyon nung araw na nagpunta kaming dalawa ni Kang Hoo at 'yung pangalawa na kasama naman si Jun at Tao. Merong mga parte na burado, naunahan kami ng mga kalaban sa tapes.

Ngayon mahihirapan kami lalo sa paghahanap.

"By the way Cutie, here." Inabutan ako ng humihikab na si Tao ng folder. Ano naman 'to? Nakita niya ata ang pagtataka ko kaya sinagot niya.

"Senyor Gustavo Duval. Hinihingi mo ang impormasyon ng taong 'yan diba? Nakalimutan kong ibigay sa'yo nung isang araw." Paliwanag ni Tao na puro dark circles na ang mata, para tuloy siyang panda.

Dalawang araw narin niyang sinusubaybayan ang in and out sa perimeter na pinagawa ni Kang Hoo kaya kaunti lang ang tulog niya.

"Gustavo?" Singit ni Regis, mukhang kakatapos lang maligo dahil towel lang ang nakasaplot sa pang ibaba niya, ganda ng abs. Napansin niya na tinitignan ko siya. "Like what you see?" Pang-aasar niya sa'kin, nginisian ko lang siya.

"Yeah, you have cute baby fats."

"Baby fats?! These strong and hard muscles of mine? How could you?! Touch it, feel it! Then fall in love darling."
Lumapit pa siya sa'kin at hinawakan ko naman, nagkukunwarian na disappointed ako sa katawan niya. But it's undeniably hot! Sinampal ko 'yung tiyan niya. "Ouch! Woman, that's not how you to treat your man!"

"Since when did you become my man?"


Maya-maya tumingin sa paligid si Regis at lumunok, parang kinabahan pa nga siya. "Haha! Nagbibiro lang ako. Tama na nga baka mamaya landiin kita diyan Jingu eh. Magkakaroon pa ako ng kaaway dito."

"Sino naman?"

"Hindi mo alam? Hard headed ka rin eh 'no?"
Sinuntok ko siya pero mahina lang. "Anyway, kilala ko si Gustavo." Dagdag ni Regis.

"Tell me."

"He's one of the suspects na nagpatayo ng Battle Royale."
Saad ni Regis at naupo sa tabi ko ng nakatowel lang, inakbayan pa'ko ng tanga at kinindatan.

Kinurot ko nga 'yung tagiliran niya, napa-aray siya sa sakit eh. Binuksan ko 'yung folder na binigay ni Tao, it was an information about that guy.

"What about him?" Tanong ni Regis.

"You remember Mateo?" Tanong ko. Ilang segundo pa siyang nag-isip bago maalala. Hindi matandain si Regis, pero pagdating sa babae hindi siya nakakalimot.

"Oh! You mean the fake Antonio."

"Yea, his real name is Mateo."
Biglang sumingit si Tao at naupo din sa couch na katapat ko.

"Now that I remember him, the Poison Queen told us that he's supposed to be dead." Wika ni Tao. Sinong Poison Queen? Who the hell has such a superior name like that? "The Poison Queen, Czarina Port. The one with blonde hair and big bouncing titties." Paalala sa'kin ni Tao.

"Oh! Miss blondie." Naalala ko na, 'yung bwisit na ex-girlfriend ni Jun. "Kung ano man ang sinabi ng ingrata na 'yon, it's true, maybe."

"Nakalimutan ko rin itanong ang bagay na 'yan sa'yo Jingu. You said Mateo was your childhood friend, what happened?"
Singit naman ni Jun. "And anong kinalaman niya kay Senyor Gustavo?"

"Mateo is a bastard of Boss Grande. The boss didn't want any other heirs so they killed them, his mom and him. Akala ng Boss patay na si Mateo, pero buhay siya. Niligtas siya ni Gustavo and 'yon nga ang koneksyon nila."
Pagkwento ko sa tatlong curious na lalaki. "But I think, there's something else. I need to investigate about this guy."

Maya-maya dumating si Shark at Takeo na may dalang apat na box ng pizza at softdrinks. Ito na ang chibog na kanina ko pa hinihintay, sobrang gutom na gutom na'ko eh.

Habang kumakain kami napansin ko na wala si Kang Hoo. "Nas'an ang magaling niyong Kaiser?" Tanong ko habang may laman ang bibig.

"He had to take care of something important." Sagot naman ni Regis.

"That important something is?" Tanong ko.

Nag-shrug lang sa'kin si Regis. Meaning it's either hindi niya talaga alam or alam niya pero ayaw niya sabihin. Tinignan ko si Tao, naghahanap ng sagot sa mukha niya, pero ganon din siya.

Not like it matters to me.

Hindi ko na inalam kung nasaan ang ungas na 'yon, hindi naman importante sa'kin kung anong kabobohan ang inaatupag niya. Isa pa, wala naman kaming importanteng gagawin ngayon kaya hindi ko siya kailangan.

Tumayo na'ko sa kinauupuan ko pagkatapos kumain, sa sobrang kabusugan ko para akong sasabog any moment. Sakit ng tiyan ko!

Naglakad ako papalabas, pero bago ko pa mahawakan ang seradura ng pintuan, tinawag na ni Jun ang atensyon ko. Para siyang nataranta bigla, sumulpot siya na parang bula sa harapan ko.

"Saan ka pupunta?!" Kunot noong tanong niya. "You promised, right?"

Malamang iniisip nanaman niya na aalis ako ng walang paalam at dadalhin ang sarili ko sa kapahamakan. Well, I was planning to leave without saying anything, but I didn't plan to put myself in any form of danger. I just wanted to walk around.

"Silly. Don't worry, maglalakad lang ako." Payak na sagot ko.

"Want me to go with you?" Nag-aalalang tanong niya.

"No need, it's just a small walk within the vicinity. I'll be back, don't worry. Para kang nanay." Nanatawang saad ko.

"Be sure, ok?"

"Roger."


He looked reluctant as he slowly let go of my hand. Gusto ko siya isama actually, kaso lang gusto ko mag-isip mag-isa. Lalo lang akong malilito 'pag nasa tabi ko siya. Hay! Nakakapagod kaya mag-isip, I've never been good at thinking. Simula nang dumating ako dito sa Pinas, puro sakit ng ulo lang ang napapala ko.

Is this country cursed for some reason? Or maybe I'm bound to be pitiful in this country?

Medyo maaga pa, siguradong nag kla-klase pa ang ibang mga estudyante. Ilang araw narin kaming hindi pumapasok dahil sa lintek na mga kalaban na 'yan, naka uniform pa ako ngayon. Dapat hindi na ako nag uuniform kasi hindi din naman kami pumapaosk eh.

*SIGH*

If Fratello was here, he would get mad at me. Bubulyawan niya ako na importante ang pag-aaral, even though he was never serious in his studies back then. I heard from Nonno that he always hangs out with his friends, was it with Sebastian Cross, probably.

Hindi ko napansin na nakarating na pala ako sa mapunong lugar ng school. Dito ako huling beses na naligaw, pero may GPS naman ang phone ko so, ok lang. Makakabalik akong mag-isa.

I learned my lesson, whenever I wander alone.

Ramdam ko ang paglipad ng buhok ko sa malakas na hangin, lumalamig na ang panahon, malapit na mag pasko. Panahon ng pagbibigayan at pagmamahalan, panahon ng mga masasayang tao. Unfortunately, I don't belong to that group of people.

Ipinikit ko ang mata ko at nilasap ang malamig na hangin habang yakap ang dalawang braso.

"Anong ginagawa mo?" Mahinang usal ko habang nananatiling nakapikit. "Stalker na ba kita ngayon? This is the second time you know, your ways is as creepy as always. Lumabas ka sa lungga mo, 'wag mong hintayin na lumapit ako sa'yo. For sure papatayin kita." Mapagbantang saad ko habang dahan-dahang binuklat ang mga mata.

"Ara, you knew?" Sambit ng maliit na boses galing sa kaliwa ko.

Tumingin ako sa direksyong 'yon, sinalubong ako ng isang batang babae na kasing edad lang ni Amy. Kulay ginto ang buhok, naka chiffon dress na parang manika at may akap-akap na teddy bear. Matamis siyang nakangiti habang ako nananatiling blanko ang mukha.

"How disappointing, I knew that it was you who messed with us at the Ryuugumi mansion. You're the only idiot in this world who controls those disgusting dolls, Elizabeth."

Mas lalo pang lumapad ang mga ngiti ni Elizabeth nang sabihin ko ang pangalan niya, ang kaninang parang malambing na anghel, ngayon parang demonya na. "Oh my! Please, don't call my beloved dolls disgusting. Don't you find them adorable?"

"Ha!? This woman... You call those dolls adorable?! Your tastes are different from the norm, you should have your head checked, missy. You've got some screws loose."

"Hoho! You're tongue is still as sharp as ever, this is why I always have the urge to kill you."

"Oh really? Is that supposed to be a threat?"

"Of course not! How would I have the nerve to threaten the great Agnezka Patriarca? I wouldn't want your whole alliance coming after my life. I may be good at killing people, but I'm as good as dead as soon as everybody comes looking for my head."

"Hmpf! At least you know your place."

"Anyhow, I'm so glad you still remember me."


"Anong ginagawa mo dito? Bakit mo kami inatake sa mansyon? Alam mong hindi ako magandang kalaban bata."

"Scary!"
Maikling saad niya at tumawa. "Big sis Agnezka is so scary." Pagsabi niya n'un may dalawang Victorian Doll ang sumulpot sa kanan at kaliwa niya.

"Tch! You think mere dolls are enough?" Naglabas ang dalawang manika ng tig isang armas. Ang isa sa kanan may hawak na dalawang dagger at ang sa kaliwa naman ay makakapal na kadena.

Elizabeth Sutherland, mukha man siyang bata, pero ang totoo niyan matanda pa siya sa'kin, maybe around 40's? I heard na may sakit siyang hindi tumatanda ang pisikal na anyo, pero siguro hindi naman totoo 'yon, baka bampira lang talaga siya. Tignan mo naman kasi ang kutis niya!

Anyway that's not what I wanted to say.

I first met this repulsive woman on a mission given to my by Nonno, isa siya sa mga naging hadlang para matapos ko ang misyon. Of course, me being me, in the end natapos ko parin ang misyon at umuwi silang duguan. Isa din siya sa ilang mga tao na nakaka-alam ng tunay kong pagkatao, alam din niya na ako ang Durgatinashini.

Isa lang siya sa mga nakalaban ko na, na mahirap patahimikin.

Its not about her looks, its not like may soft side ako sa mga bata, sadyang malakas lang siya. Isa siya sa mga kakaibang nakalaban ko, hindi ordinaryong bagay ang maka-kontrol ng manika para pumatay ng tao. She's a good assassin material if you're going to ask me, hindi siya makakaiwan ng finger prints.

And if she fails, she's not the one to die but the dolls. It takes skills to do that, not everybody can make those huge dolls move you know. It takes a genius and talent for somebody to achieve this level of puppeteering.

For someone I hate, I've been praising her non-stop. Well she deserves it anyway, and I don't hate talented people. If I keep on fighting them, it will only make me stronger.

Unang umatake ang may hawak na kadena at iniwagayway ito sa pwesto ko, mabagal. Tumalon ako patalikod para ilagan ang ahas na kadena, pero may nag-aabang pala sa likod ko na isa pa, ang may hawak na dagger na manika.

This is stupid, iniisip niya bang hindi ko inaasahan ang move na 'yon?

Agad kong kinuha ang maliit na patalim na nakatago sa gitna ng hita ko at agad na pinutol ang wire ng may hawak na dagger. Nakalayo ito, isang wire lang ang natanggal ko. Ang nagkokontrol sa kanang kamay nito.

Umatake nanaman ang isa na may kadena, nakalimutan ko siya saglit. Kaya naman naipulupot niya ang malamig na bagay sa paa ko at nahigit niya ako, dahilan para mapahiga ako sa sahig. Agad na sumugod ang isa pang manika at gamit ang isa nalang na natitira niyang kamay hawak ang isang dagger itinutok niya ito sa mukha ko, mabilis akong umilag.

Sa mabilis na sandali, pinugot ko ang wire na nakakabit sa manika na may hawak na dagger at agad naman itong natumba. Ihinagis ko ang dagger na hawak ko sa bandang manika na may hawak na kadena at pinutol ito.

"Ara, you killed Josephine and Marie." Malungkot na saad ni Elizabeth sa tabi, ang mata naluluha pa ng kaunti.

"The f*ck!? You actually name all of your stupid dolls? You're really disgusting."

"Of course. Isn't sad not to name them?"

"Not at all and I don't care, idiota."


Huminga ako ng malalim at ipinagpag ang damit ko dahil napahiga nga ako sa sahig kanina. Tinignan ko ng nakangisi ang matandang may itsura ng bata sa aking harapan.

"So, how should I kill you, Elizabeth? You know that the moment you provoked me, I won't let you off, right?"

"Well, I don't want to die yet. But I didn't actually came here to play with you Big Sis Agnezka."

"Stop with that Big Sis. You're older than I am!"

Dahan-dahan akong naglakad papalapit sa kanya at ngumiti. Bawat hakbang ko papalapit ay siya namang pag-atras niya, hanggang sa mabangga ang likod niya sa puno dahilan para mapahinto siya.

