JINGU (AGNEZKA PATRIARCA) POV
Umagang-umaga, pasikat pa lang ang araw at papasok na ang mga estudyante sa kung saan man sila nag-aaral. Kapwa sila nagbabatian ng 'Good Morning' o di naman kaya 'Magandang Araw', habang may magandang ngiti na nakapinta sa mukha nila.
Meanwhile, this guy in front of me is still the same as ever, his very presence pisses me off!
"You know what?" Nanlalaking mata na sigaw ko. "This is your d*mn fault!" Taas kilay ko pa habang nang-gagalaiting dinuduro si Kang Hoo, na ngayon ay basang-basa ang damit.
Ang dating plain white niyang polo, ngayon ay nakulayan na ng mainit na kape, na kanina lang iniinom ko pa ng mapayapa. Ni hindi ko pa nakakalahati 'yung kape ko!
"Huh?!" Hindi makapaniwalang tinignan ako ng ungas. "How is this my fault?! Hindi mo ba nakikita ang itsura ng damit ko? Bulag ka ba?!" Turo pa niya sa madumi niyang damit. "Tinapunan mo ako ng coffee, kasi hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo! Hindi mo ba alam kung gaano kamahal ang damit na'to?!"
Aba't nakuha pa niyang magmalaki sa suot niya. This guy is really asking for it! Habang tumatagal ang bangayan namin dito, mas lalong dumadami ang nanonood ng morning session naming dalawa, at mas lalo lang akong naiinis sa kanya.
"Tinapunan kita?! Quindi smettila! (Tigilan mo nga ako!) Mr. Mayabang, ikaw ang bumangga sa akin so hindi kita tinapunan, kaya 'wag mo akong pinagbibintangan." Sagot kong bato kay Kang Hoo. Kinuha ko ang wallet ko sa bulsa at binato sa kanya ang black card ko. "That's my card, you can use it. Buy a dozen of that ugly shirt that looks like it can be used as a mop. You don't have to restrain from buying, walang limit 'yan."
"This b*tch! I don't need your f*cking card! I have my own, and a lot of it." Pagyayabang ni Kang Hoo. Talaga namang pinulot niya pa ang card ko para lang ibato pa pabalik sa'kin.
Nakangisi na binawi ko ang card. "Ganoon ba? Good for you, Mr. Oh-so-rich-kid." Inirapan ko siya sabay naglakad na paalis. "Bagay sa'yo 'yang ganyan design ng shirt. Babush, madapa ka sana."
"Hoy! Bumalik ka dito Jingu, hindi pa tayo tapos!" Sigaw ni Kang Hoo, pero hindi ko na siya pinansin.
Kay aga-aga bad-vibes na agad ako. This day s*cks! Talagang pagkaharap ko ang ul*l na 'yon lagi nalang umiinit ang ulo ko, at nawawala ako sa tamang pag-iisip. Sakit niya sa kilay, t*ngina. He should learn not to show his face before me.
Dahil sa pag-aaway namin ni Kang Hoo kanina, mukhang may ilang mga estudyanteng babae ang nagulat sa mga sagot ko. As usual naka nerd attire nanaman ako pagpasok. Sinabi ko na nga kay Jun na pwede na ako dapat pumasok ng normal, pero hindi siya pumayag.
Nabalita sa buong school ang ginawa ko d'on sa apat na babae noong kelan sa cafeteria, but it seems konti lang ang naniniwala dito. Hindi naman kasi masyadong kapani-paniwala kapag ganito ang itsura ko diba?
Hindi tuloy nila alam ang tunay na kamandang ng Nerd.
Maya-maya pinalibutan ako ng limang babae, pagka kapal-kapal ng make-up at lipstick nila. Napabuntong hininga nalang ako, isa pang sakit sa ulo.
Bakit naman sobrang kapal ng make-up nila? Tingin ba nila coloring book ang mukha nila? I don't detest make-up, I know that they do wonders. But is it necessary to put make-up to the point na mag-mumukha ka nang ganyan?
That ain't beautiful, that's repulsive.
"Ang lakas din naman ng loob mo na sumagot-sagot kay Kaiser, Nerd! Akala mo kung sino ka ah!" Talagang diniinan pa ng isang 'to ang salitang Nerd. Hindi ba niya alam na taboo sa'kin ang salitang 'yon?
Wait! Chill ka lang A, 'wag mo silang papatulan. Alam mo namang may tinatago kang sikreto eh. But who cares right? Alam naman na nila Kang Hoo na taga Patriarca ako, so who cares kung mabalitaan ng buong school na nambugbog ako?
"Tinapunan mo pa ang damit niya ng coffee! Ang kapal ng mukha!" Sigaw pa ng isa pang coloring book.
Oo na, oo na. Fine! Inaamin ko na kasalanan ko talaga ang coffee incident kanina kay Kang Hoo, ako ang nakabangga sa kanya. Hindi ko kasi siya napansin dahil hanggang ngayon bumabagabag parin sa isip ko 'yung sinabi ni Hoody Guy.
Kasalanan din naman niya eh, kung inilagan niya 'ko, edi sana hindi siya natapaunan. Diba? So hindi ko na problema 'yon, magdusa siya sa katangahan niya. Isa pa, since hindi siya nakailag, it means pati siya hindi nakatingin sa dinadaanan.
Ambang sasampalin na sana ako ng isa sa mga coloring book, nang biglang dumating ang Mr. Playboy ng tropa, none other than Regis Lowsly. Napatigil ang kamay ng makulay na babae sa ere.
"Hi!" Mapang-akit na nginitian ni Regis ang Crayon Girls.
Kilig na kilig naman ang lima, while here I am nadidiri sa ginagawa niya. How could he flirt at these repulsive woman? By the way, nas'an na kaya si Jun?
"Regis, good timing! Pwede mong mapanuod kung papaano namin paparusahan ang babaeng 'to. Ang lakas ng loob niyang sumagot-sagot kay Kaiser kanina." Saad ni Cray Red, super red kasi ang lipstick niya.
Actually maganda naman sana sila eh, sobrang kapal lang ng make-up. You know, to the point na 'pag nakasalubong siya ng nanay niya sa kanto, hindi siya papansinin kasi hindi na siya nakikilala.
Nagtaka ako nang unti-unting nawala ang ngiti sa labi ni playboy. "Sino ang nagbigay sa'yo ng awtoridad na parusahan ang kaibigan ko at kung sino man sa unibersidad na'to?" Biglang nabalutan ng maitim na aura si Regis.
"R-regis." Nanginginig na usal ni Red Ranger.
"I'll give you ten seconds to disappear from my sight, now!" Mapagbantang utos ni Regis, dali-dali naman nagsitakbuhan ang mga babae, may isa pa ngang nadapa.
Nang tuluyan na silang nawala sa paningin namin, tumawa ng malakas si Regis.
"Lakas ng tama mo, akala ko ba playboy ka? Bakit pinalayas mo 'yung mga chiks?" Tanong ko sa kanya.
"Trip ko lang, tsaka hindi ko sila type. I prefer mature women, 'yung mga hinog na. I'm not into kids or girls, I want woman." Paliwanag niya pa.
Now that he mentioned it, I always see him with women who are either older than him or mature enough even though they're younger.
Magkasabay na naglakad kaming dalawa papunta sa room. Pagdating namin doon masamang tingin agad ni Kang Hoo ang naramdaman ko. Tinuon ko nalang ang mata ko sa upuan ni Jun, but there was no one there.
Just where in the deepest hell is that guy? Anong oras na wala parin siya. I'm starting to get irritated. I haven't seen him since morning, I don't remember him telling me something about leaving. Kahit text or tawag or note manlang, wala.
Kapag ang aso nga nawawala hinahanap, tao pa kaya?!
"Morning Cutie, saan si Big Bro?" Tanong sa'kin ni Tao, maligalig nanama siya ngayong araw.
"I don't know." Wala sa mood na tugon ko habang naglalakad papunta sa upuan ko.
"Heh!" I heard Kang Hoo snort, nakapag palit narin siya ng damit. "Maybe he's dead, somewhere." He said as he look at me seriously.
I remained blank, pero bigla akong kinabahan sa sinabi niya. I know na hindi ganoon kadali na mamamatay si Jun, may pinuntahan lang 'yon. That b*stard don't know Jun para sabihin niya 'yon.
"Stai Zitto! (Tumahimik ka!) Hindi mahina Jun, kilala ko siya." Sinabi ko ito na akala mo sigurado ako pero ang totoo sinabi ko ito para i-assure ang sarili ko na ok lang siya kung nas'an man siya ngayon.
Malilintikan sa akin ang kumag na 'yon pag nagkita kami. Kung alam lang niya kung gaano ako nag-aalala sa kanya. Iniwan niya ang cellphone niya sa bahay, wala manlang note kung nas'an siya ngayon. Tinanong ko si Bia kung alam niya ba kung saan nagsususuot si Jun, pero hindi din niya alam.
"You said it, he's not weak so 'wag kang mag alala." Biglang salita ni Kaiser dahilan para tumigil ang takbo ng isip ko at ang pag-aalala ko kay Jun.
Mukha ba akong nag-aalala?
"Hindi ako nag-aalala." Sambit ko ng pabulong.
"Lokohin mo sarili mo, kitang-kita naman sa mukha mo eh."
Napatingin ako kay Kang Hoo, ngumiti lang siya sa'kin ng nakakaasar at kumindat. Is this guy perhaps, comforting me?
Two days passed, but I still didn't hear anything from Jun. As in nothing. I'm so d*mn worried, hindi siya nagpaparamdam. This is the first time na nag-aalala ako sa taong nawawala ng dalawang araw palang.
I couldn't take it anymore kaya nagpunta ako sa Patriarca Branch Family HQ.
"Zio Tigre, I need your help." Hingi ko ng tulong sa matanda.
I know what he's thinking, na kaya ako humihingi ng tulog eh para hanapin ang pumatay kay Fratello. This time, that's not my purpose, well yes he's basically my Kuya right now. But he's still different.
"It's not about Fratello's killer. I'm talking about Sebastian. Two days na siyang nawawala, hindi ko siya mahagilap. Bigla nalang siya nawala ng walang paalam. He left his phone, but his clothes were still there."
"He didn't say anything to you?" Nagtatakang tanong ng matanda.
"No, nothing. Wala siyang sinasabi sa'kin na kahit ano. Bigla nalang siyang nawala na parang bula. Akala ko may pinuntahan lang siya saglit, but it's been two days. I'm so worried Zio, 'wag naman sana pati siya mawala sa'kin."
Napa hawak ako sa ulo ko sa sobrang pag-aalala. T*ngina! Jun nas'an ka na? Bumalik ka na please. Hindi ako marunong magluto at mas lalong hindi ko gusto ang luto ng maid, hindi masarap.
If only he can hear what my thoughts are...
Nagtaka ako nang gumaan ang mukha ni Zio Tigre, ngumiti siya sa'kin. What is wrong with him?
"Agnez iha, 'wag kang mag-aalala, ayos lang si Sebastian. Hindi ko alam kung bakit hindi niya sinabi sa'yo ang plano niya, pero 'wag kang mag-aalala, ayos lang siya. Ayaw kitang makita na nagkakaganyan kaya ipapaalam ko sa'yo. Sa mga oras na'to, paparating na 'yon."
"Ibig sabihin alam mo kung nas'an si Jun?"
"Oo."
"Bakit hindi ko alam?"
"I don't know."
What the hell is this? All this time ok lang siya? At alam pa ni Zio Tigre kung anong pinag gagagawa niya?! Then bakit wala akong alam? Bakit hindi siya nagsasabi sa'kin? Wala ba siyang tiwala sa'kin? Bata parin ba ang tingin niya sa'kin?!
"Oh, there he is." Pinasilip ako ni Zio Tigre sa bintana niya.
There I saw Jun, papalabas palang siya ng sasakyan, mukhang kakarating lang. Tumalon ako palabas ng bintana at tumakbo papunta sa kanya. Nang maramdaman niya ang presensya ko, gulat na napatingin siya sa'kin. Halatang hindi inaasahan ang pagdating ko.
"You b*tch!" Imbis na salubungin ko siya ng yakap, suntok at sipa ang natanggap niya.
Hindi ako tumigil hangga't hindi siya bumubuga ng dugo. Tuloy parin ang suntok ko sa kanya hanggang sa pinigilan na niya ako. Hinawakan niya ng mahigpit ang dalawa kong kamay. Pero diyan siya nagkakamali, may paa pa'ko. Kaya naman tinuhuran ko kaagad siya, na nagpaluhod sa kanya sa sakit.
"Ugh! Babae ka ba talaga? Bakit ang lakas mong sumuntok at sumipa?" Mapagbirong tanong niya habang sapo-sapo ang sikmura.
I bet nasaktan talaga siya, sinadya ko talagang laksan ang bawat hampas ko.
"Why didn't you tell me na pupunta ka dito? Kung ayaw mo'kong makasama sa bahay, sana sinabi mo agad. Hindi 'yung paghahanapin mo pa'ko!" Sigaw ko.
Naiinis ako, dito pa siya tumuloy para lang makalayo sa'kin. Alam ko na mahirap at nakakainis akong gisingin araw-araw, matakaw ako, mahirap pakisamahan at maingay. Pero pwede naman niya sabihin sa akin eh, kaya ko naman baguhin 'yon eh.
"What are you talking about?"
"Talagang iniwan mo pa 'yung cellphone mo para hindi kita makontak. Nice move Sebastian! Sana sinabi mo nalang sa'kin, hindi 'yung bigla kang mawawala!"
"What are you saying? Ano bang iniisip mo? Hindi dahil ayaw kitang makasama sa bahay kaya ako nawala."
"Then what? Sige nga? Explain it to me, make me understand! Kasi hindi ko maintindihan kung bakit kailangan mong mawala ng wala manlang babala!"
"Calm down, I'll explain everything to you."
"Of course you should, kaya nga ako nandito eh. I've been looking for you, nandito ka lang pala! Ni hindi ko nga alam kung buhay ka pa!"
"I understand, calm down, ok? Pumasok na muna tayo sa loob. Ang dami nang nanonood oh." Mahinahon ang boses niya kaya naman wala akong nagawa kundi ang sundan siya sa loob.
Pumasok kami sa isang kwarto na mukhang tinutulugan niya pansamantala. Paano ko nalaman? Nangingibabaw lang naman ang amoy niya sa silid.
"Uhmmm."
"Don't 'uhmm' me! Speak, before I plug this knife into your throat." Taas kilay kong banta habang naka pameywang.
Bumuntong hininga si Jun at umupo sa kama niya. Masamang tingin lang ang ipinukol ko sa kanya habang hinihintay ang so-called paliwanag niya.
"Sumali ako sa Sasori gang."
"What?!" Ano kamo? Sumali siya sa Sasori Gang?
"We need information kaya pumasok ako. Patapos narin naman ang trabaho ko d'on. Nalaman ko na ang mga dapat kong malaman, and many more." Paliwanag niya habang nakatingala sa'kin. I knew then that he was saying the truth.
"Then why?" Nagtatakang napatingin siya sa'kin. "Why didn't you tell me? Bakit hindi mo sinabi sa'kin ang napaka importanteng bagay na'to? Wala ka bang tiwala sa'kin?"
Bumuntong hininga si Jun. "Hindi sa ganon Jingu, pero kapag sinabi ko sa'yo ang plano ko, alam kong sasabihin mo na gusto mong sumama." Hinawakan niya ang kamay ko.
Ang mukha niya sising-sisi sa ginawa. He was right though, kung sinabi niya sa'kin 'to ng maaga, marahil ay kasama na niya ako sa misyon niya.
"Do you have so little faith in me? Mukha ba'kong mahina para hindi mo'ko isama sa importanteng bagay na'to?!" Marahas kong tinanggal ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya.
"That's not it, delikado ang pumasok sa ibang gang, you know that. Ayokong isama ka sa ganoong lugar." Mukhang nasaktan siya nang tanggalin ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya. "Ayoko lang na mapahamak ka. You're important to me Agnez, I won't be able to take it 'pag napahamak ka. Please, 'wag ka naman na magalit."
"Didn't you know how worried I was? Akala ko... Akala ko pati ikaw kukunin nila sa'kin, I thought I lost you too. Do you know how painful it was? I couldn't even sleep because the image of your death kept appearing in my dreams!" Naiiyak na saad ko.
"Agnez..."
"I was scared, I was d*mn scared!!! T*ngina mo ka! Ulitin mo pa 'yan, ako na mismo ang papatay sa'yo." Banta ko. I smiled sadly at hinawakan ang kanang pisngi niya. "I'm so glad, you're fine."
Tumayo si Jun at niyakap ako ng pagka higpit-higpit.
"Don't be mad if I say na masaya ako. I'm glad I didn't tell you na mawawala ako, because of that nalaman ko na nag-aalala ka pala sa'kin." Then he slightly chuckled.
"Siyempre naman tarantado ka, you're my brother."
"Brother? Huh." Medyo mapait ang boses niya ng sabihin niya 'yon at lalong humigpit ang yakap niya sa'kin.
Naputol ang hugging session namin nang may kumatok sa kwarto niya, it was Kang Hoo. Nagtataka akong tumingin sa lalaking laging sumisira ng umaga ko. Ano naman ang ginagawa ng mokong na'to dito?
"Bakit ka nandito?" Nakataas kilay kong tanong sa kanya dahil sinira niya ang mood namin ni Jun, nag re-reunion pa kami tapos inistorbo niya kami.
"Sabi ko naman sa'yo na 'wag kang mag-alala kay Jun dahil ok lang siya." Ngumisi si Kang Hoo sa'kin.
I suddenly felt weak. This guy... he knows! Alam niya na nagpunta si Jun sa gang na 'yon para sumali at kumuha ng intel! Jun told Kang Hoo, but not me?! How could he?!
"You told him!?" Sigaw ko kay Jun. "Samantalang ako parang tanga na nag-aalala sa'yo, pero ang ugok na'to alam kung nasaang impyerno ka at anong nangyayari. Ni hindi ko nga alam kung buhay ka pa!" Turo ko pa kay Kang Hoo habang nag-uusok ang tengs ko sa galit.
Ang lakas ng loob niyang sabihin kay Kang Hoo, pero sa akin kahit isang note o text message wala siyang sinabi. Wow! Haha! Sino ba talaga ang kapatid niya? Ako o ang hayop na'to?! We might not be real siblings, but he said it so himself! That I'm his little sister!
"Look, I had to tell him." Natatarantang tinignan ako ni Jun.
Mabilis na nawala ang init ng ulo ko pero mabilis din siyang bumalik. Sa sobrang inis ko tinulak ko si Kang Hoo paalis sa daan at padabog na lumabas. Sinanggi ko pa ang nananahimik na vase sa gilid dahil sa inis, hindi ko alam kung antique 'yon o ano, basta mainit ang ulo ko.
Umaarte sila na akala mo magka-away 'yon pala nag bibigayan sila ng impormasyon ng hindi ko alam. Are you kidding me?! Ako ang kapatid niya, hindi si Kang Hoo! Kahit kunwairian lang na magkapatid kami, I still think of him as one. Sabi niya parang kapatid na daw ang turing niya sa akin, tapos ganito!
Dannazione! (Dammit!)
~THE LEGENDARY DURGA~
KAIZER (CHUN KANG HOO) POV
Dumating ako sa Patriarca headquarters dahil pinapunta ako ni Jun. Successful ang binabalak niya na kuhain ang mga mahalagang impormasyon mula sa gang. Sa'kin niya lang sinabi ang tungkol sa plano niya, hindi niya sinabi kina Jingu o sa iba.
Alam kong sinabi niya sa'kin ang tungkol sa ginawa niya para 'kay Jingu. Ibig sabihin kapag may nangyaring masama sa kanya sa loob ng gang, either mahuli na spy siya or mamatay siya. Ako na ang bahala sa kapatid niya, alam ko na 'yon ang gusto niyang sabihin sa akin.
Nang makarating ako sa loob ng malaking mansyon ng Patriarca, sinalubong ako ng Chairman ng school. Woah! Hindi ko akalain na ang Chairman ay taga Patriarca household. Tinuro niya sa'kin kung nas'an si Jun, sabi niya nasa kwarto niya kasama si Jingu, kaya naman nagtungo ako doon.
Pagdating doon, rinig mo sa may hallway palang ang pag-aaway nila o mas magandang sabihin, bunganga ni Jingu. Nabuking na siya ni Jingu, pinakinggan ko lang silang dalawa, nang magbati na sila nagyakapan pa.
Medyo nairita ako, magkapatid sila bakit masyado silang intimate?
Kaya naman sinira ko ang mood nila at binigyan ko ng hint si Jingu na sinabi sa'kin ni Jun ang plano niya pero sa kanya hindi.
"Why do you have to do that?" Galit na tanong ni Jun sa'kin, nag-walk na kasi si Jingu.
"What do you mean?" Pa inosenteng tanong ko.
"Pinatawad na niya ako and you just have to ruin it!"
"She has the right to know."
"Not from you!" Naglakad siya papalabas ng kwarto para sundan si Jingu at iniwan akong mag-isa sa kwarto.
Hinintay ko ang pagbalik nilang dalawa after 15 minutes bumalik na sila at mukhang nasuyo na niya si Jingu, pero medyo nakasimangot padin ito.
"For starters, how about you tell us the info you got?" Putol ko sa nakakabinging katahimikan.
Dalawang minuto na kaming nagtititigan lang dito at nagsasayang ng oras.
Bumuntong hininga si Jun. "For now sa inyong dalawa ko lang muna ito sasabihin. I know who the ring leader of the Black Casino is, also the who have Amy kidnapped."
Now that got my full atensyon, the same with Jingu.
"Who?" Tanong ko.
"Antonio Grande."
Nagulat ako nang biglang mapatayo si Jingu, bakas na bakas sa mukha niya ang gulat, pagdududa at pagtataka. For a moment she seemed out of it.
"What?!" Halos bulong na saad ni Jingu.
©IF02
BINABASA MO ANG
The Legendary Durga
ActionShe is a wonder. She is stunning. She is a Goddess. Fighting against armed men, killing them in the blink of an eye, swinging her sword as if she was dancing an exotic dance and a dangerous smile creeping on her face, smile that could make people tr...