JUN (SEBASTIAN CROSS) POV
Pagkatapos namin patigilin sila Jingu maglaro, bumalik na kami sa plano namin gawin. Tinanong ko na ang mga bagay na gusto kong tanungin, una na ang Pulang Ulan, may ideya at ilang alam na ako tungkol sa nangyari doon, pero hindi sapat ang impormasyon ko.
I'm sure na konektado ang Pulang Ulan kay Gio at lalo na sa grupo na 'yon.
Dahil nangako ako sa sarili ko na hindi ko na hahayaan na makita ulit si Jingu ng ganoon, gagawin ko ang lahat, kahit pa kailangan kong lumapit sa taong 'to, para lang mahanap ang hayop na 'yon. I'll do it, if its for her, I'll do it.
Hindi na'ko nagulat o nagtaka sa reaksyon nila Kang Hoo, ganito din kasi ang reaksyon ng ibang mga informat ko, as soon as I asked about that incident. Hindi na ako nag-abalang magtanong pa ulit, sigurado namang wala akong mapapala.
This is one heck of a hard case.
"Pasensya na kung hindi namin masagot ang tanong niyo." Paumanhin ni Regis, ang ngiti sa mukha pekeng-peke pa sa China phone.
"Naiintindihan ko, hindi naman importante, kalimutan niyo na." Saad ko.
Pampalubag loob ko nalang sa kanila, hindi ko rin naman inasahan na makakakuha ako ng magandang impormasyon sa kanila, nagbakasakali lang ako.
Napag desisyunan namin na magtulungan sa paghahanap sa mga hinahanap namain, tutal mukhang nasa parehas na lugar lang naman ito, sa Star Tower. Tingin ko hindi nagkakalayo ang pakay namin sa kanila. At kung magkataon nga na parehas kami ng pakay, kailangan kong gumawa ng paraan para sa kamay namin mapunta ang Moon.
"Tatlong araw nalang ang natitira bago ang susunod na Battle Royale sa Star Tower." Saad ni Tao, he seems recovered. "Nakuha niyo na ba ang impormasyon na kailangan niyo?" Patukoy niya sa treasure na hinahanap namin ni Jingu.
"Konti." Sagot ko.
"Kung ganoon, alam niyo naba kung sino ang pasimuno ng Battle Royale?" Umiling ako. "Parehas tayo. LOL!" Tawa nito, bumalik na siya sa dati.
"Ehem!" Agaw atensyon ni Kang Hoo. "Bukas magkakaroon ng party, at ang mga bagay o tao nating hinahanap ay siguradong nand'on. Baka makita niyo din ang impormasyon na gusto niyo, malay natin. Pwede kayong sumama sa'min, gagawan namin ng paraan para magkaroon kayo ng invitation." Banat nito.
"'Wag ka nang mag-abala, may invitation na kami, for sure na dadalo kami d'on." Sabutahe ko sa plano ni Kang Hoo. Tingin niya ba kailangan ko pa ang tulong niya sa maliit na bagay na kagaya non?
"Mabuti naman, since sabi mo na pupunta kayo may naisip akong maganda at simpleng plano." Hinintay ko na sabihin niya ang so-called –maganda at simpleng plano niya. "Alam niyo naman siguro na mahilig sa babae si Sasaki." Tumango kaming lahat. "Pwede nating---."
"Kung ano man 'yang sasabihin mo, hindi ako papayag." Pinutol ko agad ang sasabihin ng hinayupak. Alam ko na ang gusto niyang mangyari, at siyempre hindi ako sang-ayon. Bakit naman ako papayag sa plano niya in the first place?!
"Don't tell me gusto mo landiin ko si Sasaki?" Tanong ni Jingu.
Of course Jingu is not going to allow such thing, she is Agnezka Patriarca and this impudent b@stard just blantantly gave a stupid suggestion. It makes me want to stab him in the face. She's the type that hate beings used.
"Parang ganoon na nga." Sagot ni Kang Hoo na may ngisi.
