JINGU (AGNEZKA PATRIARCA) POV
Tao suggested that we go to the beach, which truth to be told I don't want to go to. Pero dahil mukhang gusto pumunta ni Amy, I had no choice, labag man sa loob ko, pumayag na ako. And that's why we're here, in the B.E.A.C.H!
Of course bago kami pumunta sa beach dumaan muna kami sa mall para mamili ng mga dadalhin namin. Nandoon sila Jun, Kang Hoo and Takeo, grilling and preparing some food, while me, Regis, Tao, Amy and Taki are playing volleyball. Si Shark naman umalis para bumili ng alak, nakalimutan namin eh.
Habang naglalaro at nagtatawanan kami, naramdaman ko na parang may nanonood sa'min. As usual hindi ko sila pinansin, nagkunwarian ako na parang walang nararamdaman. Hindi lang isang tao ang nanonood sa'min, madami, sobrang dami. In fact hindi sapat ang daliri ko sa paa at kamay para lang bilangin sila.
Biglang huminto si Tao at simangot na nagpa-maywang "Tch! This is going to be troublesome."
Ngumisi naman si Regis habang pinaglalaruan ang bola. "Can't they just let us go? We're trying to have fun here." Maya-maya tumalas ang mata niya. "I hate it when somebody interrupts me when I'm playing with girls."
In some way or another, parang mali ang pagkakasabi ni Regis o talagang green minded lang ako? Hindi, kahit saan mo tignan mali ang pagkakasabi niya.
Lumitaw na ang mga butete na kanina pa nanonood sa'min.
BAD NEWS: Madami sila, we're basically outnumbered.
GOOD NEWS: Excited ako.
"Taki." Tawag ni Kang Hoo sa bata, nakasuot siya ng apron habang nag-iihaw. "Paki-bantayan ang Little Princess natin." Nakangiting utos ni Kang Hoo.
Tumango si Taki. "Opo." Pagka-angat ng mukha niya naging matalas agad ito. Tinago niya si Am
Nakita ko na ilan na ang tapos maluto, kaya lumapit ako para kumuha sana ng hotdog kaso tinitigan ako ni Kang Hoo ng masama, telling me not to even dare get one. But of course, me being me, I just smirked at him at took one.
"Pati narin ang Big Princess, paki bantayan." Nang-aasar na dagdag pa nito.
"I don't need help, b*stardo! You wanna be the first one to take my fist?" Bulyaw ko at sinipa ulit siya sa binti.
"Why you!!!" Namimilipit sa sakit na daing niya.
"Ano?! Pairalin mo ulit kagaguhan mo, nang kamao ko naman sunod na tumama sa mukha mo."
Naputol ang bangayan namin ni Kang Hoo nang biglang magsalita ang mga bagong dating. "SINO KAYO? ANONG GINAGAWA NIYO SA TERITORYO NAMIN?" Tanong ng parang leader nila. Ayoko ng mga ganyang tanong nakakaloko, sayad na sayad na 'yan sa mga manga.
"Wala kang pakialam kung sino kami? At bulag ka ba? Hindi mo nakikita naglalaro kami ng volleyball." Sarkastikong tanong ko, napatingin sa akin ang mga kasama ko. As if I did something bad. "Ano?!"
"Hindi mo na sila kailangan galitin, you know." Panguna ni Regis.
Napakunot ang noo ko. "Don't worry. Kung natatakot ka kalabanin sila, ako na ang bahala. You can go and hide with the kids. Walang inaatrasan ang Patriarca Family." Nilagpasan ko silang lahat at lumapit sa mga gangster.
"MAANGAS KA RIN EH 'NO. TINGIN MO BA HINDI KAMI PUMAPATOL SA BABAE?" Wika ng leader nila na mukhang pumapapak ng steroids. Pinatunog niya ang mga butong pwedeng patunugin sa katawan.
Anong kalakohan ang ginagawa niya?
"MAGANDA KA PA NAMAN, SAYANG AT SISIRAIN KO LANG ANG MAGANDA MONG MUKHA." Talaga namang nagawa niya pa'kong puriin.
"Bunganga lang ba ang ginagamit mo kapag nakikipag-away ka? Bakit hindi ka tumigil sa kakakahol? Hindi kasi ako marunong umintindi ng lingwahe ng mga hayop." Nginisian ko siya, para mas lalo pa siyang mainis.
Sa totoo lang masarap makipag-away gamit ang salita, lagi kasing nagiging speech less ang mga kalaban lalo na pag napipikon na. Tinaas ko ang middle finger ko at winagayway ito para lumapit sila.
"TARANTADO KANG BABAE KA! SUGURIN NIYO SIYA!"
Susuntok na sana ako nang dumating si Jun at Kang Hoo. Sabay nilang sinuntok ang dalawang lalaki na paparating sa'kin.
"I don't need any of your help, b*stards! Alis!" Pagpapalayas ko, pero parang walang narinig, hindi manlang sila sumagot o lumingon.
Wala na akong pakialam, bahala sila sa buhay nila. Tinuloy ko nalang ang pag-ubos sa mga gangster. Nakakita ako ng tatlong lalaki na papalapit sa pwesto nila Amy at Taki, tumakbo agad ako papunta d'on, kaso lang masyado silang malayo, parang hindi ako aabot.
"Cazzo!" 'Yon nalang ang nasabi ko.
Nagulat ako nang isa-isang pinatumba ni Taki ang mga lalaki, he used simple karate moves. Nakahinga ako ng maluwag, I forgot that this kid is also a part of the underworld. He's just like his brother, magaling makipaglaban.
Again, I sighed in relief. I thought something bad would happen.
Nakalimutan ko na nasa gitna nga pala ako ng laban, may paparating na bakal sa mukha ko. Sabay na sinangga ni Jun at Kang Hoo sa harap ko ang braso nila, bago pa makadikit sa ulo ko ang bakal.
"S-salamat." Hindi ko nalamayan na napa thank you ako bigla, hindi nila ako pinansin ulit. Anong problema nila? Sobrang focus sa laban hindi ako naririnig? Almost ten minutes, natapos namin silang lahat.
Nagtaka ako nang biglang lumapit sa'kin si Kang Hoo at malakas na binatukan ako. Naramdaman ko pa nga na umalog ang utak ko sa lakas.
"Figlio di Troia! (Anak ng puta!)" Napamura ako sa inis. "Anong problema mo?!"
"Hindi mo na dapat sila ginalit." Simangot na saad ni Kang Hoo.
"What I do is none of your concern."
"Of course it is. You just brought trouble, we could have handled it without using our fist."
"I didn't ask for your help to finish those trashes. I can take care of them all by myself. If you were so scared, then you should have just stayed beside Taki and have him protect your pathetic-excuse of an *ss."
"Hindi 'yon ang ibig kong sabihin, Jingu." Kinamot niya ang ulo niya at bumuntong hininga. "Una sa lahat, hindi ok na ikaw lang ang makipag laban. Tingin mo panonoorin ka lang namin habang nakikipag basag ulo ka d'on? Of course not! Pangalawa, hindi tayo nagpunta dito para makipag-away. Pangatlo, kasama natin si Amy at Taki, hindi maganda na ganito ang memorya nila kapag nagpupunta siya sa beach. Pangapat, what if we couldn't handle all of them? You just put Amy in danger!"
Natigilan ako sa huling sermon ni Kang Hoo. He was actually right, though it hurts, it was true. Bakit ba hindi ko agad naisip 'yon? Kapag may dumadating kasing away, sugod lang ako ng sugod. I never had any thought of protecting someone, Amy is the first person I had to think of. Hindi ko kailangan mag-isip ng mga ganyang bagay noon.
Napayuko ako. "Sorry." Mahinang usal ko.
I felt someone rub my hair, si Jun. "Don't think too much about it Jingu, it wasn't your fault. It was those b*stards." Then he smiled at me. "And you didn't have to hurt her, just to tell her that!" Jun spat at Kang Hoo. Tinignan niya ito ng masama at ganon din ang tingin na ibinato sa kanya ni Kang Hoo.
Bago pa magsimula nanamang magkagulo ang dalawa na'to, pinigilan ko na. Kasalanan ko naman talaga this time, kung bakit nagkagulo. Tama din naman kasi ang sinabi ni Kang Hoo.
"Jun, I'm fine, 'wag ka nang makipag-away. It's true that it's my fault. I forgot the reason kung bakit tayo nandito, hindi ko din naisip agad si Amy. Hindi na ito mauulit so 'wag na kayo mag-away, ok?" Pagpapakalma ko kay Jun.
Tumango siya at tumigil na sa opensa. "Ok."
Tinalikuran na namin si Kang Hoo. Lumapit ako kay Amy na hanggang ngayon ay nakakapit parin kay Taki.
Now I really feel bad.
"Amy, pasensya ka na ha. Hindi ko dapat ginawa 'yon, sorry." Lumuhod ako para pantayan siya.
Ngumiti lang si Amy at niyakap ako. "Don't worry Ate Jingu, Taki protected mo so I'm fine. Tsaka masaya na ako at walang nasaktan."
"Guys, kain na tayo, lunch na. Gutom na gutom na'ko." Pagyaya ni Tao, naramdam ko na'rin tuloy ang gutom.
Kumakalam na ang sikmura ko.
"How are we gonna eat? Those guys ruined our food." Turo ni Regis sa kaninang niluluto nila Kang Hoo.
"Let's just find the nearest resto, I'm really hungry."
Nagpunta kami sa pinaka malapit na family restaurant and as usual hindi nagpapansinan si Kang Hoo at Jun. Ano pa bang bago? Mukhang masaya naman si Amy ngayong araw dahil panay ang tawa niya sa mga korning joke ni Tao at Regis.
Hindi halata na madalas na pinag-aagawan itong si Amy ng iba't-ibang organisasyon sa buong mundo. Sa isang tingin akala mo isa lang siyang normal na bata, at sana magtagal na ganito. Habang nagtatawanan sila, tumayo muna ako para magpahangin sa labas. Sobrang dami ng nakain ko at kailangan kong tumayo.
Paglabas ng resto agad akong sinampal ng maalat na hangin, malapit lang kasi ito sa beach. Amoy tubig alat ang simoy ng hangin. Naramadaman ko na may naglalakad papalapit sa akin, pero hindi ko binuksan ang mata ko. I don't feel any killing intent so I guess it's not going to be a fight.
"Hey." Boses ni Kang Hoo.
Dahan-dahan kong binuklat ang mata ko at nilingon siya. Sa likod niya matatanaw mo ang buwan na palabas palang.
"Hey." Hinintay ko ang susunod niyang sasabihin. "Sorry kanina, napalakas ang batok ko." Hindi ko inexpect na mag so-sorry siya sa bagay na ako naman dapat ang mag sorry. "Don't think about it, I know it's my fault. Hindi ako nag-isip agad, sorry." I said habang nakatingin sa kalsada.
"Buti naman aminado ka."
"Could you be the cool guy even just for more than five minutes?"
"I can't, that's not me."
"That s*cks then."
"I guess, ok na tayo?" Nginitian niya ako at inabutan ng pockey, strawberry flavor.
"Thanks, may dala ka pa talagang pampalubag loob."
"Oo. Sabi kasi ni Tao kailangan ko 'yan 'pag nag-sorry ako sa'yo."
"Kailangan talaga? Haha."
"Para daw hindi mo'ko sapakin kung sakali na nagkikimkim ka ng sama ng loob."
"I'm not that petty, you know."
"I know." We both went silent for a couple of awkward seconds. "Battle Royale na mamaya."
"Hmmm." Tumango ako.
"Takot ka ba?"
"Ba't naman ako matatakot? Laro lang 'yon."
"That's so like you."
"Is that so?" Ngumisi ako. "Eh ikaw?"
"Why would I be?"
"I thought so." Kumuha ako ng isang pockey at sinuksok sa bunganga niya. "Here, reward for being brave. Isipin mo nalang pampalubag loob ko."
"Wow ha, 'yung pampalubag loob mo galing pa sa'kin."
Habang nagtatawanan kaming dalawa sa labas ng family restaurant, nagsilabasan na ang mga kasama namin. Halatang nagtataka sila kung bakit kami magkasama at nagtatawanan.
"Ang sweet niyo naman." Pang-aasar ni Regis.
Tumawa naman si Amy at Tao. Nakita ko si Jun na masama nanaman ang tingin kay Kang Hoo. I don't know kung bakit ayaw na ayaw niya sa lalaking 'to, pero dahil baka mag-away nanaman sila, lumapit na'ko kay jun.
Nang magkayayaan na umuwi, nagkanya-kanya na kami pagkatapos magpaalam.
Pagdating sa bahay pagod na pagod kaming tatlo, pero satisfied naman dahil masaya si Amy. Ngayon kailangan nalang namin hintayin na matulog siya para makaalis na kami ni Jun.
"Matutulog na'ko." Maliit na ngiti ni Amy at umakyat na. Pero sa hindi malamang kadahilanan, masama ang kutob ko at parang malungkot siya. Hindi ko nalang ito pinansin, dahil baka pagod lang siya. "Good night."
Tinawagan ni Jun si Bia para bantayan muna si Amy at dito muna siya mag-stay sa bahay. Hindi naman ito tumanggi, kailangan namin siya para bantayan si Amy, since hindi pa naman sure na talagang safe pa ito.
Pagdating namin sa Star Tower, naka costume na kami at handang-handa na. Siyempre ang tingin ng mga tao sa'min ay medyo takot at ang iba naman ay tinatrato kaming idolo. Alam nila na isa kami sa mga kalahok.
Pagpasok sa lounge agad na nakita ng mga mata ko ang apat na mokong.
"Uwaa! Hindi ako makapaniwala na talagang kayo 'yan. Lalo ka na Cutie, ang cute mo sa elementary uniform na 'yan." Hindi ko alam kung pinupuri ba niya ako o nilalait.
"Ang ingay mo, pwede bang tumahimik ka?" Suway ko sa kaingayan ni Tao, kararating lang namin bunganga agad niya ang narinig ko.
"Na'san ang magling niyong lider?" Taas kilay kong tanong.
"Officially invited si Kang Hoo, isa siya sa mga bidding audiences." Paliwanag ni Regis. "Gusto nga din niya sumali, kaso kailangan siya doon."
"Para saan?"
"To watch out."
"Just so you know guys. Even if we hang out these past few days, we will be the one winning the prize money." Mapanghamon kong saad, na mukhang nagpataas ng fighting spirit ni Shark.
"Δεν θα χάσετε. (Hindi ako papatalo.)" Mahinang usal niya, napangiti ako. Talagang palaban ang silent boy na 'to.
"ας δούμε τι έχεις. (Tignan natin ang ibubuga mo.)" Wika ko sa kanya.
Kulang nalang may lumabas na kuryente sa gitna na mainit naming titigan.
Bumukas ang maingay na pintuan na nagpahinto ng titigan namin ni Shark. May sumulpot na babae, nakasuot ng pink-bunny costume. Hindi ba niya alam na mukha siyang tanga? Pero mukha namang tuwang-tuwa si Regis sa nakikita.
May dala siyang pink box, may butas sa gitna. What a weird taste.
"Magandang gabi mga kalahok. Ako si Pinky, pumila kayong lahat. Gusto ko na kumuha kayo ng isang card sa loob ng box na ito." Utos ni Pinky at agad na gumawa ng pila ang mga contestants. Isa-isang kumuha ng card sa loob ng box. Nang makakuha na ang lahat, nagsalita ulit siya.
"Ok! Mukhang lahat ay may card na! Tanggalin niyo ang sticker na nasa card, may numero na nakalagay diba? Ang numero na yan ang magsasabi kung pang-ilan kayo sa lalabas ng lounge na ito."
Tinanggal ko ang sticker, twenty-four ang nakalagay, kay Jun naman ay ten.
"Mayroong abilidad ang mga tao na tinatawag nating, swerte o luck, dapat gamitin natin ito. Sa kabilang banda ng pintuan na 'yan ay ang battle field. Para makapasa sa susunod na round, kailangan niyong kumolekta ng isa pang card. Ibig sabihin, kailangan niyong kumuha ng card sa ibang kalahok para makapasa."
Agad na naging wary ang mga kalahok sa isa't isa.
"Isa-isa kayong lalabas, simula sa number one at paglipas ng isang minuto si number two naman. So nung sinabi ko na gagamitin natin ang swerte niyo, ang tao na nakabunot ng number one ay ang pinaka maswerteng tao dito sa loob at ang pinaka malas naman ay ang nakabunot ng number twenty-four. Bakit? Dahil ang unang tao na makalabas diyan ay may pagkakataon na agad atakihin ang susunod na lalabas ng madali."
I looked at the card I'm holding, it says number twenty-four. So it means sa buong silid na 'to, ako ang pinaka malas? Ganoon ba ang gusto niyang palabasin? Wow ha!
Napangisi ako.
Nang mapansin ni Jun ang number ng card ko napakunot ang noo niya. "Gusto mo makipagpalit?" Tanong niya sa'kin.
"By the way! Bawal ang magpalit ng number, ok?" Saad ni Bunny Girl.
Not like I had the intention to change numbers with Jun. "No need."
"Sigurado ka?"
"Not like we can do it anyways."
Nag-aalalang tumango nalang si Jun. Para talaga siyang nanay kung mag-alala, but that's what I like about him.
"Magtatagal kayo sa field ng dalawang oras. Kapag lahat ay nasa loob na, d'on magsisimula ang count down at 'yon din ang oras na maari kayong makakuha ng card. Ok?"
Pagkatapos magpaliwanag ni Pinky, isa-isa na silang pumasok. Mahabang oras din ang hinintay ko para lang makalabas at ito na nga, ako na ang susunod na lalabas. Nang bubuksan ko na ang pintuan papalabas ng lounge, biglang may iniabot sa akin si Pinky.
"Regalo mula kay Kaiser, may mensahe siya para sa'yo. 'You better entertain me and don't disappoint me.' 'Yan ang sabi niya. Good luck!"
Bago ko pa man tignan kung ano ang binigay niya, tinulak na niya ako papalabas ng pinto. Paglabas ko, agad akong nasilaw at marahas na liwanag at napapikit. Dahan-dahan kong dinilat ang mata ko.
And then I saw something unexpected. The hell?! Are they being serious? Not right? Definitely not. Bakit ako nasa...
GUBAT?!
Malalaking puno na parang mas malaki pa sa bahay namin. Mga tunog ng hayop at araw na akala mo totoo talaga.
"What the f*ck?!"
©IF02
BINABASA MO ANG
The Legendary Durga
ActionShe is a wonder. She is stunning. She is a Goddess. Fighting against armed men, killing them in the blink of an eye, swinging her sword as if she was dancing an exotic dance and a dangerous smile creeping on her face, smile that could make people tr...