RULES OF THE GAME :
1. Fighters are not allowed to take more than 1 card from other fighters.
2. The time limit of the game is five hours, after five hours the remaining fighters is to go back to the lounge.
3. SURVIVE.
JINGU (AGNEZKA PATRIARCA) POV
Nasilaw ako sa malakas na sinag ng araw. Paglabas ko ng lounge nasa isang kakaibang gubat na'ko. It wasn't an ordinary one, kung ikukumpara sa mga normal na gubat na napuntahan ko na. Malalaki ang puno sa gubat na'to, at parang ilang taon nang hindi nagagalaw. Mga limang beses ang laki kumpara sa normal.
Are these trees real? Lumapit ako para hawakan. Yes they are real. How could this be? Hindi maganda ang kutob ko ah. Gubat? Really?! I didn't expect this stage for the second round.
"Hello fighters, nandito ang pinakamamahal niyong host! Na miss niyo ba ako?" Certainly not, ingay ng boses niya. Matining, karindi sa tenga. "Nagustuhan niyo ba ang magandang stage na pinagawa ko?"
Truth to be told, I like this stage. Wala pang nakakaisip ng ganitong klase ng stage para sa mga ganitong labanan.
This should be interesting.
"Since lahat kayo ay nasa loob na, have fun killing each other!"
Thank Gods dahil nawala narin ang maingay na boses ng host na 'yon. He's ten times irritating than our after lunch professor. Nang matapos ang mensahe ng baklang host, bigla akong nakarinig ng malakas na sigaw ng isa sa mga kalahok. Kusang gumalaw ang mga paa ko patakbo sa kinaroroonan ng ingay.
Human mannerism na ata talaga 'yon, na kapag may narinig na kakaibang ingay o sigaw, agad pupuntahan. Just like in horror movies, kahit gaano katindi ang takot ng bida, pumupunta parin siya.
Nang makarating na'ko, nanlaki ang mga mata ko at napanganga ako.
"What the hell...?!" Napabulong ako.
A bird, a very big bad bird.
"Che cazzo è quella cosa? (What the f*ck is that thing?)"
My mouth was hanging as I watch in terror. Hindi ko alam kung anong klaseng halimaw ang nasa harapan ko ngayon. Is that an Ostrich? No, definitely not. Mas maliit ang mga legs n'on kumpara dito, it's too big to be called an ostrich. This thing is bigger than van, let's say its the same size of a normal grown elephant.
"Arghhh!! Tulungan mo ako!! Arghh!" Nagmamakaawa na hingi ng tulong ng lalaki habang nakatingin sa'kin.
Kalahati nalang ng katawan niya ang nakikita ko, ang kalahati nasa bunganga na ng ibon. I can see blood dripping from the bird's beak, it was actually frightening.
I love birds you know, but seeing a bird eat a human, that's scary on a different level.
I can say na mas malaki pa sa four wheeler truck ang nasa harapan ko ngayon. Sa sobrang laki ng ibon na'to kailangan ko pang tumingala para lang makita siya ng maigi.
Bumibigat ang paghinga ko sa nakikita ko. I gulped as I continue to look and observe. Malaki ang dalawang paa niya, mukhang mabilis itong tumakbo. Ang pinaka masama pa nito, carnivore ang hayop!
For sure pagkatapos niyang nguyain ang lalaking 'yon, ako naman ang isusunod niya.
I need to leave, fast!
But I f*cking can't! Parang naka glue ang paa ko sa sahig, hindi ko maigalaw ang mga paa ko! Ngayon lang ako nakakita ng ganito kalaking halimaw. Of course I'll get frightened! I don't know how to fight this kind of unknown specie. I didn't even know this kind of mammal exist!
Birds you know, they're supposed to be flying in the air. Not eating humans for dinner! They should be tweeting like the bird they are!
"Arghhh!" Rinig na rinig ko ang paglagutok ng buto ng lalaki.
Parang chewing gum kung nguyain ng ibon ang katawan nito. Parang kanta ni Kamatayan kung tumunog ang buto na nginunguya ng halimaw.
I wonder, ganyan din kaya ang tunog ng buto ko 'pag nginuya? Well, hindi naman sa gusto kong malaman, ayaw ko rin naman mamatay pa. Kaso sa kasamaang palad, hindi ko talaga maigalaw ang mabilis kong paa.
How useless!!!
Pagkatapos lunukin ng dambuhalang ibon ang kawawang kalahok, dumapo na sa'kin ang mata niya. Lumakas at bumilis ang tibok ng puso ko, hindi din ako huminga.
Sabi nila kapag nasa harapan ka ng bears 'wag kang gagalaw. Malay natin maging effective din sa ganitong klase ng hayop. So please! Leave, d*mn bird! Pero imbis na umalis ang halimaw, mabilis itong tumakbo patungo sa'kin.
Cazzo! Katapusan ko na!
"Cutie!!!" Sigaw ni Tao na nagpabalik sa hulas ng utak ko. Nakita ko siyang papalipad papunta sa akin mula sa kabilang puno. Nakakapit siya sa string at parang si tarzan na papunta sa akin. Kailangan kong kumapit sa kanya para makaligtas.
Sa huling sandali bago ako malamon ng malaking halimaw na ibon, naabutan ako ni Tao. Sa unang pagkakataon masaya ako na makita siya at natuwa ako nang marinig ang boses niya.
"Boy! For the first time, I'm so happy to see you." Naghihingalong saad ko. "Ano 'yung p*tanginang halimaw na 'yon?!" Tanong ko pa.
Grabe ang bilis ng tibok ng puso ko. Sobrang kinabahan talaga ako, malamig pa nga ang pawis ko eh.
"You must be shocked Cutie, hindi ka nakagalaw eh."
"D*mn shocked! T*ngina, halimaw 'yon! Did you see how big that mother f*cker was? Kasing laki niya ang normal na bahay!"
"Alam ko, ganyan na ganyan din ako kanina. Buti nalang nakita kita agad."
"D*mn right! Hindi ko maigalaw ang legs ko sa sobrang gulat."
"Ito, tubig." Inabutan niya ako ng tubig. Thanks to that kumalma ako ng konti. "Anyway, hinaan mo lang ang boses mo. We don't want to encounter another monster."
"Yeah, sorry I was just shocked. You know what that was, right? Sa inyong apat ikaw ang genius diba? You should know."
"That's right. Alam ko rin kung ano 'yung iba pang halimaw na maari nating masalubong."
"Good, tell me." Huminga ako ng ilang beses nang may mapansin. "What?! Meron pang iba?!"
"Yes."
"Cazzo. I can't believe na may ganong halimaw na nabubuhay sa mundong 'to."
"In the past."
"Anong ibig mong sabihin?"
"Alam mo naman siguro na noong unang panahon may mga dinosaurs, diba?"
"Oo naman, kahit nga siguro 'yung pulubi sa kanto alam 'yon eh."
"'Yung halimaw na nakita mo kanina ay Diatryma, isang uri ng ibon na parang ostrich. Masyado lang silang malaki. They appeared nang maging extinct na ang mga dinosaurs. Then thousand years later nawala din sila. They can't fly, which is a good thing. Kung sakali man, magiging sakit sila sa ulo. Isa sa mga masamang bagay ay kaya nilang tumakbo ng 70 km/hr. You know how fast that is? Halimaw, diba?"
"Woah! Sabi mo nawala din sila, eh anong ginagawa ng isang 'yon dito? Naligaw?"
"Hindi lang ikaw ang nagtataka kung bakit Cutie. Hindi lang Diatryma ang mga nakita ko na dapat ay burado na sa mundong 'to, marami pang iba. Hindi ko alam kung paano at saan nila nakuha ang mga halimaw na 'yan."
"Ok, mamaya na natin isipin 'yan. Kailangan natin makakuha ng card sa iba. Subukan din natin na 'wag makabangga ng mga halimaw, hangga't maari."
"Good idea."
Umalis na kami ni Tao sa kinaroroonan namin at nagsimula nang maghanap ng ibang kalaban para makakuha narin ng card, para sure win na kami sa round na'to.
Habang naghahanap kami ng ibang fighter, nakakita kami ng naglalaban na kalahok. Mukhang parehas kami ng iniisip ni Tao. Saglit kaming nagkatinginan at sabay naming inatake ang dalawang kalahok na naglalaban.
Nilabas ni Tao ang dala niyang armas, shurikens, binato niya ito sa kalaban na napili niya. Nagulat ang dalawa sa pagdating namin.
"GIVE ME YOUR CARD." Sabay naming sabi.
Pagkatapos n'on ay tumingin ng masama ang dalawang kalahok sa'min. At tila ba nagkaroon sila ng magandang usapan, nagsanib pwersa sila para kalabanin kaming dalawa.
Mabilis na tumakbo papalapit sa amin ang aming kalaban, agad naman na inatake ni Tao ang kalaban niya ng shuriken pero nakailag ito, ngunit subalit datapwat hindi diyan nagtatapos ang laban ni Tao. May mga wire na naka kabit sa shuriken ni Tao, tumalon siya lagpas sa ulo ng kalaban. Paglagpas sa kalaban sinakal nya ito gamit ang wire.
Tigok.
Namangha ako sa moves ni Tao pero siyempre hindi ako papatalo. Papalapit na ang kalaban sa akin, nilabas ko na ang armas na tinatago ko sa likod ko. Ang Ryoukiba na ibinigay sa akin ni Fratello. Isang tira lang pinatay ko na agad ang kalaban ko.
Nakakuha na kami ng kanya-kanyang card, ligtas na kami. Ang problema nalang ay ang mamalagi sa lugar na ito sa loob ng dalawang oras ng hindi nakaka bangga ang mga halimaw na ayaw kong makita. Maganda siguro kung hanapin narin namin sila Jun.
"Hey! Let's go an---." Magsasalita na sana ako nang hindi inaasahang may halimaw nanaman na tumambad.
Ang Diatryman, 'eto 'yung halimaw kanina, bakas pa nga 'yung dugo sa bibig nito. Hindi pa siya nakakaalis sa lugar.
"Tao, sabihin mo sa'kin ang kahinaan ng halimaw na 'to." Pagdedemand ko, sinusuring maigi ang ibon. "I'll take this d*mn bird to hell."
"Are you sure?" Nababahalang tanong ni Tao.
"Hell yes!"
"Legs, mag focus ka sa legs. Masyadong matibay ang tuka niya at mataba ang katawan, kahit hiwain mo gamit ang espada, hindi padin mamatay 'yan. Just focus on its leg. I'll be the bait, you take of it."
"Are you sure?" This time it was my turn to ask him.
"Cutie, ipagkakatiwala ko sa'yo ang buhay ko. Mabilis ang halimaw na 'yan, any second your late, I'll be dead."
"'Wag kang mag-alala, tiwala lang."
Kinakabahan na nginitian ako ni Tao, I could see sweat beads on his forehead. He's definitely scared. Then he ran to get the monsters attention. Hinabol siya agad nito. Umikot silang dalawa.
Nang papatakbo na sila sa harapan ko hinawakan ko ng mahigpit ang katana na Fratello. I need to slice its leg, bago pa nito mapatay ang humanoid pet ko.
Focus A, just think as if you're going to kill a huge man.
Saktong paglaspas ni Tao sa akin, hiniwa ko ang legs ng halimaw.
Sobrang kapal ng muscle nito at malaki ang buto. "Arghhhh!" I needed to use a lot of force just to push the sword. Nahirapan ako, sobrang nahirapan, pero nagwagi naman ako. Nang madapa ang ibon, agad ko itong pinugutan.
"Sh*t! Akala ko mamamatay na'ko." Hihingal na usal ni Tao.
"Sabi ko naman sa'yo tiwala lang." Nginitian ko siya. "Ang tigas ng katawan ng hayop na'to. Kung hindi lang ako marunong gumamit ng espada atska ordinaryo lang 'tong katana ko, malamang nahati na 'to sa dalawa at patay ka na."
"Yeah, masaya ako at kaibigan kita."
"Tara na."
Almost an hour passed, konti nalang ang naririnig ko na mga sigaw. I know na impossibleng ang isa sa mga sigaw na 'yon ay galing kay Jun, for sure naman kasi na kahit namamatay o tinotorture ang isang 'yon, tahimik parin. But I still wish na hindi nga siya isa sa mga 'yon.
Natigilan ako nang huminto sa pagtakbo si Tao. What is wrong with him now? Tinanong ko siya kung anong problema, he didn't answer. I know he heard me.
Tinignan ko kung ano ang pumukaw ng atensyon niya.
Si hoody guy.
"Diba siya 'yung pumatay sa pangalawang liyon?" Tanong ni Tao.
"Oo, and he stole my katana while doing it."
"He's good, right?"
"Not good enough, though."
There's a fighter infront of him. I wonder, paano niya kaya tatalunin 'yon? Nakakaintriga siya, pagkatapos ng pinakita niya sa round one, gusto ko siyang makalaban. Something is eerie about this hoody guy. I just can't grasp what it is.
"Yuki."
"Ha?"
"His name is Yuki, sinubukan kong hanapin ang tungkol sa kanya, pero Yuki lang ang nahanap ko."
I didn't respond, napaisip ako. Yuki is a Japanese name. The guy who killed my brother, he was wearing a red kimono. Is that guy and this guy the same? But I don't feel the same threat I do when I see that guy.
Let's see.
"Magsisimula na."
Naglabas si hoody guy ng katana. Sa isang mabilis na galaw pinatumba niya ang kalaban, patay agad. Hindi ko alam kung saan ko nakita, pero sobrang pamilyar ng galaw niya, saan ko ba 'to nakita? Hindi ko matandaan kung saan, hindi ko maalala.
Pagkatumba ng lalaki, kinuha niya agad ang card na kailangan niya. Binulsa niya ito at tumingin sa direksyon namin. Kinabahan ako bigla at namawis ang mga palad ko. Masyadong malakas ang blood lust ng isang 'to, parang kagaya nung sa lalaking 'yon.
But there's a difference, I can't tell.
Naglakad siya papalapit sa direksyon namin. Hindi kami gumalaw pareho ni Tao. Bumilis ang tibok ng puso ko at natigil ang paghinga ko.
"What?!" Maangas na tanong ni Tao kay hoody guy, ganito ata siya pag takot.
Nilagpasan lang niya si Tao at dumiretso sa akin. I remained as blank as I could, hindi halatang naapektuhan ako sa makapanindig balahibong blood lust niya.
This guy is dangerous.
Bago niya ako lagpasan, nagsalita siya. Mga bagay na hindi ko inaasahan.
"Chosen one, unsheathed thy sword and dance. The time is ripe, the cursed one awaits you to set things right." Saad niya sa'kin ng pabulong, pero sapat na para marinig ko lang.
Tuluyan na siyang naglakad papalayo.
He said it so that I could be the only one to hear, I think hindi napansin 'yon ni Tao. I don't understand. What does he mean? That guy... For sure mahilig magbasa ng novel 'yon!
I watched his broad back habang naglalakad papalayo. What did he mean by that? Chosen one? Ano 'to Harry Potter?
"Cutie, ok ka lang? May ginawa ba siya sa'yo?" Nag-aalalang tanong ni Tao. Umiling ako, hindi pa'ko makasalita, may kung anong nakabara sa lalamunan ko. Kailangan ko maghanap ng pagkakataon na makausap ang lalaking 'yon. "Tara na wirdo ang lalaking 'yon."
Tinuloy na ulit namin ang paghahanap sa iba. Pero tuloy padin ang pag-ikot sa utak ko ang mga salitang binigkas niya. Marami pang panahon para magkausap kami, sa ngayon, uunahin ko muna ang hanapin sila Jun.
Tahimik naming tinatahak ang daan, naiwan parin kasi ang madilim na hangin ni hoody guy.
"Nakita mo ba ang mukha niya?" Tanong bigla ni Tao, pinuputol ang nakakasakal na katahimikan. Hindi ako sumagot sa tanong niya. "It was blue."
"Blue? What is?"
"The eyes."
"The eyes?"
"Yeah, it was so enticing. It was a bright blue eyes, like the color of summer. It was one of the most beautiful things I've seen in my whole life." Wika niya na parang na love at first sight na teen ager.
"You like him? You're a homo?"
"No! No! I just like his eyes. Wait! Is he a guy?"
"I don't know, didn't see his face." But that voice is definitely from a guy.
"E-enough of that cutie, let's just focus on finding the others."
"Alright sis."
"You are a meanie!"
"Just kidding."
~THE LEGENDARY DURGA~
THIRD PERSON POV
Sa kabilang banda ng kakahuyan, habang si Jingu at Tao ay nagtatawanan, may isang lalaki ang naliligo sa ilog. Parang wala siyang pakialam sa paligid, parang hindi manlang siya nasa loob ng laro.
Hubo't hubad na naliligo, Regis Lowsley.
Habang naliligo si Regis alam niyang pinapanood siya ng mga audience, but that's just what he wanted. Habang kinikilig na nagtatawanan naman ang mga mayayamang babae, na nahuhumaling sa magandang katawan ni Regis, si Kang Hoo naman na isa sa mga audience walang tigil ang kakatawa.
Alam niyang nang-gagago lang ang kaibigan niya. Pero ang totoo, isa ito sa signal para kumilos na siya.
"Seems like there are things need to be done." Wika ni Kang Hoo habang nakaupo sa espesiyal na upuan para sa mga VIP.
Samantalang sa ibang banda naman ay si Jun, tahimik na naglalakad sa mabangis na gubat na ito, para bang walang pahamak ang nahihintay sa kanya.
Nakakuha narin siya ng sarili niyang card at hinahanap nalang si Jingu para masigurado na ligtas ito. Hindi sinasadyang nagkasalubong sila ni Shark na naglalakad din. Nang magtagpo ang landas nila, hindi sila nag usap o nagsalita ng 'hi' 'hello' manlang. Pero para bang may telepathy, sabay na silang dalawa na naglakad. Tila ba nagkasundo na sila through eye-contact na hanapin ang iba pa nilang kasama.
Sa kabilang banda naman ay si Takeo, nag-iisa at nasa taas ng puno. Naghahanap parin siya ng fighter, ito pa ang masaklap, wala pa siyang nakukuhang card dahil busy siya sa pakikipaglaban sa mga hayop na ngayon lang niya na-encounter. Na excite siya, ayun nakalimutan ang tunay na purpose niya dito.
©IF02
BINABASA MO ANG
The Legendary Durga
ActionShe is a wonder. She is stunning. She is a Goddess. Fighting against armed men, killing them in the blink of an eye, swinging her sword as if she was dancing an exotic dance and a dangerous smile creeping on her face, smile that could make people tr...