"Hmmm." Tumingin sa paligid si Jingu, parang nag-iisip. "Sure! Never ko pa na-try 'yon so baka pumalkpak ako, but I want to try it." Parang wala lang na sabi ni Jingu.
"No way! Hindi ako papayag, that's dangerous!" Napasigaw ako and again nawala ang kontrol ko sa sarili. I held both her shoulder and shook her, as if to wake her up from her stupidity. "Are you out of your mind?! Do you really want to do that?"
"What a sister-complex, kahit pa twins kayo hindi ba sobra naman 'yang pag-aalala mo? Don't worry, I watched kung paano pugutan ni Jingu ang halimaw noong huling Battle Royale, I think she can handle herself just fine." Ngisi ni Kang Hoo sa'kin.
"I'm not asking for your opinion!" Nang gagalaiting sigaw ko, habang tinitignan ng masama si Kang Hoo. "Don't make me kill you." Banta ko pa.
"Try it if you can!" Ngisi naman ni Kang Hoo.
"This b@stard..." Lalapitan ko na sana si Kang Hoo at susuntukin nang pigilan ako ni Jingu.
"Hey! Calm down." Pagpapahinto niya sa'kin.
Nang aamba narin ng suntok si Kang Hoo, pinigilan naman siya nila Tao at Regis.
"Delikado 'yon Kahoo, 'wag na, iba nalang." Nag-aalalang suhestyon ni Tao. Buti nalang at ayaw nitong isa na'to na may mangyaring masama kay Jingu.
"Its fine, I can protect my self." Walang bahala na sambit ni Jingu, akala mo wala lang. Tumingin siya sa'kin at ngumiti. "Don't worry, I'll be fine, so let me do it."
Lalo akong nainis, muntik na nga dumilim ang pangingin ko. Bakit ba pinipilit niya pa? Pwede namang hindi. Marami pa namang pwedeng gawin, there's a lot of ways to get to Sasaki. Hinawakan ko ang dalawang braso niya, inalog ko siya, baka sakaling magising siya sa kahibangan na gusto niyang gawin.
"Jun!" Sigaw ni Jingu sa'kin.
"But I do worry!" Sigaw ko sabay tinigil ang pag-alog. "Kahit sabihin mo sa'kin 'yan ng ilang beses, nag-aalala parin ako!"
"Look, walang mangyayaring masama. You know me, I can just kill Sasaki if something happens."
Hinawakan ni Jingu ang magkabilang pisngi ko at pinag-untog ang noo namin. Nginitian niya ako, pinapahiwatig na ok lang ang lahat. Dahil wala na akong magawa, bahala na. Basta kung may hindi man magandang mangyari, ako na ang bahalang papatay kay Kang Hoo, dahil siya ang nagplano nito at nagbigay kay Jingu ng dahilan para gumawa ng ganito.
Napa buntong hininga nalang ako. "Fine."
Pagkatapos naming mag-usap tungkol sa plano para bukas ng gabi sa party, umuwi na kami ni Jingu para maghanda ng mga kakailanganin namin. Pagdating sa bahay, agad akong nagluto ng kakainin namin para sa hapunan.
"Anong gusto mong ulam?" Tanong ko habang tinitignan ang ref namin na punong-puno.
"Kahit ano." Walang buhay na sagot ni Jingu.
Pagtapos namin kumain, umakyat agad si Jingu, mukhang may iniisip. Hindi ko na siya tinanong kung anong problema, hinintay ko nalang na matulog na siya. Nang sigurado na ako na tulog na si Jingu, lumabas na ako ng bahay at dumiretso papunta sa headquarters. Kailangan ko talagang malaman ang tungkol sa Pulang Ulan, dahil ito lang ang konektado sa nangyari kay Gio.
Pagdating sa headquarters agad akong pinapasok ng mga nandoon.
"Magandang gabi, Boss Fernando." Nagbigay galang ako sa pinuno ng Philippines branch at marespeto ko siyang binati. "Pasensya na kung naistorbo ko ang gabi niyo, nandito ako para sana, magtanong."
