JINGU (AGNEZKA PATRIARCA) POV
"SH*T!"
Natataranta na nilibot ko ang paningin sa paligid, konting-konti nalang, tinatapakan ko na ang mawawala. What should I f*cking do? Is this the end? Sunod na mangyayari, katawan ko na ang magbubutas-butas dahil sa mga spike.
Of course I'm not gonna let that happen. But what do I do?!
Nakaramdam ako bigla ng hangin galing sa taas. Pagtingin ko d'on napangiti ako. How could I ever forget that?! Of course may air duct!
Winasak ko kagad, hindi tinanggal, kundi winasak ang nakaharang at tumalon. Hinihingal-hingal na pinanood ko kung paano maglaho ang kaninang tinatapakan ko at napalitan ng matutulis na malalaking pako.
Mukhang may lason pa nga eh.
Hindi na'ko nagtagal d'on, nagsimula na akong bumyahe para hindi masayang ang oras. Malayo-layo din ang ginapang ko, para tuloy akong sira-ulong uod nito. Awa naman ng Diyos nakarating din ako sa dulo. Sinipa ko ang nakaharang at tumalon pababa.
"So... Where in the deepest hell am I?" Tanong ko pagdating sa bagong kinalalagyan ko.
Nilibot ko ang paningin sa paligid. Wala namang espesyal, maliban nalang sa isang bagay. Sa gitna ng silid may dalawang magkalayo na table na nakabalot sa salamin. Tinignan ko ang loob ng salamin, may iba't-ibang piyesa, I think kapag binuo 'yon pistol ang kalalabasan.
Sa ayos ng mga gamit alam ko na ang mangyayari. Isa lang ang bala sa bawat table. This'll be interesting. Ok lang kahit kanino ako makapareho, pero 'wag lang sana kay Jun. Though I think mas magiging interesting 'pag kami ang nag-tuos, but not now.
Bumukas ang pintuan sa kabilang parte at lumitaw ang isa sa mga kalahok. Sayang! I was expecting one of the Devas or Kang Hoo. Nilibot niya ang paningin sa silid. Gaya ko alam narin niya ang dapat na gagawin namin at kung ano ang mangyayari.
Nagyayabang na nginisian niya ako.
Para bang ang pakiramdam niya mananalo na siya agad sa'kin. He's underestimating me! Siguro dahil sa babae ako. Tch! This is what I hate about being woman, you get underestimated just because of having a friggin' vagina. The hell right?
It's not like he can win against me.
"Welcome fighters, alam niyo na siguro ang dapat na gawin diba?" Biglang may nagsalita mula sa speaker. Pamilyar ang nakakairitang boses na 'yan. "Sa oras na mawala ang nakaharang na salamin, magmadali kayo na buuin ang pistol at ang unang makapatay ay siyang makakalabas ng buhay sa death maze na 'to. Alright?" Wika ng host.
Sino pa ba ang may nakakairitang boses maliban kay Kang Hoo at Tao, siyempre ang host pa.
"Sayang. Type pa naman kita, kaso kailangan mo nang mamatay. Kailangan ko kasing manalo, I need money." May panghihinayang sa tono ng kalahok sa harap ko. Akala mo naman mapapatay ako ng isang kagaya niya. "Kilala ako sa mabilis kong kamay, lalong-lalo na sa pag aasemble ng mga baril. Wala ka nang pag-asang manalo." Pagmamalaki ni tanga.
Hindi ko naman tinatanong kung mabilis ba siya o mabagal kumilos pagdating sa pag aasemble eh. Anong pakialam ko sakaniya? Bakit kaya may mga ganong tao? Hindi naman tinatanong biglang nagsasabi. As if namang may pakialam kami.
"Tinanong ko ba?"
"Ohh! Feisty." Sumipol pa si gago, sarap sungalngalin. "How about a quickie before we start? I really like you."
"Hindi kita like, 'wag kang mag-ambisyon."
"Pa hard-to-get ka pa, alam ko namang pinagnanasaan mo rin ako."
"Can I kill this guy without using the gun?!" Naiinis na sigaw ko sa may camera.
I know na nakikinig sa'min ang host.
"Haha! Nope, you have to kill each other using the guns." Saad nung host na natatawa-tawa pa. Sarap nilang patayin dalawa sa kumukuong gasolina.
"Tch!"
*DING!*
Pagka tunog ng bell ring, agad na naglaho ang mga salamin, mabilis naming nilapitan ang mga piyesa at binuo ito. Isang minuto lang ang kinailangan niya para tapusin ang pag aasemble. Waging tinutok niya sa akin ang baril. Nabato siya nang makita akong nakangiti lang sa kaniya at prenteng pinapanuod ang kaniyang ginagawa.
Humikab ako.
Para ipamukha na mas mabagal pa siya sa pagong at walang binatbat ang kakayanan niya sa akin.
"Imposible! Nauna ka pa sa'kin?"
"Hindi ba obvious?"
"Imposible!"
"Muntik na'kong makatulog sa kabagalan mong kumilos. Akala ko aabutin ka pa ng isang oras pag-aassemble lang ng baril. Akala ko ba kilala ka sa mabilis mong kamay? Baka sa mala pagong mong kamay? HAHA!" Pang-iinsulto ko.
As if namang magpapatalo ako sa isang weakling na kagaya niya. Kailangan muna niya maranasan ang makapasok sa impyerno at bumalik para matalo ang Diyosa ng Pakikipaglaban.
Kahit na hindi ko i-assemble ang baril na 'yon mamatay at mamatay din siya sa mga kamay ko. Simula't sapul, nakatakda na siyang mamatay nang sumali siya sa larong ito kung saan ako kalahok. Nang sabihin niya na mamatay na ako, nagbago ang katauhan ko at naging si Kamatayan.
Dahan-dahan na naglakad ako papalapit sa kanya, ang takong ng sapatos ko tumutunog sa bawat hakbang. Parang countdown sa nalalapit niyang kamatayan.
Nang konti nalang ang distansya namin, huminto ako at ngumisi.
"Nothing is impossible with the Durgatinashini, remember that." Bulong ko at nginitian siya. Pinaputok niya ang baril na hawak, hindi na ako nag abala pang umilag. Dahil sa pangi-nginig niya sa takot, hindi tuloy siya naka-target ng maayos. "Indeed you are fast but I am faster."
Parang kidlat akong napunta agad sa harap niya. Ang malamig na dulo ng baril ko nakatutok sa gitna ng mga mata niya. Kitang-kita ko kung paano tumulo ang pawis na parang patak ng ulan sa mukha niya. Nangingnig ang buo niyang katawan na parang sisiw na giniginaw. Mahina, masyado siyang mahina.
Kasalanan mo 'yan dahil pinanganak kang mahina.
BANG!
Instant death. Namatay siyang nakadilat ang mga mata habang kaharap si Kamatayan. Hangga't sa mamatay siya bakas parin ang takot.
Kusang bumukas ang pintuan kung saan ang daan papunta sa susunod na round. Tinapon ko ang baril sa tabi at naglakad na papasok sa bagong espasyo. Pagbukas ng pintuan, wala akong makita kundi puti. Naglakad ako papasok sa maulap na silid. Wala akong makita, masyadong makapal ang hamog na 'to.
Nakaramdam ako ng killing intent mula sa kanan, umilag ako pero huli na. Nadaplisan ako ng patalim sa tagiliran. Agad na dumanak ang dugo ko.
Kailangan ko mag-ingat, may ibang tao dito sa lugar na'to at ang masama pa nito, nakakakita sila kahit na makapal ang hamog. D*mn!
May umatake nanaman mula sa harap, nakailag ako agad pero kinulang parin. Hindi kagaya nung kanina medyo malalim ang daplis, ngayon mababaw lang. Sh*t! This is another pinch people! Hindi ba nila alam kung gaano kahirap ang makipaglaban ng walang nakikita?
Never pa akong nabulag sa buong buhay ko kaya hindi ko alam ang feeling! Sh*t! Pero ngayon alam ko na. Kakapasok ko palang sa kwartong 'to nakailang daplis na sila sa'kin. Nararamdaman ko na hindi lang dalawa ang kasama ko dito, hindi lang apat o lima.
Higit pa sa sampu? Labinlima? Hindi, mahigit trenta. Naririnig ko ang paghinga at mahihinang yapak nila.
They're f*cking professionals!
Mahina pa sa hangin ang mga yapak nila, mga trained assassin. Mga kagaya lang naman nila ang may kakayahan na kumilos ng ganyan eh. Mahinhin pero matulin. Buti nalang naglinis ako ng tenga bago pumunta dito.
Concentrate Agnez, gamitin natin ang supernatural hearing ability mo. Tama, huminga ka ng malalim at ipikit mo ang mga mata mo, tutal wala din namang pakinabang 'yan dito, dahil sa zero visibility ang kwarto na 'to.
Pakinggan mong maigi... Ayon!
"Ouch! Sh*t!"
Tae nagco-concentrate pa'ko umaatake agad. Nadaplisan nanaman ako, sa braso naman ngayon. Tangina. Pagtapos ng larong 'to sisiguraduhin ko na mag tra-training ako ng naka piring para kapag nangyari ang ganito ulit, siguradong hindi na ako mahihirapan ng ganito.
Concentrate ulit Agnez, calm down, hingang malalim at ipikit ang mata. Pakinggang maigi ang paligid.
Rinig ko ang malakas na yapak ng isa. "Rinig na rinig kita gago!"
Sinuntok ko 'yung aatake sana sa'kin sa bandang kaliwa, pero hindi sumakto sa tiyan, sa tagiliran lang. Yosh! Good move 'yon Agnez! Kaya mo 'to. I'm getting used to this.
Meron nanamang papadating mula sa likod ko, binigyan ko agad ito ng flying kick at ayon sapul sa mukha, ramdam ko eh. I got the hang of it! Patay kayong lahat sa'kin, ako na ang isa sa pinaka mahusay na blind master. Hohoho.
Ilang beses din nila ulit akong nagalusan pero nang tuluyan na akong nasanay sa kadiliman, agad ko silang napatumba na parang mga bata. Malakas lang sila dahil bulag ako kanina, pero mahina naman pala sila kung ikukumpara sa mga contestant sa Emperor Club.
Mas malakas pa ata ako dito noong thirteen years old ako eh. Nagkaroon naman sila ng ibang tactic. Kung nung una, pa isa-isa sila. Ngayon sabay-sabay na.
D*mn! So troublesome! Malalim ang tama ko sa tagiliran, kailangan kong pigilan ang pag-agos ng dugo d'on kundi manghihina ako. Lalong tumatagal lalo akong nanghihina at lalong silang gumagaling. Pero dahil sa nasasanay narin ako, madali ko silang napapatumba.
Nang bigla nalang...
BANG!
Isang putok ng baril ang nagmula sa likuran at tumama sa kaliwang binti ko. F*ck! May baril pala sila, ngayon lang nila ginamit kaya hindi ko alam. Tae, ang sakit! Biglang may sumipa sa batok ko dahilan para mapaluhod ako sa sahig.
Kung sino man 'yung sumipa sa akin, sisiguraduhin ko na pahihirapan ko siya.
Mabigat na nagtagpo ang tuhod ko at ang matigas na sahig.
"Cazzo! (Sh*t!)"
Is this it? Ramdam ko na marami pa sila. Hindi ko na magagamit ang kaliwang paa ko. D*mn it! Sobrang dami naman kasi ng nilagay nila, may baril pa, tapos zero visibility pa.
Grabe, ang malas ko naman.
Galit ka ba sa'kin God of Luck? Binugbog ba kita sa nakaraang buhay ko? O di naman kaya eh binasted kita? Tangina mo! 'Pag nakita kita pahihirapan kitang gago ka. Mas mahirap pa sa nararanasan ko ngayon, pisting yawa ka!
Ang sakit ng binti ko, nadaplisan 'yung buto, ang hapdi! Parang pinaliguan ng asido.
"Akala ko ba ito ang Durgatinashini? Eh wala naman pala 'tong binatbat eh." Biglang nagsalita ang isa sa mga umaatake sa'kin kanina. "Hindi pa nga tayo nangangalahati eh, sabi nila kaya daw niya makipaglaban ng sabay-sabay sa isandaang tao, eh ano to? Ang hina naman."
Nag panting ang tenga ko sa narinig. Ako mahina? Ako na si AGNEZKA PATRIARCA mahina? Ako na ang Durgatinashini, ang diyosa ng pakikipaglaban, mahina!? Ako!?
AKO!?
Nagdilim ang paningin ko. Hindi ko alam kung saan nang galing at paanong nangyari, pero bumalik ang lakas ko, para bang wala akong tama ng baril sa binti at walang hiwa sa tagiliran at sa ibang parte ng katawan ko.
Parang zombie akong tumayo mula sa malamig na sahig. Biglang luminaw ang lahat, naglaho na parang bula ang hamog pero ang totoo nandiyan parin. Nakapikit ako pero sobrang linaw ng lahat. Nakikita ko kung nasaan sila at anong ginagawa nila.
Malinaw silang lahat sa mata ko, malinaw pa sa araw. Marami pang natitira, labin siyam pa sila. Tatapusin ko na 'to. Masyado na akong nagtagal dito.
"Ha! Nakakatayo pa siya ng ganiyan." Wika ng isa sa mga lalaki. Ang boses na 'yon ang unang nangibabaw kaya 'yon ang una kong inatake. Agad akong nagtungo sa likod nito. "Nawala siya!" Sigaw niya.
Hindi niya napansin ang mabilis kong pagkilos patungo sa likod niya.
Pinaluhod ko siya sa sahig, tinapakan ang likod at palikod na kinuha ang dalawang kamay niya. Walang pagdadalawang isip na hinugot ko 'to. Parang musika ni kamatayan ang paglagutok ng buto niya.
Mabilis na umatake ang mga kalaban. Mabilis ko din silang pinag-uuubos. Nakikita ko silang maigi, kahit nakapikit. Rinig na rinig ko ang kinakabahang paghinga nila at ang pagtulo ng malamig na pawis mula sa noo.
Ang mabibilis na tibok ng puso nila ay parang beat box sa bawat sigaw ng pagmamakaawa nila habang isa-isa ko silang pinapatay. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari, pero ito ang unang beses na naramdaman ko 'to.
Hindi ko maintindihan. Ito ba 'yung lakas na nakukuha kapag nasa dulo ka na ng bangin? 'Yung puntong wala ka na talagang matutuntungan. Ito ba 'yon? O iba pa 'to?
Parang pakiramdam ko wala akong kahinaan. Pakiramdam ko lumilipad ako, para ngang naka weed ako eh. Sa lahat ng paglalaban ko, ito ang pinaka malakas na ako.
Anim at kalahating minuto, 'yon lang ang kinailangan ko para tapusin silang lahat. Hihingal-hingal akong tumayo. Dinilat ko ang mata ko, mahamog parin. Nalalasahan ko ang dugo sa paligid, nanlalagkit din ako. Unti-unting naglalaho ang hamog, may humihigop na makina dito. Nang tuluyan nang mawala ang puting usok tumambad sa akin ang kagimbal-gimbal na pangyayari.
Kung saan ako ang salarin.
Ang buong silid ay nababalutan ng pulang pintura, parang may nagpasbog ng pulang bomba sa silid. Sa gitna ako nakatayo kung saan nakapaligid sa akin ang katawan ng mga hindi kilalang tao, walang buhay. Ang damit ko ay nababalutan ng nag-aapoy na dugo.
I smiled at the sight of it.
This is what happens to the people who dare to utter nonsense before me. Those who dare to be insolent to the great me will die, a miserable death. They should be happy I didn't torture them. If this was a normal day they would still be alive, wishing they were dead.
"Argh!" Napasigaw ako sa sakit bigla.
Well, what do I expect? Imposible namang hindi sumakit ang katawan ko sa nangyari. Totoo ang mga sugat sa katawan ko pero kumilos ako na parang wala ang mga ito.
I still need more training, but that feeling is really the best.
Bumalik ang kirot ng katawan ko at ang panghihina ng binti ko na nabaril. Kasi naman ang unfair, wala na nga akong makita tapos gumamit pa sila ng baril, grabe naman kasi. Pero anong magagawa ko? Walang fair or unfair sa underground world.
Wala namang santo sa mundo na 'to, or rather wala nang natira. Dahil sila ang unang namamatay. Never mind about that. Nakita ko na ang pinto na magdadala sa akin sa susunod na silid. Iika-ika akong nagtungo doon.
"Dammit!"
Sobrang sakit ng katawan ko at sobrang nanghihina ako. Kung wala lang 'yung putakteng hamog na 'yon atsaka wala 'yung bumaril sa'kin edi sana hindi ako napuruhan ng ganito. Sh*t! This is so pathetic of me!
Pano nalang 'pag nakita ako ng mga taong nakakaalam na ako ang Durgatinashini, tae nakakahiya 'yon.
Pagbukas ko ng pintuan hindi inaasahang sinalubong nanaman ako ng usok. Pero this time hindi na hamog kundi usok mula sa nasusunog na bagay. Napaubo ako at singkit na tinignan ang paligid. Kahit saan ako tumingin, lahat nag-aalab. Marami ang nagsisigawan palabas ng lugar. Anong nangyari? Tinakpan ko ang ilong ko gamit ang pangitaas ko.
Sunog? Nanaman? Si Kang Hoo nanaman ba ang may pakana nito? Wala na ba siyang ibang alam kundi sunugin ang Battle Royale?
Napa abante ako bigla nang maramdaman ko ang babagsak na kahoy papunta sa akin.
"Huh?!" Bigla akong nahilo at nanghina.
Anong nangyari? Nahihirapan narin akong huminga at unti-unti nang nanlalabo ang paningin ko. Sh*t! Kusa nang pumipikit ang mata ko. Nauubusan na ata ako ng dugo. Tae naman talaga, bakit ngayon pa?
Kung kelan nasa kalagitnaan ako ng sunog. Pinilit kong hanapin ang exit, sa bawat lakad ko lumalabo ang paningin ko. Hindi ko na kaya. Hanggang dito nalang ba? Gusto ko nang isara ang mata ko ng tuluyan pero kalahati ng utak ko sinasabi na 'wag.
Dammit! Dammit! Dammit!
Hindi ako puwedeng mamatay ng dahil lang dito, madami pa akong kailangang gawin. Hindi ako puwedeng bumagsak ng ganito lang kadali. Hindi pwede.
Napaluhod ako sa sahig at paharap na bumagsak. I'm so f*cking tired, I want to sleep, but I know I can't or rather I shouldn't. At least not yet. Jun where the hell are you, help me. Pagod na dinilat ko ang mata ko nang makarinig ako ng yapak na papalapit sa'kin.
Una kong nakita ang isang pares ng black leather shoes, parang diyamante kung kuminang dahil sa sobrang linis. Hindi ko alam kung bagong bili ba siya o bagong shine. Mukhang mamahalin eh, and I doubt this guy is Jun.
"What are you waiting for? If you don't stand up right this moment, you're gonna die." Narinig ko ang boses ng lalaki na kumakausap sa'kin. Mahina lang ang pandinig ko at medyo garalgal na, hindi ko masyadong mamukhaan ang boses. "Stand up, get out of here." Dagdag niya pa.
Who the hell is this guy? Can't he just shut the f*ck up. Kung hindi lang din niya ako balak tulungan pwede na siya lumayas at manahimik. Hindi na nga ako makagalaw, ni hindi ko magawang iangat ang middle finger ko para bigyan siya ng malupet na 'f*ck you'. Nahihirapan narin ako huminga dahil sa makapal na usok.
Ang sakit ng buong katawan ko, kumikirot ang tagiliran ko, tumatagas din ang dugo sa binti ko. Nagugutom pa'ko, gusto ko ng pizza, cake and ice cream.
But before that, kailangan kong pigilan ang dugo na umaagos, delikado 'to. I can die kapag lumipas pa ang ilang oras. But I can't move any limb on my body, I feel so exhausted and its already taking too much power just to keep my eyes open.
Dammit! Jun, nasan ka? Tulungan mo'ko, Jun! Hindi ako makagalaw.
Hindi ko alam kung guni-guni ko ba 'yon, pero I felt someone caressing my hair. "You're really one heck of a woman. Although you can't see anything and there's more than thirty of your enemy, you still won, in the most impossible way. The Patriarca blood is still so mysterious as ever. You even attacked them when you were on the brink of losing, you turned the tables as if it was nothing."
Of course, duh?! Who do you think I am?
"Really commendable, this is why I love you." Saad niya pa.
Naramdaman ko ang biglang paggalaw ng katawan ko. Binuhat ako ng hindi kilalang lalaki. Malabo na ang paningin ko at dahil sa medyo natatakpan, ang bibig lang niya ang nakikita ko. Sino siya? Kung makapagsalita akala mo close kami. Sobrang daldal pa?!
"I expected you to die, but here you are still alive, although about to die. If it was a different person I bet they'll be dead by the first minute. What a tenacious woman. You're really the strongest woman, and the word Goddess fits only to you. Right my beloved Goddess?"
"O-of co...urse." Hindi ko inexpect na makakapagsalit pa'ko sa estado ko.
"Hoh! You still have enough energy to speak huh. Though I guess you can't tell who I am right now."
"S-si...no...ka?" Nanghihina kong tanong.
Hindi ako makapagsalita ng ayos dahil sa sobrang panghihina, konti nalang talaga at tuluyan nang sasara ang talukap ng mga mata ko. Dagdag pa ang usok na galing sa nagaalab ng lugar, na su-suffocate narin ako.
Ano kaya ang mauuna. Suffocation o blood lost?
"That hurts, nakalimutan mo na ba ang mukha ng Kuya mo?"
Kuya? Now that he mentions it, this voice, it's him. How can that be? Patay na siya anong ginagawa niya dito? Paanong nangyari na nandito siya at buhat-buhat ako ngayon. Anong ibig sabihin nito?
Hindi ko makita ng lubusan ang mukha niya. Sobrang nanghihina narin ang katawan ko dahil sa kawalan ng dugo at pagod. Marami akong gustong itanong at gusto ko siyang bigyan ng mahigpit ng yakap.
Baka nananaginip lang ako? Imposibleng nandito ang kuya ko ngayon dahil limang taon na nang patayin siya ng lalaking 'yon. Kitang-kita ko kung paano siya namatay.
Ang kuya ko na akala ko patay na. O baka naman patay na talaga siya at nasa impyerno na ako. Oo nga, nasusunog at mainit ang lugar. Diba mainit sa impyerno? Oo tama impyerno 'to. Hindi ko naman inaasahan na mapupunta ako sa langit eh, pero bakit kailangan na dito pa kami magkita?
O baka naman dahil mamamatay na ako kaya pinapakita ni Lord o ni Satanas ang taong pinaka gusto kong makita. Charity ba ito?
Hindi ko na kaya. Kahit gaano ko gustuhin na makausap siya, suko na ang katawan ko. Kahit anong pilit ko, wala na akong mahugot na lakas, ubos na lahat. Gusto ko siyang makausap pero wala na talaga akong lakas.
"F-Fratello... (B-brother...)" Bago pa ako tuluyang lamunin ng kadiliman, nakita ko ang matamis na ngiti ni Fratello. Ang ngiti na lagi niyang pinapakita.
©IF02
BINABASA MO ANG
The Legendary Durga
ActionShe is a wonder. She is stunning. She is a Goddess. Fighting against armed men, killing them in the blink of an eye, swinging her sword as if she was dancing an exotic dance and a dangerous smile creeping on her face, smile that could make people tr...