JINGU (AGNEZKA PATRIARCA) POV
"Ah!" Napapitik ako nang may maalala.
Meron nga palang inabot sa'kin 'yung babaeng naka costume kanina bago ako lumabas ng lounge, I think its in my pocket. Kinapa ko sa bulsa ang maliit na box. It was a small red box. What is Kang Hoo proposing to me?
Tao just looked at me with a question mark above his head.
"Anong problema?" Tanong niya sabay lumapit sa'kin habang tinitignan ang hawak kong box. "That box... Saan mo nakuha 'yan?"
"Binigay sa'kin nung rabbit kanina, hindi na importante kung kanino galing, ang importante kung anong laman."
Nang buksan ko na ang kahon, napakunot ang noo ko. Is this what Kang Hoo wanted to give me? There was a red button inside the box. Anong gagawin ko dito? Should I push it? And here I thought he's proposing to me, I was thinking on how to dump him elegantly. Nang-aasar lang ata ang kupal na 'yon eh.
Habang minumura at pinapatay ko sa utak ko si Kang Hoo, biglang nagsalita si Tao. "May papel sa ilalim ng takip, baka may message."
Press the buttong once if you have two cards. If two hours of the game has passed, pressed the button twice. Have fun!
-K
"Galing kay Kahoo 'yan diba? Dapat sa'kin nalang niya binigay." Daldal ni Tao.
Nakakapagtaka nga naman, kung ito lang naman pala ang kailangan niya ipagawa, edi sana kay Tao nalang niya binigay o di kaya kay Regis. Why did he give it me? Is it just to piss me off? That f*cktard!
"So, anong mangyayari 'pag pinindot ko 'to?" Tanong ko kay Tao.
"Aren't you friends? Ba't 'di mo alam?"
"Kahoo didn't told us anything about red box."
"Do you think I should press this?"
"I don't know. Kahoo have these tendencies to blow things up, so I don't know if you should... But if he gave it to you, then there must be a reason but..."
"Ugh! That guy still pisses me off kahit wala siya dito!"
"What's your plan?"
"Bahala na!" Pinindot ko nalang sa inis ko. Kung ano man ang mangyayari kapag pinindot ko ang bilog na'to, hindi ko alam. Pero dahil nag-abala pa siya para lang gumawa nito, gagawin ko na.
Wala naman sigurong mawawala kung gagawin ko diba? Pipindutin ko lang naman eh, nothing big.
*Click*
"Now what?" Tanong ko.
Nilibot namin ni Tao ang mata sa paligid nang pindutin ko na ang red box. Inaasahan namin na may kung anong sasabig or what, but nothing unusual happened. Wala naman kaming narinig na kahit anong kakaiba or pagsabi, nothing at all.
"Siguro hindi gumana." Saad ni Tao. "Or baka mahina ang pindot mo."
"No, I'm sure napindot ko siya ng maigi. Hindi ko na uulitin, tutal mag tw-two hours naman na tayo dito, diba? Sabi sa sulat 'pag two hours na tayo dito, pindutin ko naman ng dalawang beses."
"Yup, fifteen minutes nalang bago mag two hours." Sagot ni Tao.'
I looked at my wristwatch, to make sure na talaga ngang tama ang sinasabing oras ni Tao. We started to walk around para hindi masayang ang oras, at the same time we were wary of our surroundings.
There's two things na bumabagabag sa isip ko. First, kung ano ang ibig sabihin ng mga katagang sinabi nung hoody guy o Yuki na 'yon, it was weird. Second, kung ano ba ang pinaplano ni Kang Hoo at kung bakit sa'kin pa talaga niya binigay ang kahon.
And no one is going to give me answers to my questions, they only keep adding up.
"Wait!" Pabulong na pinatigil ako ni Tao.
Bigla akong hinila ni Tao para magtago sa likod ng malaking bato.
"The fck ar---?!" Bago ko pa man tapusin ang sasabihin ko ay tinakpan na ni Tao ang bibig ko.
Nagtaka ako nang bigla nalang naging gabi, no, hindi naging gabi, natakpan lang kami ng anino ng isang napaka laking extinct animal. Sa sobrang laki niya, akala ko naging gabi na. Gods!
Isang napaka laki at mabalbon na hayop ang lumantad sa amin, mas dambuhala pa ito kung ikukumpara sa Diatryma, kung tutuusin manliliit ang diatryma kapag itatabi dito.
Mahaba pa ang leeg nito na parang giraffe, mabalbon na parang chitzu, tapos mahaba pa ang dila. Natigi ang paghinga ko, kung hind lang tinakpan ni Tao ang bibig ko kanina, malamang narinig na kami ng halimaw na 'to at nakain na.
"Holy cow." Bulong ko.
"That's a real life monster."
"Yeah."
"Swords will definitely be useless on that thing."
"Guns too."
I wonder, paano at saan kaya nila nakuha ang mga hayop na'to? Tao said that these monsters no longer exist. So why are they here? How could they be here in the first place? Are they machines, robot or something like that?
If ever those monsters go out in the city, it'll be a big riot. Many civillians will die and you can imagine the rest. I'll have to report this to the old geezer.
Habang dahan-dahan na tinatahak ng mabalahibong hayop ang gubat, naghahanap ng makakain, bigla itong huminto at tumingin sa direksyon naming dalawa. Natatakpan kami ng bato, pano niya kami nahanap?
Bumilis ang tibok ng puso ko, naririnig kaya ni Tao? Hindi na nakakapagtaka. Biglang may dumating na malaking tigre, kung ikukumpara sa normal na tigre, limang beses ang laki nito. Napukaw doon ang atensyon ng mabalahibong hayop at 'yon na ang naging hudyat ng pagtakas namin.
"Dios mio! (My God!) Ilan bang halimaw ang meron sila dito?" Pagrereklamo ko, kanina maayos pa ang paghinga ko, ngayon para akong kabayo na tumakbo sa karera.
"Madami." Sagot ni Tao. "Magpahinga muna tayo dito ng konti, hindi ko inasahan ang nakasalubong natin."
"Tama ka. Huminga muna tayo dito." Humiga si Tao sa sahig na parang bata. Nanatili akong nakatayo at sinusubukan na ibalik ang postura. Dapat masanay na ako makakita ng mga ganitong hayop, lalo na't nakakalat sila sa buong lugar. "Malapit na mag dalawang oras." Wika ko habang nakatingin sa silver rolex na suot ko. Dapat magsama-sama na kami bago ko pindutin ang box, masama ang kutob ko. "Tara na."
~THE LEGENDARY DURGA~
KAISER (KANG HOO) POV
"Anong ginagawa mo? Kilala mo ba kung sino ang kinakalaban mo?!" Sigaw sa'kin ni Mr. Cruz habang may bayarang babae na nakakapit sa mataba niyang braso, nag-iiiyak.
"Bakit Mr. Cruz, hindi mo ba'ko kilala?" Nakangiti kong usal at humithit na ng sigarilyo. Tumawa bigla si Mr. Cruz, parang nasisiraan ng bait.
"Kilala kita bata. Dinala ka lang ng pangalan ng magulang mo diyan, hindi ikaw ang dapat katakutan." Tumawa si Cruz na akala mo'y nagwagi na siya sa kung anong laban man ang mayroon kami.
"Mr. Cruz sabihin mo nga sa akin, sa tingin mo ba mananatili akong buhay dito sa mundong 'to kung mahina ako at dinala lang ako ng pangalan. Sa buhay na tinatahak natin, hindi importante ang pangalan, magkakaroon lang 'yan ng halaga kapag ang may dala ay karapat dapat." Paliwanag ko sa mataba at makitid niyang kukote. Lagi nalang ganito, minamaliit ako dahil sa pangalan na dala-dala ko. "Sa katunayan nga, isa ka sa mga magiging halimbawa para sa iba na mas malakas ako."
Nginitian ko siya ng nakakainis, siguradong ako ang panalo sa larong ito.
"Kaiser! Hayop ka! Pagsisisihan mo ang ginagawa mo ngayon, tandaan mo 'yan." Banta sa akin ng matanda.
Dapat ko ba siyang katakutan habang nanginginig siya at binabantaan ako? Konti na nga lang maiihi na siya sa pantalon niya. I'll make sure na dagdagan ang nakakahiyang pictures niya.
"Ako ba talaga ang magsisisi o ikaw?" Tumawa ako ng malakas at humithit. "Maupo ka Mr. Cruz, hindi pa naman tapos ang laro na ginawa mo. Siyempre meron paring dapat na manalo."
Kitang-kita ko kung paano libutin ni Cruz ang mga mata niya, naghahanap ng malulusutan. Nakahanap ata siya, lingit sa kaalaman niya, sinadya ko ilagay 'yan diyan dahil alam ko na kung paano tumakbo ang katiting niyang utak.
Bago pa siya tuluyang makatakas, dumating na ang mga tauhan ko. Napaupo si Cruz sa sahig dahil sa gulat. Nilapitan ko siya at nginitian. Basang-basa ko ang takot sa mukha niya, malapit na nga siyang maihi. Paglapit ko sa kanya, binugahan ko siya ng makapal na usok.
"Hindi ka makakatakas." Nanlisik ang mga mata ko at pinanood ko kung paano manginig sa takot si Cruz, parang daga na takot mapag experimentuhan. "Let's have fun, ok?"
~THE LEGENDARY DURGA~
JINGU (AGNEZKA PATRIARCA) POV
Three more minutes, bago mag two hours. Hudyat para gawin ko na ang pinapagawa sa'kin ni Kang Hoo. I looked at my wristwatch for the hundredth time.
Napakagat ako sa labi.
Just where the hell is those guys? Hanggang ngayon hindi parin namin mahagilap ang mga taong dapat namin makita.
"Hey!" Pamilyar na boses ng playboy ng grupo, si Regis.
"Regreg!" Sigaw ni Tao. Patalon na siya para bigyan ng mahigpit na yakap ang kaibigan, pero agad naman itong hinarangan ni Regis. "Ang sama mo! Bakit mo hinarangan ang mukha ko ng palad mo? Nag-alala kaya ako sa'yo." Pagrereklamo ni Tao
"Tao, pare. Alam mo naman na babae lang ang niyayakap ko. Kung pwede nga lang ako nalang sana ang lalaki sa ibabaw ng mundo eh at kayong iba ay mamatay na." Wika niya na para bang simpleng bagay lang 'to.
Hindi ko nalang binigyang pansin ang katangahan nilang dalawa, hindi si Regis ang inaabangan ko. Sinilip ko ulit ang wrist watch ko, isang minuto nalang ang natitira.
"Hey Jingu, I'm glad you're fine. Though I already expected that." Bati niya sa'kin pero hindi ko siya pinansin. "Anong problema? Parang atat na atat ka." Napatingin naman si Tao sa direksyon ko na nagtataka.
"Wala." Binalik ko kaagad ang kalamado kong mukha at tumalikod.
Muli akong sumilip sa orasan, eksaktong two hours na ang lumipas.
I opened the box.
"So binigay pala sa'yo ang kahon na 'yan." Nakangiti na usal ni Regis, pero hindi ko ito pinansin. Sa huling sandali, bago ko pindutin ang pulang bilog.
"Jingu!"
Hindi ko na kailangan na lumingon. Maliit na ngiti ang bumakas sa mga labi ko. Kilala ko ang boses na 'yon, isang tao lang sa mundong ito ang may mapag-alalang boses na ganyan. Walang segundo akong sinayang at pinindot ko na ito.
Biglang may malakas na pagsabog mula sa labas.
"Did you just detonate a bomb Cutie?" Gulat na tanong ni Tao.
"Looks like it." Sagot ko.
"Well, not surprising."
*Bzzt*Bzzt*
"EMERGENCY! LAHAT NG MGA KALAHOK LUMABAS NA, KOKONTAKIN NALANG NAMIN KAYO SA SUSUNOD NA LABAN."
Nagkatitigan si Regis at Tao nang sabihin ng host ang mga katagang 'yon.
"Si Take-chi?" Palingon-lingon na tanong ni Tao, hinahanap si Takeo.
Walang sumagot sa tanong niya. We all waited for a couple of minutes pero wala paring dumadating. Biglang nag-ring ang phone ni Regis.
"Hey!" Hugot niya sa puting iPhone niya at sinagot ang tawag. Napangiti si Regis ng konti at tumingin sa direksyon ko habang hawak sa kanang tenga ang phone. Nakakaasar ang ngiting 'yon ah. "Still the same as ever." Sagot niya sa kabilang linya.
Hindi sinabi ni Regis kung sino ang kausap niya pero alam na alam ko kung sino, si Kang Hoo at ako ang pinag-uusapan nila. Ayaw ata ni Regis ang masamang tingin na ipinupukol ko sakanya kaya tumalikod siya.
"Jingu." Malumanay na lumapit si Jun.
"What?" Gumaan agad ang loob ko.
"I'm so glad you're fine." Nginitian niya 'ko.
"Me t--." Hindi na natapos ang sasabihin ko dahil nagsalita bigla si Regis. Tapos na ata siya makipag usap sa gay leader nila.
"Let's get going guys, we have some things to do."
"Paano naman si Take-chi?" Tanong ni Tao.
"He can manage."
Paglabas namin sa gubat, natigilan kami sa sumalubong sa amin. Tila ba ibang mundo ang pinasukan namin. Nasusunog ang buong lugar at puro usok ang paligid. Napa-ubo kaming lahat bigla.
Nakita namin si Takeo na nakatayo sa gilid ng pintuan na parang estatwa, naka cross hands, may gas-mask siyang suot. Iwas sa usok na nakabalot sa buong lugar.
"You guys are so slow." Mahinhin niyang banat.
"WE WERE WAITING FOR YOU!" Sigaw namin ni Tao at Regis.
Binigyan niya kami ng tig-iisang gas-mask at mabilis naming nilisan ang nasusunog na lugar. After that bumyahe kami papunta sa hideout nila, para doon kami mag usap-usap.
"Hey." Dumating na ang matagal naming hinhintay, si Kang Hoo.
"Took you years just to be here." Taas kilay kong saad. Mahigit isang oras din ang hinintay namin para lang makapunta na dito si Kang Hoo.
"I had to take care of some things, you know." Tugon ni Kang Hoo sa'kin ng medyo iritadong boses, pero blanko lang tingin ko sa kanya.
"Ok, let's start." Tumayo si Regis mula sa kinauupuan para baliin ang pag-uusap namin ni Kang Hoo, at para din magsimula na ang dapat kanina pa nagsisimula. "First of all Kang, tell us what you got from Mr. Cruz."
"I got nothing." Nagulat kami sa binitawang salita ni Kang Hoo, nag-init din ang ulo ko.
"What? Don't tell me nakatakas siya sa'yo? How stupid can you be?" Bulyaw ko, napatayo na nga ako sa pagkakaupo dahil sa inis, dagdag pa sa oras na pinaghintay niya kami tapos ngayon sasabihin niya na wala siyang nakuha mula sa baboy na 'yon.
"Don't underestimate me b*tch." Simangot nitong usal at napatayo rin. Kagaya ko halatang kanina parin siya bad mood. "Hindi siya nakatakas o kung ano man, wala lang siyang alam." Huminga muna siya ng malalim at muling umupo. "He's not the ring leader, he's not even part of the group." Paliwanag niya.
"That's impossible, nag imbestiga ako. You know na lahat ng information ko ay hindi nagkakamali." Naguguluhan na wika ni Tao.
"Alam ko, hindi din ako naniwala noong una. I trust your information more than my instincts Tao, seems like this time, may nag-iba ng info na nakuha mo." Wika ni Kang Hoo.
"So we got no leads at all, huh?" Kagat ni Regis ang labi niya at yumuko, tila ba nag-iisp.
"I got some." Walang emosyon na wika ng kakambal ko. Lahat ng mga mata namin ang napunta sa kanya, hinihintay ang impormasyon na meron siya. "Sasori, they are part of this."
Nanlaki ang mata ni Kang Hoo. Samantalang nagkatinginan naman si Tao at Regis na parang nag-uusap gamit ang kanilang mga mata. Ano naman kaya ang alam nila sa grupong Sasori?
"How did you get that information?" Tanong ni Regis.
"When the game has yet to get started, do you remember that two guys behind the bunny girl who gave out our cards. They had scorpion tattoo which is the symbol of their group." Pagpapaliwanag ni Jun, ang grupo naman nila Kang Hoo ay gulat sa pagkakasangkot ng Sasori. "It's either sila ang humahawak ng lahat or part lang sila nito. There should be a reason kung bakit sila nandon. After all, their group should have been disbanded a long time ago. At first iniisip ko na baka coincidence lang na nandun sila but then nung paglabas natin ng building, madami akong nakita na may ganitong tattoo."
Pagkatapos ng pag-uusap namin ay nagsi-uwian na kami.
Tumatakbo parin sa isipan ko ang binulong nung hoody guy na 'yon, Hindi ako makahanap ng dahilan kung bakit niya sinabi sa'kin 'yon. Baka naman wala lang ang mga salitang 'yon? Baka trip niya lang bigla sabihin, kasi nasisiraan na siya ng bait. Baka nag fe-feeling shakespear lang siya, ganon. Pero bakit kailang niya pang ibulong, in a way na ako lang ang makakarinig?
"Jingu, we're here." Tawag sa'kin ni Jun, ni hindi ko napansin na nandito na pala kami. Nagulat ako nang biglang hawakan ni Jun ang kamay ko, nag-aalala nanaman siya. "Is there something wrong?"
Umiling ako. "No, I'm just sleepy, I'm tired after seeing all those montsers."
"Is that really it?" Ito ang nakakainis kay Jun, madali niyang napapansin kapag may iniisip ako o kung may problema.
"Yea, don't worry." Kailangan kong sumagot ng normal para hindi niya mapansin. "Nagugutom na'ko, let's eat first."
"Alam ko sasabihin mo 'yan." Tinaas ni Jun ang plastic ng Jollibee, parang ipinagmamalaki pa niya ito.
Napangiti nalang ako. "You read my mind, twin bro."
"Magre-report muna ako kay Boss, tungkol sa mga nakita natin ngayon. Those monsters are dangerous, they should be taken care of immediately."
"I agree."
"Tao said that those things are extinct animals from a very long time ago."
"Yes they ar---."
Pagdating sa tapat ng bahay, binati kami ni Chun Bia na nakatayo sa may pintuan, naka night gown siya na akala mo nang-aakit.
"Not working." Saad ko habang blanko ang mukha. Bago pa kami makapasok sa bahay, may nakita akong anino ng bata sa likod ni Bia. "Amy? Is that you?" Lumabas si Amy sa likod ni Bia, ang mga mata malungkot. "Why are you still awake?"
"I was worried that you two won't be back. I knew that you will come back but still, I was afraid." Tumulo bigla ang luha mula sa maliit na mata ni Amy. "You see, future isn't stable. It has many loops that make it change from time to time. I might see you alive in my prediction, but I'm not sure that I can still see you alive for real."
Lumapit ako kay Amy at niyakap siya, after that binatukan ko siya ng mahina. "How dare you!" Nagkukunwariang galit na saad ko. "You think we're that easy?" Pabirong tinaasan ko siya ng kilay.
"No." At nagtawanan kami.
Lumapit si Jun at lumuhod sa tabi ko, hinaplos niya ang buhok ni Amy at maliit na ngumiti. "Don't worry Amuy, I'll keep protecting Jingu from danger. She'll be fine and you too. Now, why don't you give us a welcome home hug?"
"Welcome home."
©IF02
BINABASA MO ANG
The Legendary Durga
ActionShe is a wonder. She is stunning. She is a Goddess. Fighting against armed men, killing them in the blink of an eye, swinging her sword as if she was dancing an exotic dance and a dangerous smile creeping on her face, smile that could make people tr...