CHUN KANG HOO (KASIER) POV
I still couldn't believe na si Jingu ang nag-iisang Agnezka Patriarca. I had doubts, na hindi lang ordinaryong miyembro ng family sila Jingu, but I didn't expect a heiress. That was a big shock.
What's more, I didn't expect Jun to be Sebastian Cross. That name, gave me shivers. I know that guy, I heard lots of rumors about him. That he was cold blooded. That he killed his own family. That if you stab him, blue blood will come out instead of red. That he bombed people for fun and a lot stupid things.
But there's one thing I remember about that guy. He was the guy who entered Capella Family all alone and destroyed it. Noong una ko ngang marinig 'yon, I thought it was bullsh*t. Who would believe that? But then I saw him one time when I was New York, he was walking beside the Godfather.
Unlike today, that time his eyes were menacing, it held hostility darker than black. I stood there and I said to myself, this guy is f*cking dangerous.
Noong nasa black casino kami nang tumawag si Tao, dahil isasabutahe daw ng Phantom boss ang meeting nila at papatayin ang ibang clan. Nanlaki talaga ang mata ko nang makita ko si Jingu or Agnezka na dumating, may siyang katana na may sariwang dugo.
That white dress, it freakin suit her.
I was really shocked nang marinig ko na tawagin niyang fiancé ang pekeng Antonio, with that I got it, she's the heiress.
Tahimik lang na naupo ako sa itim na couch, habang ang dalawang paa nakapatong sa coffee table, nakatingala sa kisame habang iniisip ang mga bagay-bagay.
"Ano kayang plano nila Jingu? Imposible namang bakasyon lang ang ginagawa ng dalawang 'yon dito." Biglang bulas ni Regis.
"They're after her brother's killer." Sulpot ni Tao mula sa kwarto niya. "Pinagaralan ko na ang mga ginagawa nila simula nang dumating sila dito. Hinahanap nila ang puno't dulo ng pagkamatay ni Giotto Patriarca. Sa pagtatanong palang nila sa Pulang Ulan, sapat na dahilan na 'yon para malaman ang pakay nila."
Ayaw na ayaw ni Tao na pinag-uusapan ang tungkol sa massacre na 'yon. That's also one of the reasons why I prohibited everyone to talk about that incident. Look, mainit na ang ulo niya.
This guy who seldom gets mad.
"So, did you find out who the killer is?" Tanong ko.
Saglit na napatingin si Tao sa ibang direksyon at pabalik sa'kin. Napakunot ang noo ko. "No." Tipid niyang sagot. "But I'm on it."
He's lying. Pero bakit siya magsisinungaling? Whatever, not like their matters concern me. I'll just have to wait. Hindi naman importante sa'kin malaman kung sino ang pumatay sa kapatid niya.
Lumabas na'ko ng university.
I didn't feel like staying, it got boring. Naisipan ko nalang na pumunta sa bar na lagi naming pinupuntahan.
"Ara! Kang Hoo it's been a while!" Bati sa akin ng isa sa mga regular na 'customer. "Where're the others, you're alone?" Hindi ako sumagot.
"Kang Hoo!" Tili ng isa pang babae.
Matagal-tagal na din kaming hindi nakakabisita sa bar na'to.
Unti-unti na'kong naiirita sa tawag ng mga babae. "Leave me alone." Malamig na sambit ko sa mga babae.
Bakit kasi ginawa ng diyos na maingay sila? Masarap kasama sa kama ang mga babae, pero pag-alis sa kama nakakairita na. Parang mga aso na kahol ng kahol, sarap gilitan. Pumunta ako sa counter para uminom. Nakita ko kaagad ang may-ari ng bar na matagal narin naming kakilala, si Mario.
"Sup! Long time no see." Bati sa'kin ni Mario habang nililinis ang ilang mga baso.
Umupo ako sa may bahaging gitna ng counter, may napansin akong baso sa kanan ko na may laman pa. Nag restroom siguro 'yung nakaupo d'on.
"Long time, mukhang may ka-kwentuhan ka na ah."
"Hindi nga nagsasalita eh, mukhang masungit so hindi kami nagkwe-kwentuhan."
"Naiirita siguro sa'yo, makulit ka kasi."
"Ang hard mo naman."
"Bigyan mo'ko ng kahit anong rum, nauuhaw ako."
"Since we haven't seen each other for a while let's have a reunion drink. I'll let you have a taste from one of my treasures. 'Maximo Extra Anejo' this's one heck of an expensive rum, there's only nine bottles of this thing in the world."
"Talaga lang huh."
"I sh*t you not pare."
Habang nagkwekwentuhan kami bumalik na ang taong nakaupo sa kanan ko sa ikalawang upuan, pero hindi ko ito binigyang pansin.
"Your back my lady, I was getting worried." Nakangiti at malambing na sambit ni Mario, kapag umaasta ito ng ganto, nag the-the moves 'yan sa babae.
Pero hindi siya pinansin ng dalaga at itinuloy lang ang paginom.
"Gimme another shot." Saad ng babae.
Napalingon ako sa nagsalita. WTF?!
"Jingu?! What are you doing here?" Tanong ko.
I observed her, naka braids nanamana ng buhok niya, pero wala na ang reading glasses.
Blankong tinignan niya lang ako, her eyes looking at me as if I was an idiot. "Can't you see? I'm drinking, stupid."
"Where's your oh-so-called twin brother?"
"Can't you see? He's not here." Sabay lagok ng alak na bigay ni Mario.
"You guys know each other?" Tanong ni Mario.
Tumango lang ako sa tanong niya. Maya-maya may tumawag sa kay Mario mula sa looban ng bar. Nagpaalam siya, mukhang may kailangan gawin.
"Nasaan ang apat na bugok?" Tanong ni Jingu.
"Can't you see? They're not here." Now it was my time to act sarcastic.
Napangisi lang siya, sabay isa pang lagok. "That was really unoriginal of you."
"Kung nandito 'yon edi sana kanina ka pa nila kinukulit. Bakit nag-iinom ka mag-isa dito?"
"Gusto ko lang masama ba?" Tumingin siya sa'kin, her cheeks all red. Mukhang madami-dami narin siyang nainom. "I have days when I want to drown in alcohol too."
~THE LEGENDARY DURGA~
JINGU (AGNEZKA PATRIARCA) POV
Hindi ko na sinama si Jun pagpunta ko dito, tumakas nga lang ako eh. For sure kasi pipigilan lang ako non uminom. Tsaka matagal-tagal narin akong hindi nawawasted. Noong nasa New York ako, gabi-gabi akong lasing at twing babangon ako halos sumpain ko lahat ng makita ko.
Lagi akong mangangako noon na hindi na'ko ulit iinom. But d*mn, promises are meant to be broken. LOL!
Salamat sa impormasyon na sinabi ni Jun, I'm here, drinking by myself. I told him to find the group that has any connection with that weird dragon. Being Jun that the monster he is, the information was given to me before I could even eat my chicken.
Ryuugumi – Isang kilalang yakuza group na sumikat dahil sa kadumihan ng mga gawain nila. Not just that, dapat matagal nang nawasak ang grupo na'to. They were apperently eradicated by Fratello, dahil kinidnap nila ang pamangkin ko.
Ang sabi ni Jun at Zio Tigre, pinatay nila lahat ang buong angkan ng Ryuugumi, so kung totoo 'yon. Saan nanggaling ang gintong punyal? May naka carved pang mga dragon sa hawakan at sa mismong talim nito.
Hindi kaya peke ang punyal?
Pero ano namang mapapala nila kung gumawa sila ng fake na dagger ng Ryuugumi? Panakot? Hindi, dahil hindi naman nakakatakot ang organisasyon na matagal nang nasira.
But nothing is scarier than a person's heart full with revenge. Because, just like me, I'll do everything just so I could do it. Hindi kaya may naka survive sa madugong event na 'yon? A family member perhaps? Then now gusto niyang maghiganti sa'min?
*Sigh*
Nag-iinom nga ako para hindi muna ako mag-isip masyado eh, sakit kasi sa ulo. Buti nalang talaga hindi kasama ni Kang Hoo ang mga bugok, kundi madadagdagan ang stress ko.
Kang Hoo and I talked, like a normal civillian. Hindi naman pala siya masamang kausap, hindi boring at pala tanong. Panay nga ang tanong niya tungkol sa buhay ko, sa buhay ni Agnezka Patriarca.
"Why do you keep askin'? We just have the same roles, future boss of Sun and Moon Clan." Remark ko sa kanya sabay ngiti. Tinilit ko ang ulo ko ng hindi ko namamalayan, medyo na ti-tipsy narin kasi ako eh, ang dami ko na kayang nainom. Malapit narin maubos ni Kang Hoo ang isang bote ng rum niya.
He snorted, then drank. "Did you have me investigated?"
"Yeah."
"You have qualities of a stalker."
"Then so are you and your boys, weren't you the first one to stalk me?"
"Haha! You have a really hateful mouth."
"Really? People around me often said that it's my charm point."
"That's stupid."
"Should I call you Jingu or...?"
"Jingu, in this country, I'm Jingu Hitsugaya."
"Alright then, Jingu."
"You know, meron ang akong pinagtataka sa setup niyong lima." Sabi ko sabay sumandal. Lumipat na kasi kami sa couch, sa dulo ng bar. Hindi kasi komportable doon, tsaka para wala makarinig sa pinag-uusapan namin.
"Ano naman yon?"
"Aside from Takeo your childhood friend, that is also a son of Yakuza Boss, the other doesn't have any connection to our world." Maliit na napangiti ako. "What are you planning, Kaiser?"
"Hindi naman mahalaga kung anong plano ko. Hindi ba mas mahalaga ang paghahanap mo sa pumatay kay Giotto Patriarca?"
"Right, I was just askin'. If ever, I could sell your info at the black market, I'll definitely get a lot."
Hindi na'ko nagpumilit na alamin ang gusto niyang gawin. Either ways, it doesn't concern me. As long as hindi naapektuhan ang mga plano ko, I won't care. Kahit pa gusto niyang sakupin ang mundo, he can see if I care.
Habang nagkwe-kwentuhan kami biglang nagkagulo ang mga tao. Nagsilabasan ang mga tao sa bar, ang mga natira nalang sa loob eh mga staff, kami ni Kang Hoo at 'yung grupo na nag-aaway.
Tumingin ako sa direksyon ni Kang Hoo at napangisi.
"You can get my car." Makahulugan ko siyang tinignan nang lumingon siya sa'kin.
Noong una nagtaka pa siya sa sinasabi ko, then ngumisi narin siya. "Then I bet my bike." Full of confidence niyang saad.
Nang may nabasag na baso naging hudyat 'yon na magsimula na kaming kumilos. Isa-isa kong pinapatumba ang mga nasa harapan ko, at kung sino man ang humarang.
Bawat malapitan ko pinapahalik ko ang pisngi sa sahig. Sipa, suntok, hampas at kung ano-ano pa.
"Weaklings." Bulong ko sa likod ng isip ko.
Sinilip ko ang kalagayan ni Kang Hoo, he seems to be having fun. I need to focus on this game. I don't want to hear Jun shout his *ss out 'pag nalaman niyang pinang pusta ko 'yung kotse.
And I tell you, that will be hell on earth.
After a couple of minutes naubos din namin ang mga nanggulo. It wasn't hard, ni hindi manlang ako pinagpawisan o hiningal. Ganon talaga, ako pa, tinrain ko ang sarili ko na magkaroon ng mga magandang muscle kahit na babae at stamina na mas higit pa sa lalaki, endurance na pang demonyo at lung capacity ng sirena.
Oha! Diba perfect lang, ganda pa ng katawan ko.
Lumabas kami ng bar ngayon kaharap namin ang kapwa dala naming transportasyon ang bike nya at ang kotse ko.
"17." Napangisi ako sa sinabi ni Kang Hoo.
Nilahad ko ang kamay ko, waiting for him. "Keys." Demand ko sa kanya. Nanlaki ang mata niya bigla. "18 my dear, too bad, you almost got it." Pang-aasar ko pa.
Galit na nilagay niya ang susi sa palad ko, tumawa lang ako ng nakakaasar. Then I thought of something fun.
"Don't worry, for the sake of helping us with Amu's case, I won't take that piece of junk."
"Hey! My bike is not a piece of junk."
"Yeah right, I think I can sell that and all I could buy with that money is a stick of smoke."
"..." Masama lang tingin niya sa'kin.
"Just kidding, anyway, take me to the place where it rained blood. Let's have that as your payment. I'm not gonna accept any other than that."
Bumuntong hininga siya. "Alright, hop in."
Sumakay ako sa likod niya. I decided to make fun of him by snaking my hands slowly to his body, tracing my fingers as I do. Naramdaman ko na nag-flinch siya sa ginawa ko.
"Jingu, umayos ka! 'Pag ikaw hinila ko sa isang sulok."
"Haha! Sorry, tara na."
"Gusto mo pa ata kami magpatayan ni Jun eh." Bulong niya.
"What?"
"Wala."
Tahimik na nakatayo kami ni Kang Hoo sa harap ng abandunadong Japanese Style Mansion. It actually look pretty haunted, especially ngayon na madilim na.
Binuksan ni Kang Hoo ang pintuan, doon pinakita ang mansyon na wala nang nakatira, puro sapot ng gagamba at alikabok ang lugar. Dumadami narin ang mga ligaw na damo sa paligid, may lumot pa nga at ilang mga bakas ng dugo.
It must be the blood of those who perished here.
Hindi nagsasalita si Kang Hoo habang pumapasok kami. Madilim ang loob, ang tanging ilaw namin ay ang malaking buwan at isang mini-flashlight.
Isa-isa namin sinilip ang mga kwarto, pero hindi na namin pinapasok. Sa pinaka dulong kwarto, hindi ko alam pero kusa nalang naglakad ang mga paa ko papasok.
I looked around, there was nothing special inside the room. Siguro dahil ito na ang pinaka huling kwarto kaya ako pumasok. May nakita akong siyam na dragon, iba't-iba ang kulay.
Red, Orange, Yellow, Green, Blue, Indigo, Violet, Black at White ang kulay ng mga dragon. I looked at it for quite a long time, nang may mapansin ako.
"Oy!" Tawag ko kay Kang Hoo.
"Hmm?" Tanong niya at bumuga ng usok.
"Abandunado 'to diba?" Nanginginig na tanong ko habang nakatutok ang ilaw sa siyam na dragon.
"Oo. Hindi ba obvious?"
"Baki---." Naputol ang sasabihin ko nang biglang may gumalaw na anino sa hallway.
"Sinong nandyan?!" Sigaw ni Kang Hoo at sinubukang habulin ang anino.
And now I'm alone. Naninigas na nakatingin lang ako sa mga dragon. I don't know, but I don't wanna look around, and I don't wanna see something I don't want to. Madiin kong ipinikit ang mata ko, hindi ko napansin na maging ang paghinga ko ay natigil. Hindi ako kumikilos at nanatiling nakatayo at nakapikit sa pwesto ko.
May narinig akong kaluskos pero hindi ko tinignan.
KANG HOO (KAISER) POV
"Sinong nandyan?!" Sigaw ko nang may biglang dumaan na anino sa hallway, maliit na anino at mabilis ang kilos nito.
Mabilis ko itong hinabol, malamang naramdaman ni Jingu ang presensya nito kaya tinanong niya ako kanina kung abandunado ang sinumpang lugar na ito.
D*mn! Ang dilim masyado, na kay Jingu kay ang flashlight, no choice babalik nalang ako. Hindi ko naman na mahahabol 'yon.
Pagbalik ko nakita ko si Jingu, ganoon parin ang pwesto niya at nakapikit. Nakatutok ang flashlight sa siyam na dragon at nakatayo na parang estatwa. Nag-flinch pa siya nang marinig ang kaluskos ng paa ko.
Don't tell me takot siya?
I thought of something fun. Lumapit ako dahan-dahan papunta sa likod niya, then nilapit ko ang bibig ko sa kanang tenga niya at bumulong ng...
"Boo."
"Ahhhh!!!" Natatakot na sigaw ni Jingu na nagpahagikgik sa'kin. Sa sobrang saya ko gumulong-gulong na'ko sa sahig kahit madumi.
"I didn't expect na takot sa multo. Now, that's cute."
"Zitto! Figlio di una cagna! (Shut up! Son of a b*tch!)" Naiinis na sigaw niya sa'kin. "I just hate ghosts. I can't touch, can't punch them. I hate things I can't ounch, meaning I can't defeat them even if I want to."
"Yeah right. Let's go back, baka himatayin ka sa haunted house na'to, sa dami ng namatay dito hindi na'ko magtataka kung makakita tayo ng multo." Nakita ko nanaman siyang nanginig.
To think na ang babaeng apo ng Godfather ay takot sa multo, really funny. I'll make sure to tell this to the guys.
Then we left the cursed place.
Pagdating sa harap ng bahay nila, tinanggal niya ang helmet. May kinuha siya sa bulsa ng pantalon niya, susi ng kotse niya at iniabot ito sa'kin.
"What am I suppose to do with that thing?" Taas kilay kong tanong.
"I didn't take your pathetic-sorry-of-a-bike so the least you could do for losing is to take my car and bring it here tomorrow morning." She said full of demand. Lakas talaga ng loob ng babeng 'to. Did she forget who I am?
Habang maingay na nag-uusap kami sa tapat ng bahay nila at nagbabayangan, napansin ko ang pagbukas ng pinto sa bahay nila at nakita si Jun na masamang nakatingin sa direksyon ko, napangisi ako.
Nairita ako na makita siya sa loob ng bahay na 'yon at kasamang nakatira ang babaeng 'to, nakakairita at nakakapikon. Isang araw susunugin ko nalang ang bahay na 'yan dahil sa sobrang inis. Dahil sa inis ko hinila ko papalapit sa'kin si Jingu, medyo pumiglas siya pero mas matatag ako.
Nilapit ko siya sa'kin, sobrang lapit. Hawak ng isang kamay ko ang kanang braso niya, isang kamay ko naman nasa bewang niya at bumulong ng...
"Boo." Sinabi ko ito habang nakatingin sa direksyon ni Jun.
Sa sobrang lapit ng bibig ko sa tenga ni Jingu, nagkakadikit na ang mga pisngi namin sa isa't isa. Kitang-kita ko kung paano maghugis kamao ang kamay ni Jun at padabog na tumalikod at naglakad papasok.
Binitawan ko na si Jingu at nang balak niya sanang sirain ang mukha ko madali ko itong napigilan, pero hindi ang mabilis na kasunod nitong suntok sa sikmura ko. Napahawak ako sa sobrang sakit, d*mn! Sakit talaga, para akong hinampas ng martilyo sa tiyan. Kung hindi siguro ako nag tra-training ng katawan marahil ay naisuka ko na ang mga kinain ko.
Pagtapos nun ay niyaya ko siyang tumambay sa Planetarium, kung saan ako tumatambay sa twing ayaw kong makita ang apat na bugok at nag-iisip ako. Pumayag siya kaya umuwi na ako.
Naalala ko ang hitsura ni Jun nang makita niya na hilain ko papalapit si Jingu sa'kin at bumulong dito, kitang-kita ang inis sa mukha niya non at mas lalo akong naligayahan nang marahas siyang tumalikod papasok.
JINGU (AGNEZKA PATRIARCA) POV
Pagpasok ko sa bahay, madilim ang paligid, siguro tulog na si Jun. Mabuti 'yon para hindi ko na kailangan magpaliwanag kung na'san ang sasakyan. Umakyat ako sa kwarto at tumalon sa kama. Ang sarap talaga sa pakiramdam na mahiga sa sariling kama, lalo na 'pag pagod na pagod.
Then I remembered Tony.
Patay na ang Grande Boss, I'm sure he'll be the next boss and in no time he'll be officially new Boss of that family. Dinukot ko ang phone ko sa bulsa. Ilang beses din muna nag ring bago niya sinagot.
"Hey." I heard him on the other line, his voice husky.
"Mi dispiace. (I'm sorry.)" 'Yon nalang ang nasabi ko. Hindi ko nagawang iligtas ang Ama niya.
"So già tutto, non c'è bisogno di essere dispiaciuto. Se lo meritava. Non sapevo che ha fatto questo genere di cose. Non ho nemmeno sapevo di avere un Fratello. (I already know everything, you don't need to be sorry. He deserved it. I didn't know that he did that kind of thing. I didn't even know I had a brother.)" Medyo nanghihina ang boses niya. Marahil ay marami itong nilinis na problema ng family. "Grazie Agnez, so che hai chiamato perché il vostro preoccupato. Ma Io sto bene. (Thank you Agnez, I know you called because you're worried. But I'm fine.)"
"Lo so, voglio solo check-up su di voi e inviare le mie condoglianze. (I know, I just want to check up on you and send my condolences.)"
"Grazie. (Thank you.)"
We talked for a little more. He said na itatayo niya ang nasirang family at makikipag usap ng masinsinan sa Gapuche Boss. Alam na ng matanda ang nangyari. And now he's looking for Mateo.
Kahit kailan talaga maunawain ang batang 'to. Matalinong bata si Tony so alam kong kaya niya 'yan.
"Sei troppo gentile per il tuo bene. Basta chiamami se hai bisogno di aiuto o se non si può prendere più. Sarò qui. (You're too kind for your own good. Just call me if you need help or if you can't take it any longer. I'll be here.)"
"Si Agnez, grazie. (Yea, thanks)"
Then I cut the line.
~THE LEGENDARY DURGA~
SOMEWHERE IN JAPAN
SOMEONE'S POV
"Hairu. (Come in.)" Wika ng lalaking nakaupo sa swivel chair niya habang nakapatong ang dalawang paa sa table.
Kulay itim ang buhok niya at ang mga mata niya ay kulay itim sa malayo pero kung lalapit ka mapapansin mo na may halo itong pagka brown. Walang emosyon na makikita sa mukha niya
Pumasok na ang lalaking kumatok at nagbigay galang sa lalaking nakakataas sa kanya. Halong kaba, takot at pag respeto ang nararamdaman niya tuwing kaharap ang lalaki. Isinara niya ang pintuan at nag bigay galang.
"Bossu, junbi ga dekite imasu. (Boss, the preparations are ready.)" Tinignan siya ng lalaking nakaupo at ngumiti.
Alam ng lalaking nasa may pintuan na hindi ngumingiti ang Boss niya, laging walang emosyon na makikita sa mukha nito, pero ngumiti siya. 'yung ngiting nagbigay kilabot sa buong katawan niya.
Malamig sa loob ng silid pero pinagpapawisan siya, presensya palang ng taong ito ay sapat na para himatayin ang mga ordinaryong tao.
"Sō ka. (I see.)" Ngumiti ang lalaki at dinampot ang dart pin na may naka lagay na dragon at binato ito sa target board.
Bullseye! Saktong sakto sa gitna kung saan nakalagay ang litrato ni Agnez.
©IF02
BINABASA MO ANG
The Legendary Durga
ActionShe is a wonder. She is stunning. She is a Goddess. Fighting against armed men, killing them in the blink of an eye, swinging her sword as if she was dancing an exotic dance and a dangerous smile creeping on her face, smile that could make people tr...