SHE was crying so hard that night. She felt so terrible, like she's the worst girlfriend.
How can she be so cruel for the man who just wanted to prove himself to her? He sacrifice his studies for her tapos iyon lang ang isusukli niya?
Her heart ached again for the nth time. Upon remembering the pain on his face earlier, she couldn't take it. Pakiramdam niya ang sama-sama niyang kasintahan. She feels like she doesn't deserve as Hinx.
Hinx always feel down on himself but he's the best boyfriend, while her, she thought highly on herself but she's the worst girlfriend.
Baliktad na naman. It was like an asymptotes. They could be match, they almost reach each other but they never meet. At first she thought they were perfect, parang pinupunan nila ang pagkukulang sa isa't-isa but no...she realized that she's selfish, she's terrible.
Indeed, she's a great woman, but she wasn't a great girlfriend. Hinx tried to be best because he thought she deserve it, well she does, but how about Hinx? Does she deserve him? Sapat na ba na mahal niya ito? Ano nga bang nagawa niya sa binata? Does she sacrifice her studies too? Does she have to...have to...no, she can't even enumerate what have he done to her. Marami na itong nagawa para sa kanya.
Her laptop sound for a notification, her hopes up. Nagmamadaling chineck niya ang gmail pero laking dismaya niya ng makitang hindi ang binata ang nagmensahe sa kanya.
What do you think, Claudia? That he'll message you after what you did?
Binasa niya ang email ni Sir Ace. Pinapaalahanan siyang mag-impake dahil aalis sila bukas para sa international quiz.
She sighed and ready her luggage for tomorrow. Iyak ng iyak siya habang naglilipit ng gamit.
Kinabukasan ay hinatid siya ni Mr. Laz sa airport. Panay ang silip nito sa kanya sa salamin dahil siguro sa maga niyang mata. Pero hindi ito umimik, wala rin naman siyang enerhiya para makipag-usap.
Nang makarating na sila sa airport ay tinulungan siya nito sa gamit. They're both quiet until she reached inside the airport. Binigay na nito sa kanya ang maleta.
Mr. Laz give her a small smile.
"Mahal ka 'nun." He said, thinking that they just get into a normal fight.
Pilit siyang ngumiti at pinigil ang luha.
Alam niya, mahal na mahal siya ng binata.
"Salamat, Mr. Laz."
Nagpaalam na siya dito. Nakita niya si Von na naghihintay na sa kanya. Malungkot lang itong ngumiti ng makita ang maga niyang mga mata.
"Tara na?" Yaya niya.
Sumabay ito sa kanya sa paglalakad. Tumikhim ito matapos ang mahabang katahimikan.
"Pinuntahan ko siya sa bahay nila, sabi ko na siya na ang sumama sa 'yo dito." Sabi ni Von.
Hindi siya umimik, nanatili ang tingin sa unahan pero alam ni Von na nakikinig siya.
"Pero hindi siya pumayag. Pinilit ko pa pero hindi na raw." Dugtong nito.
Tumango siya at nilunok ang bikig sa lalamunan.
"Pero huwag kang malungkot, mahal na mahal ka 'nun kaya magkakaayos rin kayo." Pag-aalo sa kanya ni Von.
Ngumiti lang siya dito.
She fall asleep on plane. Naroon na pala si Sir Ace nauna na sa private plane na sinasakyan nila. Nakatulog rin siya dahil puyat siya kagabi kakaiyak. Kinakabahan nga siya dahil baka pumalpak siya sa quiz pero ewan, bigla na lang nawalan siya ng pake.