Puno ng takot ang mukha niya at may mga luhang nagbabadya. Ang tuhod niya ay nanginginig, parang squirrel na kakatayin.

"P-p-please d-d-don---- is what you think I'm going to say?" Tumawa siya ng malakas at limang manika ang pumalibot sa amin. "You underestimate me too much, Goddess."

"Don't call me by that name."

"Why? You are a goddess, are you not? The Goddess of Fighting, Durgatinashini, the one who eliminates."
Panay ang ngiti niya na sobrang kinakairita ko, akala niya ba hindi ko siya kayang patayin kahit ilang manika ang idagdag niya?

Kayang-kaya ko silang wasakin lahat.

"Zitto! (Shut up!)" Mahinang usal ko.

"Why? Do you hate it when I call you, Goddess?" Naputol ang natitirang pasensya ko at hindi nakontrol ang sarili. Nagblanko ang isip ko. Inilabas ko ang dalawang natitira na dagger sa hita ko, masamang tinignan ko ang matandang bata.

"I will turn you to a doll."

Seryosong sambit ko habang mahigpit na hawak ang dalawang punyal sa mga kamay. Nanindik ang balahibo ni Elizabeth sa mga katagang inilabas ko. Hindi ako nagbibiro, gagawin ko talaga ang sinabi ko at nararamdaman ni Elizabeth 'yon.

"Ara that won't do." Medyo pinapawisan sa takot na saad ni Elizabeth.

Sabay-sabay na pina-atake ni Elizabeth ang mga manika sa'kin, pero walang kahirap-hirap na pinag tatanggal ko ang mga wire nito.

"What are you going to do, Elizabeth? Your dolls don't work." Pang-aasar ko.

Pero imbis na matakot si Elizabeth ngumiti lang siya ng nakakaloko sa'kin. The nerve of this b*tch! Walang segundo akong sinayang at sinaksak ang punyal sa noo ni Elizabeth.

"Ara! You actually killed me just like that." Nagsalita si Elizabeth habang may nakabaon na dagger sa noo at tila ba walang nangyari. Wala ding dugo na tumulo. "Hahahaha!!!" Tumawa ito ng tumawa. Akala mo sinasapian ng masamang espiritu. "Let's die together Big Sis!"

I felt a dangerous presence kaya nagmadali akong lumayo sa mga manika. Napalipad ako sa pwersa nang sumabog ang isa sa mga ito. Napaupo ako sa damuhan na medyo hinihingal pa.

"Let's play, Big Sis." Biglang may nagsalita sa kanan ko.

Isa sa mga manika na pinutulan niya ng wire biglang nasa tabi ko na, nakangisi. Nakarinig ako ng parang nag tiktok na bomba, tumalon ako agad playo sa sinumpang laruan.

Isa-isang nagsitayuan ang mga manika na tinanggalan ko ng wire.

What the hell?! Those dolls can move without wires?!

"Let's play, Big Sis." Sabay-sabay nilang sambit at mabilis na nagsisilapit sa'kin.

"This is going to be f*cking troublesome." Bulong ko.

Tumakbo lang ako ng tumakbo, kapag may nakakalapit sa'kin sumasabog agad, sakto namang naiilagan ko sila. Awa ng diyos after a couple of tries naubos sila.

"You're really the best playmate, Agnezka."
Narinig ko ang boses ni Elizabeth sa buong lugar. "I didn't come here to play but I was tempted."

"Then what did you come here for, old woman!"
Sigaw ko na patingin-tingin sa iba't-ibang direksyon, hinahanap ang sukdulan na matandang nagpapanggap na bata.

"So hot headed as always. I just came here to give you, this." May lumipad na punyal papunta sa'kin, inilagan ko ito ng madali kaya tumusok sa damuhan.

"Tch! Old woman, already ran away."

Tinignan ko ang dagger, may nakapulupot na papel sa hawakan. Bubuksan ko na sana para basahin kaso lang narinig ko ang tumatakbong yapak na papalapit sa'kin.

Tinago ko muna sa bulsa.

It was the Four Deva Kings at si Jun. Nang mapansin ng lima na ako ang nandito mas lalo nilang binilisan ang pagtakbo.

"Jingu!" Nag-aalalang sigaw ni Jun. "What happened?"

"Dolls."
Sagot ko.

"We heard some explosions." Saad ni Regis habang nililibot ang paningin sa paligid.

Si Takeo naman nilapitan ang mga labi ng manika at inobserbahan ang mga ito, samantalang si Shark nanatiling nakatayo sa gilid at tahimik na nanonood.

"It's Elizabeth isn't it?" Tanong ni Jun

Tumango lang ako.

"Elizabeth?" Nagtatakang tanong ni Tao.

"Isang gurang na nagfe-feeling na bata." Badtrip na sagot ko.

"Elizabeth is an assassin. She works for anybody as long as money is involved. She is a cunning woman, no one truly knows what she looks like. She always uses her dolls to kill, even when doing a meeting with the employer." Pagpapaliwanang ni Jun sa kanila.

"I heard she's still a kid, cute daw sya." Komento ni Regis.

"Bah! Cute? That old hag? She's nothing but an old woman trying to look cute, not even close to cute." Pasinghal na sambit ko.

"You have met her? The real her?" Tanong ni Jun.

"Yup, I guess this is my Fourth or Fifth time that I have encountered her, but I saw her real face twice already. That old hag is hard to kill. She always has something to throw then run away." Pagpapaliwanag ko. "What's interesting is, she got stronger."

"These dolls are like a closet of weapons." Komento ni Tao habang pinapakialaman ang looban ng mga manika. "On the way I noticed a lot of wires and bugs all around."

"Yea, each doll has its own tricks. You better be careful, you don't want to trigger some bomb inside."
Banta ko.

Nang bigla nalang sumabog ang manika na kinakalikot ni Tao, buti nalang nakalayo kami agad.

"F*ck, nagulat ako 'don!" Nakatanggap agad ng peltok mula kay Takeo si Tao. "Aray! Bakit?!"

"Kasasabi lang na mag ingat eh!"
Bulyaw ni Regis.

"Haha! Sorry na. Anyway, ako na bahala mag imbestiga sa mga manika na 'to." Prisinta ni Tao habang kinakamot ang ulo at nakangisi na parang tanga. Mahilig siya masyado sa mga komplikadong bagay kaya nag obliga na siya na imbestigahan ang laman ng mga manika.

Bigla namang sabay-sabay na nagsi tunugan ang mga cellphone namin. Sabay-sabay kaming nagka tinginan nang tumahimik ang tunog.

May nag text.

Battle Royale. Building XXX Street XXX. Good Luck!

Nakasaad kung saan gaganapin ang susunod na Battle Royale, the timing is a bit odd, for me.

"This took a while isn't?" Tanong ni Regis.

"Maayos na ang Star Tower weeks ago, diba?" Saad naman ni Tao.

"They changed locations." Si Takeo naman ang nagsalita for once, now that's unusual.

"I guess this is the last battle." Napalingon kaming lahat nang magsalita ang pamilyar na boses, it was Kang Hoo walking towards us.

"Kahoo! Where have you been?" Tanong ni Tao

"Here and there, some issues with the Clan." Paliwanag niya. "By the way kasali na ako."

"Bakit ka pa sumali? Baka umiyak ka lang sa kahihiyan."
Pagyayabang ko.

"Tignan natin kung sino ang iiyak. Sisiguraduhin ko na ako ang mananalo sa pambatang laro na 'to."

"Mga bata pa ba kayo? Tara na baka magsimula pa ang Battle Royale na wala tayo."
Anyaya ni Tao.

Kung makapagsalita, akala mo matured na matured, samanatalang mas matured pa nga mag-isip ang batang kapatid ni Takeo na si Taki, compared naman sa kanya.

Pagdating namin sa kung saan gaganapin ang Battle Royale napanganga ako, sa isang lumang ospital gaganapin. Sa gilid puro mga mamahaling sasakyan, for sure mag-eenjoy ang mga car-napper dito.

Maraming tao pero ubod ng dilim ang lugar.

Pagpasok namin ginawa nilang bar ang dating nurse counter, daming nagsasayawan at nag-iinuman. Parang gusto ko nga muna mag stop-over para shumot ng konti, kaso pinigilan ako ni Jun.

Sa ilalim ng lumang building ay isang malaking arena, sa gitna isang boxing ring. Ang mga pera nagliliparan papunta sa ring kung nasaan ang mga larawan namin, mga kalahok.

Napangiti ako nang makita na madaming pumupusta sa'kin at kay Yuki, siguro dahil sa magandang performance na pinakita namin sa huling laro. Maraming matatandang babae din ang pumupusta kay Regis, siguro dahil sa pagligo niya ng hubo't hubad nung huling laro.

"Welcome, ladies and gentleman. Let us now start the DEATH GAME."

©IF02

The Legendary DurgaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon