JINGU (AGNEZKA PATRIARCA) POV
"Hindi mo itatanong kung bakit ko alam?" Napahinto ako sa paglalakad, bahagyang itiningin ko sa likod ang mata ko at nagsalita.
"Alam kong 'pag tinanong kita hindi mo sasabihin o magsisinungaling ka. Pero tatandaan ko ang araw na'to at hahanapin kita, aalimin ko ang sikreto mo at kung kailangan papatayin kita." Seryoso at malamig kong sambit. "Yuki."
"Oh! You know my name. That was actually, unexpected. I'm honored! The Princess of Patriarca, also known by few, the missing Durgatinashini, actually knows this little me." Mapang-asar pang saad nito.
I wanted to ask kung bakit niya binulong sa'kin ang mga sinabi niya noong Battle Royale, and what it means, but I feel like I shouldn't. Isa pa, marami akong kailangang gawin, sa susunod nalang siguro.
"Wala ka na bang ibang sasabihin? Kung tapos ka na aalis na ako." Blankong saad ko.
"No more, mag-iingat ka, Signora Agnez." Nakangiting paalam niya sa'kin.
I didn't think na talagang hahayaan niya akong umalis ng ganito lang kadali. I thought some guards would appear to stop me, but there was nothing. Paglabas ko naabutan ko ang puting porsche, I guess I can use this. Not bad.
Bago ako sumakay sa sasakyan tumingin ako muli sa mansyon.
I saw Yuki standing by the door, his two female guard dog beside him like a shadow. Nakangiti pa siya sa'kin na parang tanga, sarap batuhin ng sapatos.
I didn't want to see any more of his face annoying face so umalis na'ko.
~THE LEGENDARY DURGA~
YUKI POV
Humarurot na ang itim na porsche na kinuha ng prinsesa. Napangiti ako, nakakabilib at nakaka intimidate ng presensya niya. Sa unang kita hindi mo iisipin na ang dalagang 'yon ay may kakayahan na sirain ang mundo sa mga palad niya.
Totoo talaga ang kasabihan na; Don't judge the book by its cover.
Naglakad na ako pabalik sa loob ng mansyon at habang naglalakad, naalala ko ang mga litanya na binulong ko kay Agnez, napangiti ako ng hindi ko namamalayan.
"Bakit ka nakangiti Yuki? Para kang tanga." Napahinto ako nang marinig ang boses ng kaibigan ko.
Tumingala ako para makita siya na nakatayo sa hagdan.
"Well. I'm just happy to meet the princess." Nakangiti kong tugon. "Ah! I forgot to ask her for an autograph! D*mn! For sure malaking halaga din ang malilikom ko d'on 'pag pina-auction ko 'yon."
"You're crazy."
"But I just wasted 50 billion, all so I could tell her a little info and get her out of that d*mn auction house!"
"Easy man, I'll pay you."
"You should!"
"She's interesting isn't she?" Not just interesting, more than that pa.
"Yeah. But if you wanted to help her, why not do it yourself? If she saw you she might have jumped of happiness."
Nakita ko na napa-smirk siya. "Jump of happiness, huh? That would be great to witness, but not yet. It's not the right time." Then he turned around and went upstairs.
"When would that right time be?"
"Beats me." Sagot niya ng hindi lumilingon.
Dahil wala siyang suot na pantaas, kitang-kita ang kulay pulang dragon na nakapinta sa buong likod niya. Detalyadong-detalyado, at parang buhay ito sa malawak niyang likod. The symbol of fear that made people fear him to no end.
~THE LEGENDARY DURGA~
JUN (SEBASTIAN CROSS) POV
May nakalap kaming impormasyon na isasabutahe ng Phantom Boss ang pagkikita ng ibang mga bosses sa Black Casino at papatayin ang ibang boss maging ang pekeng Antonio.
I can't let the fake Antonio die, hangga't hindi ko pa nahahanap o nakikita manlang si Jingu. I'm not going to let that guy die, even if I have to protect him 24/7.
It's been days simula nang mawala si Jingu. Araw-araw akong naghihintay sa bahay, I didn't even bother going to school anymore. Nagbabakasakali na bumukas ang pinto at iluwa si Jingu.
Pero kahit isang beses, wala.
I shouldn't have turned my back on her, I should have held her hand when she reached out to me. I should have just forgiven her when she doubted me. I should have just...
"F*ck!"
Hanggang ngayon wala parin kaming impormasyon kung nas'an siya. Hindi ko na alam ang dapat kong gawin. Hindi ko alam kung saan ko siya hahagilapin. I'm so pathetic right now. Tuloy parin ang paghahanap nila kay Jingu, samantalang ako walang magawa kundi ang maghintay.
Hindi ako pwedeng gumalaw basta-basta.
"Agnez... Just where the hell are you?"
Natutulirong napatakip nalang ako sa mukha at madiin itong pinasada papunta sa buhok ko. Ilang araw ko na itong ginagawa, nagiging parang habit na ata. Nagdududa na nga ako kung bakit hindi pa nababalatan ang mukha ko at hindi pa ako nakakalbo.
Bumilis bigla ang tibok ng puso ko nang mag-ring ang telepono. Mabilis pa sa alas-kwatro na kinuha ko ito.
"Jun, may galaw na tayo. Kailangan mong pumunta sa Star Tower, papunta narin sila Take-chi d'on." Wika ni Tao sa kabilang linya. Agad kong ginawa ang sinabi niya at habang nasa daan sinabi niya sa'min ang kailangan naming gawin. "Ok guys, we need to get the fake Antonio, he's our only lead to her. Don't mess it up, or else I'll kill you all."
Pinasok namin ang Black Casino na tila ba mga normal na costumer lang. Doon nakita namin ang tatlong Clan leaders at si pekeng Antonio na nanonood ng Death Match.
Normal pa ang lahat at mukhang nagkwe-kwentuhan lang ang mga ito.
Nang bigla nalang itutok ng Phantom boss ang hand-gun niya sa ulo ng pekeng Antonio at tinutukan naman ng mga tuhan nito ang iba pang mga boss.
Tama ang impormasyon na nakuha namin.
Ilan sa mga nagpapanggap na costumer ang naglabas ng mga baril nila. Nagsitakbuhan naman ang mga costumer ng nasabing casino. Nagpanggap kami na ilan sa mga tauhan ni Phantom. Hindi pa pwedeng mamatay ang pekeng Antonio. Siya lang ang makakapagsabi sa'kin kung nasaan si Jingu. Kailangan ko siyang iligtas, kahit na labag sa loob ko.
Kailangan kong malaman ang kinaroroonan niya, kundi mababaliw na'ko.
Tatakbo na sana ako para iligtas si Antonio nang biglang marinig ko ang pamilyar na boses na 'yon mula sa kabilang dulo ng casino. Para akong naging bato na napako sa kinakatayuan ko.
"Hey you shouldn't treat my fiancé like that." She said as she elegantly walked towards them. "Tanggalin mo ang baril sa harap niya."
"Jingu?!" Napabulong ako.
Buhay siya! Mukhang ayos din ang kalagayan niya. Anong ginagawa niya dito? Fiancé? Hindi parin ba niya alam na hindi 'yon ang totoong Antonio? Gumuhit sa mukha ng mga leader ang pagkagulat sa biglaang pagdating ni Jingu. Maging ako gulat na gulat.
Nakakatawa lang dahil babaeng-babae ang hitsura niya ngayon, maliban nga lang sa espada na hawak niya. Tumutulo ang dugo doon, mukhang may action bago pa siya makarating dito.
"Fiancé? Haha." Dumagundong sa buong lugar ang nakakapikon na tawa ng Phantom boss. "You're an idiot, stupid-princess. This guy is not Antonio, he's fake!"
Nakita ko pa kung paano humigpit ang hawak ni Jingu sa katana at mag-iba ang hilatsya ng mukha nito. "You insolent b*stard! You dare to call me names?!"
Mabilis pa sa kidlat na nawala si Jingu sa kaninang kinakatayuan nito. Sa isang iglap lumipad sa ere ang kanang kamay ng Phantom boss at parang nasirang hose kung bumalusok ang masagang dugo mula dito.
Dahil sa bilis ng pangyayari, hindi agad napansin nito ang pagkawala ng braso niya.
Nangibabaw ang nagdudusang sigaw nito.
"Arghhhh! Braso ko! Patayin niyo ang hayop na 'yan!" Nang gagalaiting utos nito habang ang natitirang braso ay naka duro kay Jingu.
Walang lumapit na kahit sinong tauhan ni Phantom. Dahil kanina pa sila duguan, naubos na sila ng grupo ni Kang Hoo.
"No one points a finger at me." Mahinang bulong ni Jingu at sa isang wagayway ng katana niya ay naputol ang isa pa nitong braso.
Muling nangibabaw ang sigaw ng Phanton Boss.
Blankong tinignan lang siya ni Jingu pababa. Malakas na sinipa niya ito sa mukha dahilan para mapahiga ang matanda sa sahig.
"Whenever you see someone from the Patriarca Famiglia, you grovel, remember that you piece of trash." Wika ni Jingu habang nakatapak sa ulo ng Phantom Boss.
Hindi papatayin ni Jingu ang lalaking 'yon, that's one thing for sure. Ganyan ang Durgatinashini, hindi niya pinapatay ang mga kinamumuhian niya o mga taong walang respeto sa kaniya.
Pinapahirapan niya, sa paraan na gugustuhin nalang nitong mamatay.
Pangalawang beses ko palang siya napapanuod na makipaglaban at masasabi kong bilang isang fighter, gusto ko siyang makalaban. Merong dalawang lalaki na dapat ay aatakihin si Jingu. Kusa nang gumalaw ang katawan ko para protektahan siya.
Hindi ko muna itatanong kung anong nangyari sa kanya sa mga lumipas na araw. For now, I'm bloody glad that she's fine and still in one piece.
Nang magdaplis ang tingin naming dalawa, parang huminto saglit ang oras. Nginitian niya ako, walang lumabas na tinig sa bibig niya pero alam kong sinabi niya na.
'Long time no see.'
Para akong sira-ulo na napangiti at ginanahan lumaban.
Nang matapos ang lahat, ang kaninang puti na dress niya ay ngayon nababalutan na ng pulang likido, ganoon din ang mga suot namin.
Tumingin si Jingu sa direksyon ng pekeng Antonio na nagpakunot ng noo ko. May tama ito ng baril sa bandang balikat at kung nagkamali ng tama, pwede niya itong ikamatay. Hindi ko na kailangan ang lalaking 'to, nandito na si Jingu at ligtas. Pwede ko nang tapusin ang walang kwenta niyang buhay.
Diniin ko sa noo ng pekeng Antonio ang dulo ng baril ko, nang kakalbitin ko na ang gatilyo nagsalita si Jingu.
"Stop." Malamig na utos niya pa at tila ba kinakausap ako mula sa mga mata niya. "Bring him to the hospital, have him treated. Marami pa kaming pag-uusapan." Pagkasabi niya noon ay tumalikod na siya at naglakad palayo.
Hindi ko na kinuwestyon ang pakay niya, kahit pa labag ako sa gusto niyang gawin. Ginawa ko nalang ang pinag-uutos niya, after all it still doesn't change the fact that I'm one of the people she can use in her expense. Inutusan koa ang mga taga headquarters na linisin ang lahat ng kalat dito at bantayan ng maigi si Antonio 24/7.
Nang nasa kontrol na ang lahat, hinanap ko agad si Jingu.
Nakit ako siya na nakatingin lang sa malayo, ganoon parin ang suot niya at hawak parin niya ang duguang katana na natuyuan na ng dugo.
Nakahinga ako ng maluwag nang makita siya.
Nilapitan ko si Jingu at niyak siya habang nakatalikod sa akin. For some reason, kusang kumilos ang katawan ko para yakapin siya, but I didn't hate it. Naramdaman ko pa nga ang paninigas ng katawan niya sa biglang pagyakap ko, pero agad din namang lumambot. Hindi ko na pinansin ang madugo naming kasuotan, niyakap ko lang siya ng mahigpit.
Sa ganitong paraan, alam kong buhay siya.
"Why didn't tell me? Why didn't you tell me that you're leaving? Why didn't you wait for me?" Nagsusumamong tanong ko. Binaon ko ang mukha ko sa leeg niya at ang dalawa kong kamay nakadantay sa magkabilang bewang niya. Ramdam ko ang tahimik at payapa niyang paghinga. "I was worried... I don't what I'm going to do if something happens to you."
Huminga siya ng malalim.
"I'm sorry, I doubted you." Hinawakan niya ang dalawa kong kamay at marahan na tinanggal.
Nais ko mang pigilan ang pag-alis niya sa kamay ko, minabuti ko nalang na hindi. Huminga siya ng malalim bago humarap sa akin. Diretso at malambot na tinitigan niya ang mga mata ko. Kumapit siya ng mahigpit sa damit ko, tila ba nababahala siya na bigla akong mawawala.
"I knew..." Panimula niya. "I knew you wouldn't lie to me, but I still couldn't trust your words. I'm sorry." Yumuko si Jingu na parang bata na nahuli sa kalokohang ginawa at nagsisisi na.
Bahagya akong napangiti dahil sa sincere na sorry niya at muli niyakap ko siya ng mahigpit, this time, with her facing me.
"I understand, you doubting me doesn't matter. I would as well if I was in your position. But please, don't do this again, I'm begging you." Pagmamakaawa ko pa.
Marahan na tango lang ang sagot niya sa akin.
Sa mga lumipas na araw at gabi na hindi ko siya mahagilap, para akong sinasakal na hindi ko mawari. Hindi ako mapakali at lalong hindi ko alam ang gagawin ko, huminto sa pag-gana ang utak ko at pati ang emosyon ko hindi ko makontrol.
I smiled and took her hands. "Let's go home." Yaya ko.
Ngingiting tinanguan niya lang ako. Tahimik kaming naglalakad nang madaanan namin si Kang Hoo na nakasandal sa may exit, nakapikit siya at naninigarilyo.
"Buhay ka pa pala." Komento ni Kang Hoo kay Jingu.
Blankong tinignan lang naman siya ni Jingu. Tinitigan ko si Kang Hoo, napansin ko na napunta ang mata niya sa kamay namin na magkahawak, kumunot agad ang noo niya at alam kong ako ang dahilan. Napapansin ko ang mga tingin na pinupukol niya kay Jingu, although nagpapasalamat ako sa tinulong ng grupo nila sa'min, hindi dahilan 'yon para hayaan ko siya.
"Salamat sa tulong ninyo, just tell Boss Fernando what you guys wants as a payment, he'll give it as long as its within his power."
~THE LEGENDARY DURGA~
JINGU (AGNEZKA PATRIARCA) POV
Matapos kong maglinis ng katawan dahil literal na naligo talaga ako sa dugo kanina, dumiretso agad ako sa hospital kung saan dinala si Fake Antonio. Gaya nga ng sabi ni Yuki, kailangan kong tanungin ang mismong lalaki na nakakaalam ng pangyayari.
Pagdating ko sa kwartong nakatalaga kay Antonio, may mga taga headquarters ang naka tayo sa pinto para bantayan ito at hindi makatakas.
"Magandang gabi, Young Mistress." Nagbigay galang sila sa'kin at pinagbuksan ako ng pinto.
Pagbukas na pagbukas ng pinto, agad na humagod sa mukha ko ang malakas na hangin galing sa bintana at puting higaan na walang pasyente.
Tumakas siya.
"Ano pang hinihintay niyo? Hanapin niyo na! Babbo! (Useless.)" Sigaw kong utos sa mga gwardya, na hindi manlang kayang magbantay ng ayos. Sugatan na nga 'yung binabantayan nakatakas pa.
Sabagay, sino nga naman ang mag-iisip na magtatangka siyang tumakas gamit ang bintana, eh nasa fifth floor siya. Sumilip ako sa bintana, now I know how he got out. It seems to be thanks to that big oak tree.
Bumaba ako at lumabas para puntahan ang pwesto ng puno. May bench sa tabi nito kaya naupo ako d'on.
Pumikit ako at saglit na pinakiramdaman ang hangin.
"Pwede ka nang lumabas, wala na akong kasama." Wika ko habang nakapikit at dinadama parin ang hangin.
"Alam mo pala. Hehe." Dumilat ako nang marinig ko ang boses niya.
"Who wouldn't? With that pathetic hiding skills of yours, kahit bata malalaman na sinusundan mo sila." Naglakad siya at tumayo sa harapan ko. "Isa pa, I got used to your stalking tendencies. You were the one following me in the university, diba?"
"You're cruel and you didn't change one bit." Hinawakan niya ang pisngi ko at mapait akong nginitian.
Batid ko ang lungkot sa mga mata niya. Lungkot marahil sa mga bagay na hindi nangyari o baka naman mga nangyari na sa kaniya. Kung ano man 'yon, hindi ko alam, wala din akong intensyon na alamin. I'm not a psycho therapist to help his mental problems.
"You did change though." Saad ko. Pinaupo ko siya sa tabi ko. "You didn't wear contacts in the past at all."
"A mere rug rat can't afford a contact you know, but now I can." Nginitian niya ako. "I didn't think that you would recognize me, again. I wore contacts to hide the color, but d*mn I was glad, even though it took time, I'm glad that the first person to ever recognize me when people thought of me as Antonio recognized that I'm not that guy. Even when I wore the same eye color as his."
Kitang-kita ko kung paano kumislap sa ligaya ang mata niya.
"..." I didn't talk, I just waited for him to say more.
"And what's funny is, it's the same d*mn girl. So many years has passed, but after all those years, she could still tell that it was me and d*mn it, I'm so happy I could die."
"It's because I'm awesome. Why don't you tell me, your childhood friend, why you did this."
Bumuntong hininga siya at malungkot na ngumiti sa akin. Tumingala siya sa mga ulap, nagsimulang tumulo ang mga luha niya. "That time, all I could see was my Mom's blood. Don't you find it funny? The very man who's your flesh and blood tried to kill you. He even murdered the woman he slept with as if he was in a target practice. I explained to him that I won't interfere with the Grande Family at all, but still he pulled the trigger and without mercy he shot both of us."
"Grande Boss huh."
"I was lucky to be alive because that man saved me." Yumuko siya. "But everything's done now, my vendetta is successful." Ibig sabihin patay na ang Grande's boss.
Napayuko din ako, siguro umiiyak ngayon si Tony, patay na ang tatay niya at siya na ang mamamahala ng family. Para silang sinumpa na magkapatid. Parehong nagdudusa sila ngayon.
"I didn't think that old man could do that. He was a real gentleman." Bata palang ako kilala ko na ang Grande boss at ka-alyado din ito ng family. Pero alam ko din na gagawin nito ang lahat para hindi masira ang pamilya na matagal na nilang tinatag.
"I know, after all I've been watching you in the shadows, even before you met me. He was a gentleman I agree, but when a threat to the family comes, he changes."
"So now you're a stalker." Nagtawanan kaming dalawa. Huminto ako nang maalala na meron pala akong dapat na itanong. "Sino ang nagligtas sa'yo?" Nahinto siya sa pagtawa.
"Why do you ask?"
"I just want to know, if you don't wanna say it, it's ok." Nakatingin lang ako sa kulay asul niyang mata. Magkapareho nga silang dalawa ng mukha pero ang kulay ng mga mata nila ay talaga namang magkaiba.
"Senior Gustavo Duval. Nung tinulungan niya ako ng araw na 'yon siya na ang nagpalaki sa akin."
That's all I wanted to hear.
Since alam ko na ang dapat kong malaman, I'm done here. Nilabas ko ang pistol na nakatago sa bulsa ng jacket ko at inasinta sa paa niya. Bakas sa mukha ni Fake Antonio ang gulat nang makita ang ginawa ko. Walang segundo akong sinayang at pinutok ang baril.
BANG!
"Argh!" Malakas na sigaw niya, kitang-kita sa mukha ang sakit ng pagtama ng bala ng baril sa kanya, hindi pa ako natapos at pinaputukan ko pa ang isa niya pang paa.
BANG!
Malamang narinig na ng mga gwardya ang putok ng baril. Rinig ko na ang mabibigat na paa nila na papalapit sa'min. Tahimik ko siyang pinanood habang namimilipit sa sakit ang paa niya, ang paghinga niya parang naghihingalong aso na.
"Patayin mo na ako." Pakiusap niya, at mata medyo desperado pa.
"Hindi kita papatayin, pagbabayaran mo ang ginawa mo. Simula ngayon hindi mo na magagamit ang dalawa mong paa, hindi ka na makakalakad. Mabubuhay kang naghihirap at ang mga paang 'yan na hindi mo na maigagalaw ang magpapapaalala sa'yo sa katangahang ginawa mo."
Dumating na ang mga gwardya na naghahanap sa kanya at muling nagbigay galang.
"Young miss, kami na po ang bahala dito." Wika ng isa sa mga tauhan ng Patriarca. Pagsabi niya n'on ay tumalikod na'ko at naglakad papalayo.
Tinawag niya ang atensyon ko.
"Agnezka!" Tawag niya sa akin. Huminto ako at bahagyang nilingon ang ulo ko, pero nanatiling nakatalikod ang katawan ko. "Mahal na mahal kita Agnez, ikaw lang ang babaeng minahal ko kahit hindi tayo nagkikita, ikaw lang."
"Alam mong wala kang mapapala sa binulgar mo." Walang emosyon kong usal.
"Gusto ko lang sabihin at dahil mahal kita ayaw kitang mapahamak. Agnez 'wag mo nang ituloy ang paghihiganti mo. Masasaktan ka lang, kalimutan mo na ang nangyari." Bumuntong hininga siya. "Nagtagumpay ang paghihiganti ko, pero hindi ako masaya."
"Wala kang pakialam." Pagkasabi ko n'on ay naglakad na ulit ako paalis.
Hindi ako tanga.
Alam kong hindi na babalik ang kuya ko kahit na patayin ko silang lahat. Alam kong madadagdagan lang ang bangkay na tinatapakan ko sa gagawin ko. Alam kong walang magbabago kahit pa pagpapatayin ko sila. Alam ko, pero wala akong pakialam. Mararanasan nila ang naranasan ko, papatayin ko lahat ng importante sa kanila at isa-isa ko silang pahihirapan.
Lalapit ako sa kahit sinong demonyo magtagumpay lang ako, gagawin ko ang lahat.
I'll make it to the point they'd wish they were dead.
"Agnez." Narinig ko ang mahina niyang boses na nagputol sa takbo ng isip ko.
"Masaya ako na makita kang muli, paalam Mateo."
©IF02
BINABASA MO ANG
The Legendary Durga
ActionShe is a wonder. She is stunning. She is a Goddess. Fighting against armed men, killing them in the blink of an eye, swinging her sword as if she was dancing an exotic dance and a dangerous smile creeping on her face, smile that could make people tr...