CHAPTER 33

12.6K 287 24
                                    

JUN (SEBASTIAN CROSS) POV

"I want you to get answers from Antonio Grande."
Seryosong utos ko kay Rina.

Nagtatakang tingin lang ang pinukol niya sa'kin habang nilalaro ang mango shake sa harap niya. She was looking at me as I just grew another eye. I didn't tell her something crazy.

"Are you drunk, Sebby?" Taas kilay na tanong niya sa akin.

"Jun, my name is Jun. Hitsugaya, Jun." Pango-ngorek ko, we don't want someone hearing my real name.

"I mean Jun... What are you playing at? Are you insane? They guy's in Italy!" Naiinis na saad niya at sumipsip ng kaunti sa shake. "If you wanted me to get answers from him, then you should have just message me! You told me to be here immediately when my job is actually back home. Although I really like the thought of seeing you again, what you did is just plain stupid."

"He's here."

"No way! The two families are still in war. How could the next boss-in-line be out of the country in this time of crisis?"

"I infiltrated Sasori Group in one of their meetings for the casino."

"What casino? The black casino held in Star Tower? That one's been popular even in Italy these days."


"That's right, that one."

"So what about Antonio?"

"I saw him, he was giving out orders to take care of the black casino. At first I wasn't even sure if I was seeing the right things. I knew that kid Antonio would never do things like that, much less be the boss of it. But I confirmed it, twice."
And because of that information hindi kami nag-uusap ni Jingu ngayon.

"That guy is that girl's fiancée, right?" Bored na tanong ni Rina.

Nairita ako bigla sa inasal niya. She just called Agnez in a way na parang akala mo superior siya. Kilala niya at alam niya kung ano ang estado sa buhay nito, and by that I meant she deserved respect.

"You don't call her girl. She is the granddaughter of the strongest man in the whole world and is the only heir of the strongest mafia family. You respect and bow down to her name." Hindi ko nakontrol ang sarili ko, natakot ko ng hindi sinasadya si Rina.

"S-sorry my bad." Tinaas niya ang kamay niya bilang pag surrender.

Napabuntong hininga nalang ako dahil sa nagawa ko. "Sorry."

Pagkatapos non pinaliawanag ko kay Rina ang nangyari at mga impormasyon na nakalap ko. Sa ngayon doon muna makikitira si Rina sa bahay namin ni Jingu. Hindi ko man gusto, pero pinilit ako ni Rina. Habang nandito siya responsibilidad ko siya, and I need her help.

Pagdating namin sa bahay nakita ko na patay ang ilaw. Wala parin si Jingu hanggang ngayon. Gabi na ah, bakit wala parin siya? Saan siya nagpunta?

"No one's home. Akala ko ba magkasama kayo sa bahay?" Nagtatakang tanong ni Rina. "I guess she's still mad at you huh."

Napakuyom nalang ako sa sinabi niya. Bumukas ang pintuan sa kabilang bahay. Pagtingin ko doon, nakatayo si Bia at nakatanaw sa'min, ang mukha nakasimangot.

Now that's unusual.

"You're late." Nakasimangot niyang saad. "The princess went after Antonio. You better move your *ss before it gets too late."

"What?!"


Pinuntahan ni Jingu si Antonio? Bakit hindi niya sinabi sa akin? D*mn it! 'Pag may nangyari sakanyang masama hindi ko alam ang gagawin ko. Sh*t!

Dali-dali akong pumasok sa sasakyan at pinaandar 'to. Isang lugar lang ang alam niya kung san matatagpuan si Antonio, sa 'SPACE'. Hinarurot ko ang sasakyan papunta sa club at daliang pumasok, kasunod ko si Rina.

Napalingon ako nang may humawak sa balikat ko. I thought it was Jingu, but no.

"Oh bagong bata, ikaw pala." Bati sa'kin ng lalaking may tattoo ng scorpion sa balikat, ibig sabihin parte siya ng Sasori Group. "May kasama ka pang magandang chiks huh!" Lumapit ito at bumulong sa akin. "Hindi ko akalaing mahilig ka pala sa malalaki ang boobs." Bulong nito, pero hindi ko binigyang pansin ang sinasabi ng mokong.

Nilibot ko ang mata ko sa paligid pero kahit anino ni Jingu o ni Antonio hindi ko mahagilap.

"Nandito ba si Boss Antonio?" nagmamadaling tanong ko sa lalaki.

"Ahh, si Boss? Kakaalis lang. Kanina may hot na chiks ang dumating, ganda ng katawan tapos nilapitan ni boss at umalis na sila. Alam na 'yon." Lalasing-lasing nitong tugon sa akin.

God d*mn it! He got to her first! Nagpipigil akong pumatay ngayon. "Saan sila nagpunta?"

"Yan ang hindi ko alam. Bakit mo tinatanong? May problema ba?"
Nagtatakang tanong sa akin ng lasing.

Napasuntok nalang ako sa dingding sa inis. Bakit ba kasi ako umalis sa tabi ni Jinug?! Dapat kahit na nasaktan ako sa pagdududa niya sa akin hindi parin ako umalis sa tabi niya. Dapat sinamahan ko siya. D*mn! Nangako ako na pro-protektahan ko siya at hindi hahayaan na mapunta sa kahit anong kapahamakan.

Anong ginagawa ko ngayon? Bakit ako pumapalpak ng ganito?

"Hihintayin kita sa labas Rina, may tatawagan ako, paki linis nalang 'yan."

Alam na ni Rina ang ibig kong sabihin kaya naman lumabas na ako para tawagan ang dapat kong tawagan, kung gusto kong mahanap agad si Jingu, kailangan ko ang tulong nila.

~THE LEGENDARY DURGA~

RINA (CZARINA PORT) POV

"Hihintayin kita sa labas Rina, may tatawagan ako, paki linis nalang 'yan."
Pakiusap ni Jun sa'kin habang madiin na naka kuyom ang kamay niya.

Sobrang init ng ulo niya at nag-aalala siya ng matindi sa babaeng 'yon.

Alam ko na ang ibig sabihin ni Sebby. Kailangan kong tanggalin ang memorya ng ugok na tinanungan niya kanina para hindi magkaroon ng problema kapag kailangan niyang pumasok sa Sasori Group ulit.

Hinugot ko ang mabahong lasinggero at dinala sa restroom. Nilabas ko ang isa sa mga paburito kong powder at nagtaktak ng kaunti sa palad ko. Ang memory eraser, mawawala ang alala niya sa buong araw na'to. Hinipan ko sa kanya ang buhangin at mabilis siyang nawalan ng malay.

Hinugasan ko muna ang kamay ko bago lumabas ng club kung saan naghihintay si Sebastian.

Bakas sa mukha at aksyon niya ang pagka tuliro sa natatanging prinsesa ng Patriarca. Kung ako kaya ang nasa sitwasyon ng babaeng 'yon, mag-aalala din kaya ng ganito sa akin si Sebastian? I doubt, kahit minsan hindi ko siya nakitang ganito.

This pathetic sight of him is a new thing for me. Naglakad ako papalapit sa kanya. Nakikipag-usap siya sa telepono at seryosong-seryoso ang mukha niya.

"Find her as fast as you can, please!" Pakiusap niya habang hawak ang telepono at ang isang kamay naman ay naka sabunot sa ulo niya, tila ba gustong tanggalin ang buhok niya kasama ang pagkirot ng ulo.

Pagkatapos niya makipagusap sa telepono lumingon siya sa'kin, sinubukan niyang ibalik ang maskara niya pero hindi siya nagwagi. Alam ko na mainit parin ang ulo niya.

"Come, we need to meet the guys." Pumasok kami sa sasakyan at bumyahe papunta sa LU. "Rina, please try calling Agnez as I drive." I had no choice but to do it.

In this time na ganito ang kalagayan ni Sebastian, hindi ko alam ang gagawin niya. He might lose it and kill me kapag hindi ako pumayag sa pinapagawa niya. He's too unstable right now, that it's actually freaky.

I called a lot of times but no one answered. "No one's answering."

"Just keep calling!"


Paglabas ng sasakyan sinalubong kami ng isa sa mga Deva Kings, si Yamazaki Takeo. I did some background check on them at masasabi kong mahusay at maganda ang record nila, sa murang edad marami na silang achievement.

Hindi siya nagsalita at sinundan lang namin siya. Dumating kami sa mukhang abandunadong building. Ito ata ang hideout nila sa school.

Pagpasok sa building makikita mo si Tao na nakatutok ang mukha sa computer at si Regis na tinutulungan siya. May kulang, wala ang lider nila na si Kang Hoo at Shark, nilibot ko ang mata ko.

Nagtungo si Sebastian sa pwesto ni Tao na busying-busy sa ginagawa, hinahanap nila ang kinalalagyan ng prinsesa. Masama ba kung hihilingin ko na 'wag na siyang makita at mamatay nalang? Masama siyempre, ano bang iniisip ko? Haha.

Bumukas ang pintuan sa isa sa mga silid. Niluwa nito si Kang Hoo, ang lider ng Kings, the so-called Emperor. Kasunod niya si Shark at may dala-dala silang itim na malalaking bag. Base sa laki, bigat at tunog nito, mga baril ang laman ng bag.

Nadungaw ang tingin sa'kin ni Kang Hoo pero agad din itong napawi at napunta kay Tao.

"Found her yet?" Malamig ang boses ni Kang Hoo, halatang mainit din ang ulo.

I can tell, this man he has a thing with that woman too. Even though she's not here, she's still annoying. How is she so lucky? Dalawang makisig at gwapong lalaki ang nahuhumaling sa kanya.

"I'm close, give me just a couple of minutes. It's hard to infiltrate a government property you know."
Sagot ni Tao habang kinakalikot padin ang computer niya na madaming monitor.

Napansin ko na nagkatinginan si Kang Hoo at Sebby, saglit lang ito pero parang may kidlat na kumislap sa pagitan ng tingin nila.

Naupo lang ako sa itim na sofa na walang nakaupo.

"Found her!"
Maligayang sigaw ni Tao. Agad napukol ang atensyon nila kay Tao, nanatili akong tahimik at nakaupo sa couch. It doesn't really matter to me kung mahanap ang babaeng 'yon. "She's at Star Tower with Antonio Grande."

Mabilis na tumakbo papalabas si Sebastian, parang nasisiraan pa nga ng bait.

"Shark, Takeo!"
Sigaw ni Kang Hoo.

Mabilis na pinigilan ng dalawa si Sebastian bago pa ito makalabas ng pinto. Nagwala siya na parang toro sa kamay ng dalawa, he actually looked like a patient in an asylum, with two mental nurses beside him.

"Get out of my way!" Sigaw ni Sebastian, pero hindi pumiglas ang dalawa. "I'll f*cking kill you!" Banta pa nito.

Saglit na kinabahan ang dalawa sa banta niya, makatotohanan kasi. And I bet that's also the first time they saw that kind of emotion in this guy. After all it's also my first time, and I'm telling you, I've known this guy for so many years.

Halata namang nahihirapan na ang dalawa na i-restrain ang mahal ko. Siyempre hindi nila kayang pantayan ang lakas niya, that's also the reason why I still love him.

Mabilis na napatumba ni Sebastian ang dalawa na parang wala lang.

"Jun calm down, umupo ka muna! Hindi pwedeng basta-basta ka nalang pumunta d'on. Anong balak mong gawin pagdating d'on huh? Sugurin sila? Alam mo ba kung ilan ang mga naka scout sa kwarto na 'yon at sa buong lugar? Hindi ka tatagal d'on!" Pangunguna ni Kang Hoo. "You're trying to risk Jingu's life. If you want to suicide, do it alone. Don't drag Jingu down in one of your raging whims."

What suicide? It was that girl who did it. It was because of that one stupid whim of that girl that led in this situation. If she just quietly sat her *ss in the d*mn corner, this wouldn't have happened. And I wouldn't need to see Sebastian in this appearance.

But that wasn't enough to stop my beloved.

Kahit ilan pa ang mga naka scout d'on, I know Sebastian can do it. He can save the pitiful princess easily, all he needed was a pair of daggers and he'll be bloody fine. Kung ikukumpara ang balak niyang gawin sa mga nagawa na niya noon, sisiw lang 'to.

Ganoon siya kahusay.

That's how Sebastian Cross do things.

"I need to save her! You don't get it! I need to go there now!" Parang nag hy-hysterical na sigaw ni Sebby.

This is not good. Nakita ko na siya magwala ng ganyan and it's a total wreck. Nang malaman niya na patay na ang bestfriend niya na si Giotto Patriarca hindi siya makontrol.

He might really kill the people here.

Tumayo ako at nilapitan si Sebby. Hinalikan ko siya kahit na nagpupumiglas, pagkahiwalay ko ay unti-unti siyang nanghina.

"Huminahon ka Jun, pagplanuhan natin 'to." Malambing kong saad.

Ayaw ko man sumama sa pagtulong sa babaeng 'yon, para sa'yo gagawin ko. Maging masaya ka lang.

"What did you do?!" Nang gagalaiting tanong niya.

