JUN (SEBASTIAN CROSS) POV
Nang malaman ko na si Antonio Grande ang nasa likod ng lahat, agad akong kinabahan. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag kay Jingu, na ang fiancé niya na halos kapatid na niya ay ang puno't dulo ng Battle Royale.
I explained everything to her.
Sa totoo lang inisip ko na maniniwala sa'kin si Jingu, that she wouldn't even bother to have doubts. Pero nang tignan niya ako nung magkasama kaming tatlo nila Kang Hoo, I knew then, she was wavering.
Pagdating naming dalawa sa bahay, I asked her, talked to her. But it was still the same unsure eyes looking at me.
The next day hindi parin kami nagpapansinan na dalawa. Whenever she would try to talk to me pinuputol ko, I didn't want to hear what she wanted to say. I don't know, maybe nasaktan lang ako sa pagdududa niya. That I actually had the nerve to ignore her, is much more shocking to me. And when I do, I could see the hurt in her eyes, that actually kept adding to the pain.
Czarina, the woman who kissed me, suddenly arriving was not under my control. Nagulat na nga lang ako nang bigla siya sumulpot at hinalikan ako. I knew na nakatingin si Jingu sa'min kaya tinulak ko siya agad.
Nang talikuran ako ni Jingu, susundan ko na sana siya kaya lang pinigilan ako ni Rina, the nick name she told me to call her.
"Rina let me go!" Utos ko.
"No way." Saad niya na parang bata na nagmamakulit.
"Why did you do that?" Naiinis na tanong ko.
Ngumiti naman si Rina ng pagka lambing-lambing. "You called me, you should at least give me a reward for being here." Naka-pout na sambit ng magandang binibini sa harap ko. "After you broke my heart I couldn't find any other man that could satisfy me, you should at least give me a kiss. Don't you think so?"
"Rina stop, we already broke up."
"So what? It's not like after breaking up we can never go back to how things were before."
"Rina..."
"Or maybe you already have someone. Is it that woman who walked away? Is it her?" Naiinis na tanong niya.
"No, I'm not in a relationship right now."
"Then that's wonderful." Ngiti niya.
That's right, ex-girlfriend ko ang babaeng nasa harapan ko ngayon na si Czarina Port. She's a free hitman and a good information broker. Hindi siya nabibilang sa kahit anong family o organisasyon. Kilala siya sa pangalan na Poison Queen. She can poison anyone, anyhow or anywhere.
Kahit hawakan niya lang ang kamay mo, daplisan ang balat, maamoy ang pabango niya o mahalikan siya, kaya niyang lasunin ang kahit sino. There are only a few people who could live after encountering her deadly poison. Her prowess could even make a whole country fall from outbreak if she feels like it.
That's how strong and frightening she is.
It was said na si Rina mismo ang lason, ginagamit niya ang maganda niyang katawan at mukha para pumatay ng mas mainam. Sabi din nila na immune na siya sa sarili niyang mga lason at na siya rin mismo ang gumagawa ng mga ito.
Sa totoo lang, walang nakakaalam non kundi siya lang.
"Alright, about the reason why I called you here---." Malambot na nilagay ni Rina ang hintuturo niya sa labi ko para patahimikin ako sa pagsasalita.
Mapang-akit na nginitian niya ako. "Not today babe."
Isa si Rina sa mga pinaka magandang babae na nakilala ko. Maraming lalaki ang nahuhumaling sa kanya. Siya 'yung klase ng babae na kina iingitan ng mga kapwa niya babae. Ginigising niya ang pagkalalaki ng mga binata o may asawa.
Mabait na babae si Rina. Ilang taon din kaming nagkasama at masasabi ko na masarap siyang maging kasintahan. Mabangis siya pagdating sa labanan at walang inuurungan. Hindi ko pinagsisisihan ang panahon na magkasama kami. Ang problema lang, hindi ko siya magawang mahalin, sinubukan ko pero ayaw talaga.
Kaya kami naghiwalay.
"Mahaba pa ang araw, babe." Saad ni Rina, ang american accent niya pinapahirapan siyang magtagalog. "You can tell me those things later when the sun is down and hiding." Ngumiti siya na para bang succubus na uubusin ang natitirang panahon ng buhay ko. "Why don't you tour me? This is my first time here in Philippines. This is also my first time attending a school, so let me have some fun. Ok?"
Ano pa nga ba ang magagawa ko? Kailangan ko ang tulong niya kaya sumang ayon na ako.
Habang naglalakad kami papunta sa room, nakita ko sa hindi kalayuan si Jingu na naglalakad. Sumulpot si Kang Hoo sa likod niya at nakita ko silang nag-uusap, nang biglang hilahin ni Kang Hoo si Jingu papalayo.
Hahabulin ko na sana sila pero isang mahigpit na kamay ang pumigil sa akin, si Rina.
"You need me." Demanding ang boses niya pero ang mga mata niya ay parang nagmamakaawa.
I knew what she wanted to say. If I want her help, then I should stay here. Gustuhin ko man silang sundan, pero hindi pwede, kailangan ko si Rina.
"Hey! Jun." Tapik sa'kin ni Regis.
Pati rin si Tao sumulpot. "Yo! Big bro, saan si Cutie?" Nilibot niya ang paningin hinahanap ang kunwarian kong kapatid na kasama ang bwisit na Kang Hoo na 'yon.
"Oops, looks like someone got company, we better get going." Saad ni Regis na talaga namang kinindatan muna si Rina.
"No, it's ok. My name is Czarina Port, nice to meet you. I'll be staying here for a while so please take care of me." Inilahad ni Rina ang kamay niya.
Eleganteng kinuha naman ito ni Regis at magalang na hinalikan. "It's such a pleasure to meet a beauty like you. I'm Regis Lowsly." Pakilala niya sa sarili.
Inilahad naman ni Rina ang kamay niya kay Tao pero nandidiring tinignan lang ito ng binata. "I'm Tao." Hindi niya ito kinuha at naglakad na paalis. "You're the Poison Queen and I'm not gonna touch you."
"Really!? I'm so honored to meet such a talented hitman. I don't mind being poisoned by you, My Queen." Oh ho, here comes the playboy of the group.
"Sorry, I'm taken." Sabay kapit sa'kin ni Rina.
Tinignan ako ni Regis ng taimtim. I don't know, but whenever this guy does it, I feel like he's actually reading my mind. Para bang kahit ilang maskara ang suotin ko mababasa niya parin ako.
What a scary fellow.
"I see, that's too bad then. But I'm always free if you need me." Nginitian ni Regis si Rina na parang may sinasabi, naglakad ito papalayo at lumingon. "Especially if you want to cry."
Nagitla ako nang biglang humigpit ang hawak ni Rina sa braso ko, pakiramdam ko pa nga magpapasa. "Rina, mahigpit masyado ang hawak mo sa'kin."
"Ah! Sorry, hindi ko napansin." Pilit niyang ngiti. That guy Regis, I think he hit a spot. "Why don't we go to our classroom? I wanna check it out."
Bago kami pumunta sa classroom sumulyap ako sa daan na tinahak nila Jingu, she's no longer there.
Lunch break na pero wala padin sina Kang Hoo at Jingu. Hindi ko din naman magawang matawagan si Jingu dahil alam kong hindi niya ito sasagutin, lalo na sa nakita niyang halikan kanina.
Pumunta na kami sa cafeteria at agad na dinapuan ng mata ko si Jingu na may malapad na ngiti sa mukha, tumatawa kasama si Kang Hoo. Nakapila sila para kumuha ng pagkain. Agad na nabasag ang puso ko at napa kuom ang kamao ko. Huminga ako ng malalim para ikalma ang sarili ko. Sa dinami-dami ng tao na pwedeng makasama bakit si Kang Hoo pa?
Before things could get anymore ugly inside the cafeteria, I decided to leave. Of course Rina being Rina, she followed me like a tail. Isa pa ayoko nang mag-stay sa school na 'yon, kung buong maghapon ko lang din naman makikita na magkasama ang dalawang 'yon. I don't know what I might do.
Habang naglalakad kaming dalawa sa hallway para maka-alis na sa sinumpang campus na'to, nakasalubong ko si Kang Hoo at Jingu. May hawak na damit si Jingu at napansin ko na natapunan din siya, mukhang mag shoshower.
Lalo akong nairita nang makita nanaman silang magkasama. Uminit nanaman ang ulo ko, hindi ko sila tinignan, dire-diretso lang akong dumaan na parang walang nakikita.
Nang sabihin nyang.
"Fine! So be it!" That was my last straw.
Lumingon ako, and then all I saw was her back on me walking away, with that guy holding her hands.
That hand holding hers, makes me want to chop it off.
~THE LEGENDARY DURGA~
JINGU (AGNEZKA PATRIARCA) POV
Pagdating ko sa bahay, wala parin si Jun. Nainis nanaman ako. Unang pumasok sa isip ko na baka magkasama silang dalawa nung punyetang Blondie na 'yon at kung ano-anong kabalastugan ang ginagawa nila.
Nag-away lang kami lumandi na siya?!
Let's not just think about it, baka lalong masira ang mood ko.
Pagkatapos kong mag-shower naghanap ako ng pantulog na susuotin ko. Then I saw my phone lying on my bed, naalala ko na dapat ko nga palang tawagan si Antonio, I need to ask him a lot of things.
I dialed his number, it rang a couple of times before he answered.
"Agnez! E 'stato un po', mi hai mancare? (Agnez! It's been a while, did you miss me?)"
Kumalma agad ang pakiramdam ko nang marinig ang boses ni Antonio sa kabilang linya. His voice is still as gentle as ever, making me feel like I'm in a hilltop lying with flowers all around me.
"Tony! Mi manchi. Non ho mai sentito nulla da voi in questi ultimi mesi, così ho solo voluto controllare il mio fidanzato. (Tony! I miss you. I've never heard anything from you these past few months so I just wanted to check up on my fiancé.)" Wika ko para hindi niya mapansin na may nalaman ako tungkol sa kanya.
"Smettila Agnez. Ti conosco da molto tempo. Credo che hai sentito il problema con la Famiglia Gapucho. (Stop that Agnez. I've known you for a long time. I guess you heard the issue with the Gapucho Family.)" Malumanay niyang tugon mula sa kabilang linya. Hindi siya nagbabago, malumanay parin siya magsalita. Ito ba ang lalaki na magtatayo ng black casino? Imposible diba? "Tu non sei il tipo di persona a chiedere a qualcuno se stanno bene. (You're not the type of person to ask someone if they're fine.)"
Walang malay na napangiti ako sa sinabi niya. Totoo 'yon, hindi ako mag-aaksaya ng oras sa mga walang kwentang bagay.
"Mi conosci troppo bene, è spaventoso. (You know me too well, it's scary.)" Nagtawanan kaming dalawa. "Dimmi cosa è successo. (Tell me what happened.)" Nawala na ang maligayang hangin.
Narinig ko na bumuntong hininga siya.
Nanginginig na ikinuwento niya sa akin ang nangyari.
Isang gabi nagising siya sa madaming putok ng baril, inaatake sila. Paglabas niya ng kwarto naabutan nalang niya ang mga tauhan nila na duguan at patay. Dumating ang mga tauhan ng Gapucho Family at inulanan sila ng bala.
Nag-iwan sila ng sulat at CD.
Tahimik lang ako habang nakikinig sa kwento niya.
"Cosa dice la lettera? (What does the letter say?)" Tanong ko.
"Che io non sarò perdonato per quello che ho fatto e che farò pagare il prezzo dieci volte. (That I will not be forgiven for what I have done and that I will pay the price ten times)." Mahina ang boses niya, medyo nanginginig, alam kong takot siya at nanghihina.
"Come circa il CD? (How about the CD?)"
"E 'stato un videoclip della loro telecamera a circuito chiuso. E 'stato me sparando contro gli uomini di Gapucho... (It was a video clip of their CCTV camera. It was me firing at Gapucho's men...)" Hinintay ko na ituloy lang niya ang sasabihin, nahihirapan siya. Huminga muna siya ng malalim. "Poi mi andare a pranzo Elis ', violentata e uccisa. (Then me going to Elis' room, raped and killed her.)"
Ramdam ko na nanginginig ang boses niya. "Non l'ho fatto Agnez. L'uomo ha la mia faccia, ma non è me. (I didn't do it Agnez. The man has my face, but it's not me.)"
"Hai provato a parlare con il capo di Gapuche? (Did you try to speak with Gapucho's boss?)"
"Sì, ma non era buona. Era accecato dalla vendetta e rabbia, lui mi vuole morto. (Yes, but it was no good. He was blinded by revenge and anger, he wants me dead.)" Narinig ko na naluluha siya sa kabilang linya, bata palang kami ay mahina na ang loob niya at iyakin. "Agnez, molti dei miei uomini è stato abbattuto, ma non ho potuto fare niente. Non volevo loro di combattere di nuovo. Gapucho Famiglia è stato un caro amico nostro, noi eravamo alleati e Elis è mio amico e il mio primo amore, si sa che. (Agnez, a lot of my men has been slaughtered but I couldn't do anything. I didn't want them to fight back. Gapucho Family has been a close friend of ours, we were allies and Elis is my friend and my first love, you know that.)"
"Faccio. (I do.)" Mahinang sagot ko, ramdam ko ang pagdudusa ng kaibigan ko mula sa kabilang linya.
"È stata uccisa, da me. Ma la cosa è che non ricordo uccidendola o anche uno dei loro uomini. L'amavo io ancora. (She was killed, by me. But the thing is I don't recall killing her or even one of their men. I loved her, I still do.)" Umiiyak siya sa kabilang linya.
"Dove sei adesso Tony? (Where are you right now Tony?)"
"Sto in Italia, sono stato qui per settimane. Cercando di salvare la Famiglia, il papà andrà con la guerra, egli non poteva perdonare Gapucho per aver ucciso i suoi uomini e l'invio di assassini per me. (I'm in Italy. I've been here for weeks now, trying to save the family. Dad will go with the war, he couldn't forgive Gapucho for killing his men and sending assassins for me.)"
"Capisco. Tony devi essere forte, io ti aiuterò. So che il capo di Gapucho non è sulla mente in questo momento, ma lui e, per quanto possibile, cercare di astenersi o fermare la guerra capisco. (I understand. Tony you have to be strong, I will help you. I know Gapucho's boss is not in his right mind right now, but understand him and as much as possible try to refrain or stop the war.)" Pagpapakiusap ko sakanya.
"Sì, lo farò. Grazie Agnez. (Yeah, I'll do that. Thank you Agnez.)" Alam kong nakangiti siya sa kabilang linya kaya naman napangiti nadin ako.
"Nessun problema. (No problem.)" Sinubukan kong pagaanin ang loob niya. "Tony, non muoiono. (Tony, don't die.)" Pagtapos ng huling salitang 'yon ay tinapos ko na ang aming pag-uusap.
Binuksan ko ang laptop ko para tignan kung nas'ang location ang tinawagan kong numero, para makumpirma kung talaga ngang nasa Italya siya, and he is there.
Napasimangot ako. So who was it? Base sa sinabi ni Antonio, there should be someone parading around telling the world that he is Antonio.
There's a fake!
Bumangon ako, humugot ng super super maikling leather shorts, gold top, ilang accessories at boots para paglagyan ng punyal ko.
Pagtapos kong magbihis pumunta ako sa bahay ni Bia.
"Oh napadalaw ka?" Bati ni Bia. Napatingin siya sa suot ko, by then alam na niya ang plano ko. "Hmmm. Are you sure with what you're about to do?"
"I don't have time to mess with you."
"Come inside, this will be quick." Inayos niya ang buhok ko, nilagyan ako ng make-up at kung ano-ano pa. "Alam ba ni Jun ang gagawin mo?"
"He doesn't need to." Blankong saad ko. "By the way, let me borrow your bike."
Pagtapos na pagtapos umalis na agad ako, sinuot ang leather jacket na katerno ng boots ko at sumakay sa big bike na pag-aari ni Bia.
"Take care of my bike ok!"
Hinarurot ko agad ang big bike palabas at pinabiyahe sa freeway.
Kung tama ang memorya ko, ang sabi ni Jun sa isang club malapit sa Star Tower nag-tatambay ang tatlong clan at minsan nagpupunta pa dito si Antonio. Pagdating ko sa Star Tower nag-ikot agad ako para maghanap ng malapit na club.
"Found you." Sabi ko nang makita ang hinahanap ko.
Pagpasok ko sa club sinalubong agad ako ng amoy ng alak, pawis at usok. Hinanap ko agad ang target ko, but I didn't see even his shadow. Tumingala ako, then I saw a tinted room.
He must be there.
Dahan dahan akong naglakad papunta sa gitna ng nagsasayawan, mala-ahas kong hinubad ang leather jacket ko. Sumayaw ako sa tunog at hinayaang gumalaw ang aking katawan. Ramdam ko ang mga mata sa akin, tinitignan ko ang paligid ko at alam ko na habang gumigiling ako dito ay hinuhubaran na nila ako sa maduduming isipan nila.
Kita ko din ang mga pamatay na tingin na ipinupukol sa'kin ng mga babae. Naiinis sila sa presensya ko dahil inagaw ko ang dance floor at halatang naglalaway ang mga lalaki na kasama nila.
Bumukas ang pintuan mula sa VIP room.
Magarang lalaki ang bumaba sa hagdan. He's wearing Armani Suit, with a bad boy taste in it. What's shocking is, I'm looking at Antonio Grande and he's walking closer to me.
Si Antonio Grande na kaibigan ko bata palang, ang lalaking hindi pumapasok ng club, ayaw sa maiingay na lugar, 'pag nagsuot ng suit laging maayos at walang butones na bukas, hindi din siya nagsusuot ng hikaw.
So who is this fake b*stard?
Nagtinginan ang lahat ng babae sa kanya, takam na takam sa gwapong lalaki na papalapit ngayon at nakatitig sa akin.
Hindi ko pinakita ang gulat na nararamdaman ko. Kamukhang-kamukha niya si Antonio, pero ang kilos niya ay ibang-iba. Imposible, sino ang hayop na'to? Bakit pareho sila ng mukha ng fiancé ko? Idol niya ba si Tony para magparetoke siya ng kagayang-kagaya nito?
Lumapit siya sa'kin habang nagsasayaw ako, niyakap niya ang bewang ko at sumabay sa sayaw ko. Nilapit niya ang bibig niya sa tenga ko at bumulong.
"You're hot. I like you." Nanginig ang buo kong katawan sa sinambit niya.
Kung siya si Antonio edi sana ay namukhaan na niya ako. Hindi siya ang fiancé ko, pero hindi nga nagsisinungaling si Jun dahil kahit sino ang titingin sa kupal na'to Antonio Grande ang sinisigaw, iba lang ang porma.
Actually mas gusto ko kung ganto nadin pumorma si Antonio, mas lalo siyang ga-gwapo.
Nang sasagot na sana ako kay fake Antonio hinawakan niya ng mahigpit ang likod ko dahilan para mairita ako.
Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko.
"Kaya mo ba'ko?" Pabulong kong hinamon si fake Antonio.
Kailangan ko siyang malasing at dalhin siya sa harap ni Gapucho Boss, para matigil na ang kalokohang patayan na nagaganap sa Italia.
"Why don't we try and see?" Nakangisi na sambat ni Antonio.
Nagpunta kami sa Star Tower, dinala niya ako sa malaking kwarto. The most expensive suite at that. Maraming gwardya ang nakapalibot dito, mahihirapan ako for sure.
Pagsarang-pagsara ng pintuan, sinunggaban ako agad ni Fake Antonio. Tumama ang likod ko sa pintuan sabay masugid niya akong hinalikan.
Infainess, magaling siyang humalik.
Nakipag kompitensya ako ng halik sa kanya. Maya-maya naramdaman ko na binuhat niya ako habang naghahalikan kami, he was walking towards the bed. Tinapon niya ako doon atsaka namin tinuloy ang paghahalikan. Pinulupot ko ang binti ko sa kanya, sabay dahan-dahan kong nilalabas ang dagger sa sapatos ko.
Nagtaka nalang ako nang may maramdaman ako malamig na bagay sa leeg ko.
*Clink*
Bumitaw ako sakanya at tinignan kung anong nilagay niya. Isang posas na may kung anong bato sa gitna. Umalis ako sa kama habang nakatutok ang punyal ko sa kanya.
"Ano 'to!?" Nananakot kong tanong.
Nginitian niya lang ako ng hindi maganda. "It's a present for you. I like how you made so much effort just so you could get me." Umupo siya sa kama. "I had that personally made, I call it... Slave Choker. Do you like the sound of it?"
This guy... I need to get out of here.
Tatakbo na sana ako nang nakaramdam ako ng dumadaloy na kuryente sa buong katawan ko. Napaluhod ako sa tindi nito at nahilo. Naparalisado ang buo kong katawan, hindi ako makagalaw at parang nag-slow motion ang paningin ko.
What happened?!
"Don't try to run my sweet Agnezka, sayang naman ang effort mo." Hinawakan niya ang baba ko at tinapat ito sa mukha niya.
He knows who I am. Is he really the same Antonio? Nagbago lang ba siya ng ugali? But I just talked to him a few hours ago, and I confirmed it. Wait! Is that conversation fake?
"Bakit ganyan ang tingin mo sa'kin Agnez? You're my fiancee, smile for me." Nilakad niya ang daliri niya mula sa leeg ko pababa sa gitna ng dibdib. "This is the first time I see you wearing this kind of clothes. You really look hot, just my type. Bakit hindi natin ituloy ang una nating plano?"
Huhubarin na sana niya ang damit ko pero nang maramdaman ko na pwede nang igalaw ang katawan ko, agad ko siyang sinuntok.
"Don't touch me bastardo!" Sigaw ko.
Muli nakaramdam ako ng kuryente mula sa choker, pero mas malakas na ito. Hindi nakaya ng katawan ko at unti-unting dumidilim ang paningin ko. Napahiga ako sa sahig sa tindi ng kuryente.
"You don't call me bastard, you b*tch!" Naramdaman ko na sinampal niya ako, pero dahil sa pagka paralisa ng katawan ko, hindi ko ito masyadong naramdaman o talagang mahina lang siyang sumampal.
Hanggang sa tuluyan na ngang dumilim ang lahat.
©IF02
BINABASA MO ANG
The Legendary Durga
ActionShe is a wonder. She is stunning. She is a Goddess. Fighting against armed men, killing them in the blink of an eye, swinging her sword as if she was dancing an exotic dance and a dangerous smile creeping on her face, smile that could make people tr...