CHAPTER 31

13.6K 287 36
                                    

JINGU (AGNEZKA PATRIARCA) POV

"Antonio Grande."

"What?!"


I abruptly stood up when I heard what Jun said. A shock would be an understatement. That name is the name that I least expected to hear, it was just said. Hell, it never even came to my mind. It never will.

First of all, I know that guy. Alam ng taong 'yon na kapag nagtayo siya ng ganitong illegal na bisyo, Patriarca and the whole alliance ang makakalaban niya, and me as well. So this is just impossible. Pangalawa, isa siya sa mga taong kilala ko na ayaw maging parte ng magulong mundo ng underworld.

Sa sobrang gulat ko napatayo ako nang marinig ko ang pangalan niya. Who wouldn't? I bet not even God would expect that one.

Nakatingin lang ako kay Jun, anybody can tell at how shocked I was. Jino-joke time niya lang ba ako o nang-aasar lang siya? Kung nang-aasar lang siya, hindi ito magandang biro. I tried to read what's on his mind, gaya ng dati, hindi ko parin mabas ang iniisip niya. Kahit saang banda ko tignan wala sa mukha niya ang pagbibiro o pang-aasar.

"What's wrong Jingu?" Napalingon ako kay Kang Hoo nang magsalita siya. "Kilala mo ba si Antonio Grande?" I forgot, this guy was here.

I need to think fast! Jingu is not supposed to have any kind of relationship to Antonio Grande and with how I reacted, I'm in deep trouble. But I couldn't find any loops, my mind just went blank. I had nothing to do but look at him as he look at my face, looking for answers.

"Antonio Grande, nineteen years old, nag-iisang tagapagmana ng Grande Family sa Italya. Matalinong bata, at sa murang edad isa na sa pinaka mahusay na hitman. Top class sharpshooter. Kahit pa matulin ka pa sa cheetah, kaya ka niyang asintahin sa mata." Paliwanag ni Jun.

Pero hindi parin inaalis ni Kang Hoo ang tingin niya sa'kin. He still wanted to know my reason. "I know, kilala ko siya. What's shocking is, kilala din ang taong 'yon na ayaw maging parte ng mundo natin." Saad ni Kang Hoo. "Ang gusto kong malaman, kung bakit ganyan nalang ang reaksyon ni Jingu nang marinig ang pangalan niya."

I didn't know what to answer. Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin na si Antonio ang lalaking dapat pakakasalan ko sa takdang panahon. Na lumaki akong kalaro si Antonio, na siya lang ang tanging naging kaibigan ko, bata palang.

Umiwas ako ng tingin.

"Si Antonio Grande ang mapapangasawa ng nag-iisang apong babae ni Godfather." Wika ni Jun para iligtas ako sa mainit na tanong ni Kang Hoo.

"What?! Now that's a news. Walang nagsabi na may fiancé na pala ang heiress ng Patriarca Family." Taas kilay ni Kang Hoo.

Thank God dahil nawala na ang atensyon niya sa'kin. I need to call Antonio. I want to ask him what the hell is going on. Ask him how his name could come up in our conversation.

Bata palang kami magkakilala na kami ni Antonio. We know na gusto kaming ikasal ng magulang namin. I know that guy, hindi siya ang uri ng tao na masasangkot sa ganitong gulo. He's too cowardly to do that.

But he's one of the few people that I really trust.

"Of course, hindi pa sinasabi sa news ang tungkol dito. Mga bata pa sila, eighteen palang ang heiress ng Patriarca, at ang gusto ng Godfather twenty sila magpakasal."

Bumalik nanaman ang tingin sa'kin ni Kang Hoo. "And you? Bakit gulat na gulat ka? Alam kong nakakagulat na ang pakakasalan ng Patriarca heiress ay isang traydor, pero sobrang nagulat ka naman ata, to the point na napatayo ka pa. Sa pagkakakilala ko sa'yo, even though little, lagi mong tinatago emosyon mo. Not unless you know him personally."

I have to do something. I can't let him know anything. "I worked with him quite a lot in the past, we became good friends. I know him, he's not the kind of person to be part of this mess. But I trust Jun's information, he was never wrong, but maybe this time..." Napatingin ako kay Jun. "He made a mistake."

"I saw him with my own eyes." Sagot ni Jun, ang mga mata mariin na nakatingin sa'kin.

"Baka namalikmata ka lang. Antonio he... he hates our world." I said to Jun, my eyes full of doubt. "He's a respectable man, I just never thought that he'd be part of this."

"I know..." Mahinang saad ni Jun na napayuko.

"He was supposed to be in Italy." The last time I heard from him, he said na may aayusin siyang problema doon. Why is he here in Philippines? He can't be here, that's impossible.

Hindi sa hindi ako naniniwala sa impormasyon ni Jun. He never lies to me, I know that, but it's really unbelievable. Ang hirap paniwalaan na si Antonio ang ringleader.

"I saw him." Biglang nagsalita si Jun. "Akala ko nga mamumukhaan niya ako. Sa totoo lang dapat isang araw lang akong nawala. I wanted to make sure na tama at totoo ang nakita ko, that it was him." Bumuntong hininga si Jun at naupo, parang nanghina siya bigla. "Just like you nagulat din ako. I also know him, hindi siya ang uri ng tao na kayang manood o pumasok sa isang black casino. Ayaw niya sa lahat ay ang pinagpupustahan ang buhay ng tao."

"How did you confirm it?"
Tanong ni Kang Hoo.

"I was there, inside the meeting room, beside the Sasori Gang leader. Antonio was giving orders, and they call him by that name." Paliwanag ni Jun. "There were three organizations that were part of the game."

"So mainly there's three clans and Grande Family in the middle."
Magkahawak ang dalawang kamay ni Kang Hoo habang nakapatong ito sa tuhod niya, tila ba nag iisip. "I heard the Grande Family is in war with Gapucho Family in Italy. That's the reason why Antonio is supposed to be there, right?"

"What? I didn't know that."
Napatingin ako bigla kay Kang Hoo. What war? I thought it was a minor problem. "Anong dahilan?"

"Based on my informats, Antonio went to Gapucho's household, rained them with bullets, killed half of Gapucho's men without a reason and asked for war."

"That's bullsh*t! Hindi magagawa ni Antonio 'yon. Rained them with bullets? Antonio's so weak that he trembles just by the sight of a little blood. Isa pa may alliance ang Gapucho at Grande."

"Hey! Easy girl, I'm just telling you what I heard."
Nagtaas pa ng kamay si Kang Hoo. "Looks like Grande's boss was furious and didn't know what to do, said that his son won't do things like that. They're on war right now."

I know, Grande's Boss trust his son so much, I do too. Antonio is not that kind of person. I know him, we grew up together. He wouldn't do something like this. Something is not right, kailangan kong mahanap kung ano 'yon.

"Tell me who are the three other clans." Ma-awtoridad kong utos kay Jun.

"Cloud, Sasori and Phantom." Sagot ni Jun.

"Those are enemies of Grande Family. This is ridiculous!" Napsigaw ako.

"Ang tanging tagapagmana ng Grande Family ay nakikipag laro sa mga kalaban nito. What an interesting swing of events." Nakangisi na saad ni Kang Hoo.

"Shut up f*ggot! I'm so pissed that if I hear another word of cr*p coming from you, I'm going to kill you."

Then the room went silent.

May hindi tama at kailangan kong gumalaw para itama 'to. Hindi kaya nagsisinungaling sa akin si Jun? Baka sinasabi niya lang 'to para siraan sa akin si Antonio? Pero wala naman siyang dahilan para gawin 'yon.

Tinignan ko si Jun, nagbabakasakaling mababasa ko ang kasagutan sa mukha niya, pero as usual poker face lang siya. Hindi ko siya mabasa o maintindihan. Bakit ba ang hirap niyang basahin?

Tinignan ko si Kang Hoo mula sa sulok ng mata ko, nakatingin siya sa akin at seryoso ang mukha.

"You're agitated." Wika ni Kang Hoo.

"Yeah, so shut up."

Kailangan kong malaman kung ano ang tunay na nangyayari. Hindi sa hindi ako nagtitiwala kay Jun, alam ko na hindi siya gagawa ng kwento sa'kin para magsinungaling. Kailangan kong malaman ang dahilan kung bakit ginagawa ito ni Antonio.

I need to contact him as soon as possible.

Pagbalik sa bahay, dalawa nalang kami ni Jun. Sinabihan niya si Kang Hoo na ipaalam sa iba ang tungkol dito. Kakailanganin namain ang cracking skills ni Tao para makakuha ng iba pang impormasyon about the war.

Sabi ni Jun may magaganap nanamang salo-salo para sa apat na organisasyon sa susunod na dalawang araw. Hangga't maari umaasta ako ng normal, ayaw kong mapansin ni Jun na nababahala ako ngayon at hindi ko tanggap ang impormasyong nakalap niya.

"I'm going to take a shower." I said without bothering to look at him.

Nakakadalawang hakbang palang ako sa hagdan nang tawagin niya ang atensyon ko.

"I know you trust Antonio, but Agnez I'll never lie to you." He said sincerely, his eyes a little sad. Mukhang nasaktan ko siya. "You knew him before you knew me. I understand that part, but please, know that I'll never do something that will make you uncertain about my loyalty."

"..."
Hindi ako nakasagot.

Nakatingin lang siya sa'kin naghihintay ng sasabihin ko. But I couldn't build anything to say. Tumalikod si Jun at nagsimula nang gawin ang kung ano mang ginagawa niya.

Without saying anthing umakyat na'ko. Sumikip bigla ang dibdib ko, hindi ko masabi na buo parin ang tiwala ko. I know Antonio, hindi niya magagawa 'yon. Alam ko din naman na hindi magagawa ni Jun ang magsinungaling sa'kin. So why can't I say, yes I believe you?! It's just four words. What's so hard on saying that?

The next day I woke up. For the third time Jun didn't need to wake me up. Ayaw ko din muna kasi siyang makita ng ganito ang nararamdaman ko.

Pagbaba ko nakita ko siya na naghahanda ng agahan. Binati niya ako ng Good morning but he didn't look at my way. His voice sounded so monolouge that I feel like I was talking to an NPC. Dati kahit anong ginagawa niya nililingon niya parin ako na may maliit na ngiti, but now...

Sa ngayon pinatira muna namin kay Bia si Amy, dahil nga sa gulo sa Battle Royale. Hindi namin siya maasikaso sa ngayon. Tahimik na lumipas ang agahan, pati narin ang biyahe namin patungo sa LU.

The whole time pakiramdam ko nasa ilalim ako ng tubig at unti-unti lumulubog. Hindi ako makahinga at mabigat ang pakiramdam ko.

I couldn't take this silence anymore.

Lumunok muna ako ng dalawang beses dahil nanuyo ang lalamunan ko. Tinangka ko siyang kausapin. "Jun I---." Pinutol niya ang sasabihin ko.

Tila ba pinapahiwatig na ayaw niya akong makausap. "Nandito na tayo." Malamig niyang sabi.

He didn't even bother looking at me. I know this is my fault, kung bakit ganito kami ngayon. Alam ko naman na katiwa-tiwala si Jun, but I couldn't say so that night. I couldn't accept his news.

Tahimik kaming lumabas ng sasakyan nang bigla nalang may babae na patalong yumakap sa kanya. Isang blonde at magandang babae, big boobs and wow *ss. Typical American image, hugis modelo ang katawan at asul ang mata.

"Sebby! I missed you, babe!" Then the woman kissed Jun, hard.

Umalis na ako bago ko pa makalbo 'yung babaeng 'yon. Good way to ruin my morning.

Tumingin pa si Blondie sa'kin habang hinahalikan si Jun. Dito pa talaga nila nagawa 'yan at sa harap ko pa. I noticed na naka uniform si Blondie, meaning dito din siya mag-aaral. What kind of hell is this?! Dagdag pa sa sakit sa ulo ng buhay ko.

"Saw your beloved brother s*cking some blonde chick." Sumulpot ang isa pang nakakaasar at panira ng umaga ko, si Kang Hoo. "You guys on war or something?"

"I think."
Wala sa sarili kong sagot.

So dahil magkagalit kami ganyan si Jun ngayon? Magkagalit lang kami, mambababae na siya sa harap ko? Ang galing ha! Ang galing talaga Sebastian Cross, you definitely get on my nerves!

"Ugh! This you s*cks big time Jingu." Nagulat ako sa sigaw ni Kang Hoo. "Come with me, let's ditch class." Hinila niya ako sabay tumakbo.

Hindi ko alam kung saan kami pupunta pero hindi ako nagsalita, hindi din ako pumiglas. Sumama lang ako sa kanya, hinayaan na hilain niya ako kung saan mang impyerno niya ako dadalhin.

Hindi ko alam pero sa ngayon ok lang siguro na siya muna ang kasama ko at hindi muna makita si Jun na kadikit ang blondie na 'yon.

"We're here." Wika niya.

Hinihingal na tinignan ko ang two-storey builing sa harap namin. It looked haunted at parang malapit nang masira. Nababalutan na ito ng mga halaman at may 'No Trespassing' sign pa sa gilid.

"Nas'an tayo?" Tanong ko.

Ngumisi lang siya. "'Wag kang mag-aalala, nasa university parin tayo. Dito ako nagpupunta 'pag ayaw kong makita ang apat na bugok."

"So why'd you bring me here?"


"I wonder why."

"What's with that stupid answer?"


Just how big is this university? Ang layo ng tinakbo naming dalawa tapos hanggang ngayon nasa school ground parin kami? Just wow! Feeling ko nga nasa gubat na kami, dahil napapalibutan ng puno ang lugar.

Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako papasok sa building. Hindi ko alam pero mainit ang kamay ni Kang Hoo at parang ayaw ko nalang bumitaw.

"Hindi mo ba nababasa?" Turo ko sa 'No Trespassing' sign.

"Who cares about that?"

Pagpasok sa building mapapansin mo ang iba't ibang klase ng meteor at ang imahe ng mga planeta. May isang malaking pinto sa dulo at doon kami pumasok. Madilim ang silid pero pakiramdam ko na malawak ito. May pinulot siya sa gilid na flashlight.

"Paano mo nalaman na may flashlight diyan?"

"I told you, I go here 'pag ayaw ko makita ang apat na bugok."

"So there are times that you wanna be alone."

"Of course."

"That's unlike you."

"Really?"

"You might be a sociopath, but I can't see you being alone."

"That's mean. Wait, hold on."


Iniwan niya akong nakatayo dito at may hinahalungkat siya na parang tela. "Anong ginagawa mo?"

"Ok ready, let's go."
Sinundan ko lang siya.

Nilatag niya ang comforter at ilang unan. "May sarili kang higaan dito?!"

"Oo, tanggalin mo 'yang sapatos mo, 'wag mong dudumihan ang comforter ko."
Utos niya sa akin at ngingiting tinanggal ko ang sapatos ko. Biglang siyang naglakad papalayo.

"S-s'an ka pupunta?" Medyo nagaalinlangan kong tanong? Iiwan niya ako dito?

"May kukuhain lang ako, diyan ka lang. Babalikan din kita agad." Wika niya at naglakad papalayo.

Lumipas ang ilang minuto pero hindi parin siya bumabalik. Nas'an na ba ang ungas na 'yon? Don't tell me jinoke time niya ako at iniwan ako dito?! Tarantado talaga ang Kang Hoo na 'yon! Malilintikan siya sa akin.

Madilim ang lugar at mag-isa lang ako. Ayokong mag-isa sa loob ng madilim na lugar.

Jun...

Niyakap ko ang tuhod ko at pumikit. Biglang lumiwanag at tumingala ako, si Kang Hoo, nakatutok sa akin ang flashlight na hawak niya.

"Ok ka lang? You look pale." Tanong niyang nag-aalala.

"Oo naman. What took you so long?" Simangot kong sambit, ayaw ko ipahalata na takot akong mag-isa.

"Secret! Higa na, malapit nang mag simula."
Humiga siya sa kama na parang wala lang, as for me, I remained standing.

Bakit naman ako hihiga sa tabi niya? Is he insane?

Napansin niya na hindi ako gumagalaw, pumaupo siya at hinila ako papahiga. Hindi sinasadyang, napapatong ako sa dibdib niya. Infairness matigas.

"Che cosa? (Ano ba?)"

"Ano ka ba? Tumingin ka sa taas, magsisimula na!"

"What are you talking about?"
Then he pointed up. "Wow!"

It was stars. It was so beautiful that I couldn't move for a minute. Now that I think about it, this place is a planetarium. How beautiful.

Hawak parin niya ang kamay ko mula sa pagkakahila niya sa'kin kanina. Nagsisimula nang maglabasan ang mga bituin, napahigpit ang hawak ko sa kamay niya habang nakatingin sa magandang kalawakan.

Humigpit din ang hawak niya sa kamay ko.

Matagal kaming nakatingin lang sa magandang mga bituin, magkahawak kamay at hindi nagsasalita. Napakaganda at payapa, ok lang sa'kin ang mag stay sa lugar na'to para kalimutan ang mga sakit sa ulo.

Bigla nalang nag-ingay ang sikmura ko, sinira ang magandang moment. Humagikgik ng tawa si Kang Hoo, namula ako sa kahihiyan. Bwisit na tiyan 'yan, bigla nalang nag-iingay.

"Ingay mo naman." Pang-aasar niya, sabay tumunog din ang sikmura niya.

"Ingay mo din eh."

"Well, lunch na, should we go? Gutom narin ako eh."

"Yeah."


Nagtatawanan kami habang naglalakad papunta sa cafeteria para kumain. Hindi ko akalain na darating ang panahon na makakapag usap kami ng normal. Napansin ko na para siyang bata at ayaw na nagpapatalo, actually parehas kami.

Mahilig din daw siya sa motor.

Sinabi niya din na pinangalanan niya ang planetarium, Luminary Palace. Parang tanga lang diba? Pero nakakatawa, napaka childish niya. Sinabi niya din na halimaw ang ate niya kaya takot na takot siya dito. Mabait lang daw ito sa ibang tao, pero pagdating sa kanya, hindi.

Pagpasok sa cafeteria konti palang ang mga estudyante. Ilang minuto pa bago sila palabasin kaya kaunti palang ang tao. Kumuha na kami ng kakainin naming dalawa, habang namimili kami, unti-unti nang dumadami ang tao sa loob ng cafeteria.

Umalingasaw ang boses ni Tao, nagpapahiwatig na nandito na sila.

Natigil ang tawanan namin.

"Cutie! Kahoo! Bakit wala kayong dalawa sa morning classes huh?!" Naka pout na sambit niya at napangiti lang kaming dalawa.

"Kinidnap ako nito." Sabay turo ko kay Kang Hoo tapos tinaas lang niya ang kilay niya.

"Hala nagpa kidnap ka naman." Buwelta ni Kang Hooo, then nagtawanan kaming dalawa.

Hinila kami ni Tao sa pwesto nila, then there I saw Jun. We looked at each other for a second but he immediately looked down. Nakakainis pa nito, nandoon parin si Miss Blondie, nakakapit sa kanya.

"Saan kayo nagpunta?" Tanong ni Tao.

"Ano ka ba Tao, hindi mo na dapat inaalam pa ang obvious. Tignan mo nga hindi na suot ni Jingu ang nerd glasses niya." Ngumiti ng nakakaloko si Regis.

"Ah!" Ngayon na napansin ko, wala nga 'yung salamin.

"Oo nga 'no, nas'an 'yung salamin mo? Kanina lang suot mo pa ah." Tanong ni Kang Hoo.

"Naiwan siguro sa Luminary Palace, natanggal kasi kanina nung hinila mo'ko eh." Nagulat ako nang napa-gasp si Regis at Tao na parang mga babae na nakarinig na nakakawindang na chismis. "The hell?"

"Oh Em Gee! Pangalan ng motel 'yun ah!"
Sigaw ni Reigs.

"Ha?! Are you---." Naputol ang sasabihin ko nang nagdabog patayo si Jun, dahilan para matapon ang juice niya sa'kin at kay Kang Hoo, since kaharap niya kami.

"Sh*t!" Narinig kong bulong ni Jun.

"Anong problema mo?!" Galit na tumayo si Kang Hoo at hinablot ang kwelyo ni Jun.

Na alarma ako, baka mag-away nanaman silang dalawa at magkagulo pa dito. Napatayo din ako.

"Ikaw anong problema mo?!" Matalas na bato ni Jun.

Ngayon ko lang nakita na ganito ka-galit si Jun. Iba ito kung ikukumpara sa unang suntukan nilang dalawa, halatang-halata ang galit niya at hindi niya ito tinatago. Alam ko na nagbabangayan silang dalawa sa araw-araw na ginawa ng diyos, pero hindi pa sa point na magkakagalit silang dalawa ng ganito ka tindi.

"Tama na!" Ma-awtoridad kong utos sa kanilang dalawa.

Saglit na napatingin sa'kin si Jun, kunot noo agad siyang umiwas. Hinampas ni Jun ang kamay ni Kang Hoo at padabog na naglakad papaalis.

Parang magnet na sumunod naman si Blondie, lumingon muna siya at nginitian ako ng hindi maganda.

Sumasakit ang tiyan ko sa nakita ko, naiirita ako sa babaeng 'yon. 'Pag nagkaroon ako ng magandang pagkakataon, papatayin ko siya.

"That was intense! Lagi kayong nagbabangayan pero hindi pa ganito ka intense." Naka kunot noong sambit ni Tao habang ngumunguya sa burger niya.

"I understand Big Brother's part." Ngingising wika ni Regis habang nakatingin sa akin. Anong sinasabi niya? Parang may pinapahiwatig lang.

Naramdaman ko ang basa kong damit. Kailangan kong magpalit ng damit, kaso walang laman ang locker ko, mga libro at basura lang. Kailangan kong umuwi, might as well just sleep for the whole day. I hate this day. Ano bang araw 'to? Malas day?

"Uuwi na'ko." Saad ko.

"Bakit? Ang aga pa." Tanong ni Tao.

"Wala akong pampalit ng damit." Bored na saad ko. Hinawakan ni Kang Hoo ang kamay ko para pigilan ako sa pag-alis. Nagtatakang tinignan ko lang siya.

"May extra akong damit, papahiramin kita." Suhestyon ni Kang Hoo.

Ilang segundo ko din pinag-isipan muna, pero dahil naawa na ako sa prof ko after lunch, I decided to just say yes. Pumunta na kaming dalawa sa locker niya. Inabutan niya ako ng long sleeves na may nakatatak na Emperor sa likod.

I took it and looked at it. "Thanks. Nasaan ang shower room?" Tanong ko.

Nginisian niya lang ako. Kung nakakapagsalita lang ang mata niya, ganito ang sinasabi: 'Ang tagal mo nang nag-aaral dito, hindi mo parin alam.'. Kaya naman tinapakan ko ang paa niya, to the point na mamamatay ang kuko niya sa paa.

"Ouch! Grabe ka naman, brutal ka talaga kahit kailan." Reklamo niya habang hinihilot ang paa. "Tara, magkatabi lang ang shower room ng babae at lalaki."

Naglakad na kami ni Kang Hoo sa malawak at tahimik na hallway, nasa cafeteria kasi ang halos lahat ng estudyante. Mangilan-ngilan lang ang nandito. Kang Hoo and I were talking aout stars when I heard footsteps. When I looked up, I saw Jun, dala-dala niya ang bag niya. Beside him is that woman, nakakapit parin sa kanya na parang unggoy.

Huminto ako, gusto ko siyang makausap.

"Jun wa---." Before I could even finish what I was about to say, iniwasan ako ni Jun at nilagpasan. Binangga pa ako ng babaeng 'yon. I can't belive he's doing this to me. I couldn't take it anymore so. "Fine! So be it!"

I walked towards a different direction, with Kang Hoo following behind. Sebastian Cross, two can play your game.

Then I felt somebody hold my hand, it was Kang Hoo.

"'Wag mo masyadong isipin 'yon. Alam ko na wala na kaming pag-asa na magkasundo ni Jun pero magkakabati din kayo." Pampagaan niya sa loob ko.

I stared at him, he's sincere for once. Ngumiti nalang ako at napahigpit ng hawak sa kamay niya. I didn't know, but holding his hands became a comfort to me.

Paglabas ng shower room, basang-basa pa ang buhok ko at nakalugay. Naka skirt ako at maluwang na long sleeves na may tatak ng Emperor sa likod. Wala ang nerd glasses ko, para tuloy akong ibang tao.

Wala kasing blower, hindi ko tuloy ma-titirintas ang buhok ko. Pagbukas ng pinto, nakita ko ang bagong ligo na si Kang Hoo na naghihintay sa akin. Parehas kami ng suot na damit, saktong sakto sa kanya ang damit samantalang sobrang luwang naman sa akin.

Nginitian niya ako at lumapit.

"Told you, you look hot when you're fresh out of the shower." Eleganteng humila siya ng buhok ko at inamoy ito habang ang mga mata niya ay nakatitig sa mga mata ko.

Sinampal ko ang kamay niya at naglakad na pabalik sa cafeteria.

"Shut up, pervert."

©IF02

The Legendary DurgaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon