JINGU (AGNEZKA PATRIARCA) POV
Dahan-dahan kong imunulat ang mga mata ko, medyo mabigat ang pakiramdam ko at madilim nanaman ang paligid. May naririnig akong mga nag-uusap, maraming tao sa paligid pero wala akong makita.
"Good evening Ladies and Gentlemen. Ngayong gabi may isang espesyal na 'item' kaming nakuha."
Rinig ko ang isang mapang anyayang boses ng lalaki mula sa speaker. Nasaan ba'ko? Anong oras na? Ilang oras ba akong walang malay or better yet, ilang araw? Asan si fake Antonio?
Mabigat ang katawan ko at medyo groggy pa. Pinainum ba'ko ng droga ng hayop na 'yon? O sadyang ganito ang epekto ng makuryente?
"Ihanda niyo na ang pag-angat ng mga kamay niyo, hindi basta-basta ang item ngayong gabi. Ilabas niyo narin ang mga ballpen at cheke ninyo! Ito na ang ating kahuli-huliang item! Isang magandang binibini!"
Marahas na napapikit ang mata ko dahil sa biglang sigid ng liwanag. Ipinansangga ko ang braso ko at hinintay na masanay ang mata. Habang nakapikit ako pumalibot ang maliligayang sigaw ng mga tao sa paligid.
When I opened my eyes, I looked around. Tila ba nasa isang engrandeng masquerade party ako. Maraming tao, bawait isa naka maskara, tinatago ang mga pagkatao nila.
Huli na nang mapansin ko na nasa isang malaking bird cage ako. At kaya pala ako nahihirapan kumilos, dahil naka victorian dress ako. The hell is this? Cosplay?!
Naka posas din ang mga kamay ko.
'10 million'
'25 million'
Bad news! Tsk! Mukhang napasabak pa'ko sa human auction. It's been a while since I've been to this kind of place. Good news, ako ang pinag-aagawan nila.
'30 million'
30 million? Are you f*cking kidding me? Tingin ba nila mabibili nila ako sa kakaramput na halaga? Kailangan muna nilang mamatay ng sampung beses bago nila ako mabili ng tuluyan.
I think nasa loob ako ng black casino ngayon, isa lang siguro 'to sa mga event nila. Tangina 'yung Fake Antonio na 'yon. Nas'an ba siya? Ba't niya 'ko dinala dito? In the end ang plano niya para sa'kin is ibenta sa matandang mayaman? WTF!?
Pag naka-alis ako dito, I'll make sure na mawawasak at pupunit-punitin ko ang kaluluwa niya.
At nakakainis na ang mga sigaw nitong mga bidder dito, ang ingay.
"Shut up mother f*ckers!" Sigaw ko sa mga hampaslupa na gustong bilhin ang isang kagaya ko. Ang nakakagulat nga lang, walang lumabas na boses sa bibig ko.
Bakit?! Bakit walang lumalabas na boses? Hindi ako makapagsalita kahit anong isigaw ko. Naging pipi na ba ako? Kakailanganin ko na bang matuto kung paano mag sign language?
Napahawak ako sa leeg ko. Kinakapa, baka may butas na kaya hindi ako makapag salita.
'50 million'
'100 million.'
'120 million.'
Cazzo! Kapag hindi pa ako kumilos ngayon baka mabili nalang ako ng kung sinong matanda dito. Dios mio! (My God!) Anything but that.
Kailangan ko nang umalis.
Nahinto ang paghinga ko at nanginig ang mga tuhod ko. What was that?! Nakaramdam ako bigla ng napaka tinding blood lust na naka direkta sa'kin. Kapareha ito noon, pero may iba, hindi ko maintindihan kung ano.
Hinanap ko ang nagbabato ng nakakapanindig balahibong tingin.
Sa dulo ng mga bidders. Isang lalaki na naka suit, kung makikita sa katawan niya mga 23 o 24 palang siguro. Nakamaskara din siya kaya hindi ko matanto kung sino ang lalaki. May dalawang parang modelong babae ang nasa tabi niya. Prente siyang nakaupo na para bang akala mo pag-aari niya ang buong mundo. Mapapansin mo na isa siya sa mga VIP dito dahil sa naiiba ang inuupuan niya.
Hindi nakatakas sa'kin ang pilyong ngiti na gumuhit sa labi niya, nang mapansin na nakatingin ako. Ang d*mn it all! He's f*cking hot, even with the mask. Let's just wish that even if wala na ang maskara, gwapo parin siya.
Napalunok ako nang tumayo siya at naglakad papalapit sa'kin. Akala mo Hari kung tahakin niya ang daan, ang sarap lang italisod. Sa likuran niya nakasunod ang dalawang babae na akala mo buntot.
Natahimik ang buong kwarto.
Lahat ng atensyon nila na kanina lang nasa'kin, ngayon nasa kanya na lahat. Nabalutan ng maiingay na bulungan ang lugar, naririnig ko pero wala akong maintindihan.
"W-what's wrong sir?" Nauutal-utal na tanong ng host. Naiintimidate siguro siya sa tindig ng lalaking dumating. Hindi ito pinansin ni Mr. Tall-hot-and-masked, bagkus binuksan nito ang malaking bird cage na kinalalagyan ko. "Mr. 29, please stop! You can't free her. Unless you want to bid for her, she's now on 140 million. Can you beat that Mr. 29?" Hamon ng host.
"Pft!" Isang nakakainis na singasing lang ang ginawa ng lalaki na di kalaunan ay naging malakas na tawa.
Hinila niya ako papatayo at papalabas ng bird cage. Gusto ko siyang tanggalan ng ari, ayaw ko sa lahat ay hinihila ako. Kaso sabi ng kalahitng parte ng utak ko, 'wag.
"Guards!" Galit na sigaw ng host.
Napahiya siguro nang tawanan siya ni Mr. 29. Mabilis na umaksyon ang mga guards, pero napatumba lang ang mga ito ng dalawang babae na kasama kanina ni Mr. 29.
"Hoy! Akin na ang babaeng 'yan, ako ang may pinaka mataas na bid kaya akin 'yan, bitiwan mo siya!" Nang gagalaiting sigaw ng matandang maraming alahas sa katawan at tumatalbog na tiyan.
Hindi ko maipaliwanag ang saya na nararamdamn ko. Right now, I so wanted to hug this guy they call Mr. 29. Thank Gods dahil naisipan niya akong kunin, ayoko sa matandang 'yon. Nakakasuka!
Tangkang huhugitin ako ng matandang mataba, agad na humarang ang isa sa mga babaeng bodyguard at inikot ito pabaligtad. Sabay-sabay na napa gasp ang mga bidder sa ginawa ng babae.
"What should I do boss?" Malamig na tanong ng babae. Para siyang robot, hindi kaya may nakasukbit na chip sa likod ng batok niya?
"What are you doing? Do you know who I am? I can make your whole life miserable if I want to!" Banta nung mataba na hanggang ngayon ay hawak ni miss mecha.
"Hoh! You can't possibly do that to me, Mr. Ponto." Natigilan ang matanda sa sinabi ni Mr. 29, alam niya kung sino ang matanda sa likod ng maskara. "I can do it to you though. Would you like a demonstration, right here, right now?" Pananakot ng lalaking naka maskara. I admit, I got the shivers, just a little though.
Mararamdaman mo ang lamig sa boses niya. We are of the same feather, I feel it. Siguradong kayang pumatay ng lalaking ito ng hindi kumukurap. Pansin ko ang panginginig ni Mr. Ponto na parang gusto nang maihi.
"Mr. 29, please stop this. We're just having fun here and this disturbance is unforgivable. Mr. 12 is only taking what is his. He won the bid, the girl is his property now." Seryosong asta ng host, atleast may pagka professionalism ang dating niya kahit na ang trabaho niya ay illegal.
"500 million." Biglang bitaw ni Mr. 29 na halos nagpaluwa sa mga mata ko.
Nagsimula nanaman magbulungan ang mga bidder, halatang nasisiyahan sila sa live show na 'to.
"A-alright! Mr. 29 for 500 million, can someone beat that?" Pagsigaw ng host sa mic para sa iba pang bidder.
"1 billion." Lumaban si Mr. 12.
"5 billion." Pa easy-easying wika ni Mr. 29.
"1-10 billion!" Sigaw ni Mr. 12, halatang kumakapit nalang siya sa patalim. Hindi na niya kayang ma-afford kung tataas pa ang presyo, kaso ayaw magpatalo ng pride niya.
"50 billion." Malamig na saad ni Mr. 29 "In cash." at nginitian si Mr. 12.
Alam niyang wala na itong ipanglalaban. Walang nagawa ang matanda kundi yumuko dahil sa pagkatalo niya.
Alam kong maganda ako, pero 50 billion? Hindi ba parang sobrang mahal naman? Ilang bahay ng chocolate kaya ang mabibili ko d'on? Tiba-tiba ako nun 'pag nagkataon. Hindi ko alam kung sino ang lalaking 'to. Buti nalang at siya ang nakakuha sa akin, nakakadiri kaya 'yung Mr. Ponto.
"Going once!" Nagsimula nang mag count down ang host para sa iba pang bidders
'How can we possibly beat that 50 billion?'
"Going twice!"
'It's also in cash, it's impossible.' 'I even want that girl.'
"Going thrice! Alright we have a winner! Congratulations Mr. 29 the girl is all yours for 50 billion, in cash!"
Isang masigarbong palakpakan nanaman ang nangibabaw sa buong silid, nagpaulan pa sila ng confetti na akala mo ito ang pinaka masayang birthday bash, ever! Binigay ng host kay Mr. 29 ang susi ng posas ko at tinanggal niya ito.
Grabe sarap sa pakiramdam, para akong nagsuot ng masikip na bra at paglipas lang ng isang taon ko hinubad. Heaven ba!
Nakita ni Mr. 29 ang pamumula na kamay ko. Magaan niya itong kinuha at hinalikan habang ang mga mata ay mapang-akit na naka tutok sa akin.
What the f*ck is he doing? Is this guy an idiot or something?
Nakataas ang kilay ko pero alam kong namumula ako sa kahihiyan, nakakhiya kaya. Sinubukan kong magsalita para itanong kung sino siya pero wala paring lumabas na boses sa lalamunan ko. Nginitian lang ako ni Mr. 29.
"Well then I'll be taking my prize! Farewell!"
Holding hands while walking ang peg namin. Ilang beses akong pumiglas pero dahil mas malakas siya at dahil medyo mahina pa ako sa drugs, hindi ako nagwagi. Naglakad kami papalabas ng auction room. Paglabas ng auction room, napunta kami sa ibang parte ng black casino. Maraming mga slot machine, card tables, roulette at kung ano-ano pa.
Sa gitna ay may maliit na boxing ring kung saan may naglalaban na mga babae, may nakatali sa leeg nila at kapwa sila may hawak na punyal. Just basically what you see in a black casino.
Sumakay kami sa isang sasakyan. Hindi ako nagtangkang tumakas o ano, gusto ko malaman kung sino ang lalaking 'to at sa lakas niyang 'yan bakit hindi ko pa siya nakakalaban kahit minsan. Si fake Antonio nasaan? Ano ba kasi ang nangyari?
Hindi ko pa nga alam kung bakit ginagawa ni Fake Antonio ito tapos ngayon may bagong problema nanaman. Buhay nga naman!
Hindi ko napansin na nakarating na pala kami sa destinasyon, kung hindi lang ako tinawag ng isa sa mga robot model hindi ako lalabas. Paglabas ng sasakyan dumungaw sa akin ang isang engrandeng mansion sa gitna ng gubat.
Pagpasok sa loob ng mansion, nakahilerang maid ang sumalubong sa'min.
"Welcome back, master."
Sabay-sabay nilang bungad na parang mga kindergarten student na bumabati sa teacher ng good morning. Tinanggal ng lalaki ang maskara niya pati coat, agad naman itong kinuha ng maid mula sa kanya. Hindi ko makita ang mukha niya dahil naka talikod siya sa akin.
Kulay abo ang kanyang buhok at hindi siya gaanong katangkaran kung ikukumpara kay Jun, magkasing height lang siguro sila ni Kang Hoo. Sino kaya ang isang 'to? Gusto kong iharap ang mukha niya sa'kin, pero dahil sa dalawa niyang gwardya, hindi ko magawa, baka bigla nila akong atakihin at hindi ako sigurado na makakalaban ako dahil sa nanghihina parin ang katawan ko.
Naglakad siya papalayo pero hindi ako sumunod, nanatili akong nakapuntod sa tinatayuan ko.
"Bakit hindi mo sabihin sa'kin kung ano talaga ang nangyari at kung sino ka? Alam kong alam mo. Nasaan si Antonio?" Hindi ko inaasahan na may lalabas na boses, kusa lang akong nagsalita. Kung ano man ang droga na nilagay nila sa akin ay wala ng epekto, pero mahina parin ang katawan ko.
"Nasa Italya si Antonio." Tugon ng lalaki.
Hindi ko nakikita ang mukha niya pero tanto ko na nakangiti siya ngayon at tila ba inaasar ako.
Ayoko nang magsayang ng oras, huminga ako ng malalim. "'Wag mong painitin ang ulo ko, alam mong ibang Antonio ang tinatanong ko." Tumawa siya saglit at muling itinuloy ang naudlot niyang lakad papalayo.
"I'm just joking. Why so cynical? We'll talk later after you freshen up, I'm sure na hindi ka komportable sa suot mo." Wika niya habang naglalakad.
Hinatid ko lang siya ng tingin hangga't sa mawala na siya sa paningin ko.
"Young miss, ihahatid ko na po kayo sa kwarto niyo." Wika ng isa sa mga maid.
Tinignan ko ang suot kong mabigat na damit, naisip ko na tama si Mr. 29. Naiirita na'rin ako kasi nababalutan ng make-up ang mukha ko, gusto ko nang tanggalin.
Pagdating sa kwarto agad nila akong tinulungan na hubarin ang mabigat na Victorian gown. Pagpasok sa banyo, nakahanda na ang bath tub, may mga rose petals pang nakalagay dito at tamang-tama lang ang temperatura ng tubig.
Agad akong lumubog, nagpapasalamat ako dahil minassage ng maid ang ulo ko at katawan ko, I really needed that. Muntik na nga akong makatulog sa tub dahil sa sarap niyang mag masahe, it's heaven people, heaven.
Pagtapos ng mala langit na pagligo. Inayusan ako ng maid. Binantaan ko siya na pag nilagyan niya ako ng kung ano sa mukha ay ililibing ko siya ng buhay, no make-up for me.
Binigyan niya ako ng ordinaryong white dress, walang dekorasyon, just an ordinary white dress. It's perfectly my size though, how did they know my size? Then she gave me a black converse.
How funny.
"Why does it have to be so girly?" Disgusto kong turo sa dress, hindi ako nagsusuot ng ganito, unless pinilit ni Nonno.
"Oh my! Young miss what are you saying? It suits you wonderfully." Puri niya sa akin, hindi ko naman tinatanong kung bagay sa akin eh, tinatanong ko kung bakit masyadong girly 'yung damit. Hindi nalang ako ulit nagsalita.
May dumating na lalaki na pinapababa na ako para daw kumain ng dinner, gabi na pala. Sabi daw ni Mr. 29 kakausapin niya ako pagtapos ko maligo so mag-uusap na siguro kami sa harap ng hapag kainan.
Pagdating sa dining room, isang mahabang table ang nakalatag, maraming katakam-takam at mababangong pagkain ang nakahanda. Naglalaway na ata ako. Sa isang dulo naukaupo ang lalaking nagdala sa akin dito, sa dalawang gilid niya ay ang mga gwardya niyang modelo na ngayon ay naka suit na.
Tumayo siya at pumunta sa kabilang dulo ng lamesa kung saan naka pwesto ang isang upuan, doon marahil ang pwesto ko. Inurong niya ang upuan para umupo ako. Nakita ko kung paano humulma ang bibig niya halintulad ang isang ngiti habang tinitignan ako mula ulo hanggang paa. Satisfied siya sa nakikita at kulang nalang hubaran niya ako para makita niya pa ng maigi.
Naupo lang ako ng diretso at tinitigan siya. Magulo ang kulay abo niyang buhok at ang kulay asul niyang mata ay para bang liwanag sa pinaka ilalim ng dagat, mabangis pero mailaw. Naka casual clothes lang siya, long sleeves at jeans.=
Nakakagutom ang mga pagkaing nakahanda. Pinag-aralan ko ang paligid pati narin ang nasa harapan ko, baka mamaya may lason ang pagkain na nasa harap ko.
'50 billion, 'yan ang ginastos niya para mabili ka. Sa tingin mo lalasunin ka niyan?' Pang aaway sa'kin ng isip ko dahil sa pagdududa na meron ako. Pero ano ba naman ang alam ko sa takbo ng utak ng lalaking 'to? Malay ko ba kung mahilig lang siyang gumastos?
"'Wag kang mag-alala, 50 billion ang sinayang ko sa'yo. Wala akong balak lasunin ka." Sagot niya sa nagdududa kong isip.
Natatawa pa siya sa kabilang parte ng hapag. Nababasa niya ba ang isip ko? Sa tingin ko hindi. Hindi na'ko nag atubiling kumain, tutal gutom narin ako. Ilang beses ba akong nawalan ng malay at ilang meals na ba ang nalaktawan ko?
"Kailangan ko ba kayong patayin lahat dito para makaalis?" Prento kong tanong habang hinihiwa ang steak sa plato ko, sarap! Hindi ako tumitingin sa direksyon niya nang bigla siyang humagikgik ng tawa. Akala mo nanunuod siya ng comedy show. "Anong nakakatawa?"
"Ikaw, Miss Agnezka Patriarca. 'Wag kang ganyan, hindi naman kita kinukulong eh, may posas ka ba? Wala naman diba? Pwede kang umalis kung kailan mo gusto, pero mas matutuwa ako kung mananatili ka dito."
"Gumastos ka ng 50 billion at pababayaan mo'kong umalis? Nasisiraan ka na ba ng bait?"
"Pwede din nating sabihin na, na love at first sight ako sa'yo kaya kita binili." Nakangising wika niya sa akin.
"Hindi ko akalain na bloodlust pala ang unang pinaparamdam ngayon ng mga lalaki sa mga babaeng naka pana ng puso nila. Sorry I'm not updated with the new trends." Tinawanan nanaman niya ako ng pagkalakas-lakas. "'Wag mong sayangin ang oras ko, kailangan kong puntahan si Antonio."
"You plan to kill him?" Tanong niya, hindi ako sumagot. Hindi ko parin alam ang gagawin ko 'pag nagkita kami ulit. "Hindi maganda kung papatayin mo si Antonio, 'yung nandito sa Pilipinas."
"Anong ibig mong sabihin?" Agad na napakunot ang noo ko sa sinabi niya pero nanatiling tinuloy ko ang pagkain.
"Let's say na 'pag ginawa mo 'yon papatayin mo ang nag-iisang kapatid ni Antonio." Napahinto ako sa pagkain at napatingin lang sa kanya.
"What kind of bulls*ht are you talking about? Antonio is an only child, wala siyang kapatid." Pagdududang wika ko.
Pero kung iisipin mong mabuti, magkamukhang-magkamukha si Antonio at ang Fake Antonio na 'yon. Kakambal ba ni Tony ang lalaking 'yon? Or maybe Gapucho's boss had an affair?
"Hindi sila mag kakambal." Usal niya. Naiirita ako sa ngiti ng lalaking 'to at paano niya nalaman ang iniisip ko? Can he read minds? Is he a psychic? "At hindi ko din nababasa ang iniisip mo. Bakas lang kasi sa mukha mo ang pagtataka. Kung ako ang nasa lugar mo, iisipin ko din na kambal nga sila. Sobrang identical ng mukha nila, walang magdududa na kambal sila."
"Tama na 'yan at sabihin mo na ang dapat kong malaman."
~THE LEGENDARY DURGA~
JUN (SEBASTIAN CROSS) POV
"Anong ibig mong sabihin na kapatid ng fake na Antonio si Antonio Grande? Walang kapatid si Antonio ayon sa research ko." Hindi makapaniwalang usal ni Tao.
Kahit ako ay nabigla sa binunyag ni Rina na magkapatid si Antonio at ang fake na lalaking 'yon.
"Well, there's just a few people who knows about that kid, and incidentally I'm one of those people." Paliwanag ni Rina.
"Bakit hindi mo agad sinabi 'to sa'kin?" Kung sinabi lang sana niya ng maaga edi sana hindi na nakaalis si Jingu at baka nagkabati pa kami kung nagkataon.
"How can I say it? Your head is a mess, the story is a mess too. You're blinded because of your fight with Jingu." Nakabusangot niyang sambit sa'kin at bumuntong hininga. "Also, that kid is supposed to be dead a long time ago."
~THE LEGENDARY DURGA~
JINGU (AGNEZKA PATRIARCA) POV
"Dapat matagal nang patay? Anong ibig mong sabihin?" Simangot ko sa lalaking kaharap ko.
Kapatid? Dapat matagal nang patay? The f*ck, more question and more question comes up whenever I try to know something about that guy.
"Sa history ng Grande Family may nabalitaan ka na ba na nagkaroon ng dalawang anak na lalaki sa isang generation o dalawang successor?" Dalawang anak na lalaki? Now that he mentions it, walang kapatid ang boss ng Grande, maging si Tony wala. "Naniniwala ang Grande Family na kapag nagkaroon ng dalawang successor ay masisira ang Family."
"Dahil sa paglalabanan nila ang pwesto ng pagiging boss?" 'Yon lang naman ang maaring maging dahilan. Mukhang may katotohanan ang sinasabi niya at wala naman siyang mapapala kung magsisinungaling siya sa'kin.
"Tama! Pero sa kasamaang palad nagkaroon ng affair ang current boss ng Grande at hindi inaasahang nagkaron ng isa pang successor, pinanganak sila ng sabay. Alam ng babae na hindi sumasang ayon ang family nila sa dalawang successor, so nang malaman niyang pinagbubuntis niya ang anak ng Grande boss, agad siyang nagtago." Sumubo muna siya ng isang kutsara bago ituloy ang kinukwento. "But too bad, looks like the God of Luck is looking down on her. Nalaman ng Grande boss ang tungkol dito at agad silang pinahanap para patayin. Pero maswerte ang bata, nakaligtas siya."
"Paano siya nakaligtas?" Seyoso kong tanong.
"Siguro, may dumaan na tao at hindi inaasahang buhay pa siya at iniligtas ang nasabing bata. Shouldn't you ask what happen to the person who was personally there and knows what happened?"
"Hindi mo na kailangan sabihin sa'kin. Dahil pinuntahan ko na siya para malaman kung bakit niya 'to ginagawa." Tumayo ako at tinignan siya ng seryoso. "Salamat sa dinner."
Tumalikod ako sa kanya at naglakad papalabas ng dinning hall.
"Hindi mo itatanong kung bakit ko alam?" Napahinto ako sa paglalakad, bahagyang itiningin ko sa likod ang mata ko at nagsalita.
"Alam kong 'pag tinanong kita hindi mo sasabihin o magsisinungaling ka. Pero tatandaan ko ang araw na'to at hahanapin kita, aalimin ko ang sikreto mo at kung kailangan papatayin kita." Seryoso at malamig kong sambit. "Yuki."
©IF02
BINABASA MO ANG
The Legendary Durga
ActionShe is a wonder. She is stunning. She is a Goddess. Fighting against armed men, killing them in the blink of an eye, swinging her sword as if she was dancing an exotic dance and a dangerous smile creeping on her face, smile that could make people tr...