CHAPTER 45

6.6K 246 93
                                    

JUN (SEBASTIAN CROSS) POV

I was in the last part of the maze, it was pretty easy actually, hindi ako nahirapan. I went through everything in a breeze. I hope na pati si Jingu ganoon din. Pagbukas ko ng huling pintuan, nagulat nalang ako nang biglang may sumabog sa bandang kanan, nagsimulang mag-alab ang buong lugar at tatlong sunod-sunod na pagsabog pa ang nangyari.

What is going on?! Si Kang Hoo nanaman ba ang may pakana ng pagsabog na'to? No, he's not the kind of man that would do the same thing again and again, unless I sized him wrongly. But who would do this? And why? Pinanood ko ang mga mabilis na nagtatakbuhan palabas na mga manonood.

Nagtutulakan at nagpapaunahan na makalabas, nililigtas ang sarili sa kapahamakan. May iba pang mga tinatapak-tapakan na ng mga tao at hindi pinapansin. I also didn't bother to help them, I'm not a good enough person to do so.

Tinigil ko na ang panonood, hinanap ko agad si Jingu. I know that she's strong, but I have this uneasy feeling in my heart, I need to be sure that she's safe. If I remember right, her number should be fifteen, she should be by the end.

Napahinto ako sa pagtakbo nang may tumawag sa atensyon ko. "Big Bro?!" Narinig ko ang boses ni Tao sa bandang likuran ko, paglingon ko, napataas ang kilay ko sa itsura niya. He looked ragged and dirty, must be from the maze.

"Anong nangyari? Si Kang Hoo nanaman ba ang may pakana nito?" Tanong ko kay Tao.

Umiling siya sabay inikot-ikot ang paningin sa paligid, parang may hinahanap. "Hindi kami ang may gawa nito, tsaka kung gagawa kami ng ganito, hindi namin idadamay 'yung mga sibilyan. Tsaka babalaan namin kayo."

Now tha the mention it, noong huling ginawa nila 'to, walang kahit isang sibilyan na nadamay, pero ngayon ang daming bangkay akong nakikita. Madaming sugatan at ang gulo ng lahat.

"Who did this then?"

"I don't know." Naguguluhan din na saad ni Tao. "Nasaan si Cutie?"

"Hindi ko alam, hahanapin ko palang."

"Ok, I'll go this way, you go that way."

"Ok! Tawagan mo'ko 'pag nahanap mo na siya."


Tumango lang si Tao. Hindi na ulit kami nag-usap, hinanap na namin agad si Jingu. This is what I like about Tao, he likes Jingu so much that he always prioritize her safety. I don't think that he thinks like how me and Kang Hoo does, so I don't really feel threatened that much.

Habang hinahanap ko ang pang labinlimang pinto, may isa nanamang pagsabog. Maya-maya nakita ko si Jingu na parang kalalabas lang. She seems to be severely injured. Puro dugo ang damit niya, and I can tell how weak she looked. May tama siya sa tagiliran at binti, mukhang malalim ang sa tagiliran niya.

Tumakbo ako agad papunta sa kanya pero napahinto ako nang makita ang lalaking naka suit na lumapit sa kanya. Natigilan ako at nanlaki ang mga mata ko, namawis din ang mga palad ko at nanginig ang tuhod ko.

What is the man doing here?! Why is he walking towards Jingu... No, Agnezka?! Anong binabalak niya? Nahanap na ba niya ako?! What am I even saying, of course he do, after all I had met that person several times already. Its not like they won't be able to recognize me if I change the name I use.

Bakit ngayon pa, ngayon pa na maayos na ako sa kinalalagyan ko. I need to save her.

Nagulat ako at napakunot ang noo nang makita na binuhat niya si Jingu, kinabahan ako bigla. Don't tell me...

Bago pa man sila makalayo, hinarangan ko na siya. Hindi ko tinangka na kunin ng sapilitan si Jingu, dahil nga sa sugatan siya ngayon. Ayaw ko na masaktan siya, and I couldn't risk the fact that the man holding her can take her life anytime.

I looked at Jingu, she's unconcious, full of bruises and cuts. Looking at her broke my heart completely.