Nilason ko siya para manghina siya pansamantala at hindi makalaban.

"Don't worry, after five minutes makakagalaw ka na ng maayos. Huminahon ka, hindi tayo pwede basta-basta na pumasok d'on ng walang plano. Hindi natin alam ang nangyayari sa loob ng silid, 'pag nagkamali tayo ng galaw baka mamatay ang Prinsesa." Propesyunal kong paliwanag.

Looks like pumayag na siya, inupo siya ni Shark at Takeo sa couch na kaharap ko at doon siya tahimik na namalagi.

"As expected of the Poison Queen, you really can make men shut up with just a kiss." Nakangising wika ni Regis sa akin.

Ang lalaking 'to hindi ko alam pero wary ako sa kanya. Para bang nakikita niya ang takbo ng utak ko, kahit na hindi naman o baka talagang nababasa niya?

Isa pa, unang pagkikita palang namin ay sinubukan na niya akong landiin, sa harap pa ni Sebastian. Hindi ko siya pinansin at naupo sa tabi ni Sebby.

Lumapit silang lahat at nagsimula na ang plano namin.

~THE LEGENDARY DURGA~

JINGU (AGNEZKA PATRIARCA) POV

Madilim ang paligid. Patay na ba'ko?

Sinubukan kong tumayo pero mabilis din akong napahiga ulit, biglang kumirot ang ulo ko, nabigla ata sa pagtayo ko. D*mn! My head hurts like a b*tch!

Hinilot ko ang sintido ko, nagbabakasakali na mawala ang kirot.

Tinignan ko ang paligid, hindi ganito ang itsura ng kwarto ko. Pinilit kong alalahanin ang nangyari nang may nagsalita mula sa kaliwa ko.

"Hey." Si Antonio Grande na nakaupo sa may veranda malapit sa kama, nasisilawan ng malaking buwan ang mukha niya.

Suot parin niya ang parehas na suit at may hawak na sigarilyo sa kanang kamay. Tinignan ko ang ashtray, halos mapuno na ito, grabe naman siya mag yosi. Gusto ba niya mamatay ng maaga? Binalik ko ulit ang tingin sa kanya, walang emosyon.

"'Wag ka muna masyadong gumalaw, groggy kapa dahil sa kanina." Wika niya bago bumuga ng usok.

Ngayon nag-aalala siya. Kung hindi niya nilagay ang choker na'to sa akin edi sana hindi ako groggy ngayon. Bipolar ata ang isang 'to eh.

Hindi siya si Antonio, ang batang 'yon ay hindi nagyo-yosi kaya imposibleng siya ang fiancé ko. Pero kahit saan ako tumingin sinisigaw ng mukha niya na siya si Antonio. Something is a little odd though, hindi ko lang alam kung ano.

Parang may nakakalimutan ako.

"What are you doing here? You're supposed to be in Italy." Tanong ko sa kanya habang nakaupo sa kama at nakatingin sa kanya.

Tinignan lang niya ako at bumuga ng mahabang usok. "You'll know soon." Matipid niyang sagot.

Muli niyang itinuon ang atensyon sa buwan, as if it's the most interesting thing in the world. Suot ko parin ang tinatawag niyang Slave Choker, hindi ko siya matanggal. I need to get the key from him. Mukhang matatagalan pa ang pag-alis ko dito ah. Napaka tanga ko para mahulog sa simpleng patibong niya.

"Who are you?" Matalas na tanong ko, muling bumalik ang atensyon niya sa akin. Kahit alam kong hindi ako makakakuha ng totoong sagot mula sa kanya, might as well try.

"Antonio Grande, tinatanong pa ba 'yan? Fiancée kita, you should know." Sarkastikong sagot niya.

"No you're not Tony, he will never try to kiss me. He's too scared to do that. He never smokes, he loathes just by being close to it. He never lets a button on his shirt open, he's the type to wear everything in the cleanliest way. Last but not the least, I bet he's gentle in bed."

Bigla siyang tumawa. "You're funny Agnez." Wika niya at pinalo-palo pa ang tuhod sa sobrang kasiyahan.

"Kung ikaw nga si Tony, bakit pinatay mo ang babaeng mahal mo? Bakit kinalaban mo ang Gapucho Family na isa sa matinding ka alyado ng family mo? Bakit kakampi mo ngayon ang mga mortal na kalaban ng Grande Family? Bakit nagsinungaling ka sa'kin?" Binuhusan ko siya ng madaming tanong pero imbis na sagot ang makuha ko, tinawanan niya lang ako ng malakas, 'yung klase ng tawa ng hindi magagawa ni Tony.

Pagkatapos ng pagka haba-habang tawa niya ay tumayo siya at nilapitan ako sa kama. Iniangat niya ang mukha ko at pinantay sa kanya.

"You'll know soon." Matipid na sagot nanaman niya.

Unti-unti nanaman akong nanghihina. Napatumba ako sakanya, dilat parin ang mata ko pero wala na akong lakas. Mahinhin niya akong inihiga sa kama.

Ngumiti siya sa'kin, isang malungkot na ngiti. Hindi ko alam pero gusto kong hawakan ang pisngi niya at yakapin siya, sabihin na magiging ok lang ang lahat. Pero naunahan na ako ng mata ko at tuluyan na nagsarado na ang talukap nito.

~THE LEGENDARY DURGA~

OUTSKIRTS OF ITALY


Huh? The hell! Italy?! Anong ginagawa ko dito? Akala ko nasa Pilipinas ako? Naramdaman ko ang mainit na pagtulo ng likido sa pisngi ko.

Tubig? Pinahid ko ang tubig na bumubuhos sa mukha ko pero tuloy-tuloy parin ito, parang gripo na hindi maisara. Umiiyak ako. Bakit ako umiiyak?

Ah! Naalala ko na, namatay kasi ang aso ko na si Mush. Nagkasakit siya at hindi kinaya ng katawan niya. Nakakalungkot talaga 'yon, mabait na alaga si Mush at talentado pa. Napulot namin siya ni Fratello sa Inglatera. Askal lang siya pero may magandang breed ito.

Nakarinig ako ng yapak na papalapit sa akin, tinignan ko kung sino ang taong lumapit sa'kin.

Isang bata, kamukhang-kamukha niya ang kaibigan ko na si Tony. Base sa kasuotan niya, mahirap lang siya. Nginitian niya ako at inabutan ng puting bulaklak, hindi ko alam ang tawag, hindi ako mahilig sa kanila dahil mabilis naman silang namamatay. Kinuha ko ito tapos pinahid niya ang mga luha ko.

"Non piangere Agnez, io sarò qui con voi. (Don't cry Agnez, I'll be here with you.)" Pagpapatahan sa akin ng bata.

Malambing ang boses niya. Tinignan kong muli ang mukha niya, kamukha niya ang kaibigan ko. Paano niya nalaman ang pangalan ko?

"C-chi sei tu? (W-who are you?)" Patigil-tigil kong tanong dahil sa kakaiyak. Hindi niya ata inaasahan ang tanong ko.

"S-sono io Tony, perché stai chiedendo che Agnez? (I-it's me Tony, why are you asking that Agnez?)" Nagtatakang tanong niya, parang medyo kinakabahan pa.

"Tu non sei Tony. Hai la stessa faccia ma i tuoi occhi sono diversi. (You're not Tony. You have the same face but your eyes are different.)" Pinanood ko kung paano matuliro ang batang nagpapanggap na kaibigan ko.

Akala niya ba maniniwala ako sa kasinungalingan niya?

Pagtapos kong umiyak naglaro kaming dalawa magdamag, sa totoo lang nung mga panahong ito ay tumakas lang ako sa mansyon. Kaya nang dumating na ang mga gwardya na naghahanap sa'kin, mensahe 'yon na kailangan ko nang bumalik.

"Signora Agnez, abbiamo cercato per voi, per favore non uscire dal palazzo, senza le guardie, non sappiamo cosa potrebbe accadere. (Lady Agnez, we've been looking for you, please don't get out of the mansion without any guards, we don't know what might happen.)"
Nag-aalalang pakiusap ng personal guard na naka assign sa akin ngayon.

Pang ilan na ba siya ngayong buwan? Hindi ko din maalala ang pangalan niya.

"Stavo solo gioca----. (I was just plya--.)"
Hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil paglingon ko nawala na parang bula ang batang kalaro ko lang kanina.

"Torniamo ora, mia signora. (Let's go back now, my lady.)" Pag-anyaya sa'kin ng isa sa mga gwardya, habang ako naman ay sumusunod lang. Hindi ko alam pero nang pagsakay ko sa sasakyan lumingon ako.

Doon sa ilalim ng puno kung saan ako umiiyak, nakatayo ang batang kulay kape ang mata na kamukhang kamukha ni Tony.

I forgot to ask his name.

©IF02

The Legendary DurgaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon