JINGU (AGNEZKA PATRIARCA) POV
"Miss pahingi naman ng dalawang water." Utos sa'kin ng isang lalaki habang nakatingin ng hindi kaaya-aya.
Tinignan ko siya ng masama. "Bakit hindi mo kunin mag-isa?! Wala kang paa?!" Pasigaw ko.
"Jingu, hindi ganyan ang pagtrato sa customer, ikuha mo siya ng tubig." Banat naman ni Kang Hoo habang nakangiting nakatingin sa suot ko.
Well, I'm just wearing a cat costume and cat ears right now. And as of the moment I can't even remove it.
"Zitto! (Shut up!)" Sigaw ko sabay bato ng tray sa kanya, na nasalo naman niya agad.
"I won the game so you should do what losers do." Ngisi ni Kang Hoo.
Bakit nga ba ako na costume? This all happened nang pumasok kami ni Jun, naabutan namin na puro dekorasyon ang university. Meron daw school festival, hindi ko manlang alam. Pagpunta namin sa room, mukha na itong restaurant, their plan is to have a cosplay cafe.
Hindi ko pinansin ang mga plano nila, I never cared about it. I didn't have any intention of joining their stupid cafe. Pero palabas palang kami ni Jun, nang bigla kaming hinarang ni Tao.
"Cutie! We really need more staff here, please wear this for me." Pakiusap ng humanoid pet ko, na nakapang pirate costume na.
"Why should I wear that stupid looking thing?" Pagtataray ko. "Wear it yourself, moron."
"You're part of this class, you should participate no matter who you are." Singit ni Kang Hoo.
Naka costume din siya, muntik pa nga akong mapanganga sa itsura niya. Para siyang Indian Prince ngayon sa get-up niya, and bagay na bagay sa kanya. Meron pang dalawang babae na nagpapaypay sa kanya habang naglalaro siya ng chess, kapal muks!
"How about we have a game? 'Pag natalo mo'ko sa chess kahit hindi ka na tumulong dito, ok lang. Pero 'pag nanalo ako, susuotin mo 'yan at gagawin mo ang trabaho mo. How 'bout that?" Tanong ni Kang Hoo sa'kin.
"What are you planning?"
"Wala naman. Don't tell me natatakot ka?"
"F*cker." Padabog na naupo ako sa harapan niya, magpapatalo ba naman ako sa hayop na'to.
Lumipas ang ilang minutong paglalaro...
"Well?" Ngising pang-aasar ni Kupal.
"Shut up, will you?!"
"CHECKMATE." Nakangiting sambit niya at hinalikan pa talaga ang last piece ko.
No way! I lost?!
"Uwahh! You got her good there Kang." Pumalakpak pa ang sira ulong si Regis na kanina pa nanunuod sa'min habang naglalaro.
"You're not going to break the bet, right Jingu?" Nakatalikod ako sakanya pero alam kong nakangisi ang hayop na'to ngayon.
Hinablot ko nalang ang costume ko na hanggang ngayon hawak parin ni Tao at nagbihis na sa banyo.
And that's why I'm wearing a cat costume.
"Ji-jingu?! Ba't ganyan suot mo?" Hindi makapaniwalang tanong ni Jun.
"I lost a bet, that's why! Anyhow, stupid things aside. Where were you? Kanina lang nandito ka pa, ang tagal mo pang nawala!"
"It's---."
"Big bro! This is your costume!" Singit ni Tao bigla.
"Ba-bakit ko naman susuotin 'yan?" He seems like he doesn't want to wear it.
Nilapitan ko si Jun at kinapitan ang sleeves, akala mo bata. "Kuya~~~ suotin mo na. Ako nga nakaganito eh, hindi mo manlang ba'ko sasamahan?"
"But!" Sumusukong bumuntong hininga nalang si Jun. "Fine."
Pagbalik niya parang ibang tao na siya, he looked like a prince from England. Matindig ang katawan at maayos ang buhok, meron pang cape.
Girls started flocking towards the four devas, Kang Hoo and Jun.
After a couple of hours.
"Mas nakakapagod magtrabaho kesa makipagbakbakan." Angal ni Tao na nakahiga na sa couch.
"Mas gusto ko nga na ganito palagi eh." Saad naman ni Regis. Siyempre ang daming babae nakapalibot sa kanya kanina eh.
"I'm never doing this sh*t again." Pagod na saad ko.
"Me too." Sabi ni Kang Hoo na nagpataas ng mga kilay namin.
Ang kapal din naman ng mukha niya umastang pagod, samantalang wala siyang ginawa kundi ang umupo at makipaglaro ng chess sa mga babae. Meron pa nga siyang mga alipin na magdadala ng pagkain at inumin sa kanya.
"Gagong 'to, kapal ng mukha mo! Pago ka?! Samantalang magdamag nakasalampak sa upuan 'yang pwet mo! Edi ano pa kami?!" Sigaw ko habang masama ang tingin.
Tinignan niya din ako ng masama. "Nakakapagod kaya maglaro ng chess, ang dami ko kayang kalaban, wala pang pahinga!"
"Try mo kaya magbuhat ng tubig para sa mga pangit na customer?!"
"Oo nga, nag che-chess ka lang kanina!" Kinampihan ako ni Tao.
"Kaya nga! Anong nakakapagod sa pag che-chess? Ikaw kaya mag trabaho d'on at kami ang mag chess habang pa ikot-ikot ka? Ha?!" Dagdag ko pa.
"Nagkampihan pa kayong dalawa, feeling niyo bata pa kayo?"
Pagtapos ng konting pahinga sa hideout ng Kings. Umuwi na kami ni Jun, buti nalang nadala ni Kang Hoo ang sasakyan pabalik sa bahay namin, malamang niyan inutusan niya ang tauhan niya na dalhin ito pabalik, mandaraya talaga.
Tahimik at walang gulo na nakarating kami sa bahay, agad akong dumiretso sa kwarto ko para magbihis at magpahinga. Pero dahil naramdaman ko bigla ang kalam ng sikmura ako, aba hindi pwede ipagsawalang bahala ito, dapat malamnan agad. Kundi baka kung anong magawa ko sa bahay.
Bumaba ako para kumain, mukha namang alam ni Jun ang iniisip ko kaya pagbaba ko may nakahanda nang pagkain. Good job talaga ang right hand man ng Nonno ko! Napangiti ako at nagsimula nang kumain. Wala siya dito ngayon sa baba, siguro nagbihis siya.
Nakita ko 'yung cellphone ni Jun, na habang nasa hideout kami ng Kings, walang tigil niyang kinakalikot. Hindi ko pinansin kanina, pero nagtataka parin ako. And of course, dahil pakielamera ang lola mo, kinuha ko ang phone niya at tinignan kung ano ba ang ginagawa niya dito.
Biglang nag vibrate ang phone, may nag text!
-That was great <3 Sebby.-
Text ng kung sino man, ang nakalagay na pangalan eh, Love.
Who the f*ck is Love? May girlfriend naba ang hunghang na 'yon? Hindi manlang niya sinasabi sa'kin? Anak ng!!! What is the meaning of this?! Nag vibrate nanaman 'yung phone, another text, from LOVE!
-Let's do that again, kay? (=*v*=) <3-
What the hell?! Talaga namang may emoticon pa?! That was great, ibig sabihin may nangyari na sakanila? Sebby means alam niya ang true name niya? Samantalang ang sabi niya sa'kin 'wag ipapaalam sa iba ang tunay na pangalan, tapos siya?! Let's do that again, aba't gusto pang maulit ang katarantaduhan nilang dalawa.
Nakakagigil!!! Noong nakita niya na kasama ko si Bia na akala ko si Kang Hoo, pinagsabihan niya ako ta's nagalit pa siya, kesyo wala pang isang linggo eh may jowa na'ko, tapos ngayon itong hayop na'to pinagsabi niya tunay niyang pangalan?!
Lakas ng loob! GRRR!!! Gustuhin ko mang itapon ang telepono niya at tapak-tapakan ito. Hindi ko magawa, hindi ko alam kung bakit. Sa inis ko umalis nalang ako ng bahay. Buti nalang at naka pantalon ako ngayon kaso sando lang, pero hayaan mo na kesa naman makita ko ang hinayupak na Jun na 'yon. Sebby pala huh!? Mamatay kayong dalawa!
Sa inis ko lumabas ako ng bahay.
He even dare calls me his little sister, pero hindi manlang niya sabihin sa'kin na may girlfriend na pala siya. Hay nako ka bwiset lang ano. Naglakad ako papunta sa mall, iniisip ko kung mag-iinom ako ngayon pero hindi nalang dahil naalala ko ang nangyari sa'min nung kelan ni Kang Hoo.
Ngayon na naalala ko, nung pumunta kami sa bahay ng Ryuugumi merong kakaibang bagay akong napagtanto doon. Tignan ko kaya ulit? Pero nakakatakot pumunta mag-isa sa lugar na 'yon. Hindi naman sa takot ako sa multo ayaw ko lang sa kanila dahil unfair beings sila.
Pwede ka nilang saktan samantalang hindi mo manlang sila pwedeng hawakan, tapos nang gugulat pa sila. Diba unfair? Bigla-bigla nalang silang lumilitaw kung saan-saan, as if naman kaya kong gawin 'yon.
Ayaw ko namang yayain si Jun dahil naiirita padin ako sa kanya, baka magka suntukan lang kami 'pag tinawagan ko siya ngayon at baka makaistorbo pa'ko, which is ayaw ko naman.
Habang nasa malalim akong pag-iisip nakaramdam ako ng katakot-takot na nagmumula sa likod ko. Agad akong umiwas at lumantad sa'kin si Tao na ngayon ay nasa sahig.
"The f*ck Tao?" Tinignan ko ang katawan ni Tao na nakasalampak sa sahig.
"How mean.. I was trying to hug you from the back, but you dodged me." He was actually trying to hug me? But what I felt was a murderous intent. Oh my God! Tao is dangerous in his own way.
"Ehem." Nag fake cough ako. Medyo kinalibutan talaga ako kanina. "'Wag mo na uulitin 'yon! Ba't ka nandito?"
"Bumili lang ako ng ice cream kasi naiinitan ako sa bahay." Nakangiti na sambit niya tapos pinakita ang plastic na puro ice cream stick. "You want one?" alok niya sa'kin.
Kumuha ako ng isa at kinain agad. Then as I suck the Popsicle, I thought of something.
"Tao, would you like to visit some place with me?" Tanong ko.
"Sure!"
Habang bumabyahe kaming dalawa sobrang daldal niya, hindi manlang nauubusan ng ikwe-kwento. Hindi ko naman siya mapatahimik dahil ako ang nagyaya sa kanya dito.
Kinukwento ni Tao ang story kung saan unang nagkakilala sila ni Kang Hoo. Sabi niya bata palang daw magbestfriend na si Kang Hoo at Takeo, tapos sunod ay siya ang nakilala ni Kang Hoo. Naging mag class mate sila noong bandang highschool, tapos niligtas siya ni Kang Hoo sa mga bully.
Tuloy lang ang pakikinig ko sa kwento niya, nang bigla siyang matigilan at tumingin sa kanan at kaliwa. Kumunot ang noo niya at tumingin sa'kin.
"Saan tayo pupunta?" Tanong ni Tao na may takot sa mukha.
"Ryuugumi Mansion, kung san umulan ng dugo."
"W-why?! That place is..."
"Is...?" Hinintay ko na tapusin niya pero hindi niya ginawa. "Tao, sabihin mo sa'kin kung ba't sa twing pinag-uusapan ang tungkol sa Ryuugumi o Pulang Ulan nagkakaganyan ka."
Nanatili siyang nakayuko at hindi tumitingin sa'kin. Hinawakan ko ang mukha niya at inangat. Bakas sa mukha niya ang lungkot at takot. Pero bakit? Anong kinalaman ng yakuza na 'yon sa kanya? Bakit ganyan nalang siya umasta? Hinawakan niya ang dalawang kamay ko na nakahawak sa magkabilang pisngi niya at tumingin sa'kin.
"I..."
"Anak siya ng isa sa branch family ng Kuryuugumi." Biglang may pamilyar na boses ang nagsalita mula sa likod ko.
Hindi ako lumingon, the moment I heard the voice I knew who it was.
"Big Bro..." mahinang usal ni Tao, habang nanatiling akong nakatalikod.
"Ba't hindi mo sinabi sa'kin na pupunta ka dito?" Tanong ni Jun.
"F*ck off, I didn't call you here." Saad ko sabay nagsimula na ulit maglakad.
"Jingu, if you wanted to go to that mansion, you should have just told me." But I still ignored him.
"Looks like Cutie is mad at you or something Big Bro. What did you do?" Narinig kong tanong ni Tao.
"I didn't do anything."
Ilang metro din ang nilakad namin at 'eto na nga. Nandito nanaman ako sa lugar na ito, medyo may liwanag pa so mabuti 'yan. Kaso ilang oras nalang lulubog na ang araw. Ang masama nito wala akong flash light.
Nakita ko ang pagdadalawang isip ni Tao. Mukhang naging part nga siya ng Ryuugumi. Pero ang nakalagay sa profile niya ay anak siya ng isang... ano nga ba ulit ang trabaho ng magulang niya? Basta kung ano man 'yon nakalimutan ko na.
"Tao, kung ayaw mong pumasok ok lang, bumalik ka na." Seryosong sambit ko pero hindi ko siya tinitignan at dumiretso na ako papasok. Hindi ko naman inaasahan na susunod siya papasok sa'kin, sumunod din si Jun.
"Nee~ Cutie. Bakit hindi mo pinapansin si Big Bro?" Bulong sa'kin ni Tao.
"Kasi bwiset siya." Sagot ko pero pabulong lang din.
Dahil sa kakulitan ni Tao, kwinento ka na sakanya kung ano 'yung nakita ko. Napa gasp pa nga siya na parang babae, baliw lang. Hindi daw niya akalain na si Jun ang klase ng tao na tatawagin ang girlfriend niya na LOVE, nakakatakot daw.
"You're not real siblings, right? It's all just pretend." Tanong ni Tao.
"Yup."
"Doesn't that mean, you're jealous?!" Napahinto ako bigla sa sinabi niya.
"HA?! Are you kidding me? No way." Binatukan ko nga ang gago.
"Oooyyyyyy~~~~" Pang aasar niya, feeling niya ba eh teenager padin siya?
Salamat naman sa diyos at tumahimik nadin si Tao at tuluyan na kaming naglakad ng tahimik. Isang kaluskos na nagmula sa pinaka dulong kwarto ang sumira sa katahimikan namin, dalawang segundo kaming napahinto, agaran akong tumakbo papunta sa silid na 'yon.
Hindi kaya, 'yung anino na nakita namin noon ni Kang Hoo ay nandito nanaman?
Marahas kong binuksan ang pintuan, hindi ko inaasahan ang nakita ko. Bumulantang sa'kin si Kang Hoo na naka stance na para makipag laban.
"Ikaw lang pala." Bumuntong hininga siya at umayos na.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.
"Kahoo?!" Gulat na tanong ni Tao, na kararating lang.
"Tao?! Anong ginagawa mo dito?" Gulat din si Kang Hoo. "Pinilit mo ba siya na pumunta dito?!" Galit na tanong sa'kin nito.
"No! Sumama ako ng kusa dito. It's not like, I can always run away from my past." Malungkot na saad ni Tao.
"Tell me." Mahinang saad ko. "Tell me your past."
"I'm an orphan, Cutie. I don't know who I am and who my real family is." He smiled, a sad one. "Isang araw pinulot ako ng Boss at sinabi na aalagaan nila ako. I was happy, really happy."
~THE LEGENDARY DURGA~
TAO KOBAYASHI POV
Umuulan nung mga panahong 'yon, hindi ko alam kung paano nangyari. Basta nabuhay akong mag-isa at walang pamilya. Sa murang edad nagnanakaw ako para malamnan ang laging kumukulo na sikmura ko. Isang araw, nakakita ako ng isang mayaman na matanda. May mga body guard sa likuran niya.
Naka kimono siya at may hawak na payong. Papalapit siya sa'kin. Hindi ko alam kung bakit, pero matalas na tinignan ko siya at nag-akmang lalaban. Hindi ako ordinaryong magnanakaw noon, ang ninanakawan ko lang ay mga gangster. Kaya noong panahon na'yon ang akala ko isa siya sa mga gangster na gusto akong paghigantihan.
Nagulat siya sa inasta ko, may inabot sa kanya ang bodyguard niya. Kinuha niya ito at nagtangkang ibigay sa'kin. Nagdadalawang isip ako kung kukunin ko ba o hindi, hindi ko naman alam ang laman ng plastic. Malay ko ba kung bomba 'yon.
Napansin niya ata ang pagiging maingat ko kaya binuklat niya at ipinakita sa'kin ang laman ng hawak niya. Isang mainit na tinapay. Napa lunok ako nang makita ko ang usok ng tinapay at narinig ko din ang pagkulo ng sikmura ko.
Tinignan ko ang matanda, ngumiti lang siya at muling inabot sa'kin ang tinapay. Dahil sa gutom ko, agad kong kinuha ang tinapay at nilantakan ito.
"Kaya kitang bigyan ng mas masarap at mas madami pa diyan." Biglang nagsalita ang matanda.
"Kagaya ng fried chicken?"
"Kahit ilang fried chicken pa ang gusto mo."
"Sige, sabihin mo ang kailangan mo." Sa murang edad, alam ko na lahat ng bagay sa mundo may kapalit, alam ko rin na may kailangan sa'kin ang matandang 'yon.
"Good! Ang kailangan mo lang gawin, sundin lahat ng utos ko."
Walang pagdadalawang isip na sinundan ko ang matanda. Doon ko napagtanto na isa siya sa branch boss ng Ryuugumi.
Binigyan nila ako ng masasarap na pagkain, damit pansaplot, tubig na maiinom at bubong na masisilungan mula sa mabangis na ulan. Pinag-aral din nila ako. Ginawa ko lahat 'wag lang nila ako ibalik sa mundo ng kahirapan.
Hindi lang ako ang batang tinulungan nila noon, madami pang iba. Inensayo nila kami para maging magaling na spy at assassin. Sa paglipas ng panahon, unti-unti nang nawala ang emosyon sa puso at mukha ko. Ordinaryong araw na sa'kin ang pumatay ng maraming tao.
Slowly, I turned into a robot that says 'yes' to everything.
Isang araw may nakasama ako sa misyon. Kasing edad ko siya, sobrang ingay niya at walang tigil kung mag-kwento. Simula n'on lagi kaming magkasama sa lahat ng misyon at kami ang naging pinaka malakas sa grupo namin. Siya rin ang naging matalik kong kaibigan.
"Ruru, happy birthday!" Bati sa'kin ng matalik kong kaibigan at inabutan ako ng hikaw. Nagulat ako nang binati niya ako. Ang kagaya namin ay walang kaarawan basta alam namin ang edad namin. "Look parehas tayo." Pinakita niya pa ang hikaw na kaparehas ng iniaabot niya sa akin.
"We don't have birthdays." Blankong sambit ko.
"Simula ngayon meron na, at simula ngayon itong araw na'to ang birthday natin. Gusto ko sabay tayo." Nakabungisngis niyang sabi, wala akong magawa kundi ang ngumiti sa kabaliwan niya. March 23, ang kaarawan namin. "This is the proof that we're brothers."
Siya ang kauna-unahang tao na naging importante sa akin.
Isang araw pinatawag kaming lahat na mga bata na walang pamilya. Hindi namin alam kung ano ang rason kung bakit sabay-sabay kaming pinatawag, pero wala kaming karapatan na magtanong. Pinapunta nila kami sa isang glass room na tinted.
Ilang oras din kaming pinaghintay lahat doon at nanatiling tahimik, maliban lang ang matalik kong kaibigan. Bigla nalang may nagsalita mula sa speakers.
"Kill each other."
Isang malamig na boses ang nagpatigil sa usapan naming lahat. Nanayo ang balahibo ko nung mga oras na 'yon. Akala ko wala na akong takot na mararamdaman pa, akala nagawa ko na ang lahat, pero hindi pala.
Isa lang ang motto ng family.
Orders are absolute.
Kapag may isang order na hindi ka nasunod, kamatayan agad. Sa isang sentence na 'yon, nagtayuan kaming lahat at ilang segundo ding tahimik. Isang pagbagsak ng katawan ang sumira ng katahimikan, nagsimula nang magpatayan ang mga kasamahan ko.
Lahat ng umaatake sa'kin hindi ko pinapatay umaatras lang ako. Pero unti-unting na akong na kokorner at kapag hindi ko ibigay ang lahat ko, ako naman ang mamamatay.
Ilang minuto ang lumipas at lahat ng kasamahan ko ay patay na. Dalawang tao nalang ang natitira, ako at ang matalik kong kaibigan na tinuturing kong kapatid.
Nagtitigan kami. Hindi ko kayang patayin ang taong 'to, hindi ko siya kayang saktan. 'Yan ang mga katagang tumatakbo sa isipan ko noon.
Naglakad papalapit sa'kin ang kaibigan ko, hawak ang armas niya. Habang ako ay nanatiling nakatayo sa pwesto ko na nanginginig ang kamay at pinagpapawisan. Bumibilis din ang tibok ng puso ko.
"Ruru... Sorry, pero ayoko pa mamatay!" Agad niya akong inatake pero lahat nang iyon ay iniilagan at hinaharangan ko lang ng espada ko. Ilang minuto kaming panay ganon lang ang ginagawa.
Bigla siyang tumigil at yumuko, nakita ko na may pumatak na luha sa mga mata niya.
"Ruru..." Hinawakan niya ang nakakunot niyang ulo gamit ang duguan niyang kamay. "Please! Please! Please! Nagmamakaawa ako sayo, lumaban ka. LABANAN MO'KO!" Bigla niyang sigaw at muling nag-iiiyak. Gusto ko din umiyak gaya niya, pero walang lumalabas na likido sa matitigas kong mga mata. "What should I do?" Nagsusumamo niyang tanong.
Napayuko ako at napahawak ng mahigpit sa espada ko. Huminga ako ng malalim at muli siyang tinignan.
"Alright."
Kahit naman anong gawin namin dito. Isa lang talaga ang maaring lumabas. It's either mamatay siya o ako. Ganon lang naman, simula't sapul mga kagamitan lang kami para sa kanila. Ngayon pinaglalaruan nalang nila kami.
Ngayon lang ako nagkaroon ng taong maproprotektahan pero bakit kailangan na humantong kami sa ganito? Bakit kailangan na dumanak ang dugo? Ginawa ko naman lahat ng iniutos nila sa'kin ng walang palya. Hanggang sa huli mga gamit lang kami na pwede nilang itapon kahit anong oras nila gustuhin.
Nagsimula kaming atakihin ang isa't isa. Binigay ko ang buo kong lakas at ganun din siya. Matindi ang labanan namin. Kahit na lagi kaming magkasama, hindi pa namin nasubukan ang maglaban. Nasaksak niya ako sa kanang braso ko, pero nasaksak ko siya sa binti.
Napa atras kaming dalawa, madami na ang sugat na natamo namin at kapwa nanghihina nadin kami. Parehas kami na mabigat ang paghinga at nahihirapan na tumayo. Tila ba nag-uusap kami sa aming mga mata.
Minabuti na namin na tapusin 'to sa susunod na tira.
Sabay kaming tumakbo ng mabilis at pinagtama ang bawat espada namin.
"Ugh! You are truly strong." Bulong niya sa'kin habang dalawa kaming nanatili na nakatayo. Ang katana ko nasa sikmura niya. Nanginig ang buo kong katawan at hindi ko maigalaw ang kahit anong parte nito, hinahabol ko narin ang hininga ko. "I wonder... If ever na nabuhay tayo sa normal na pamilya, magiging magkaibigan kaya tayo?" Bulong nalang kung magsalita siya dahil sa tama na natamo.
"Bakit? Bakit mo ginawa 'yon?" Tanong ko.
Nanghihinang tinawanan niya lang ako habang nananatili kami sa posisyon namin. Sa huling sandali itinapon niya ang katana na hawak at hinayaan ako na masaksak siya. Sa huli iniligtas niya ang buhay ko at pinatay ko siya.
"You know Ruru, I don't hate the life we've had."
"I do." Maikling sagot ko habang nakatingin lang sa kawalan.
"Ruru." Tawag niya sa'kin.
"Ah?"
"Ruru."
"Ah?"
"Ruru."
"What is it?!" Naiiritang tanong ko. tumawa ulit siya, pero rinig mo ang panghihina sa boses niya.
"Ruru, you're always quiet and boring. If you don't talk, you won't have any friends you know."
"I don't care."
"Ruru, don't forget to always celebrate our birthday."
"Ah."
"Ruru, live without regrets."
"..."
"Ruru... Don't cry, please smile." Tuluyan na ngang tumulo ang mga nagbabadyang luha sa aking mga mata. Kinagat ko ang ibaba kong labi para pigilan ang mga luha, pero tila ba may sarili itong isip. Walang tigil ang pagtulo ng mga ito.
"..."
"Ruru, we are family."
"..."
"Ruru, I only have one regret."
"What is it?"
"It's that I couldn't spend a lot more time with you, my brother."
"..."
"Ruru. I love you, smile for me, 'kay?" Iyon ang pinaka matamis na ngiti na nakita ko mula sa kanya, pagtapos niyang sabihin 'yon ay natumba siya at tuluyan na ngang bumagsak. Kasabay ng pagbagsak niya ang pagkawala ng buhay niya. Hanggang sa huli nakangiti parin siya. Kagaya nung una naming pagkikita, parang tangang nakangisi.
"Ok." Tumingala ako. " I love you too, Tao."
JINGU (AGNEZKA PATRIARCA) POV
I didn't expect that kind of past from Tao or Ruru. Though it's not that new in our kind of world, it's still unsettling. So that's why he smiles at every little thing.
Huminga ng malalim si Tao at tumingin sa'kin.
"After that may narinig akong putok ng madaming baril. Nagkataon na sa araw na'yon sumugod ang Patriarca Famiglia, ang kuya mo. Pinagpapapatay nila ang lahat ng Ryuugumi." Dagdag ni Tao.
"Kung ganon, bakit buhay ka pa?" Tanong ni Jun. Heartless talaga ang isang 'to. Hindi manlang na move sa kwento ni Tao, nakuha pang magtanong ng ganong bagay.
Pero oo nga naman, bakit buhay pa si Tao?
"Nung nagpuputukan na, hindi ako lumabas at nanatili ako sa tabi ni Tao at yakap-yakap ang duguan niyang katawan. Pumasok sa silid si Giotto Patriarca at nakita ang eksena." Nakunot ang noo niya habang inaalala ang mga nangyari sa nakaraan niyang buhay. "Akala ko papatayin niya ako, pero umalis lang siya. Ilang oras din na panay putok ng baril lang ang naririnig ko. Pagtapos ng putukan, lumabas ako. Lahat sila patay na ako nalang ang natitirang buhay. Umalis ako sa lugar na iyon dahil may naririnig akong sirena ng pulis. Tapos may matandang nakakita sa'kin at tinulungan niya ako, sila ang pamilya ko ngayon."
Parang may mali.
Hindi ko lang malaman kung ano. Hindi naman nagsisinungaling si Tao sa kwento niya. Halata naman na nagsasabi siya ng totoo. Pero ano 'yung mali? Parang may kulang. Kailangan kong bisitahin si Zio Tigre sa susunod na araw, kailangan ko malaman ang katotohanan sa kanya.
Habang nag-iisip ako, biglang nadapo ang mata ko sa sampung pigura ng dragon na iba-iba ang kulay. May naalala ako bigla. Lumapit ako sa mga pigurin at inobserbahan ito.
"I knew it." Pabulong na sabi ko, pero sapat na para marinig nila.
"Ano 'yon?" tanong ni Tao.
"Kang Hoo, naalala mo nung pumunta tayo dito." Tanong ko habang nanatiling nakatitig sa mga dragon. "Tinanong kita kung abandunado ba ang lugar na'to, tapos biglang may anino na tumakbo."
"Oo."
"Don't you find these dragons weird?" Tanong ko sakanya.
Bigla namang sumingit si Tao at tinignan din ang mga dragon. "That's the dragon circle. Those small dragons are the branch family and the one in the middle, the gold dragon is the main family."
"Ah!" Tila ba may naalala si Kang Hoo. "The dragons."
"Napansin mo din." Sabat ko.
"Ano 'yon? Anong meron sa mga dragon?" Tanong ni Tao na parang back to normal na siya.
"They're clean." Sagot ni Jun.
"Ano naman kung malinis?" Nagtatakang tanong ni Tao, hindi ko alam tuloy kung totoong tanga siya o nagtatanga-tangahan lang.
"This place is abandoned, imposible na hindi magkaron ng alikabok ang mga dragon na 'yan."
"But that's not the only weird one." Saad naman ni Kang Hoo. "Nung isang gabi na nagpunta kami dito. Wala ang golden dragon na 'yan. Siyam na dragon lang ang nandito."
Tama. Noong panahon na 'yon, siyam lang. Kaya tinanong ko si Kang Hoo non kung abandunado ba ang lugar, kasi nga napansin ko na malinis ang mga dragon, which is weird. Tumingin ako sa paligid ko.
"Is it perhaps a ghost?" Natatakot na wika ni Tao.
"No. Ghost can't clean things." Seryosong saad ni Jun, nang bigla nalang may tumakbong anino nanaman kagaya nang nangyari sa'min ni Kang Hoo noon.
Agad kaming tumakbo para habulin ang bwisit na anino na ito. Hindi kagaya nung isang gabi, madilim kaya hindi kita nahabol. Iba na ngayon, may araw pa.
Akala mo ba hahayaan kong matakasan mo ulit kami? Maliwanag ngayon kaya sorry ka!
Karipas ang takbo ko at hinabol ang maliit na anino. Konti nalang! Sawakas at nahabol ko siya, sobrang bilis niya parang lumilipad lang. mahigpit ko itong hinawakan. May nakatakip na puting kumot sa buo nitong katawan. Maliit lang ang height niya, parang bata.
"Hehe. I got caught." Tawa ng isang bata ang narinig ko.
Nainis ako sa inasta nito kaya marahas kong tinanggal ang tela, isang batang babae na nakatalikod. Blonde ang buhok nito at parang kasing tangkad lang ni Amy. Nagulat ako nang biglang umikot ang ulo nito. Isang manika na kulay asul ang mga mata, naka chiffon dress ito na kulay pink.
Pamilyar ang laruan na ito, and there's only one person in this world that owns this dangerous and creepy dolls.
Nagsimula siyang kumanta:
~London bridge is falling down
Falling down, falling down
London bridge is falling down
My fair lady.~
"Hehe, I got caught." Napa atras ako nang biglang bumaka ang bibig nito at lumabas mula dito ang libo-libong patalim.
"Jingu!" Agad akong hinablot ni Jun para tumakbo, hindi ako agad nakapag react dahil sa nakita ko.
Tuloy ang pag-atake nito sa'min at tuloy lang ang pag-ilag namin sa laruan.
"There's a wire!" Sigaw ni Kang Hoo.
Nag bato ng shuriken si Tao para putulin ang wire. Parang laruan na naubusan ng baterya itong tumigil. Pagkabagsak nito sa sahig, nagbuga ng kung anong usok ang manika mula sa bibig. Dahil hindi namin alam ang chemical na nilalabas ng manika, mabilis kaming lumabas ng mansion para sa sariwang hangin.
Nagpalibot-libot ako ng tingin.
May wire ang manikang 'yon, ibig sabihin may kumokontrol sa kanya kanina.
"Someone... Someone's watching us." Mahinang usal ko habang mariin na nakahugis bola ang kamao at patingin-tingin sa paligid. Pinaglalaruan nila kami. Malaman ko lang kung sino at kung nasaan ang gumagawa nito ay walang pagdadalawang isip na papatayin ko.
©IF02
BINABASA MO ANG
The Legendary Durga
ActionShe is a wonder. She is stunning. She is a Goddess. Fighting against armed men, killing them in the blink of an eye, swinging her sword as if she was dancing an exotic dance and a dangerous smile creeping on her face, smile that could make people tr...