"Let her go." Mapagbantang utos ko, ang tingin hindi maganda. "Hindi ko alam kung anong ginagawa mo dito, at wala din akong pakialam. Hindi ko rin naman gustong malaman, pero kailangan mong ibalik sa'kin ang babaeng 'yan."

I made sure na may diin ang bawat salita ko, na kahit maingay ang buong lugar at nagkakagulo, tiniyak ko na maririnig niya ng malinaw ang sinabi ko. The guy didn't look so shocked sa biglang pagsulpot ko, bagkus nginitian niya lang ako. Its as if he was anticipating my arrival, he looked like he's about to laugh but stopped it.

"Sebastian, its been a while! How are you?" Bati sa akin ng lalaki, acting as if we're good friends. We used to be, actually. "Ang tagal na nating hindi nagkita! You look good, messing with this small country."

Hindi ko pinansin ang sinasabi niya, tinignan ko lang siya ng masama habang kusang bumabalik ang mga ala-ala ng nakaraan sa akin. "Ibigay mo sa'kin si Jingu, I need to bring her to the hospital. Ngayon na!"

"Now... Now... Now... Calm down man, kahit kailan talaga napaka offensive mo pagdating sa akin. Can't you chill a little? Although mainit dito ngayon, since nag-aapoy ang paligid."

"Ikaw ang may kagagawan nito diba?"

"You know me so well Sebastian! Oo, kailangan ko kasi 'tong gawin, 'pag hindi ko 'to ginawa, hindi ko makukuha ang gusto ko. Alam mo naman ako, gagawin ko ang lahat, kahit gaano kadumi, makuha lang ang gusto ko."

"Ako ba!? Sinabi ko na sa'yo noon, kahit anong gawin mo hindi na'ko babalik sa organisasyon!"

"Napaka feelingero mo naman Sebastian, hindi ikaw ang pinunta ko dito."
Ngumisi pa siya sa'kin. "Tsaka hindi na kita kailangan pilitin bumalik, alam kong kusa kang babalik at magmamakaawa sa'kin na pabalikin ka."

"Kung ganon anong pinunta mo dito?"

"Ano pa ba? Edi itong napaka ganda, pero sugatang babae na buhat ko."

"Anong kailangan mo?! Kung may kailangan ka sa kanya atsaka mo na gawin, kailangan ko siyang dalhin sa ospital."

"No need, I can do that."

Uminit na ang ulo ko. "Gagamitin mo ba si Jingu para pabalikin ako?! Kung ganoon nagkakamali ka ng kinuhang babae, hindi mo siya magagamit laban sa'kin. Kaya niyang makawala sa'yo kahit kailan niya gustuhin!"

"HAHA! Jingu?! Is that her fake name here? Ang panget naman pakinggan, for sure nainis siya sa pangalan na 'yon. Was it the God Father who gave her that name? Don't worry Sebastian, hindi ko siya gagamitin para pabalikin ka, at mas lalong hindi din niya kailangan makawala sa tabi ko, dahil hindi siya aalis, kusa siyang mananatili sa tabi ko."

"Anong ibig mong sabihin?!"

"Hulaan mo."
Mapang asar niyang saad.

"Wala akong oras makipag gaguhan sa'yo! Bitawan mo si Jingu kung ayaw mo na ngayon tayo magtuos, sinisigurado ko sa'yo na wawasakin ko ang grupo mo 'pag hindi ka tumigil."

Unti-unting nawala ang kaninang ngiti sa mukha niya, napalitan ng nakakapanindig balahibong tingin, pero agad din itong bumalik sa malambing na ngiti. "Sebastian, parang nakakalimutan mo na ata kung sino ang kaharap mo. Lumalakas na ang loob mo na gamitan ako ng ganyang mga salita. Ilang taon lang kitang pinakawalan naging ganyan ka na. Gusto mo atang ipakilala ko ulit ang sarili ko sa'yo."

"..."
Hindi ako nakapagsalita, napalunok lang ako.

Hindi siya nagbibiro, isa pang pambabastos ko at tototohanin niya ang sinabi. Hindi pwedeng mangyari 'yon dahil kailan kong kunin si Jingu sa kanya.

Lumunok ako at diretsong tumingin sa mata niya. Ilang taon na ang lumipas pero takot parin ako sakaniya. Siya ang uri ng tao na lahat ng kilos at salita ay may nilalaman. Siya lang ang tao na hindi ko mabasa ang iniisip maliban kay Godfather.

Ilang taon na ba nang takasan ko ang impyernong 'yon? Apat? Tatlo? Lima? Hindi ko alam, ayokong bilangin at mas lalong ayaw kong alalahanin.

Pinagsisisihan ko hanggang ngayon ang mga panahon na nalagi ako sa organisasyon na 'yon. Ngayon nandito nanaman siya sa harap ko, ang pinaka delikadong tao at ang most wanted hindi lang ng New York pati ng ibang bansa.

Kontrolado niya hindi lang ang underground, pati ang nasa ibabaw nito. Siya ang nagpapalakad ng halos lahat, lahat ng mga kalaban ng Patriarca, mga organisasyon na hindi kasama sa alliance namin.

Nginisian niya ako. Ang klase ng ngiti na nagpanginig ng kalamnan ko.

"Bitiwan mo siya!"

"You dare to use that kind of tone and order me around, not just once but twice?! Just because I've been letting you roam around doesn't mean you can bite back to your owner Sebastian. Should I let your body remember who the owner is and who is the pet?"

"I don't care whatever you want to do, let her go! I'll kill you if you don't!"

"You forgot your place, insolent fool."
Nakita ko kung pano magkiskisan ang ngipin niya sa galit. Nangingnig ang kamay niya at pinipigilan ang sarili na magwala. "I don't mind if you pull a leg or arm, but don't kill him."

Pagkasabi niya n'on biglang may mga nagsulputan na mga armadong lalaki, ilan sa kanila namumukhaan ko. Mga parte ng organisasyon. Pinalibutan nila ako, lahat sila may armas, and they're all strong at that.

Don't kill him.

Siyempre, hindi niya hahayaang mamatay ako. Ako ang pinaka importanteng piyesa sa chess game niya, kung wala ako, hinding-hindi siya mananalo. At hindi niya magagawang makuha sa'kin ang kailangan niya.

Nagsimula na ulit siyang maglakad habang buhat-buhat ang duguan at walang-malay na katawan ni Jingu. Gusto ko siyang atakihin pero hawak niya si Jingu at may mga nakapalibot sa'kin.

I can't move recklessly.

"Nagkamali ka ng dinala! Hindi mo makokontrol ang babaeng 'yan, kahit na anong gawin mo." Napatigil siya sa paglalakad at muling lumingon sa akin.

"Haha!" Malakas siyang tumawa, na animo'y nakarinig ng biro. "Kailan ka pa nagkaroon ng sense of humor, Sebastian? Ilang taon lang tayong hindi nagkita ang dami mo nang natutunan? Tinuruan ka ba ng God Father kung paano magpatawa?"

"How dare the likes of you insult the God Father?!"

"Oh! Nagagalit ka na ngayon? The God Father has trained you beautifully, you've become such a loyal dog."

"Shut up!!!"


"'Wag kang mag-aalala Sebastian, matagal nang nasa akin ang babaeng 'to, bago pa kita maging aso, nasa akin na siya. Lagi akong nasa isip niya araw at gabi. And no, hindi ko siya kinokontrol, in all truth siya ang kumokontrol sa'kin. What a scary woman, right? She's no different from a nymph that takes men to their death."

"Anong pinagsasasabi mo?!"

"She's feisty, strong, independent and headstrong. Those are just a few things that make her more lovable, right? That's why you're like that, the usual robotic Sebastian getting upset. Losing his cool and getting all frustrated."
Then he started walking again. "Its interesting."

"Teka!"

"Until we meet again Sebastian."

"Saan mo siya dadalhin!"


Hindi na niya sinagot ang tanong ko, dire-diretso lang siyang naglakad papasok sa isang itim at tinted na sedan. Pagsara na pagsara ng pinto, agad itong humarurot palayo. Pinilit ko silang habulin, pero mabilis na humarang ang mga tauhan niya. Walang segundo akong sinayang at pinag papapatay ko ang mga armadong lalaki.

Tumakbo ako, binigay ko lahat ng lakas ko, pero masyadong mabilis ang sasakyan. Hanggang sa unti-unti na ngang lumalaki pa ang distansya ko sa kanila, wala akong nagawa kundi isigaw nalang ang pangalan ng babaeng dapat kong protektahan.

"AGNEZ!!!"

~THE LEGENDARY DURGA~

JINGU (AGNEZKA PATRIARCA) POV


Dahan-dahan kong dinilat ang mga mata ko. Unang bumungad sa akin ay kulay peach na kisame. Lumingon ako sa kaliwa at kanan, but there wasn't anything unusual in the room. The only thing is that, I don't recognize this place, this ain't my room.

Sinubukan kong bumangon pero agad din akong napahiga dahil sa kirot na naramdaman ko sa tagiliran ko. "Ouch! Tangina... sakit!" Daing ko.

Sobrang sakit, para akong tinutusok ng kutsilyo paulit-ulit, and mind you, jungle knife pa. Huminga ako ng malalim, pinapakalma ang sarili bago dahan-dahan bumangon ulit. Kaya ko pa naman pagtyagaan ang kirot, nabigla lang ako kanina.

Medyo masakit din ang kaliwang binti ko at ilang parte ng katawan. Puro ako hiwa sa braso, tapos nabaril nga pala ang binti ko. Mukha namang nagamot na siya, so no need for me to worry. Ilang araw na pahinga lang kailangan nito, I wonder if Jun brought me here. Did he knows that I hate hospitals that's why he brought me to this place?

Nilibot ko ang tingin sa paligid ng silid habang inaalalayan ang sarili sa pader. At least I can walk! But d*mn I'm f*cking hungry! Bakit walang nagdadala ng pagkain sa'kin? I want to eat!

Mukha namang wala ako sa ospital, para pa nga akong nasa hotel. Nasaan naman kaya ako? Where the hell is Jun? He should be here the moment I wake up! I'm hungry!!!

Napakunot ang noo ko nang madaanan ko ang salamin, I saw myself wearing something weird. The hell?! Bakit ganito ang suot ko? So bakla-ish! Naka white dress ako, back less pa siya, beach style.

Parang tanga lang ako.

Binuksan ko ang pintuan papunta sa veranda, napapikit ako agad sa sumalubong na malakas na hangin-alat. Teka! Teka! Teka! Ba't maalat ang hangin? Dinilat ko ang mata ko. Dagat?! What the f*ck?! Ba't ako nasa tabing dagat?

But infairness ang ganda ng lugar.

Nilibot ko ulit ang paningin ko sa kwarto. Wala namang CCTV camera o kahit anong kakaiba. Sino ba nagdala sa'kin dito? Sinubukan kong tandaan ang mga nangyari bago ako mawalan ng malay. What was I doing that time?

Oh yea! Naglalaro ako sa death maze, may mga insekto, shark, baril, tapos mga assassin. Paglabas ko, nasusunog ang lugar, tapos, binuhat ako ni...

Ni...

Fratello! Si Fratello, nandito? Wait! Si Fratello nga kaya? Pero patay na siya, kitang-kita ko kung paano siya binawian ng buhay. Pero kinausap niya ako bago ako mawalan ng malay. Hindi kaya buhay siya?

Oh my God!

Napanood ko na ang ganitong eksena sa palabas. 'yung taong akala mo patay, buhay pa pala. Paano kung buhay nga siya? Paano kung hindi talaga siya namatay? Kung buhay man siya, kailangan ko siyang makita. Kailangan kong matanong kung ano ang nangyari.

Pero, hindi naman 'to pelikula o palabas eh. Totoong buhay 'to at ang mga namatay, mananataling patay. Siguro hallucinations lang 'yon dala na ng matinding sugat na natamo ko. Pero gusto kong maniwala na kagaya nga ito ng palabas, na buhay siya.

Pero ayoko namang umasa tapos sa huli ma-disappoint ako. Tch! This is frustrating! Kagigising ko lang tapos pinag-iisip na ako. Nagugutom pa ako! Sino ba nagdala sa'kin dito? Ni hindi manlang nag-iwan ng breakfast. Tingin ba niya sa akin robot na hindi nagugutom?

"Naasan na ba si Jun!?"

Naglakad na ako papalapit sa pintuan at binuksan ito. Inaasahan ko na may mga gwardyang nagbabantay sa akin pero wala. Tumingin ako sa kanan at kaliwa, wala rin. Kahit camera, wala.

Nasaan ba ako? Sino ang nagdala sa akin dito? Hindi naman si Jun, kasi kung si Jun edi sana kanina pa 'yon nandito. Hindi 'yon aalis sa tabi ko hangga't hindi ako nagigising. Alam mo naman 'yung lalaking 'yon, so maalalahanin.

Then I heard a sound, it was the sound of piano keys.

Sinundan ko 'yung tunog, malambot ang piyesa at maganda sa pandinig. Habang sinusundan ko ang tunog ng piano nililikot ko ang mga mata ko. Walang katao-tao sa mansyon na 'to, kahit isang maid o gwardya wala akong makita.

Hindi kaya panaginip 'to? O baka naman patay na ako, tapos nasa langit na ako, hindi ko akalaing ang plain pala ng itsura ng langit. Akala ko puro clouds tapos may mga anghel.

Sinisilip ko din ang bawat kwarto na madaanan ko, pero kahit isang presensya ng tao wala akong maramdaman o makita. Para ngang hindi nagagalaw 'yung mga kwarto dito, maliban sa pinagtulugan ko.

Kanino kaya 'to?

Ilang kwarto narin ang nasilip ko, pero tuloy parin sa pagtugtog ang piano. Papalapit na ako ng papalapit sa tunog hanggang sa dumating na ako sa huling kwarto.

Huminga muna ako ng malalim at hinanda ang sarili. Mahirap na, baka biglang paliguan ako ng bala ng kung sino mang nagpipiano sa loob. Dapat laging handa, lalo na sa ganitong sitwasyon.

Dahan-dahan kong binuksan ang kahoy na pintuan, lalong lumakas ang musika. Nilibot ko ang paningin, may puting grand piano. Hindi ko makita ang tumutugtog dahil nahaharangan ang mukha niya, kaya naglakad ako papalapit.

"Hoy, sino ka?" Medyo alarma na tanong ko, pero walang sumagot.

Tuloy-tuloy lang ang pag-pindot niya sa piano. Snabero naman 'tong bwisit na 'to. Nang nakalapit na'ko maigi natigilan ako at nabato. Nanlaki din ang mga mata ko. Gusto ko sanang sumigaw kaso lang may kung anong bumabara sa lalamunan ko, hindi ko matanggal kahit ilang beses akong lumunok.

"You're awake. How are your injuries?" Malambing na nginitian ako ng lalaking nasa harap ko.

Akala mo walang problema sa buhay kung maka ngiti siya, tila ba siya ang pinaka masayang nilalang sa buong mundo. He smiled, just like the usual.

"..." I triend to say something, but nothing came out.

"What's wrong? You look like you've seen a ghost." Biro pa nito.

Nanginig ang buo kong katawan, pati nga ata kaluluwa. 'Yang boses na 'yan, 'yang pagiging pilyo na 'yan, 'yang nakakairitang ngiti na 'yan. Siya nga, siya nga!

Nag-unahang tumulo ang mga luha ko, mahigpit ko siyang niyakap. Hinigpitan ko talagang maigi para maramdaman ko na talagang buhay siya.

"You're alive... you're alive..." Hagulgol ko habang nakayakap sa bisig niya.

"Of course I am. What are you saying Princess?"

"I... I thought you were dead."

"Me, die? Why will I die?"

"There was this red haired guy... He... Stabbed you and then..."

"Shhh!"
Hinagod niya ang buhok ko, just like what he usually does. "Silly girl. That must've been a dream." Niyakap niya ako ng mahigpit, as if telling me that he is real.

"I'm so happy." Yumakap din ako ng mahigpit sa kanya, bumitaw ako para kausapin siya. "F-Fratello... (B-brother...)"

Nagulat nalang ako nang pagtingin kong muli sa mukha ng kuya ko. Nakita ko ang mukha ng pinaka kinamumuhian kong tao sa mundo. Ang pulang buhok at walang buhay na mata niya, nagbigay kilabot sa buong katawan ko.

Its him!

"I am not your brother, Little Kid."

Napabalikwas ako bigla ng bangon, pero napahiga ulit dahil sa sakit ng tagiliran ko. F*ck! Akala ko pati 'yung sugat ko sa tagiliran panaginip lang din, pero hindi pala, sh*t!

Panaginip lang pala. Tang inang panaginip 'yon, akala ko totoo. Sh*t! Ang ganda na eh, buhay na si Fratello eh! Kala ko pa naman parang kagaya 'to ng movies na talagang mabubuhay siya.

"Putang inang panaginip na 'yon, hayop, paasa!" Sa inis ko tinapon ko ang unan ko sa malayo.

Huminga ako ng malalim at tinignan ang paligid, hindi kagaya sa panaginip ko na nasa villa ako sa may tabing dagat, this time nasa hospital na talaga ako. Nangingibabaw ba naman ang amoy ng gamot.

I despise this smell.

Kung sa panaginip ko naka white back-less dress ako, dito naka hospital gown ako. Mas gugustuhin ko pa 'yung white dress na 'yon kesa ito. For sure na si Jun ang nagdala sa'kin dito, I wonder what happened right after I lose conciousness.

Hindi ko na iisipin na si Fratello ang nagdala sa'kin dito, katangahan ang panaginip na 'yon. What was I even thinking that time, to think that I would think he was still alive, after watching him die in my arms. How pathetic of me.

Haist! I'm hungry! Just where is that guy? Did he buy food for me? Nagugutom na ang pinaka magandang babae sa balat ng lupa, pero hindi parin siya lumilitaw.

But what do I do if Fratello is indeed still alive? Paano kung siya pala talaga ang nagbitbit sa'kin dito? Sebastian and I will definitely be happy. I wonder if Nonno will be happy as well, also Zio Tigre! And his wife and daughter.

Sabi nila kapag panaginip daw, magkakatotoo. Paano naman 'yung panaginip ko, imposible.

Bumangon ako kahit medyo mahirap, para buksan ang bintana. Nakaka suffocate ang hospital, pakiramdam ko lalo akong nanghihina 'pag nasa hospitala ako.

Malambot na sumampal sa'kin ang mainit na hangin ng siyudad. Mas preferred ko pa ang polusyon kaysa sa amoy ng hospital. Ba't ba kasi kailangan na sa hospital pa ako ilagay? Tch! Pagsasabihan ko nga si Jun, para next time alam niya na sa hotel nalang ako ilagay sa susunod, or sa bahay.

Habang nakapikit ako, narinig ko ang pagbukas ng pintuan. Hindi na ako nag-abalang lumingon, for sure naman na si Jun lang 'yan.

"Finally! Nakabalik ka narin, saan ka ba nagpunta? Kanina pa kaya kita hinihintay! Gutom na gustom na'ko, nagdala ka ba ng pagkain? Siguraduhin mo na may maganda kang explanation, kundi ikaw ang kakainin ko ng buhay." Banta ko pa habang nakapikit sa tapat ng bintana.

Narinig ko pa na may nilapag siyang plastic sa table, pero nanatili lang akong nakapikit sa harap ng bintana. Ayaw ko kasing naamoy ang hospital.

"I knew you'd wake up soon, so lumabas ako para bumili ng paburito mong pizza and chicken." Saad niya pa.

Napangiti ako nang marinig ang salitang pizza and chicken. "Oo nga pala, next time 'wag mo na akong dadalhin sa hospital. Doon nalang sa headquarters, I hate hospitals. Meron naman tayong facility doon and for sure the equipment there are enough to treat my wounds."

Nagulat ako nang bigla akong niyakap ni Jun mula sa likod, I already got used to it, this guy likes hugging me especially when he's worried. And he was probably worried when he saw me bloodied and full of wounds.

Nanigas ako nang bigla nalang niya akong hinalik-halikan sa leeg, ramdam na ramdam ko ang mainit na paghinga niya. Itutulak ko na sana siya pero natigilan ako nang mamataan kung sino ang kanina ko pang kausap.

That's right, I didn't notice but the one talking to me was not Jun, the voice is different from his husky low voice.

"Its been a while." Nakangiti na saad ng lalaking nasa harapan ko, sabay hinalikan ako sa labi. "I missed you, my Goddess."

"R-ryuu?!"

©IF02

The Legendary DurgaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon