CHAPTER 40

10.4K 276 27
                                    

THIRD PERSON POV

Isang batang babae ang nakatayo sa bubong ng Ruugumi Mansion. May matamis na ngiti sa mukha niya habang pinapanood mula sa telescope ang grupo nila Jinug na tumatakbo palabas ng mansyon, maya-maya napalitan ang matamis na ngiti sa hindi kaaya-ayang ekspresyon.

Maikli at kuloy na kulot ang kulay blonde niyang buhok, asul naman na parang nyebe ang mga mata niya at kulay perlas ang kutis. Naka kulay pink na chiffon dress siya, may hawak na parasol na katerno ng pink niyang suot. Sa isa niyang kamay may hawak siyang kulay puting rabbit na stuffed bear, at kagaya niya naka suot din ito ng dress.

Hindi naman halata na mahilig siya sa kulay na pink.

Napa-pout siya nang makita niya na bumagsak ang manika na kanina lang inaatake sila Jingu.

"Ara. Too bad, they killed Cornelia. This is so boring!" Kumunot ang noo niya pero agad din siyang ngumiti.

Kung titignan mo siya, para lang siyang anghel na bumaba sa lupa, parang manika na madaling mabasag. 'Yung kapag nasanggi ko mo siya ng kaunti magpipiras-piraso siya.

Hinarap niya sa kanya ang rabbit bear. "Let's go back Bunny! Dragon will get mad if we keep playing with her. Although I would love to stay and have a go, I can't. Dragon's scary when he's mad." Nagsimula siyang maglakad papalayo habang kumakanta.

Kantang kinanta din ng ilan pang mga laruan na nakasunod sa kanya.

~London Bridge is falling down

Falling down, falling down

London Bridge is falling down

My dear Agnez.~

JINGU (AGNEZKA PATRIARCA) POV

"I can't believe na makakakita ako ng manika na gumagalaw, at inatake pa tayo. Akala ko sa mga movie lang nangyayari 'yon!"
Amazed na daldal ni Tao. "Para tayong inatake ni Annabelle! Uwaaahh!! That's so creepy, I'm getting goose bumps!"

Actually kanina pa 'yan nag-iingay tungkol sa manika kanina, naiirita na nga ako. Hindi matahimik ang kaluluwa niya dahil sa kakaibang experience na 'yon. Nahihirapan tuloy akong mag-isip dahil sa walang tigil niyang dada, para siyang parrot.

After nung nangyari kanina, hindi namin nahanap 'yung kumokontrol sa manika. Hindi na namin pinilit hanapin kasi wala talaga eh, so umalis nalang kami at nagpunta sa pinaka malapit na pwedeng tamabayan. Kaya eto, nandito kami sa Starbucks, nagpapalamig dahil ang init sa labas.

Pati mga ulo namin mainit.

Tinawagan ni Kang Hoo ang natitirang tatlong ugok para ibalita ng personal ang nangyari.

"Cutie ang tahimik mo naman, that's so unlike you." Pagpapa-pansin sa'kin ni Tao o Ruru.

I looked at my humanoid pet. No one would know that he had that kind of past. And now that I'm thinking about it, what should I call him from now on? Do I call him Tao or Ruru? He doesn't seem like he wants to remember his old name, baka kapag ginawa ko ma-depress siya bigla, which is not a good sight.

Bumuntong hininga ako. "I'm thinking of something really important right now, kaso lang masyado kang maingay, nahihirapan ako." Simangot ko kay Tao. "Pwede bang itikom mo 'yang bunganga mo? Mga five minutes lang naman, or kung hindi mo kaya, lumayo ka ng konti sa'kin."

"What are you thinking?"
Tanong ni Tao, as if hindi narinig ang pambabara ko sa kanya. Urgh! Ang kulit niya gosh! Kapag hindi ko naman sinagot ang tanong niya mangungulit 'yan magdamag.

This guy is a big headache.

"I'm thinking kung anong ginagawa ng puppeteer na 'yon dun kanina at kung ano ang plano niya. Iniisip ko din kung 'yun bang nakita nating anino at nakita namin ni Kang Hoo nung isang gabi ba ay iisa lang." Paliwanag ko. "Iniisip ko din kung kailan ba tatahimik 'yang bunganga mo sa kakadada."

"You're so mean Cutie, sige na tatahimik na."
Nagtatampong nanahimik siya sa sulok.

"Good." Sumalumbaba ako at hinigop ang inorder kong frappe.

That creepy doll, I know who owns that, at hindi ako pwedeng magkamali. I've encountered those un-elegant things, at isang tao lang ang kilala ko na may ganoong klase ng nakakakilabot na laruan.

Elizabeth Sutherland, for sure its her.

But what is that little b*tch doing in this country? Does she have work here? No way! A person of her caliber, would never get a job from a small country like this. And why was she in that mansion? Whos is she working for this time? Don't tell me, another assasination attempt to me?

"Hoy Jingu!" Bigla nalang akong hinampas ni Kang Hoo sa balikat.

Naputol ang iniisip ko bigla. "Ouch!? Anak ng puta! Aray ha! Tangina, inaano kita?!" Sigaw ko kay Kang Hoo, ang bigat kaya ng kamay nitong hudas na 'to.

"Aray agad, para kinalbit ka lang."

"Kinalbit?! Kalbit ba tawag mo sa hampas? Kung kalbitin din kaya kita ng sampung beses."

"Ang arte mo."

"Gusto mo masaktan? Ano ba 'yon? Papansin ka eh!"

"Kanina ka pa tinatawag, para kang bingi."
Nakabusangot na sambit niya. Mukhang kanina pa nga niya ako tinatawag, pero siyempre hindi ako papayag na masasaktan ng hindi gumaganti. Kaya naman sinipa ko paa niya. "Ouch! You b*tch!"

Tinaasan ko siya ng kilay at ngumisi. "Ano!? Gusto mo magkagulo dito?!" Hamon ko sakanya.

"Tch!"

Pagdating ng tatlong ugok na si Shark, Takeo at Regis, sinabi agad ni Tao ang nangyari sa'min. Although may halong konting--- scratch that, puno ng exaggeration sa kwento niya. Si Tao 'yan eh, kasama na sa kwento niya ang exaggeration. Hindi na namin kinorek ang pagka OA niya kasi nakakatuwa ang reaksyon ni Regis habang nakikinig kay Tao, naniniwala si tanga.

As usual si Shark at Takeo walang emosyon sa mukha maliban lang sa blanko at medyo bored or should I say super bored. They doesn't seem like they care at all, or that they really do care, but I just don't see it.

"Holy cow! That is so friggin' creepy!" Kinikilabutan na saad ni Regis. "A talking doll? Is that really true? Tell me that's bullsh*t." May halong pagdududa na saad ni Regis.

Pero dahil hindi kami nagsalita, pahiwatig 'yon na totoo ang pinagsasasabi ni Tao sa kanya. Though hindi naman talaga totoo. Let him believe whatever he believes.

"It's true! Kinantahan pa nga kami ng London Bridge nung doll!" Dagdag pa ni Tao.

"Gods! Buti nalang hindi ako kasama. Sh*t! Tumatayo ang balahibo ko. Kaya hindi ako nanonood sa mga horror movies o stories dahil sa ganyan eh." Sabi pa nito habang kinikiskis ang kamay sa magkabilang braso.

"Oo tapos... tapos..." Tuloy padin ang pagdagdag ni Tao sa istorya, bahala siya diyan.

After sabihin ni Tao sa kanila ang mga nangyari, gumawa kami ng plano. Kaya namin pinatawag ang natitirang tatlo para utusan ang mga tauhan nila na magkalat sa buong metro para pag-masidan ang lahat ng malapit sa mansyon.

Any irregular movements will be reported to us immediately. This way, mahahanap namin ang taong 'yon.

"Alright! Order your boys. I want a parameter around the mansion, make it 10km radius. Do not detain any suspicious person in sight, just take their pictures and any information you can get. Do not let them take their eyes off from a potential enemy." Seryosong utos ni Kang Hoo.

Tumawag agad sa telepono ang apat para simulan na ang plano.

Matapos ang matinding pag-uusap namin nag kanya-kanyang balikan na kami sa aming mga bahay, alangan namang isama ko pa sila. Since hindi nadala ni Jun ang sasakyan, naglakad nalang kami pauwi, tutal malapit lang naman ang bahay dito.

Iniisip ko parin 'yung tungkol sa manika, hindi parin siya mabura sa isip ko.

Una, ninakaw ang Moon, which is Amy. Pangalawa, ang pagdating ni Mateo at ang pagkamatay ng Grande Boss. Pangatlo, ninakaw ang medallion ni Fratello, na susi pala sa mabangis na droga, ang Angel Tears. Pang apat, itong nangyari sa mansyon.

What's next?

"Ah!" Napa pitik ako.

There's another one! The Battle Royale! Teka, hindi pa tapos 'yon ah. Kahit na sinunog ni Kang Hoo ang Star Tower I'm sure na itutuloy parin ang labanan na 'yon. Maraming mapepera ang nag-aabang d'on.

Bakit hindi parin nila kami binibigyan ng notice tungkol sa laban? Wala pa'kong nare-receive na tawag or text about it. Ano na ang nangyari sa organizers. Don't tell me they decided to just stop the game? No way!

Too much money is involve, there's no way that they'll stop it halfway. The sponsors are rich people, they'll have a lot of strong enemies if they do stop it.

Dapat makakatanggap ako ng text or tawag mula sa kanila para sa susunod na laban, parang ang tagal naman ata. Bigla namang naputol ang pag-iisip ko nang may humawak sa kamay ko ng mahigpit.

Instinctively, napalingon ako at tinignan kung sino ang mapangahas na kumag na ito, si Jun lang pala. Tatanungin ko sana siya kung ano ang problema niya, pero naalala ko nanaman si LOVE! Na nagpa asim nanaman ng pakiramdam ko.

Marahas kong tinanggal ang pagkakahawak niya sa akin at muling naglakad.

Sh*t! Ba't niya ba hinawakan ang kamay ko? Seryoso akong nag-iisip dito eh. Na'san na bang part ako? Uhmmmm.... Tae naman oh! Importante 'to eh. Nakalimutan ko tuloy, bwisit talaga!

Hinawakan na naman niya ang kamay ko, sa pagkakataong ito hindi na ako lumingon, alam kong siya naman 'yon.

"Jingu, may problema ba? Kanina mo pa'ko hindi pinapansin." Mahinang saad ni Jun. "Galit ka ba sa'kin?" Tanong niya pa.

Hindi lang galit 'no, sobrang galit! Kasalanan mo 'yan dahil malandi ka!

Kunot noong tinuloy ko lang ang paglalakad sabay tinaboy ang kamay niya mula sa pagkakahawak sa'kin. Nakaka dalawang hakbang palang ako nang bigla niya akong hinila at niyakap patalikod.

Hindi ako nakagalaw agad, hindi din nakapag react sa ginawa niya. Bumilis din ang tibok ng puso ko, to the point na feeling ko bigla nalang itong titigil.

"Hindi ko alam kung bakit ka galit sa'kin, but I'm sorry. Pansinin mo naman na ako oh."

"..."
Nagmatigas parin ako, hindi parin ako nagsalita.

"Please, Jingu."
Nakayakap ang dalawang kamay niya sa beywang ko habang ang ulo niya nakabaon sa leeg ko. "You promised me, sabi mo hindi ka na aalis sa tabi ko ng walang pasabi. Nangako ka diba?" Tila ba nagmamakaawa siya sa'kin.

D*mn! I do remember that promise to him, I think that was when I also went missing with Mateo. Ganito din ang pwesto namin noon as he beg for me not to suddenly dissappear again. Sh*t! What should I do?

Wait! May kasabihan naman tayong 'promises are meant to be broken.' Di ba? So ibig sabihin ok lang ako. Sumasabay lang ako sa trend. Hoho!

"Kanina umakyat lang ako saglit para magbihis, pagbaba ko wala ka na. Hinanap kita sa kwarto mo at sa bawat sulok ng bahay, pero wala ka parin. I was scared, I didn't know what to do, Agnez." He called me by my real name. "Sobrang natakot ako, akala ko mawawala ka nanaman. Then I had to once again drown in worry as I keep on thinking and thinking if you were still alive." Lalong humigpit ang paghawak niya sa'kin, dama ko sa boses niya ang pag-aalala talaga.

"It's your fault." Mahinang saad ko.

"Me? What did I do?"

Marahas ko ulit tinanggal ang kamay niya na nakayakap sa'kin at humarap sa kanya na may magkasalubong na kilay.

"Hindi mo sinabi sa'kin na may girlfriend ka na pala!" Sigaw ko sa kanya na inis na inis.

Bumakas sa mukha niya ang pagtataka. "HA?! Anong sinasabi mo?" Aba't nag mamaang-maangan pa si gago.

"'Wag ka ngang mag maang-maangan! Nabasa ko sa phone mo nakalagay LOVE! Bakit hindi mo sinabi sa'kin?" Malakas na ang sigaw ko, buti nalang nasa may bandang park na kami at konti nalang ang tao, pero may ilan-ilan pading humihinto sa paglalakad makinig lang sa usapan namin. Mga chismoso nga naman. "Tinatawag ka pa niyang Sebby huh?! So may nangyari na sa inyo 'no?" Nakataas kilay kong tanong at nakapamaywang pa.

'Hiwalayan mo na 'yang boyfriend mong babaero!' 'Nahuli ka na umamin ka na!' 'Hintayin mo muna magpaliwanag si kuya!' 'Akin ka nalang Miss!'

Nakarinig naman kami ng sigaw sa iba't ibang lugar. Madami-dami nadin ang nakikinig sa amin, pero wala akong pakelam. Kapansin-pansin naman 'yung isa na nag sabi na pagpaliwanagin ko siya so eto hinihintay ko ang so-called na paliwanag niya.

At... Hindi din ako nagseselos! Naiinis lang ako kasi hindi niya sinasabi sa'kin ang bagay na tulad ng ganyan. Ang sabi niya kapatid ang turing niya sa'kin, dapat sabihin niya kung may girlfriend siya.

So hindi ako nagseselos.

Most and foremost hindi ko siya boyfriend!! Pero hindi ko maisigaw dahil baka masira ang mood ko lalo. Bigla naman ngumiti si Jun na para bang hindi makapaniwala sa mga ibinubulas ko. Akala niya ba sira ulo ako? Hindi ako nakikipagbiruan sa kanya.

Ano imagination ko lang si LOVE? Tangina pala nito eh. Nakaamba na ang suntok ko sa kanya nang bigla nanaman niya akong yakapin, at this time hindi na ako nakatalikod. Magkaharap na kami. Ilang Segundo niya akong niyakap, mahinhin niya akong nilayo at tinignan.

"Nakalimutan mo na ba?" Tanong niya habang naka plaster padin sa bibig niya ang nakakainis na ngisi.

"Ang alin?" Pasungit kong tanong.

"Si Love." Aba't lakas ng loob na ulitin sa akin ang tawagan nila. "Si Lovelia, ang isa sa mga information broker ng family." Napahinto naman ako, pati paghinga ko tumigil nadin ata.

Naalala ko.

Si Lovelia, isa sa mga magagaling na spy, lahat ng itanong mo masasagot niya. Bigyan mo lang siya ng sapat na oras. Napaka husay niya pagdating sa pagkalap ng impormasyon. Alam ng taong 'yon kung ilan beses kang umuutot sa isang araw, that person is a professional in that field.

"Sebby ang tawag niya sa'kin dati pa."

"Eh ano 'yung... 'yung 'let's do it again' niya! Ibig sabihin may nangyari sa inyo!"
Bulalas ko.

Hindi ako tanga, sigurado akong may nangyari sa kanila!

"Alam mo ba na nasa Australia siya ngayon? And he's gay. Do I look like I'm interested in men?" Ngumiti siya at agad naman akong namula, bakla nga pala si Lovelia. So, ano palang ibig sabihin ng sinabi ni Love? "Kapalit ng impormasyon niya ay ang maglaro kami ng mahjong sa 'net." Paliwanag niya pa at mas lalo pang namula ang mukha ko.

My God! Napaka assumera ko! Wala akong nagawa kundi ang yumuko nalang sa kahihiyan, kung ano-ano pa man din ang sinabi ko sa kanya, mali naman pala.

'Selosa si misis!'

May sumigaw nanaman. Gusto kong puntahan kung sino man ung sumigaw n'on, para lang tumahimik na siya, hindi siya nakakatulong sa sitwasyon ko.

"Ibig sabihin pinakealaman mo ang cellphone ko." Napa-flinch ako sa sinabi niya.

Sh*t! Now I got caught. Tumingala agad ako para magdahilan, na kaya ko kinuha ang cellphone niya, ay para maki-text. Pero nang makita ko ang waging ngiti sa mukha niya, lalo akong namula. Kaya dahil sa kahihiyan, sa iba nalang ako tumingin at hindi na nag-abala pang magpaliwanag.

"Kaya ka ba nawala kanina, kasi nabasa mo 'yon?" Dagdag niya pa. "Did you think I have a girlfriend, that's why you're mad?"

Wala na! Sige na talo na ako, ikaw na panalo! Tangina! Narinig ko pang tumawa siya at muli akong tumingala para awayin siya. Lakas ng loob na tawanan ako.

Pero kakabuka palang ng bibig ko ay napatigil na ako nang bigla niyang idinikit ang mga labi niya sa aking...

.

.

.

.

.

.

Noo ng ilang segundo. Kasabay n'on ang pagtigil ng hininga ko at pagbilis ng tibok ng aking puso.

JUN (SEBASTIAN CROSS) POV

Natuwa ako nang malaman ko na nagseselos siya kay Lovelia. May pabuya din pala ang matinding pag-aalala ko sakanya kanina, kung alam niya lang na sobrang nag-alala ako. Akala ko mawawala nanaman siya sa'kin at ilang araw nanaman akong hindi makakatulog sa kakaisip sa kanya. Hindi ba niya iniisip na may nag-aalala sa kanya? Bakit siya umaalis ng walang paalam? Aso ba siya?

Hinalikan ko ang noo niya at pinigilan ang kamao na dapat tatama sa'kin. Naramdaman ko na na tense siya sa ginawa ko, pero agad din namang na-relax, tinagalan ko na para sulit. Pagtapos n'on ay inilayo ko siya ng konti at tinitigan sa mata.

Pansin ko ang matinding pamumula ng mga pisngi niya, abot hanggang tenga. Napangiti ako, hinawakan ko ang kamay niya. If she keeps on acting like this, how am I going to restrain my self. This job is getting harder and harder by each passing day.

"Let's go home." Yaya ko sa kanya at hinawakan ang kamay.

"Hmm." Parang wala sa sarili na tumango lang siya.

Magkahawak-kamay kaming naglakad pauwi, walang nagsasalita, tahimik lang kaming dalawa. Kung maari nga lang na magtagal kami sa ganitong posisyon, at kung pwede lang na mas palayuin pa ang distansya ng patutunguhan namin.

"Jun..." Mahinang tawag ni Jingu sa'kin. "Sorry."

"For what?

"Sorry, for acting out."
Hingi niya ng tawad.

Batid ko na nakatingin siya sa akin ngayon at hinihintay ang sasabihin ko. "Its fine. Kahit ilang beses mo pa akong pagdudahan, hinding-hindi kita iiwan. Kahit ano pa sabihin mo, kahit ilang babae pa ang pagselosan mo."

"Talaga lang ha."

"Oo naman, kahit paulit-ulit ko pang ipadama sa'yo na hindi ako gagawa ng bagay na ayaw mo, ok lang."

"And who said that I was jealous?!"

"You are, don't lie."

"Shut up!"

"Tsaka sinabi ko naman sa'yo diba?"

"Na alin?"

"Na hinding-hindi kita iiwan."
Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya nang makita ang kaunting gulat sa mata niya, then tinuloy namin ang paglalakad.

Sana magtagal kami ng naka ganito.

"Pero too na may mahal akong babae ngayon." Napahinto si Jingu nang sabihin ko 'yon. Tinignan ko siya, mukhang gulat na gulat sa sinabi ko. Tumingin siya sa'kin pero agad din umiwas ng tingin. "Too bad though."

"Bakit?"
Tanong niya.

JINGU (AGNEZKA PATRIARCA) POV

Hinintay ko ang isasagot ni Jun ng may kaba. Nagtaka ako nang bumuntong hininga siya bigla.

"Hindi ko kasi masabi na mahal ko siya, na sobrang mahal ko siya. Na totorpe kasi ako 'pag kasama siya eh." Tumigil siya sa pagsasalita ng ilang segundo tila ba nahihirapan sa sinasabi, pagtapos ay itinuloy. "Kapag nasabi ko na ang nararamdaman ko sakanya Agnez, ikaw ang unang tao na makakaalam, maniwala ka sa'kin."

"Hmmm."
Tumango lang ako.

Napahawak ako bigla sa dibdib ko, parang may kumurot o kung ano. Heart attack? May sakit ba'ko sa puso? Tinamaan na ba ako ng sakit dahil sa dami ng kinakain ko araw-araw, o ngayon lang umeepekto ang panis na pudding na kinain ko nung six years old ako?

Natuwa ako nang malaman na ang baklang si Lovelia lang pala ang katext niya. Pero nang ihayag niya sa'kin na meron nga siyang minamahal, tila ba pinagsakluban ako ng mga panginoon. Para akong nasa loob ng isang silid na unti-unting lumiliit.

Nanghina ako at sumikip ang dibdib ko. Hindi ko mawari kung eto ba ang side effect ng manika na nakita ko, marahil ito nga.

Nakakainggit naman ang babae na nasilayan ni Sebastian. Masuwerte siya at mahal siya ng isang lalaki na kagaya niya. Makisig, matipuno, gwapo, matangkad, matalino, maalalahanin, malakas at higit sa lahat magaling magluto.

Gaya nga ng gusto ko, bilang kapatid-kapatidan niya, sinabi niya sa'kin na may iniibig siya at ako pa mismo ang unang makakaalam kapag nasabi na niya ang nararamdaman ng sukdulan niyang puso. 'Yon ang nais ko na mangyari, nais ko na sabihin niya sa'kin sa oras na magkaroon siya ng sinisinta, 'yon ang gusto ko.

Pero bakit kumikirot ang dibdib ko?

Parang gusto kong bawiin lahat ng pinutak ng bibig ko, ibalik ang oras at baliwalain ang mga nangyari. Ang pagdududa ko na mayroon siyang girlfriend at ang sigaw ko na magkapatid kami, kaya dapat sabihin niya sa'kin kung meron siyang karelasyon.

Parang gusto kong bawiin ang oras na binasa ko ang mensahe sa kasuklam-suklam na teknolohiya, kung hindi dahil d'on edi sana nanatili akong bulag sa pag-ibig niya sa ibang babae.

Nakangiti siya nang sabihin niya sa'kin na may minamahal siya, mukhang masaya talaga siya. Si Sebastian ang uri ng tao na hindi pinapakita ang tunay niyang nararamdaman, kasalungat nito ang pinapakita.

Sa nakikita ko ngayon ang ngiting 'yan ay tunay at walang halong kalokohan. Tunay na ngiti, galing sa puso niyang nagmamahal. Dapat maging masaya ako para sa kanya, tama dapat masaya. Dahil ako ang kapatid niya na si Jingu Hitsugaya ang kakambal niya.

"Sakit..." Bulong ko. "Tangina..."

©IF02

The Legendary DurgaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon