JINGU (AGNEZKA PATRIARCA) POV
Kinaumagahan pagdilat ko, sumisilip na liwanag mula sa bintana ang nakita ko, nakakabulag sa mata. Sa pangalawang pagkakaton hindi na ako dapat gisingin ni Jun dahil kusa na akong nagising.
Its 6:30, I need to get ready.
After kong maligo, bumaba na agad ako, baka magismula nang sumigaw si Jun at tawag-tawagin ang pangalan ko. Nasa hagdan palang ako naaamoy ko na agad ang niluluto niya. Ham and egg, sarap!!!
Nang mapansin ni Jun ang yapak ko, lumingon siya sa'kin. He looked at me as if tinubuan ako ng isa pang ulo, ang aga-aga ang sarap niyang suntukin.
"Wow! You're awake and dressed up already, I was just about to go to your room to wake you up. This is a miracle." Pang-aasar niya at tinuloy na ang pagluluto.
"You mean, wake everyone up in the neighborhood?" Pagiging sarkastiko ko.
"Its not like you'll wake up if I whisper to you."
Napairap nalang ako at tinatamad na naupo, pinanood ko siya habang nagluluto. Hmmm? Napansin ko ang suot niyang spongebob apron. Wow, he looks stupid. This is funny! I took out my phone and readied the camera.
"Jun!" Tawag ko sa kanya, nang lumingon siya kinuhaan ko agad siya ng litrato.
"Did you just?!"
"I'll be sure to send it to Nonno, he'll be happy."
"Delete it."
"No way!" Tumayo ako at kumuha ng gatas sa ref. "That apron suits you, promise."
"Not like I can help it, ito ang una kong nakita sa mall at wala akong oras para pumili lang ng maayos na apron kaya hinugot ko nalang 'to."
Maya-maya nakarinig ako ng yapak pababa sa hagdan. Who's that? I looked at the direction of the stairs and was dumbfounded when I saw someone familiar.
"Good morning Ate Jingu, Kuya Jun." Isang maliit at mahinhin na boses.
I forgot. Dito na nga pala titira si Amy from now on. She's wearing the Lindwurm Academy uniform, she looks cute. And her color is much better now, her face looks pale before.
"Good morning Amy, that looks good on you. Halika kain na tayo." Yaya ni Jun.
Kung titignan, para kaming isang pamilya sa ganitong setup. Nakakatuwa, parang magiging masaya ang susunod na mga araw ko.
After eating, magkakasama na pumunta kami sa school. Paglabas ng kotse marami na ang mga estudyante na pumapasok. Sinulyapan ko si Amy, dahil for sure na excited siya, but I was wrong. She looked a little pale than usual.
"What's wrong? May masakit ba sa'yo?" Nag-aalalang tanong ko.
Umiling si Amy at pinilit ang sarili na ngumiti. "Hindi lang ako masyadong sanay sa maraming tao. Lagi kasi akong nasa loob ng sanctuary noon. Ito ang unang pagkakataon na nakatapak ako sa isang school." Paliwanag niya.
Mukhang kinakabahan nga siya. Ilang taon ba siyang nag-stay doon? Kahit isang beses manlang ba hindi siya pinag-aral sa normal na ekswelahan? Grabe ha, mas mahirap pa ang buhay na tinahak niya kaysa sa'kin. Atleast ako nakakalabas ako ng bahay.
"Amy, don't worry. This school is owned by a friend, 'wag kang matakot. You'll be safe here, walang kukuha sa'yo dito o mangyayaring masama. Trust me." Pampagaan ko sa bata.
Lumapit din si Jun at tinap ang ulo ni Amy. "She's right."
"'Wag kang mag-alala, 'pag lunch na pupuntahan ka namin para sabay tayong kumain. Ok ba sa'yo 'yon?"
Tumango si Amy at nagsimula nang maglakad papalayo, papunta sa elementary section building. Naglakad narin kami ni Jun papunta sa college building, nang makasalubong namin ang Gay Group.
"Cutie!!!" Tumakbo papalapit sa'kin si Tao at yumakap. "Pwede mo nang tanggalin ang salamin mo, hindi mo na kailangan mag disguise."
"She still needs it." Banat ni Jun. Hindi na'ko sumagot, wala ako sa mood makipag tangahan sa kanila.
"Nakakagulat ang transformation mo kagabi Jingu. Para kang prinsesa, ngayon bumalik ka nanaman sa pagiging nerd." Komento ni Regis, manghang-mangha 'yan kagabi pa eh. Paulit-ulit niyang sinasabi, parang sirang plaka.
"Πού είναι το παιδί; (Na'san 'yung bata?)" Tanong ni Shark sa'min.
Mukhang fond na fond siya kay Amy ah. Minsan na nga lang siya magsalita lagi pang Greek, 'yan lang ba ang alam niyang lingwahe? Ibig sabihin hindi niya kami naiintindihan 'pag nag-uusap kami kaya siya tahimik.
"Δημοτικό κτίριο.Μην μιλάτε μόνο ελληνικά; Δεν ξέρω πώς να μιλήσω Ταγκαλόγκ; (Elementary building. Greek lang ba ang alam mong salita? Hindi ka ba marunong mag tagalog?)"
May perks din naman pala ang malaman lahat ng klase ng lingwahe. Ngayon hindi ko na masyadong kinamumuhian ang araw na pinilit ako ni lolo na pag-aralan lahat.
"Μπορώ, εγώ απλά δεν θέλουν να. (Marunong, ayoko lang mag Tagalog.)"
Easy niyang sagot tapos 'yon na, hanggang doon nalang ang pag-uusap namin. Nang matapos ang usapan namin, nakatingin sa'kin si Tao at Regis na para bang nagkaroon ako bigla ng malaking nunal sa ilong.
"Problema niyo!?" Kunot noong tanong ko.
"Pinag-aral mo dito si Amy, dito sa delikadong lugar na 'to?" Hindi makapaniwalang usal ni Regis. "Hindi mo ba alam kung gaano ka importante ang batang 'yon?! Siya ang Moon Priestess! Isa siya sa pinaka importanteng tao dito sa mundo, madali siyang makikidnap dito." Parang naghy-hysterical na nanay na usal ni Regis.
"Tanga-tanga mo, siyempre alam ko. Masyado kayong over-protective, kaya madali siyang nakikidnap eh, hayaan niyo siyang mabuhay bilang isang normal na bata. Nakikita niya lang ang future 'yon lang, bata lang siya. Hindi siya habang buhay na magtatago at walang kaibigan. She needs a life out of that d*mn future thing, she's a god d*mn kid."
"Tama siya." Pinagtanggol ako ni Kang Hoo.
Pagdating namin sa room, as usual nagkakagulo nanaman ang mga babae. The guys did their usual routine too. Panay ang tili ng mga babae sa pangalan ni Kang Hoo, eh mukhang napikon si gago.
"SHUT UP! Makarinig pa ako ng ingay mula sa inyo at sisiguraduhin ko na warakin ang mga mukha niyo." Sigaw ni Kang Hoo at agad na nagsialisan ang mga babae sa takot.
Naalala ko bigla ang Battle Royale. Isang araw nalang at magsisimula na ang laro, may mahahanap kaya ako sa pagsali d'on? Alam kong meron, hindi pwedeng wala.
Lunch break na, nagmamadali akong ligpitin ang gamit ko. Gusto ko kumain kasama si Amy. Lumapit si Tao sa'kin at nag-puppy eyes nanaman. Ito talagang human pet ko.
"Bakit ka nagmamadali Cutie?" Tanong ni Tao, tinilit pa talaga ang ulo at nagpa cute.
"I'm worried about Amy, first time niya pumasok sa school. Baka mamaya umiiyak na 'yon o 'di kaya binubully." Tugon ko habang inaayos ang gamit.
Pareho kami ni Tao na nagmadali papunta sa elementary building para sunduin si Amy, sumunod naman 'yung iba. Habang naglalakad sa hallway papunta sa room ni Amy, madaming bata ang nagtatakbuhan. Sobrang ingay ng elementary building.
"Freaking kids, ang lilikot." Reklamo ni Kang Hoo, ang mukha niya nanunukot sa inis.
"Hindi ka mahilig sa mga bata?" Tanong ko habang ang mukha niya disgustong-disgusto.
"Kinamumuhian ko sila." Bukal sa puso niyang sibat. "Pero hindi kasali ang mga mahihinhin at tahimik na bata."
"Naging bata ka din naman ah."
"Pero hindi gaya nila. Hindi ako ganyan kalikot."
"Ibig sabihin, boring pala ang buhay mo Kang Hoo."
"Hindi kasing boring ng buhay mo, Nerdy." Pinitik niya ang noo ko at nginisian ako.
Aba gago 'to ah, nilagyan talaga ng pwersa ang pitik niya. Pakiramdam ko magkakabukol 'to. "Cazzo! Ang sakit nun ah." Reklamo ko habang hawak ang noo.
Nang makakita ako ng tyansa, sinipa ko ang binti niya ng sobrang lakas.
"Ouch! Sonnova---"
Namimilipit siya sa sakit, sinadya ko talagang laksan. Alam ko ang pakiramdam ng masipa sa binti, masakit talaga. Binilisan ko ang lakad ko, binigyan ko siya ng dalawang middle finger at binelatan.
"You b*tch! 'Pag nakalapit ako sa'yo lagot ka sa'kin." Banta niya.
Nagpipigil tumawa si Regis, Tao at Takeo.
"Tumawa na kayo kung gusto niyong tumawa, baka kung ano pa ang mailabas niyo diyan!"
Nang matanaw ko si Amy na nakatayo sa may pintuan ng room niya, tinawag ko ang pangalan niya. "Amy!" Kumaway ako.
"Ate at mga Kuya!" Tumakbo siya sa'kin at yumakap.
She's smiling, there doesn't seem to be a problem.
"Kamusta ang first day mo, Little Princess?" Tanong ni Regis.
"Sobrang mabuti, I met a lot of people. Madami din akong mga bagay na natuklasan, naglaro kami ng games at kung ano-ano pa." Tuwang-tuwa na kwento ni Amy. Parang kumikislap ang mga mata niya habang nagkwekwento. This time hindi na siya nag prepredict ng future, normal na bata nalang siya.
"Let's eat lunch together." Yaya ko.
Tatango na sana siya nang biglang parang may naalala siya. Pumasok ulit siya sa classroom niya. May naiwan ba siya? Paglabas niya may hila-hila na siyang lalaki na kasing edad niya.
"This is Taki, my new friend." Pakilala ni Amy sa gwapong batang lalaki.
May kamukha 'tong batang 'to, parang nakita ko na siya kung saan. Medyo may kahabaan ang buhok, and kamukha niya si... Takeo! Sobrang kamukha, parang little version ni Takeo. Pabalik-balik ang tingin ko kay Takeo at sa batang si Taki, sobrang magkamukha. Parang pinagbiyak na buko. Hinila ko si Takeo at pinagtabi silang dalawa.
"Onii-sama (Brother)." Nag bow ang batang si Taki kay Takeo
Did he just...? "Magkapatid kayo?" Tanong ko.
"Opo. Ang pangalan ko ay Yamazaki Taki, pwede niyo po akong tawaging, Taki." Nag bow siya sa akin at gaya ng kuya niya wala siyang masyadong ekspresyon sa mukha, napakagalang niya pa. "Kamusta po kayo Kobayashi-san, Lowsley-san at Chun-san? Matagal po tayong hindi nagkita." Nagbigay galang naman siya sa mga bugok.
"Yo! Taki-kun!" Bati ni Regis.
Si Tao naman niyakap si Taki, kahit na hindi nagbabago ang ekspresyon ng bata, alam kong naiirita siya sa yakap ni Tao.
"Hindi ka parin nagbabago Taki." Ginulo naman ni Kang Hoo ang buhok ng bata. "Ipapakilala kita sa kanila. Ang mukhang demonya na 'yon ay si Hitsugaya Jingu at ang stiff na lalaking 'yon ay si Hitsugaya Jun, kambal sila." Tinignan ko ng masama si Kang Hoo, sinong mukhang demonya?
"Hi!" Bati ko sa bata, pero si Jun ay nanatiling tahimik.
"Kinagagalak ko kayong makilala." Tinignan kami ng matagal ni Taki. "Parang hindi kayo kambal." Komento nito.
Nagulat ako, 'yon talaga ang una niyang comment sa amin. Para hindi na mapagusapan ang pagkakaiba ng mukha namin ni Jun, agad kong iniba ang topic.
"Hindi pa ba kayo gutom, tara kain na tayo?" Pilit kong ngiti.
"Tara Taki, kain na tayo." Yaya ni Amy kay Taki at talagang hinawakan pa niya ang kamay nito, nauna silang tumakbo papunta sa cafeteria.
Natutuwa ako na parang normal na bata na si Amy ngayon, kaso nakakaiyak ako, parang nakikita ko ang anak ko na nagkaka boyfriend na.
"Naiiyak ka ba mommy?" Sumilip si Kang Hoo sa'kin na parang nang-aasar.
"Shut up, bastardo."
~THE LEGENDARY DURGA~
Nakakabulahaw na tunog ng cellphone ko ang sumira sa masarap kong tulog.
Ugh! Cazzo! Sino ba 'tong istorbo na'to? Ang aga-aga tumatawag. Hindi ba nag-iisip kung sino mang kupal na tumatawag na baka natutulog pa 'yung tinatawagan niya? Na baka puyat? O di kaya ayaw pa gumising?
Panay ang kapa ko sa ilalim ng unan, hinahanap ang phone ko habang nakapikit.
Hindi ko mahanap. Hayaan ko nalang kaya? Kaso masaklap ang buhay, malakas ang volume ng phone ko at parang nangi-insulto pa 'to, sinasabing; Haha! Hindi ako matatahimik 'pag hindi ka bumangon! Sisirain ko ang umaga mo!
"Cazzo! (Fck!)"
Padabog akong bumangon at hinanap ang phone ko, nasa sahig pala. Pinulot ko agad 'to dahil parang walang balak na tumahimik at tigilan ako ng kung sinong tumatawag. Hindi na ako nag-abala para tignan ang caller ID.
"What the f*ck do you want?! I'll give you thirty seconds to redeem your worthless life, *ssface. If it's something nonsense, I'll make sure to bury you fifty feet under until you're in the depths of hell, face first, son of a b*tch!"
Dahil sa init ng ulo ko, kung ano-ano na ang nasabi ko. Hinintay ko na sumagot ang nasa kabilang linya pero walang nagsalita. Tinignan ko ang Caller ID, not registered. Prank call? F*ck, ang aga-aga pinapainit ang ulo ko.
"I don't know who you are, but I'll f*cking track you down and your whole family. I'll make sure you suffer and make you wish you were never born in this God forsaken world, b*stard!" Nanggigigil na banta ko.
"You never change."
Natigilan ako at biglang namawis ang mga palad ko. Kinabahan ako bigla, d*mn! That voice, I know who owns that voice.
"N-Nonno? (G-grandfather?) Is that you?" Hindi makapaniwalang tanong ko.
"That is right. Were my teachings not enough for you to remember to always mind your manners and never swear?" Tanong niya.
D*mn! Kahit na malayo siya natatakot parin ako. Lakasan mo ang loob mo A, nasa New York ang matandang 'yon, nandito ka sa Pinas. Ilang milyon ang layo niyo sa isa't isa.
Huminga ako ng malalim bago ulit magsalita. "Forgive my rudeness Nonno. May I ask why you called? Did you perhaps miss me?" Ngingisi kong tanong.
"I have a favor to ask of you Agnez." Wika niya sa kabilang linya.
Favor? Bakit hindi nalang niya sinabi kay Bia? Atsaka never niya pa akong hiningian ng pabor. Hinintay ko ang susunod niyang sasabihin.
"Please take care of little Amy." Pakiusap niya.
"We already are."
"I know. Agnez, let her live a normal life as a kid, as a normal girl."
"You don't have to tell me Nonno. Just seeing her eyes I already know the hassle she went through just by being able to read the future. I'm not goint to let her be like me or the others."
"I'm really glad to hear that." Ramdam ko na nakangiti siya sa kabilang linya.
"Yes, don't worry about her. She made some friends, a guy friend. She's going to school now too. Amy's basically a normal girl these past few days." Hindi na siya nagsalita sa kabilang linya kaya napag desisyunan ko nang magpaalam. "Anyway, I have to go now, I need to take a bath or else I'll be late. Take care Nonno."
Bago ko pa man ibaba ang telepono, nagsalita siya.
"Agnez. I miss you my Graddaughter."
"Aww! You're so chessy Nonno."
"Agnez." Pagbabanta niya na nakakalimutan ko nanaman ang manners ko.
"Yeah, I'm going now." I couldn't say I missed him too. I still couldn't forget what he did, and I still held that grudge until now. I might be talking to him like normal but I'm still not fine.
Then binaba ko na ang telepono, without saying a word of goodbye.
Pagtapos ko gawin ang umagang seremonya ko ay bumaba na ako. Nakita ko si Jun na naghahanda na ng pagkain. Ang kakaiba lang ay may naririnig akong maingay sa salas.
"Ano 'yung maingay na 'yon?" Tanong ko habang pababa.
But slowly I could tell what it was, rather who it was. Ang aga-aga bakit kailangan masira ang peacefull morning namin? Nangingibabaw ang isang boses d'on. Inilingan ako ni Jun at tinuro ang salas.
Pumunta ako d'on para lang makita ang mga mokong. Siyempre kanino pa ba ang nangingibabaw na boses? Kay Tao! Si Shark naglalaro ng PSP sa sulok. Si Takeo naglalaro ng chess kalaban si Kang Hoo. Si Regis, Tao at Taki ay nanonood ng TV habang nag-iingay.
Napansin ni Kang Hoo ang pagdating ko, lumapit siya sa'kin. "Gising ka na pala." Hinawakan niya ang basa ko pang buhok, hindi ako nag-blower dahil tinatamad ako, kaya hindi pa naka braids ito.
"Ano naman ang ginagawa niyo dito mga de puta?"
"Mas maganda ka talaga 'pag hindi mo suot ang fake glasses mo at 'pag hindi naka tirintas ang buhok mo." Komento niya, hindi manlang sinagot ang tanong ko.
"Wala akong pakialam, hindi ko hinihingi ang opinyon mo." Tamad kong usal. "Bakit kayo nandito?" Tanong ko ulit.
"Kas--" Naputol ang sasabihin ni Kang Hoo nang napasigaw si Tao.
Napansin niya na nandito ako, tumalon siya papunta sa'kin na parang bata at lumambitin nanaman sa'kin. "Cutie, morning! Ngayong gabi ang pangalawang round ng Battle Royale, kaya naisip ko, bakit hindi nalang tayo gumala ngayon at 'wag nang pumasok." Anyaya ni Tao na excited na excited.
"Hindi pwede." Sumulpot bigla si Jun sa likod ko. "Papasok kami."
I already saw this coming, alam kong ganito ang sasabihin ni Jun. Ok lang naman sa'kin either way. Bumaba na si Amy at naka uniform nadin, ngayon na napansin ko, hindi naka uniform ang mga mokong dito.
"Wow, ang saya naman ngayong araw. Good morning guys." Bati ni Amy. Nang mapansin niya na andito si Taki agad siyang tumakbo papalapit dito. "Taki! Nandito ka din pala."
Tumango naman si Taki at may iniabot sa kanya. Boquet, mga labindalawang mapula-pulang rosas. Napataas ang kilay ko at tinignan ko ang mga mokong na ngayon ay umiiwas ng tingin sa'kin.
Halatang may nagturo sa bata.
"Sino nagturo kay Taki?!" Nananakot na boses ko habang naka pamaywang. Lalo silang nag effort na umiwas ng tingin. "Kung ano-ano tinuturo niyo sa bata!"
"Naiinggit ka lang kasi hindi ka pa nakakatanggap ng bulalak eh." Pangaasar ni Kang Hoo na lalong nagpa-init ng ulo ko.
Anong hindi pa nakakatanggap?! Halos masuka na nga ako sa itsura ng bulaklak noon. Kita ko na tuwang-tuwa si Amu sa nakuhang bulaklak. Dumukot ng isang pirasong rosas si Kang Hoo at iniabot sa'kin. Hindi ko ito kinuha at tinignan lang siya na para siyang nasisiraan ng bait. Kinuha niya ang kamay ko ang pilit na ipinahawak sa akin ang rosas.
"Anong gagawin ko dito?" Parang nadidiring tanong ko.
"Binibigyan kita ng bulaklak." Sarkastikong sagot niya.
"I d--."
Magsasalita na sana ako nang tawagin na kami ni Jun para kumain ng agahan. Parang mga bata na nagtakbuhan ang mga mokong. Napangiti ako ng hindi ko napapansin. Noong nasa mansyon pa ako ng Patriarca, laging kaming dalawa lang ni Nonno ang kumakain sa napaka habang table, malungkot at tahimik. Noong una dalawa lang kami ni Jun na kumakain sa mesa na'to pero ngayon madami na, hindi pa kami kasya lahat kaya nakatayo ako pati 'yung iba.
"Nakangiti ka." Wika ni Kang Hoo.
Nilingon ko siya at nakitang pinapanood ako nito. "Talaga?"
Tinanguan niya ako. "Dapat lagi kang ganyan." Tinuon ko ulit ang tingin sa magulong agahan.
"Yeah."
~THE LEGENDARY DURGA~
JUN (SEBASTIAN CROSS) POV
Nagulat ako nang biglang may nag doorbell, ang aga-aga pa. Nang buksan ko ang pinto, sila Kang Hoo at mga tropa niya ay nandito kasama pa si Taki.
Sabi ni Tao dahil mamaya na daw ang round 2 ng Battle Royale 'wag na daw kaming pumasok at ilibot nalang daw si Amy. Hindi ako sumang ayon dahil kahit kaming tatlo lang nila Jingu ang lumibot ay ayos lang naman. Pero kahit na tumanggi ako, tuloy parin ang pagpasok nila sa bahay.
"Pasensya na po sa istorbo." Nag bow si Taki sa akin.
Napaka ma-respeto ang bata na ito, hindi mo iisipin na balang araw ay pamamahalaan nya ang isa sa pinaka malakas na Yakuza sa Japan. Ginulo ko ang buhok niya bilang tugon na ayos lang.
Pumasok silang lahat at agad na nag feel at home, nanood ng TV at naglaro ng games. Dahil maraming tao sa bahay at dahil nagluluto nadin ako, dinamihan ko na ang niluluto ko para sa kanila.
Naramdaman ko na gising na si Jingu at sumisigaw siya sa kwarto niya, siguro may tumawag sa telepono niya at nagising siya. Biglang tumahimik, nakatulog kaya siya ulit?
Narinig ko ang yapak ng paa ni Jingu, nagtanong siya kung bakit maingay. Sabi ko tignan niya at mukhang uminit ang ulo niya sa nakita.
Lumapit si Kang Hoo kay Jingu at hinawakan niya ang buhok nito. It took my whole power not to punch him right there and then. Hindi ko alam ang sinasabi niya kay Jingu at naiinis ako sa sitwasyong ito.
Pagtapos kong magluto agad ko silang tinawag lahat at sinabing luto na ang pagkain. Pagtapos n'on ay parang mga bata silang nagsitakbuhan papunta sa dining room. Habang kumakain naman kami, napansin ko na nakangiti si Jingu, siguro ay pakiramdam niya masaya ang paligid dahil maraming tao at dahil dati kaming dalawa lang ang gumagamit ng malaking mesa na ito.
Narinig ko na kinausap ni Kang Hoo si Jingu at napansin ko na nakangiti parin si Jingu kahit magkausap sila. I admit, nagseselos ako. Pero wala akong magawa, kuya niya ako, kakambal pa. Hindi ako pwedeng umarte na parang possesive boyfriend na inilalayo siya sa lalaki.
Boss, sinusumpa kita at nilagay mo ako sa ganitong sitwasyon.
Pagkatapos nilang kumain, sabi ni Tao na pumunta daw kami sa beach. Hindi pa daw kasi nakakapunta sa beach si Amy.
~THE LEGENDARY DURGA~
YAMAZAKI TAKEO POV
Habang nasa tahanan kami ng mag kapatid na Hitsugaya, napansin ko na nag-uusap si Jingu at Kang. Si Kang, kasa-kasama ko na 'yan bata palang ako, kilala ko na 'yan. Hindi siya basta-basta ngumingiti kung kani-kanino lang. Lagi nga niya sinisimangutan ang hindi niya kakilala.
Nakakagulat nang ngitian niya si Jingu at parang masaya talaga siya na kasama ito.
"Hey." Naramdaman ko nalang ang tapik ni Kang sa balikat ko. Nandito na kami sa beach, maalat ang simoy ng hangin. "I know you don't like this kind of place, sorry I got you dragged." Inabutan niya ako ng coke bilang pampalubag loob, kinuha ko ito.
"Even though you knew, you always drag me everywhere." Tugon ko at tinungga ang coke in-can na inabot niya.
"Yeah, that's why my sorry is always just a word."
"You like her?" Biglang tanong ko sa kanya.
Tinawanan niya lang ako. "So straight forward as always, you never change." Tawa niya pa. "I remember whe---" Tinignan ko siya, sinusubukan niyang baguhin ang usapan. "Alright. How should I say this... She's a funny girl and I don't get bored when she's around."
"Hmmm."
~THE LEGENDARY DURGA~
SOMEONE'S POV
Isang itim na porsche ang naka park sa hindi kalayuan, kung saan tanaw na tanaw ang grupo nila Jingu na nagsasaya sa beach. Isang lalaki ang nakasimangot habang masinsin silang sinusubaybayan. Sa totoo lang hindi nito nagugustuhan ang nakikita.
Tumunog ang telepono niya na pumutol ng kanyang panonood sa grupo nila, salubong ang kilay na dinampot niya ito.
"Ako 'to. Anong masasabi mo?" Sabi nung nasa kabilang linya.
"Magiging masaya ang pagbalik ko." Tugon ng lalaki sa loob ng porsche. Ngumiti ito ng hindi kaaya-aya at humithit sa yosi na kanyang hawak.
Tumawa ang lalaki na nasa kabilang linya. "Sabi ko naman sa'yo eh."
"Kailangan natin kumilos ng mabilis." Sabi nung lalaki bago bumuga ng usok.
"Walang problema." Sagot naman nung isa. "Oo nga pala, welcome back."
©IF02
BINABASA MO ANG
The Legendary Durga
ActionShe is a wonder. She is stunning. She is a Goddess. Fighting against armed men, killing them in the blink of an eye, swinging her sword as if she was dancing an exotic dance and a dangerous smile creeping on her face, smile that could make people tr...