JINGU (AGNEZKA PATRIARCA) POV
"Magandang umaga, Zio Tigre." Bati ko sa matandang namumuno sa Patriarca branch dito sa Pinas.
Malambing na nakangiti sa akin si Zio Tigre habang umiinom ng tsaa, na inihanda ng anak niya. Pormal akong naupo sa harapan niya, ang mukha ko seryoso, ganoon din si Jun. Alam na siguro ni Zio Tigre na opisyal na susunod na akong Boss ng Family.
Pagkagising na pagkagising ko, niyaya ko agad si Jun na pumunta dito sa headquarters. Wala ako sa mood na pumasok ngayon, especially dahil sa mga bagay-bagay na tumatakbo sa utak ko. I'm the type that needs to quench my thirst before I move on.
Unang una na dahil sa issue kay Tao or Ruru. Naikwento na sa'kin ni Jun ang tungkol sa nangyari sa Pulang Ulan nang magtanong siya kay Zio Tigre, then I just heard it also from Tao. Something seems off and I need to know it, I need to know who's lying.
Of course I should trust my people first, but doubts cannot be erased.
Pangalawa ang kahihiyang pinakita ko kay Jun. Nagmukha akong tanga dahil sa sarili kong katangahan, gets niyo? Masyado kasi akong pakielamera kaya ganito nangyari. Ayan tuloy, pahiya ng konti. Take note, hindi ako nagseselos, nalulungkot lang. Tunay na Kuya narin kasi ang turing ko sa kanya, at ang ibig sabihin pag nagmahal na siya ng ibang babae, hindi na mapupukol sa'kin lahat ng atensyon niya, kundi sa iba.
That's the sad part, 'yon lang. Nothing more, nothing less.
Anyway, stupid things aside. Itabi na natin ang mga hindi importanteng bagay at ituon sa mga dapat paglagyan.
Tumindig akong nakatinging kay Zio Tigre.
"You must have an idea onto why I'm here." Seryosong panimula ko, ang mukha seryoso. Wala na ang imahe ng bata na laging nakikita sa akin ni Zio Tigre. I'm here for business today, no more running away. I don't have any more choice anyways.
Seryoso ding tumingin sa'kin si Zio Tigre. "A little." Sagot pa nito.
"Naparito ako ngayon para tanungin kung nas'an ba talaga ang katapatan mo, Fernando Gonzales." Tinawag ko siya sa totoo niyang pangalan, to tell him that I really mean business.
Tumayo si Zio Tigre ng matindig sa harapan ko at lumuhod, ang ulo nakayuko. A sign of respect that seldomly people show nowadays. Especially to a young person of my age. For a man of his caliber, it doesn't even make sense that he would kneel to me. I should be the one to do that kind of gesture.
"Ilang taon na ang lumipas simula nang pakasalan ko ang simbolo ng Patriarca, ang katapatan ko ay nananatili sa pamilya, kahit kamatayan ay hindi ito kayang tibagin." Saad niya habang diretsong nakatingin sa'king mga mata habang nakaluhod.
Bakas ang determinasyon sa mata niya. Kung mata niya lang ang titignan mo, hindi halata na matanda na siya. 'Yang mga matang 'yan ang nagbigay sa kanya ng titulo ng 'Mabangis na Tigre', hindi parin talaga siya kumukupas.
Isa din siya sa mga taong nagpalaki at nagpatatag ng Patriarca Famiglia.
"Stand up." Mahinang utos ko na sinunod naman niya. "I believe you Zio Tigre, ang mga salita mo ay pawang katotohanan. Tatanungin kita, at hiling ko na 'wag kang magsisinungaling sa'kin. I've known you for quite a long time, I regard you not just a simple family member, but my grandfather." Dagdag ko pa.
Si Jun nanatili lang tahimik sa gilid ko, pinapanood ang kakaibang eksana na bumabalot. Hindi na ako nagulat nang maglabas ng punyal si Zio Tigre sa bulsa ng coat niya. Inaabot niya ito sa'kin pero hindi ko kinuha at tinitigan lang.
"Handa akong mamatay sa oras na magsabi ako ng kasinungalingan, Boss." Determinadong sambit ng matanda. "I too, regard you as my own granddaughter, you and Giotto alike. Judge me as you see fit."
"Very well." BIlang respeto kinuha ko ang maliit na patalim. Tinignan ko ang mga mata niya na nalilibutan ng kulubot na balat. "Ngayon, totoo ba na namatay lahat ng nasa Ryuugumi noong araw na inatake niyo ni Fratello ito?" Walang paligoy-ligoy na tinanong ko agad.
Tumingin siya sa'kin, saglit na nangunot ang noo niya pero agad ding inalis at sumagot. "Opo, Boss."
Napahawak ako ng mahigpit sa punyal. Baka nga mapatay ko siya ngayon. I know that I kill people on a daily basis, that is something normal. But killing those who are close to me is different, totally different. Bakit siya nagsisinungaling sa'kin? Kasama niya si Fratello nang matagpuan nila si Tao/Ruru sa tinted na kwartong 'yon. Why is he not telling me this? It's not a vital information but its still is a definite lie.
And lying to the higher ranks is equal to death.
BINABASA MO ANG
The Legendary Durga
ActionShe is a wonder. She is stunning. She is a Goddess. Fighting against armed men, killing them in the blink of an eye, swinging her sword as if she was dancing an exotic dance and a dangerous smile creeping on her face, smile that could make people tr...