CHAPTER 6

21.5K 452 22
                                    

JINGU (AGNEZKA PATRIARCA) POV

When we arrived at our destination my eyebrow rose. I looked at him, he remained calm as he shut the engine off. Paano ba tumakbo ang makitid na utak ng lalaking 'to? Dinala lang naman niya ako sa harap ng night club, maaga pa, so obviously its close.

What is this b@stard that has sh!t for brains thinking? Ayoko ng alak, although I do love drinking, but not now. I want fight! I want blood! Gusto ata talaga nito masaktan eh 'no? May pa playground-playground pang nalalaman, dito lang pala ako ibabagsak.

"Are you f*cking with me right now?" Tanong ko habang sinisilip mula sa sasakyan ang pinuntahan namin. "Do you want me to kill you? Or are you just testing my patience? Let me tell you, it's smaller than an ant, so you better stop."

"Of course not, why would I ever do that?"
Hindi makapaniwalang tinignan niya ako. Lumabas na siya ng sasakyan sabay naglakad papasok sa club. "Just follow me."

The f*ck?! Bakit ba kasi hindi nalang niya sabihin kung gusto niya uminom? Sasamahan ko naman siya kung gusto niya. Masasampal ko na ang isang 'to, kaliwa't kanan pa. Ginagago ako eh. Nakalimutan na ata kung sino ako.

"So tell me, why are we infront of a night club? Nakikita mo naman siguro na tirik na tirik pa ang araw, tingin mo makakapasok tayo diyan? Kaya nga night eh, meaning it only opens at night. Gago ka ba?!"

"Calm your horses Little Sister. Chill! Wear this."
Then he handed me a green bag.

Tinignan ko ang laman ng bag, it was a uniform, to be precise an elementary uniform.

"Anak ng... Nang-aasar ka ba talaga? Niloloko mo ba'kong hayop ka?! You want me to wear this?! THIS?! Pang elementary 'to eh, gusto mo ba talagang balatan kita ng buhay?" Anong gusto niyang palabasin? Na mukha akong elementary student? Tarantado pala 'to eh.

"What are you saying? No I'm not mocking you or what. Just wear it. I'm gonna wait here so get back in the car. Trust me on this. I told you dadalhin kita sa playground."

"What kind of playground?! Don't tell me talagang sa pang batang playground mo'ko dadalhin!"
Sigaw ko habang unti-unting ginugusot maigi ang damit sa kamay ko.

He snickered. "Pwede din." Ibabato ko na sana sa mukha niya ang bag pero pinatigil niya ako. "I was kidding. Just wear it, come on! You're wasting our time."

Hindi ko alam kung ano ang gagawin niya pero may nagsasabi sa isip ko na sundin nalang siya. Baka mamaya dalhin nga niya ako sa literal na playground na pangbata. If he did, malilintikan talaga sa'kin ang putanginang to.

Paglabas ko ng sasakyan, suot ko na ang uniform. It's exactly my size, nakakairita. Natanaw ng mata ko ang sarili kong repleksyon sa salamin, mukha talaga akong bata sa itsura ko ngayon. I didn't bother with it anymore at lumabas na. Before I got out I didn't forget to grab my leather gloves. Hinanap ko si Jun, when I saw him nakasandal siya sa gilid ng club, nagyoyosi. Iba narin ang suot niya, nakapang elementary uniform narin siya. Though he doesn't look like one.

"Nagyoyosi ka pala." I said as I walked towards him as I put on the gloves. "Well that's new." Then nang makalapit na'ko sa kanya hinanda ko ang kamao ko at sinuntok siya ng walang abog-abog.

Bago pa tumama ang kamao ko sa mukha niya madali na niya itong nasalo. Humithit siya ulit ng mahaba sa yosi niya, pagkabuga tinapon na niya ito sa sahig at pinatay ang apoy. "Yes I do, especially 'pag excited ako." Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa, sabay ngumisi ng nakakaasar. "You look cute." 

Pwersahan kong tinanggal ang hawak niya sa kamao ko.

"So, bakit kailangan ganito ang get-up natin?"

"They don't need to know who we are, right? Kung gusto mo makipaglaban, kailangan ibang tao ka. Babaguhin natin ang imahe mo, 'pag suot mo 'yan hindi nila iisipin na ikaw si Agnez Patriarca or Durga. Right?"

"Hmmm..."
Napaisip ako at tumango. "You have a point." Nginisian niya lang ako. "So, saan naman tayo makikipaglaban? Makikipag sparring ka ba sa'kin?"

"I would love to be your opponent, but not now, I've had too much of your punches for the whole day. Let's go, papasok tayo sa loob ng club."
Nauna na siyang naglakad papasok sa club, sumunod lang ako.

"Sus, takot ka lang sa akin eh." Nilingon niya ako at ngumisi.

It always makes me wonder how this guy is so confident. I don't know how strong he is, hindi kagaya sa ibang tao, isang tingin ko lang malalaman ko na kung mas malakas o mahina ba sila sa'kin. I don't feel anything from Jun, he seems like an empty space and at the same time it makes me wary of him.

Bago pa kami tuluyan na makapasok sa club hinarang kami ng napakalaking bouncer. Macho man!

"BAWAL ANG BATA DITO, ALIS." Ma-awtoridad nitong utos.

Nag panting ang tenga ko sa narinig. Did he just order me around? And he called me what? Bata? Ako? Bata?! Gusto ata nitong balian ko siya ng leeg at lagutan ng hininga. How dare the likes of him look down at my greatness?!

"Vaffanculo! (F*ck off!) Lumayas ka sa harapan ko kung ayaw mong baliin ko 'yang leeg mo na parang barbecue stick." Banta ko.

Agad na umurong ang buntot ng bouncer, not that much of a big game, malaki lang katawan. Weakling! Hinarang ni Jun ang kamay niya sa'kin, pinapatigil ang pagiging bayolente ko.

"Pasensya ka na, ganito lang talaga ang kapatid ko. Customer kami 'wag kang mag-alala." Hingi niya ng tawad sa natatakot na bouncer.

May pinakita siyang gold coin na may naka inscribe na kung ano na hindi ko nakita, after that pinapasok kami ng bouncer. Bago tuluyang isara ng bouncer ang pintuan sinigurado kong titigan siya ng masama.

"Ikaw talaga, masyadong mainit ang ulo mo agad." Natatawang saad niya.

"Who cares?" Inirapan ko siya habang tinitgnan ang paligid. "So saan mo napulot 'yan?"

"Hiniram ko sa lalaking nakasalubong ko kanina habang hinihintay kita."


For sure he took it forcefully or worse he killed the poor guy. Not like it matters to me, but I can't seem to picture this man being violent. I mean acting like a thug, kind of violence.

Pagpasok sa loob ng club, walang mga customer, siyempre umaga pa eh. Pero may mga waiter na at mukhang busy sila. May lumapit na waiter, sinundan namin siya papuntang VIP room, pagpasok doon kinuha ng waiter ang susi mula sa bulsa niya at binuksan ang secret door na nagdala sa amin papunta sa isang...

UNDERGROUND FIGHTING ARENA!

Unti-unting humulma ang bibig ko halintulad ang ngiti at ang mga mata ko ay kumislap na parang mga bituin nang matanto ko kung nas'an kami. Madaming tao ang nagsisigawan, kanya-kanyang may hawak na pera sa mga kamay at isinisigaw ang pangalan ng bata nila.

Muntik na akong maluha sa nakikita ko, I was so touched. Jun is the best for bringing me here. So f*cking sweet! He did bring me to a playground, awesome!

Hindi ako pumapasok sa gantong lugar sa New York. Kasi kapag dumadating ako, lahat sila natatakot sa'kin at gusto akong patayin. Of course some people still know who Agnezka Patriarca is and our enemies are every where,  pero dito hindi nila ako kilala. This is the happiest moment of my life.er

This is what they call Heaven in Earth!

Hinablot ko si Jun na mukhang seryosong nanonoood sa naglalaban ngayon. Tumalon ako sakanya at binigyan siya ng matagal at medyo nang gigigil na halik sa pisngi. Pagbaba ko parang bata ng ngumiti ako sa kanya at binigyan siya ng thumbs up. "Good job!"

I could see in his face na gulat na gulat siya sa ginawa ko. That didn't last, he laughed at me and ruffled my hair. "I know you'll love this place."

"You know me so well, Bro."
Biro ko pa.

"Rank #1 ang grupo ng Deva Kings sa lugar na'to."

I smiled. So they're number one huh. It wasn't that shocking, I knew that they would be somehow or another also known in this so called playground. Hearing that just made me much more excited at least alam ko na, na medyo may ibubuga din naman pala ang mga bwisit na gay group na 'yon.

"How do I fight them?"

"You need to make a name for yourself. Sa abilities mo for sure that won't be hard, hindi magtatagal mapapalitan mo sila. They only fight people that they deemed worthy to fight."

"Hmmm... That's interesting. I should make my own name now."
Ngisi ko.

May isang macho na lalaki sa loob ng cage ang walang tigil na sumisigaw at naghahamon, naghihintay ng kalaban dahil nanalo na siya. Hindi na ako nag-atubli, agad-agad akong tumakbo patungo sa caged stage.

Tumalon ako sa loob dahil wala naman itong harang sa itaas.

Pagtapak na pagtapak ng paa ko sa sahig agad na natahimik ang buong paligid. Nawala ang masasayang hiyawan at napalitan ng tagong bulungan. Hindi naman masyadong halata na gulat na gulat sila sa pagdating ko.

Ang ganda ba naman ng entrance ko eh.

Hindi ko maiwasan ang mapangiti sa mga reaksyon nila. This kind of place never fails to make me excited. I wonder what it would be like if I kill all of these people, I wonder what those four boys would do. This area should be part of their turf.

"Bata?"

"Anong ginagawa ng batang 'yan dito? Gusto niya bang magpakamatay?"

"Bakit sila nagpapasok ng bata dito?"


Ilan lang yan sa bulong-bulungan ng mga manonood.

Naglakad papalapit sa'kin ang macho na contestant. I looked him up. Is he wearing swimming trunks? How ridiculously absurd outfit. It's not just simply stupid, but repulsive. Kitang-kita ko kung paano tumibok ang masyadong malaki niyang muscle. I don't understand kung bakit gustong-gusto nila ng malalaking muscle, kahit pwede namang hindi. Mahirap kaya gumalaw 'pag malaki ang katawan. You don't necessarily need to be that big, to be considered strong. Nagmukha tuloy siyang lumaklak ng steroids, ginagawa niya atang tsitsirya 'yon eh.

Abnormal.

"BATA HINDI ITO PLAYGROUND KAYA UMUWI KA NA!" Suway nito sa akin.

Maangas na tinignan ko siya mulo mukhang paa, sabay tumawa ako ng malakas. Hindi niya ata inaasahan ang ganoong reaksyon sa'kin, sinigurado ko pa na malakas ang tawa ko, to the point na mag e-echo sa buong lugar.

Tahimik ang audience kaya tawa ko lang ang nangingibabaw sa lugar. Nginisian ko siya ng nakakaasar. Ito ang magandang part kapag nakikipag bakbakan, ang labanan ng insulto. Minsan hindi ko na alam kung laban ba talaga ang pinunta ko o pakikipag asaran. Meron akong mga nai-ingkwentro na sa sobrang galing mang insulto, ayon patay agad. Maganda 'yung magaling ka mang-asar, magaling ka din makipag laban. You have to match the blade of your tongue with your abilities, or else, you'll look stupid.

"Ba't hindi ikaw ang umuwi, uutusan mo pa'ko. Tinatawag ka na ng ermat mo, dumede ka na daw. LOL!" Pang-aasar ko na may nakaka insultong ngisi sa mukha.

Napikon si tanga, hindi ata sanay makipag-asaran. Namula siya sa galit, parang strawberry. Tumakbo siya papunta sa'kin na parang toro, akmang susuntukin na'ko pero walang hirap ko lang siyang inilagan.

Slow.

His moves are too slow, and its not even disappointing, just plain idiotic to me. So as to make fun of him, pinatid ko siya. "Oh my! Nadapa ka, nako! Don't cry baby hihipan natin ang sugat mo. Pain pain go away~~~." Malambing na pagkanta ko, using my baby voice.

Nagtawanan ang mga manonood. I knew that I'm a great entertainer, I should try being a comedian. Kitang-kita ko kung paano mamula sa galit ang kalaban ko. Pahiyang-pahiya lang naman siya. Sino na ngayon sa'tin ang bata? Hindi ko mapigilan ang ngumisi habang nagngingitngit sa galit ang kalaban ko.

Halos makita ko na ang usok na lumalabas sa ilong at tenga niya sa sobrang galit. Parang bulkan na sasabog, sana may lumabas na sipon sa ilong niya para nakakatawa.

Lumapit ako sa nang gagalaiting macho-man. "Three seconds..." Seryosong bulong ko sa kaharap. "That's all I need to kill a trash like you." Sabay bigla ko siyang sinipa sa muka, na nagpatumba ulit sa kanya.

Lalong lumakas ang sigawan ng mga audience. Then ilang beses kong pinagsisisipa ang mukha ng kalaban hanggang sa mawalan siya na malay. Tinapakan ko ang ulo ng walang malay na macho-man, nakangisi na tinignan ang paligid. "Come on people! Give me some noise!" Pagsigaw ko non lalo ulit lumakas ang hiyawan.

Dinampot ko sa ulo ang walang malay kong kalaban. Tinayo ko siya gamit lang ang isa kong kamay. "Sigurado ako na lahat ng manlalaro dito ay kagaya nitong basura na hawak ko." Pagkasabi ko non, tinapon ko ang katawan ng lalaki papunta sa grupo ng mga lalaking mukhang manlalaro.

It seems like my provocation was effective, ang daming mga nagbabaan na mga player. Mahigit sampu silang lahat na pumasok sa cage at handang-handa na akong wasakin. Patuloy na nag che-cheer ang mga tao, iba talaga ang energy sa ganitong lugar.

"Come on!" Yaya ko sa mga bagong dating.

Lahat sila mabilis na nagsilapitan sa'kin. Ilan sa kanila ang armado. May mga may hawak na patalim, iba na kumuha ng upuan at iba na may hawak na four finger knucles. Habang ako tanging kamao lang ang gamit.

This is so friggin' sick!

Noong ako ang Durga, laging natatakot ang mga kalaban, hindi nila mailabas ang full potential nila dahil sa takot. Pero 'pag ganito, wala silang takot na umaatake sa akin, ito ang gusto ko, ang thrill.

Mabilis kong ikinilos ang aking mga paa at isa-isa silang pinatulog. Lalong lumakas ang hiyawan ng mga audience, napatulog ko silang lahat ng hindi manlang pinagpapawisan. Siguro dapat pinaglaruan ko muna sila para naman tumagal ng konti 'yung laban? Wala bang iba diyan na uubra sa'kin.

This is so d*mn disappointing.

Bigla akong nakaramdam ng hindi magandang tingin, isang murder intent. That is what I'm looking for! Nilingon ko ang direksyon ng madilim na tingin at nakita ang isang babae na naglalakad papalapit sa'kin.

"Soma" Narinig ko na bulong-bulungan ng iba.

"Anong ginagawa niya dito?"

"That's Soma! The Moon, one of the eight Vasus."
Takot na patuloy ang bulungan ng mga manonood.

Hmmm. Eight Vasus? Soma? Mukhang may ibubuga ang susunod kong kalaban. Sana naman this time pagpawisan ako at sana matalas din ang dila niya.

Binigyan ko siya ng isang matamis na ngiti.

"You." Matalas ang tingin sa'kin ng babae at animo'y tingin niya kaya niya akong talunin agad. "This is the first time I saw you her. Sino ka? You're not from here. Where did you come from? You're not ordinary are you?" Kararating lang ng putanginang 'to, binobomba na agad ako ng mga tanong. She should at least introduce herself to me. How boorish. Hindi ba siya tinuruan ng magulang niya about proper manners? Not like I'm one to talk. Heh!

"Nagpunta ka ba dito para dumaldal? Bakit hindi mo subukan ng malaman mo."
Mapaghamon kong saad.

"HAHA!"

The woman actually had the nerve to laugh at me like that. Did I ever said something funny? Wala naman ah, para tuloy siyang nasisiraan ng bait. Pumasok siya sa cage sabay tumakbo papalapit sa'kin, naglabas siya ng maliit na patalim.

Kasing haba ng isang kitchen knife o baka naman kitchen knife talaga 'yon? Talagang kumuha pa siya ng kutsilyo sa kusina nila ah.

"I'm disappointed. Akala ko pa naman iba ka sa kanila dahil sa aura mo kanina, but alas that was just a mere false bravado! Kasing hina mo rin lang pala sila. Nagsasayang lang ako ng oras dito." Pang-aasar ko. Mas lalong naging fierce ang tingin niya sa'kin dahil sa sinabi ko. "Hanggang diyan lang ba ang kaya mo?" Tumalikod ako at tinignan ang buong paligid. "Wala nabang ibang manlalaro dito? Do you want me to fight this weakling? I don't want to bully the weak you know!" Sigaw ko pa.

Right after that, I could hear na nagkikiskisan ang mga ngipin niya sa galit. Ang bilis naman mapikon ng mga tao dito. Hindi ba sila sanay sa away ng mga salita? Basic kaya 'yon sa pakikipaglaban. Ano ba naman 'yan.

Bigla niya akong inatake gamit ang patalim na hawak. She really wanted to kill me. Madali lang naman ilagan lahat ng atake niya, although may konting kabilisan, but not enough for me to panic at. It was even to the point that I can dodge it with my eyes closed, but I can't do that.

Binilisan ko ang kilos ko at pumunta sa likod niya. Hinila ko siya sa buhok at nilapit sa bibig ko ang tenga. "Show me something else babe, you're making me want to sleep. It's getting boring." Bulong ko sa babae sabay patulak na binitawan siya. "Good! Good! Magalit ka pa!"

Binigyan ko siya ng isang malakas na sipa sa sikmura para patigilin na ang bobo niyang pag atake na hindi manlang makalapit-lapit sa'kin, lumipad siya papunta sa kabilang dulo ng cage. Malakas na bumagsak siya sa sahig, dahan-dahan siyang tumayo habang bumubuga ng dugo.

Mahina nga lang 'yung sipa na 'yon may dugo na agad?

So weak.

Nang mapagtanto niya na dugo ang binuga niya, tinignan niya ako ng masama at tumakbo papalapit sa akin. Tila ba isang tigress na gutom na gutom niya akong inaatake.

Dahil sa sobrang naiirita na ako sa paulit-ulit niyang pag-atake, pinigilan ko na siya at pinatid patalikod tapos inihiga ang batok sa sahig. Kinuha ko ang patalim na hawak niya at itinusok sa sahig na malapit na malapit sa mukha niya, nakita ko kung pano nanlaki ang mata niya. Akala niya isasaksak ko sa mukha niya ang patalim.

Well its not my cup of tea to kill immediately, gusto ko 'yung unti-unti silang pinapatay at nakikita ang takot at galit sa mata nila. Nakakatuwa makita kung paano sila mamawis dahil sa takot. Mas lalong nakakatuwa kapag ang matatapang nilang mukha ay nagiging maamo at ang mga ayaw umamin ay umaamin.

Dahan-dahan akong tumayo at isang masigarbong palakpakan ang nagpalibot sa buong lugar. Masyadong maingay. At least hindi kagay noong una, mas magaling siya ng konti. I was lying nung sinabi ko na magkasing lakas sila nung mga nauna, mas malakas siya ng mga 3.2% kumpara sa mga muscle head na 'yon.

"Sino ka? Taga Aquinas Institute ka diba? Ang uniform na 'yan..."
So may school pala dito ang uniform na 'to. Wala naman sigurong mawawala kung paasahin ko siya, she can go look for me there until the day she die.

"Yeah."
Naglakad na ako papaalis ng stage, nawalan na ako ng gana. Walang mga kwenta ang mga tao dito. Nilapitan ko na si Jun, nakatayo parin siya doon sa pwesto kung saan ko siya iniwan.

"How was it?"
Tanong niya at inabutan ako ng bottled water.

Kinuha ko ito at ininom. "It was ok."

"Just ok?"

"Yeah."

©IF02

The Legendary DurgaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon