JINGU (AGNEZKA PATRIARCA) POV
Hindi ako tanga.
Alam kong hindi na babalik ang kuya ko kahit na patayin ko silang lahat. Alam kong madadagdagan lang ang bangkay na tinatapakan ko sa gagawin ko. Alam kong walang magbabago kahit pa pagpapatayin ko sila. Alam ko, pero wala akong pakialam. Mararanasan nila ang naranasan ko, papatayin ko lahat ng importante sa kanila at isa-isa ko silang pahihirapan.
Lalapit ako sa kahit sinong demonyo magtagumpay lang ako, gagawin ko ang lahat.
I'll make it to the point they'd wish they were dead.
"Agnez." Narinig ko ang mahina niyang boses na nagputol sa takbo ng isip ko.
"Masaya ako na makita kang muli, paalam Mateo."
~THE LEGENDARY DURGA~
OUTSKIRTS OF ITALY
I forgot to ask his name.
Dinungaw ko ang ulo ko sa bintana at sumigaw. "Come ti chiami? (What's your name?)"
Kahit na malayo na ang sasakyan sa kanya, nakita ko parin ang ngiti niya, pero batid ko ang pangungulila na nalalagi sa kulay kape niyang mga mata. Nilagay niya ang dalawang kamay sa bibig at sumigaw ng...
"Mateo!" Kumaway kami sa isa't isa. "Giochiamo di nuovo la prossima volta. (Let's play again next time.)"
"Si, Mateo!"
Lumipas ang ilang araw, tumakas muli ako para bumalik sa lugar kung saan nakilala ko ang batang pulubi na si Mateo. Tinungo ko ang puno kung saan ako nagluksa, naupo ako d'on at hinintay na baka dumating ang kalaro ko, pero lumipas ang ilang oras na walang dumating.
Iniisip ko na baka nasa kung saan-saan lang 'yon. Nilibot ko ang likurang bahagi ni Italya kung saan mas dumadami ang krimen. Ilan din ang nagtangkang saktan ako pero hindi nagwagi.
Nagtanong-tanong ako sa mga tao tungkol sa batang nag ngangalang Mateo, hindi nila alam o hindi nila kilala ang batang sinasabi ko. Tila ba hindi manlang ito nakatungtong sa mundo. Parang nabura ang lahat ng memorya nila tungkol sa bata.
Ilang araw akong paulit-ulit siyang hinahanap at ilang araw din akong naghintay sa ilalim ng puno, pero wala. Hanggang sa kinailangan ko nang umalis ng Italya, hindi ko na muling nasulyapan ang bagong kaibigan.
~THE LEGENDARY DURGA~
Nung mga panahong nawala siguro siya ay pinatay na ng Gapucho boss ang nanay niya at siya. Kaya siguro siya nawala na parang bula nung mga panahong hinahanap ko siya.
Naputol ang takbo ng isip ko nang marinig ko ang yapak ng mga paa papunta sa akin, tinignan ko kung sino, si Jun.
Sinabihan ko siya na 'wag nang sumama sa pakikipagusap ko kay Mateo, sinabi ko din na personal ko siyang kilala kaya kailangan namin mag-usap na kaming dalawa lang. Although ilang beses siyang nag insist na sumama, awa ng diyos na pilit ko siya na maghintay nalang sa sasakyan.
Pawisan ang mukha niya, nagmadali siguro siyang tumakbo, iniisip nanaman niya na may nangyaring masama. Nakahinga siya ng maluwag nang makita niya akong ayos lang.
Napangiti ako.
Bakit kaya ang sarap sa pakiramdam na may nagaalala sa'yo? Tapos minsan gusto mo pa sila lalong mag-aalala para lang makita silang ganyan. Natutuliro, hindi alam ang gagawin, 'yung tipong masisiraan na ng bait.
Nilahad niya ang kamay niya sa akin. "L-let's go back." Hihingal-hingal niyang usal.
Tumango ako at maligayang kinuha ang malaking kamay niya.
Nagpunta na kaming dalawa pabalik sa hideout ng Kings, marami kaming dapat na ipaliwanag sa kanila since alam na nila na ako ang tagapagmana ng pinakamalakas na vigilante family sa mundo at hindi lang ordinaryong nilalang.
Pagdating sa hideout ng Kings, mga nakakasugat na tingin ang pinupukol ng grupo nila sa'min. Malamang alam na nila na hindi lang kami basta parte ng Patriarca family, alam na nila ang tunay kong pagkatao. Napabuntong hininga ako, nilibot ko ang paningin ko sa paligid.
Wala si Tao.
Inaasahan ko na siya ang unang tatalon at maghihiyaw sa sobrang gulat niya sa pagkatao ko, weird, he's not here.
Hindi ko na ito binigyang pansin at pumasok na kami sa loob. Umupo ako sa harap ni Kang Hoo, katabi ko si Jun. Si Shark nakaupo lang sa sulok at naglalaro ng kung ano sa PSP, as usual. Si Takeo nakatayo sa gilid, curious din ang isang 'to kahit hindi niya sabihin. Si Regis nakaupo sa tabi ni Kang Hoo.
Tinignan ko sa mata si Kang Hoo at nginitian.
"Mukhang marami kang gustong itanong Mr. Chun." Napakunot ang noo niya sa akin pero pinanatili ko ang business smile ko. Huminga siya ng malalim para bang kinakalma ang sarili at nag de-kwatro.
"Oo naman, madami. Una sa lahat, anong ginagawa ng nag-iisang heiress ng Patriarca dito sa bansang 'to?" Seryosong tanong niya sa akin.
Napansin ko na tumigil sa paglalaro si Shark at naghihintay sa isasagot ko. Usisero din pala si silent boy.
"Bawal ba?" Nakakalokong tanong ko.
Nginitian ko siya, unti-unting pumipinta ang pagkainis sa mukha niya, pinipigilan niya ang sarili na magwala. It's not like it's a big deal na ako ay ako. The name just changed that's all, I'm still me.
"Hindi ako nakikipaglokohan sa'yo Agnezka Patriarca!" Mabangis niyang usal ang boses niya nambabanta.
Tinawag niya ako sa buo at tunay kong pangalan. Matagal-tagal narin nang hindi ko marinig ang pangalan na 'yan. Unti-unti nawawala ang ngiti sa mukha ko at tinignan siya ng walang emosyon sa mukha.
"I'm warning you Chun Kang Hoo, for the sake of the time we actually spent to help each other, I'll let you go. But one more insolence from you, I'll make sure to take home a leg or arm." Banta ni Jun.
Of course, he didn't like that tone from Kang Hoo. He's definitely a Patriarca. Even by a little disrespect to me gets him this agitated. Pinalaki ako ni Nonno na madignidad, paslit palang ako alam ko na kung ano ang estado ko sa buhay, mataas.
Kung ikukumpara ang inuupuan ko sa mga ordinaryong tao, ako sa pinakamataas at gintong upuan kung saan nasa ilalim sila at binubuhat ako. Ganon.
Pero hindi naman sa lahat ng oras ay madignidad ako, sa mga tamang panahon at lugar naman. Basta alam mo ang kinalalagyan mo, ayos tayo. Siyempre may after-shock pa ang pagsisinungaling namin ni Jun kaya ganyan sila ngayon.
"It's ok." Pagpapahinahon ko kay Jun, dahil kung hindi, baka pugutan na niya ang isang 'to. "Nandito lang kami para magbakasyon, 'yon lang. May itatanong ka pa ba?"
"Kung ganon hindi kayo tunay na magkapatid?" May halong excitement na tanong ni Kang Hoo. Napatingin ako kay Jun, saglitan kaming nagkatinginan, binalik ko ulit kay Kang Hoo at tumango ako. "Alright, ibig sabihin aalis na si Jun sa bahay mo?"
"Ha!? Anong sinasabi mo diyan Kang Hoo?" Naguguluhang tanong ko. Bakit naman aalis si Jun?
"Alam na namin na hindi kayo tunay na magkapatid, hindi niyo na kailangan na magpanggap. Hindi niyo narin kailangan na tumira sa iisang bahay."
"Ha!? What are you talking about? Are you on drugs?!" Tanong ko, hindi ko siya maintindihan. Bakit para lang d'on kailangan umalis ni Jun?
"Nakatira man kami sa iisang bahay o hindi, walang kang pakialam." Biglang sumingit si Jun. "Kahit alam mo, ano naman ngayon? Hindi naman kami tumira sa iisang bahay para lang itago ang pagkatao namin sa'yo, nakatira kami d'on kasi 'yon ang tahanan namin."
"So gagami--." Pinutol ko na ang sasabihin ni Kang Hoo dahil magsisimula nanaman silang mag-away. Masakit na ang ulo ko at pagod ako. Ayaw ko nang makarinig pa ng kung anong pag-aawayan nila, nakakarindi.
"Tumigil kayo pwede ba? I'm tired." Tumigil naman silang dalawa at naupo, kahit na medyo bumubulong pa ng konting mura. "Pumunta kami dito ni Jun dahil ayaw kong tanggapin ang family, me and my grandfather made a bet. Kung kaya kong itago ang pagkatao ko for a yea-."
Biglang may sumingit sa pananalita ko. "Hindi na niya kailangan maging Boss, unfortunately nalaman niyo na siya nga si Miss Agnezka Patriarca, ang future boss ng pinakamalakas ng vigilante family." Singit ni Bia habang nakangiti sa gawi ko. "Hi honey! I have a message from your grandfather 'I won' is what he said."
That old coot! Again, I lost, so this is how my life will end.
"Pero sabi niya 'wag kang mag-alala. Bibigyan ka pa din daw niya ng one year para magbakasyon dito." Nakangiti sa wika ni Bia.
As if that one year would ease my mind. He's gonna give me a year of vacation, then a lifetime of hell. Great! Just great! Kahit hindi narin naman niya ako bigyan ng isang taon. Pagtapos kong mahanap ang pumatay kay Fratello babalik na ako d'on. Hindi ko na kailangan magtagal sa maliit na bansang 'to.
Napansin ko ang paglibot ng mata ni Jun, tila ba may kung anong hinahanap.
"Anong problema?" Tanong ko.
"Rina, I haven't seen her around." Nagtatakang saad niya.
Hinahanap niya pa ang Boobie na 'yon, eh wala namang naitulong 'yon, naging pabigat lang siya. Poison Queen my *ss, she's just a useless piece of b*tch. Sinabi na sa'kin ni Jun kung bakit niya pinapunta ang impokritang 'yon, para daw makakalap siya ng sagot kay Fake Antonio, unfortunately, I'm too good kaya hindi na siya napakinabangan.
"She already left a couple of hours ago. She said that her job's done here so she should get going and that she will visit your place to bid her goodbyes." Saad ni Regis.
"No, hindi na niya kailangan magpaalam, panira lang siya sa buhay." Busangot ko.
"I see, nakaalis na siguro 'yon. Hindi manlang ako nakapag pa salamat sa pagpunta niya dito." Saad ni Jun.
"You don't need to. Wala naman siyang naitulong at hindi siya napakinabangan, she just wasted our -not hers- time here." Mapakla kong saad, alam kong may idadagdag pa si Jun kaya hindi ko na hinyaan na ituloy niya at tumayo na ako. "Inaantok na'ko, ilang araw na akong walang tulog ng maayos, umuwi na tayo." Yaya ko sa kanya at pumunta na sa sasakyan.
Nang malalampasan ko na si Bia, may binulong siya sa'kin. "Good job." Hindi na'ko nag-abalang huminto sa paglalakad, ngumiti nalang ako.
Pagpasok sa loob ng kotse, biglang ding pumasok sa isip ko si Kang Hoo.
"Nga pala Jun, hindi ko pa 'to natatanong pero sa anong family or organisasyon nabibilang si Kang Hoo?" Nagtatakang tanong ko.
We've been working together for quite a while, and their group has been really useful so far. Hanggang ngayon hindi ko parin alam kung anong grupo siya nabibilang.
"Why suddenly ask?" Tanong ni Jun habang binubuksan ang makina.
"Wala lang, bigla lang pumasok sa isip ko." Sagot ko habang kinakabit ang seatbelt. "So? Wala kang balak sagutin?"
"Sun and Moon Clan's next boss is Kang Hoo."
"Sun and Moon!? You're kidding."
"Why would I?"
"That b*stard belongs to that group? Then Bia is... But that Clan ain't part of our alliance. I didn't even know that the family interacted with that Clan."
"Me either."
"Then how did my Nonno had Bia as his gofer?"
"That, I would like someone to tell me too."
"That old sh*t, he's really sly."
That old fashioned clan, so siya pala ang next boss n'on. Kahit na gaano ka old fashion ang clan na 'yon, kinakatakutan parin sila sa korea at sa ibang bansa. So he's a big fish huh.
"Eh 'yung apat na bugok?" Tanong ko habang binubuksan niya ang pintuan ng bahay.
"As for that guy--." Hindi natuloy ang sasabihin niya dahil pagbukas ng pintuan sa loob ng bahay nakakalat lahat ng gamit. Basag lahat ng pwedeng mabasag at punit lahat ng pwedeng mapunit. Tila ba dinaanan ng matinding delubyo ang bahay.
Magnanakaw? Pinasok kami ng magnanakaw? Pero bakit sobrang gulo naman atsaka nandito pa ang flat tv sa sala, so hindi magnanakaw. Parang may hinahanap...
Nanlaki ang mga mata ko nang maalala ko ang isang importanteng bagay na naiwan dito sa bahay.
Dali-dali akong tumakbo sa kwarto ko.
"Jingu?!" Tanong ni Jun nang nagmadali akong tumakbo pero hindi na ako nakasagot dahil sa kaba na nararamdaman ko.
Pag-akyat sa second floor ganoon din ang makikita, nagkalat na bubog at mga gamit. Bukas ang pintuan ng kwarto ko at sa may hagdan palang kita ko na na magulot ito. Pumasok ako, nagkalat ang mga gamit at damit.
"F*cking sh*t!" Kunin na nila ang lahat, 'wag lang 'yon! Agad kong nilapitan ang pinagtataguan ko ng importanteng bagay na 'yon, as I thought, there's nothing in there. "Its not here!" Napabulong nalang ako.
Tinuloy ko parin ang paghalukay at paghahanap, but I couldn't find it. There's no sign of it, its gone.
Narinig ko ang pagsunod ni Jun sa kwarto. "Anong problema Jingu? May nawala ba sa'yo?" Tanong niya pero hindi ako sumagot at tuloy parin ako sa paghahalukay.
Panay ang lunok ko dahil pakiramdam ko may bumabara na kung ano sa lalamunan ko. I didn't even notice how cold my sweat was, I was actually trembling as I look for that important thing.
When I opened my secret place, it wasn't there.
It's not here! I can't find it. I lost it. Napaluhod ako, nanghina ang katawan ko bigla. Why? In all of the things they could get, why that? Why that? God d*mmit! Tangina! Bakit 'yon?!
"Jingu anong problema?" Inalog na ako ni Jun dahil hindi ko siya pinapansin.
Nanlumo ako dahil wala talaga. "My yin-yang medallion, it's not here." Wala sa sariling bulong ko.
Bakas ang gulat sa mukha niya. "Gio gave it to you?" Hindi makapaniwalang tanong niya.
Bigla akong nakaisip ng taong kahina-hinala. Wala na siya dito at ang sabi ni Regis kanina dadaan siya dito para magpaalam. "Czarina Port! That B*tch! She took my medallion, that f*cking mother f*cker!" Nagwawala kong sambit.
Tatakbo na sana ako papunta sa airport baka sakaling mahabol ko pa siya pero pinigilan ako ni Jun.
"Anong sinasabi mo Jingu? Hindi magagawa ni Rina 'yon." Pagtanggol niya pa sa babaeng 'yon. Aba't may oras pa siya para sa ganyan.
"So ipagtatanggol mo siya ngayon? 'Yung impokritang 'yon lang naman ang kahina-hinala eh. Isipin mo nga kung sino lang ang may posibilidad na makuha ang medallion ko, siya lang. Lahat ng security alarms natin hindi tumunog, she knew her way here dahil naipasok mo na siya!"
"Hindi niya 'yon magagawa Jingu, mabait si Rina."
"Gods! Sebastian Cross, tanga ka ba? Walang mabait sa mundo natin!"
"But Rina is not the kind of..."
"Not the kind of what?! Paano mo nasabing hindi niya 'yon magagawa?! Is that woman a saint to you? That medallion is my brother's, that's important to me! Maraming beses na na may nagtangkang kumuha nun sa'kin. And that a woman is a contract hitman for God's sake! Hindi ako magtataka kung may assignment siya para nakawin ang medallion ko!"
"But..."
"Bakit? Natatakot ka ba na baka mapatay ko ang girlfriend mo sa galit ko?"
"No Agnez, that not it---!"
"Hanggang ngayon mahal mo parin 'yung putang 'yon?! Then why not go with her and f*ck off?! Let go of me, before I lose my patience."
"Wait Agnez, let me..."
"Shut up! I don't want to hear anything from you. I'm so mad I might not be able to stop myself from killing you." But he didn't let me go. "Let me go! Hanggang sa huli papanigan mo parin siya!?"
"Hindi sa ganon Jingu, kung si Rina nga ang kumuha, I bet kanina pa siya nakalipad. I know her, tuso siya. Hindi mo na siya maabutan."
Sumigaw ako na parang baliw at sinipa at binato lahat ng malapit sa'kin. I couldn't breath properly and my head is spinning! I trashed everything that I could get a hold of.
Sinubukan akong pigilan ni Jun, pero marahas na tinanggal ko lang ang kamay niya na nakahawak sa'kin. dahil sa dalawang bagay.
Una, dahil ninakaw ng b*tch na 'yon and medallion na binigay sa'kin ni Fratello bago siya mamatay. Pangalawa, pinapanigan pa ni Jun ang b*tch na 'yon. Meaning mainit ang ulo ko dahil sa b*tch na 'yon.
End of story!
Sisiguraduhin ko na kapag nakita ko ulit ang hambog na 'yon, tatanggalin ko lahat ng kuko niya isa-isa, sa paa at daliri. I'll also shave her head, of course together with the scalp on her head.
"Agnez calm down..." Jun tried to grab me again, trying to calm me down.
Pero bago pa ako mahawakan ni Jun, hinablot ko na ang baril na nasa loob ng jacket ko at tinutuok sa kanya. Nanginginig sa ako sa galit habang hawak ko ang baril, pero kahit gaano pa ako nanginginig, for sure pag pinutok ko ang baril na to tatama parin kay Jun.
"Don't touch me, I'll shoot you." Mahinang banta ko, my eyes telling the truth.
"Agnez..." Nagulat si Jun sa ginawa ko, medyo nanlaki pa nga ang mga mata niya at hindi makapaniwalang tinignan ako.
But that didn't last for 2 seconds, his face went blank and he started walking to wards me, slowly.
"Stop!" Sigaw ko na nagpahinto sa lakad niya papalapit sa'kin. "Don't even dare come near me. You don't think I would shoot you?"
"I know you." Maangas na ngumisi sa'kin. "I know that you won't think twice to shoot me, especially if your mad."
"Then get lost if you don't want me to kill you."
"Just kill me, I don't mind dying by your hands."
"Crazy b*stard!"
Nginitian lang ako ni Jun at biglang hinablot ang baril na hawak ko sabay tinapon niya ito sa malayo. Nang sisipain ko na sana siya sinalo niya ang legs ko, at ayaw niya pang bitawan. Gamit ang kaliwa kong kamao, tinanggka ko siyang suntukin pero sinalo din niya ito.
"Let go of me you b*tch, I will f*cking kill you!"
"As if I would do that, the moment I let go of you, you'll beat me up."
"I thought you weren't scared of dying!"
"I didn't say that. I said that I won't mind dying by your hands, that's completely different."
"Then I'll grant your wish and kill you now!"
I tried to get away from his grasp pero lalo lang humigpit ang kapit niya sa'kin. Hinila niya pa ang legs ko papalapit sa kanya at nginisian ako. Inaasar ako ng gagong 'to! Gamit ang kanan kong kamao, pinaulanan ko siya ng suntok, pero iniilagan lang niya.
"Won't you please calm down?!" Sigaw niya sa'kin, sabay tinulak ako papunta sa kama.
The next thing I know, nasa ibabaw ko na siya, a winning smirk plastered on his annoying face. One of his hands restraining my two hands. Now, I really have the urge to torture him thorougly.
"I'll put you in the dungeon and torture you with my bare hands! Let go!" I tried using my legs again, but he just shielded it with his own legs.
"I don't hate this position at all."
"I hate it! So get away from me!"
"Oh! If you say it like that, it just makes me want to stay here longer."
"You b*tch! LET ME GO!!!"
Lumapit siya at tinapat ang bibig sa tenga ko, ang mga pisngi namin nagtatama. "If you promise to calm down, then I'll let you go."
"You wish!" At dahil malapit siya sa'kin, parang aso na kinagat ko ang leeg niya.
"Argh!" Napasigaw siya sa sakit, nabitawan niya pa ang hawak sa kamay ko. Tinulak niya ako para makalayo siya sa'kin, pero hinapit ko lang siya papalapit.
This is what you get for messing with me! HAHA! I forced him to roll over the side, para ako na ang nasa taas, tumigil na'ko nang naramdaman ko na lumubog ang ngipin ko sa balat niya. A bite mark was visible on his neck, deep bite marks. I sat up and look at the thing I did, I smiled truimphantly.
Namumutla na kinapa niya ang leeg niya, pagtingin niya sa kamay niya may dugo. I also felt a little blood on my mouth, so licked it as I looked down on him. Then smiled like a demon that I am.
"What are you, a rabid dog?!" Hindi makapaniwalang tanong niya sa'kin, pero maya maya ngumisi siya sa'kin. Umupo siya kaya magkapantay na kami ng tingin.
Since nakaupo ako sa kanya, tatayo na sana ako paalis, pero bago pa ako makatayo hinablot niya ang bewang ko at binalik ako sa pagkakaupo.
"Do you want another mark?!"
"Sure, do it on the other side." Then giniya niya ang leeg niya pakanan at hinintay ako na kagatin siya sa kabila. This guy is totally nuts! What's wrong with him?! "But this time you have to do it properly. That's not how you leave a mark, you suck that certain place, suck it possessively and obsessively. Want me to show it to you?"
"Shut up, *sshole!"
"Are you calmed down now?"
Ah! Now that he mention it, I'm indeed not mad anymore. "Shut up! It doesn't change the fact that a b*tch stole my medallion."
"I'll be sure to take it back."
"Dapat lang!"
He smiled, but then it looked like he noticed something towards my back. "Have you always had that dagger stabbed on your wall?"
"What dagger?" Tumalikod ako at meron ngang nakasaksak sa gilid ng pintuan ko.
May envelope na nakasabit gamit ang isang gintong punyal. I stood up and walked towards it. I took it and observed the dagger, may mga naka ukit na dragon sa hawakan. It looks expensive and made of pure gold.
Wala akong natatandaan na may nakasabit na envelope sa ding-ding na 'yan at mas lalaong wala akong natatandaan na may ganyan akong punyal. For some odd reason, parang pamilyar sa'kin ang dagger.
Iniabot ko kay Jun ang punyal para tignan niya. Tinignan ko naman ang maliit na envelope, may nakasulat sa likod. 'To the Goddess'. Tinignan niya ang tinigtignan ko at gaya ko napataas din ang kilay niya.
Binaliktad ko ang envelope, may dragon na nakaselyo dito, bakas na hindi pa nabubuksan.
Binuksan ko at binasa ang sulat:
'When the Eclipse appears, all colors shall turn to red and everything will be engulfed to nothingness.'
©IF02
BINABASA MO ANG
The Legendary Durga
ActionShe is a wonder. She is stunning. She is a Goddess. Fighting against armed men, killing them in the blink of an eye, swinging her sword as if she was dancing an exotic dance and a dangerous smile creeping on her face, smile that could make people tr...