"Magandang gabi din, maupo ka muna." Iginiya niya ako sa isang komportableng upuan. "Napaka importante siguro ng itatanong mo't kahit sa gitna ng gabi'y talagang nagpunta ka pa dito, patago pa sa Prinsesa." Malumanay na saad ng matanda.
Dumating ang Chairman na may dala-dalang tsaa, tig-isa kaming inabutan nito. Tinanguan ko lang si Chairman bilang pasalamat.
Tumingin ako ng diretso kay Boss Fernando. "Oho, nandito ako para sana tanungin ang tungkol sa Pulang Ulan." Seryoso kong usal na tila ikinatahimik naman ng matanda. Hindi naman nakatakas sa mata ko ang panginginginig ng kamay ni Chairman, at ang panlalaki ng mata nito na agad namang bumalik sa normal.
Huminga siya ng malalim at uminom ng tsaa. "Bakit mo gustong hanapin ang pumatay kay Giotto?" Tanong pa ng matanda, nakatingin ng diretso sa mata ko, pakiramdam ko binubuksan niya ang utak ko.
"Kailangan." 'Yon lang ang nasabi ko.
"Matagal-tagal narin nang marinig ko ang madugong pangyayari na 'yon."
"Konektado sa pagkamatay ni Gio ang Pulang Ulan, I need to find his killer, fast. Please, sabihin mo sa'kin ang nangyari noong araw na 'yon." Pakiusap ko sa matanda.
Tumayo si Boss Fernando sa kinauupuan at lumapit sa bintana, huminga siya ulit ng malalim bago magsalita. "Bago ako magsimula, pwede bang sabihin mo sa'kin ang rason kung bakit nagbago ang isip mo? Noong una kitang nakita alam kong hindi ka sang-ayon sa plano ng Prinsesa na hanapin ang pumatay kay Giotto."
"I didn't want to see her suffer, not again. Everytime na maalala niya ang nangyari noon, nag-iiba siya, dumadating sa punto na wala na siyang nakikita o naririnig. She looked so helpless and weak, I didn't want to see her in that state again. Ayoko na siya makita na umiiyak."
"Naiintindihan ko, kung ako ikaw gagawin ko din ang desisyon mo. Hindi ko din matitiis na makita si Agnezka ng ganoon, iniisip ko palang nagpipira-piraso na ang puso ko."
"Kaya hahanapin ko ang pumatay kay Gio, at ako mismo ang magdadala sa kanya kay Agnezka. I'll never let her cry or suffer."
Nanginginig ang mga nakakuom kong palad nang sabihin ko ang mga katagang 'yon. Naalala ko kung pano tumulo ang luha sa mga mata ni Agnez at kung gaano ka blanko ang mga mata niya.
"Anim na taon narin ang lumipas." Panimula ni Boss Fernando. "Mainit ang panahon noong araw na 'yon, walang kahit isang patak ng ulan o hangin. Dahil sa pangyayaring 'yon naging maingay ang underworld ng Pinas. Gera 'yon, meron isang malakas na Yakuza na bumisita dito sa Pinas, ang Ryuugumi. Sikat sila at malakas, hindi lang sa Japan, kundi pati sa ibang bansa. Isang araw mayroon silang kinidnap na bata, na naging sanhi ng pagkawasak ng Ryuugumi."
"Sino?"
"Ito ang bagong silang na Prinsesa ng Araw."
"Prinsesa ng Araw?" Nagtatakang tanong ko, bakit parang wala akong naririnig na ganyan? Niloloko ba'ko ng matandang 'to, no he wouldn't do that. Is this connected to that missing Moon that the GodFather wants us to search.
"Siguradong alam mo na ang nawawalang Moon, kung may buwan, laging may araw. Parehas lang sila ng kapangyarihan."
"Kaya nilang malaman ang kinabukasan?"
"Tama, pero walang nakakasigurado kung talaga bang may kapangyarihan ang dalawang prinsesa."
"So anong nangyari sa Prinsesa ng Araw?"
"Dahil masyadong gahaman ang Ryuugumi, ginusto nila ang kapangyarihan ng Araw, akala nila magkakaroon ng magandang ending, pero hindi. Of course, galit na galit ang tatay ng Araw, sa sobrang galit niya inutusan niya lahat ng tauhan niya na durugin ang Ryuugumi. Brutal ang laban, ang nakakatawang parte ay isa ako sa mga tauhan na 'yon. The fight was one-sided, we literally massacred all of them."
"..."
"Walang sinabi sa balita na uulan pero sa isang partikular na lugar, umulan ng dugo. Nabalutan ng pulang likido ang mansyon na tinutuluyan ng Ryuugumi, marami ang namatay. Pero hindi na report o na news flash manlang ang nangyari noong araw na 'yon."
"What happened to the Princess of the Sun?" Tanong ko.
"Hindi namin siya nahanap, hanggang ngayon hindi namin alam kung buhay ba o patay na siya. Sinusubukan parin naming hanapin kung nasaan na ba talaga siya."
"S-sino ang tatay niya?" Hindi ko alam pero biglang tumibok ang puso ko ng mabilis nang itanong ko 'yan. Nalamig din ang mga palad ko at pinagpawisan ako.
"Giotto Patriarca."
"Sh*t!" Napahilamos ako sa mukha.
Gio?! May anak si Giotto? Why? Bakit wala akong alam tungkol dito? Six years ago, if I remember I was in the hospital and I was in a comatose state for a year. I don't remember what happened then, but I was told that I was given a mission, a hard mission and then I failed. When I woke up, Giotto is dead. Paanong nangyari 'yon? When I was in a comatose state he attacked the Ryuugumi?
"I was in a comatose state that time, but if it was six years ago at tatay na si Gio. Why don't I know about it? I don't have any memories, that Giotto has a wife or a woman." Nalilitong tanong ko sa matanda. Umiikot ang isip ko, hindi ko inaasahan na ganito pala ang nangyari sa Pulang Ulan, na may anak na pala ang matalik kong kaibigan, pero hanggang ngayon nawawala parin ito.
"Panahon na siguro para sabihin sa'yo ang lahat."
"What?! What do you mean? What's going on? Why don't I recall anything? Why didn't anyone tell me about this!? I was in a coma, and when I woke up, he's dead. My bestfriend is dead! If what you said it true, I should know that he was going to be a d@mn father and that he even had a woman. Why don't I know of it?"
"Nakakagulat na makita kang ganito. Ipapaliwanag ko sa'yo ang lahat. Bago ka ma-coma, alam mo na na magiging tatay na si Giotto, isinilang na ang bata noong mga oras na 'yon. Handa na si Giotto noon na tanggapin ang family at ang mga responsibilidad nito. Kung hindi lang siya namatay, siya na ang boss ngayon. May spy na nakapasok, spy ng Ryuugumi, kinuha nila ang bata ng hindi napapansin ng iba. Nahuli mo ang pangyayari, sinundan mo ang lapastangan at sinubukan na kunin ulit ang bata, pero masyado silang madami at talagang pinaghandaan nila ang mangyayari. Nalaglag ka sa bangin, ang akala ng mga kalaban patay ka na, pero na coma ka lang. Galit na galit si Giotto, sobrang galit, 'yon ang unang beses na nakita ko siyang namumula sa galit. Laging malambing at palangiti si Giotto. Kaso noong kinuha nila ang dalawang importanteng tao sa buhay niya, ikaw at ang anak niya, he lost it."
"Ibig sabihin nabura ang memorya ko dahil sa aksidente."
"No, we had it forcibly removed."
"What?!" Hindi makapaniwalang tanong ko. "Forcibly removed? Bakit? who said you have the rights to remove my memories!?"
"It was Giotto's order."
"He ordered it? Giotto did? Why?"
"Hindi niya sinabi sa'kin kung anong dahilan."
"Why would he...?"
"After that incident, nag-iba si Giotto bigla, hindi siya lumalabas ng kwarto, hindi kumakain at hindi makausap." Huminga ng malalim si Boss Fernando. "Nabalitaan niya na papabalik na ang Godfather at si Agnez. Agad siyang bumalik sa normal, ayaw niya na makita siya ni Agnez na ganon, kumain ulit siya at unti-unting bumabalik sa normal."
"Oo ganun talaga siya, ayaw niya na mag-alala si Agnez sa kanya."
"Bilang tagasunod niya, masaya ako noon. Sinundo nila ang mag lolo mula sa Little Island at doon na nga, inatake sila ng maraming kalaban sa loob at sa port. Namatay siya sa harap ni Agnez."
Natapos ang kwento ni Boss Fernando, nanginginig ang buo kong katawan, hindi ako makatayo, nahihirapan din akong huminga. Ganito din ba ang nararamdaman ni Agnez nung makita niya ang pumatay kay Gio?
"Kung ganoon, ilang taon na ang lumipas. Bakit walang nagsasabi sa akin ng tungkol sa nangyari sa pamilya ni Gio? Ni hindi ko nga maalala kung sino ang asawa ng matalik kong kaibigan!"
"Noong bumalik sa normal si Giotto, dinalaw ka niya sa ospital. Kasama ko siya noong mga panahon na 'yon. Umiiyak siya sa harap mo, nakaluhod, paulit-ulit niyang sinasabi ang salitang thank you at sorry. Paglabas sa ospital ibinilin niya agad sa akin na 'wag na 'wag kong hahayaan na maalala mo ang tungkol sa nangyari sa Pulang Ulan, ang sino man na magsalita tungkol dito ay kamatayan ang hatol, 'yon ang inutos niya sa akin."
"Ba't niya ginawa 'yon?" Kung naging mas malakas lang ako edi sana buhay pa si Gio. Edi sana ngayon kasama niya pa ang anak niya. Kung hindi lang sana ako mahina, edi sana hindi ko nakikita na umiiyak si Agnez. Kung nabawi ko lang sana ang anak niya nung panahon na 'yon. "Lumipas ang ilang taon, nabubuhay ako ng normal, pero hindi ko alam ako pala ang may kasalanan ng lahat."
Napahawak ako sa ulo, pinipigilan ang sarili na lumuha. Ang nag-iisang tao na tumanggap sa akin bilang ako, ang nag-iisang kaibigan ko, pinatay ko. Patawarin mo ako Gio, kung naging malakas lang sana ako, patawarin mo'ko.
"Dahil importante ka sa kanya, pamilya ka niya. Hindi man niya sinabi sa akin ng direkta, pero alam ko, na nag-aalala siya na 'pag nalaman mo, sisisihin mo ang sarili mo. Gaya ng ginagawa mo ngayon."
Pagkatapos ikwento sa akin ni Boss Fernando ang lahat, umalis na ako ng headquarters. Pumunta muna ako sa may malapit na beach para magpahangin saglit. Lumabas ako ng sasakyan at tumayo, kumuha ako ng stick ng yosi at sinindihan.
Kahit na alam ko na ang nangyari, hindi ko parin maalala ang lahat, hindi ko padin matandaan kung sino ang asawa ni Gio at ang anak niya, hindi ko padin sila maalala.
"Bakit hindi mo sinabi sa'kin?" Tumingala ako. "Bakit hindi mo pinaalam sa akin!?" Sigaw ko, baka sakaling marinig niya ako kung nas'an mang impyerno o langit ang kaibigan ko. "Sorry bro, sorry kung hindi ko naprotektahan ang anak mo, sorry."
Naramdaman ko nalang ang mainit na tubig sa pisngi ko. I swore to protect you and your family, but I failed. And now I can't remember anything from that time, and even if I try to remember nothing comes up in my head.Binuksan ko ang pintuan ng kotse, tumingin muna ako ng huling beses sa mga bituin.
"Gio, hindi ko man naprotektahan ang anak mo noon, ngayon proprotektahan ko ang isa pang importante sa buhay mo at sa pagkakataong 'to hindi na ako papalpak. Kahit naman hindi ko 'to malaman pro-protektahan ko parin siya eh. Hahanapin ko din ang anak mo, kahit ito nalang ang gawin ko, kahit ito nalang."
Biglang lumakas ang hangin na tila ba nagtulak sa akin papasok sa kotse, napalingon ako ng hindi ko namamalayan. Napatawa ako, akala ko bestfriend ko na ang tumulak sa akin, nagsasabi na.
"Salamat, bro."
Pagdating ko sa bahay nakita ko na bukas ang ilaw sa baba, gising si Jingu. Hindi ko naman kasi maalala na naiwan ko na bukas ang ilaw sa baba. Pagpasok ko, nakita ko siya na nakaupo sa couch, tahimik na nanunuod ng telebisyon habang kumakain ng tsitsirya.
Tinitigan ko si Agnez, this time I will protect her with all I have. Agnez looked at me, her eyes sharp but beautiful. I sat beside her and took some of the chips she was munching on.
"Saan ka nag punta?" Tanong niya.
"Nagpahangin lang." Sagot ko sa kanya. "Bakit gising ka pa?" Sinubukan na panoorin din ang kung ano mang pinapanood niya.
"Hindi ako makatulog, iniisp ko lang ang mangyayari bukas ng gabi sa party."
"Don't do it."
"..."
Ilang minuto kaming natahimik, napatingin ako sa kanya at tumingin din siya sa akin. Binitawan niya sa sahig 'yung chips na kinakain niya at sigurado akong narinig ko 'yon na natapon. Lalanggamin ang carpet namin.
Nagulat nalang ako sa sunod niyang ginawa, niyakap niya ako.
"A-agnez?" Nanigas ako bigla, hindi ako nakagalaw at ang heart beat ko ay bumibilis. Bakit niya ako biglang niyakap?
"Sorry, I just think you need a hug." Sabi niya sa'kin at hindi ko na napigilan ang yakapin din siya ng mahigpit. "Ito ang unang beses na nakita kitang mahina."
"Ayoko kasi na may nakakakita sa'kin 'pag gusto kong maging mahina o malungkot. I tried concealing it from you, but I guess it didn't fool you." Nanginginig ang boses ko habang nagsasalita, dahilan para lalong humigpit ang yakap ko sa kanya. Nagtaka ako nang bitawan niya ako at tumingin lang sa mukha ko, seryosong-seryoso. "Bakit?"
Hinawakan niya ng mahigpit ang pisngi ko at malakas na pinag-untog ang mga noo namin. Napa pikit ako sa sakit dahil sobrang tigas ng ulo niya. Pagdilat ko, ang mga mata niya ang una kong nakita, matalas at nakaka-akit.
"K-kapag nanghihina ka bubuhatin kita. Kapag wala kang makita igagabay kita. Kapag giniginaw ka yayakapin kita. Kapag wala kang marinig sisigaw ako ng pagkalakas-lakas hanggang sa marinig mo. Higit sa lahat kapag nalulungkot ka at... at... na-naiiyak, sasamahan kita, para malaman mo na hinding-hindi kita iiwan."
Natigilan ako nang gamitin niya ang mga katagang sinabi ko sakanya nung umiyak siya nung kelan. Although napapansin ko na namumula siya habang sinasabi ito pinilit parin niya na tumingin ng diretso sa mata ko.
"Nag-iisa hindi naiiyak, mali ka naman eh." Ngiti ko sa kanya, sabay niyakap ko siya ng mahigpit ulit.
"Who cares." Bulong niya pa.
Hindi ko alam kung ilang movies na ang nagdaan na nanatili kaming magkayakap at tahimik. Maya-maya pagtingin ko sakanya tulog na siya, mahimbing na natutulog. Niyakap ko ulit siya ng mahigpit. Unti-unti nading kumakatok ang antok sa pintuan ko kaya bago ako matulog, pinatay ko ang telebisyon at hinalikan siya sa noo.
"Good night, Mahal na Prinsesa."
©IF02
BINABASA MO ANG
The Legendary Durga
AksiShe is a wonder. She is stunning. She is a Goddess. Fighting against armed men, killing them in the blink of an eye, swinging her sword as if she was dancing an exotic dance and a dangerous smile creeping on her face, smile that could make people tr...