They're all nervous as they're observing at the unconscious Hinx on the hospital bed. Maraming mga doktor at scientist ang naroon para tingnan ang binata.
"His vital signs are okay. No signs of allergic reaction. He's totally fine like he's just sleeping." Ani ni Feyri na isang doktor.
Hindi pa rin siya mapalagay. She wanted him to wake up and tell her that he's okay. Ano ba kasing naisip nito at ininom nito ang antidote niya?
"Miss Claudia, his finger moved!"
Agad siyang lumapit kay Hinx. Gumalaw ang talukap ng mata nito hanggang sa tuluyan itong dumulat.
"Hinx!" She almost hugged him in worry. Kung wala lang siguro silang kasama ay baka nayakap na niya ito.
"Love?"
Her heart raced as Hinx called her that endearment. The way he called her that, it was pure, it was painless, it was just genuine.
"What's with that face, my scientist? I don't want you to be upset, love." Nag-aalalang saad nito at umupo para hawakan ang mukha niya.
"W-what's the date today, Hinx?"
Kumunot ang noo ng binata nag-tataka sa tanong niya pero kalaunan ay ngumiti ito.
"Hmm, you're trapping me, love. Iniisip mo bang makakalimutan ko ang 2nd monthsarry natin ngayon? Wait, why are here?"
Kusang tumulo ang luha sa mata niya. Naramdaman na lang niya ang paghila sa kanya palabas ni Dr. Spade at pinagtulungan si Hinx ng mga doctor na i-check up ito.
"Love! Where are you going? No! Don't touch me, I want my Miss scientist! Love!" Pagwawala ni Hinx.
Iyon ang huli niyang narinig bago tuluyang nakalabas sa silid nito.
Hindi niya alam kung anong mararamdaman. Tuwa? Gulo? Sakit?
A part of her was happy. Because she silently wished deep inside her na sana bumalik na lang sila sa dati 'nung hindi pa nagkagulo ng lahat but it was also painful because paano niya papakitunguhan ang binata? Magpapanggap rin ba siyang bunmalik na sila sa dati? Pero nasasaktan siya kasi alam niya kung ano talagang nangyari sa kanila ng binata. Ano iinom rin siya ng antidote?
And she's so confused.
"Claudia, I know you're upset but we need you to think rational. But Hinx is part of your research now. He's your variable, it's hard but you need to observe him closely." Seryosong saas ni Dr. Spade.
"B-but, Dr Spade.."
"Claudia, the time Hinx drunk your antidote that you called FTY or Forget-The-Years, he's already under your responsibility and observation. You need to examine what will be his behavior after he intake your antidote. This is part of your research so be professional." Striktong saad nito.
"A-are you saying na magpapanggap ako? Na sakyan ko si Hinx?"
Dr. Spade remained serious and nodded his head.
"Hindi natin alam ang epekto kung sasabihin mo sa kanya ang totoo. What if maiba ang exact na result? That's crucial for your research. Mabuti na rin at wala siyang alam, kahit one week lang na hindi natin ipaalam. Observe him, and write it down. It's part of your research."
"I LOVE you.." Hinx said sweetly and kiss her forehead.
Nanatili siyang tila tuod sa tabi nito. Hinx was hugging her while they're lying on his hospital bed.
Napasimangot si Hinx ng hindi narinig nito ang sagot mula sa kanya. He's back from the Hinx she knew. This is Hinx, Claudia's boyfriend.
"Don't you love me, Miss Scientist?" Malungkot na tanong ng binata.
"I..I-I love you too." Kanda-utal niyang sagot.
Nakita niyang nagpipigil ito ng ngiti pero hindi nito napigilan ang sarili kaya nahalikan siya nito sa labi. Napasinghap siya sa ginawa nito.
"Ay, grabe ka naman kung makagulat, love. Parang ayaw mo sa halik ko, naalala mo dati 'nung tinanong mo'ko kung mabaho ba ang hininga mo dahil hindi na kita niki-kiss---"
"Hinx!" Namumulang saway niya rito.
Hinx laugh loudly. Kumislap ang mata nito sa saya. He's so happy, she knew. She can see it because he's that transparent.
He's transparent, even before. Why didn't she saw his insecurities back then? If only she was sensitive enough, siguro naging iba sana ang daloy ng kwento nila.
Napatigil siya sa pag-iisip ng hawakan siya ng binata sa pisngi. Matiim itong nakatitig sa kanya, kita niya rin ang bahid ng lungkot sa mga mata nito.
"Bakit pakiramdam ko nag-iba ka na, love? Totoo ba talaga ang sinabi ni Tito Spade na naaksidente ako at nabagok ang ulo ko kaya nagka-amnesia ako? Na nakalimutan ko ang pito at kalahating taon na nangyari sa buhay ko?"
Nakagat niya ang labi at kahit ayaw niyang magsinungaling ay tumango siya.
"Y-yes, you got into an accident last month. Na-coma ka at ngayon ka lang nagising." Pagsisingungaling niya.
Napaisip naman ang binata. Kinabahan siya doon, baka mahalata nitong nagsisinungaling siya.
"Pero bakit parang nag-iba ka? Bakit parang ang lungkot-lungkot ng mata mo? Did I fail to make you happy----no, impossible. Mahal na mahal kita para maging malungkot lang."
Hindi niya napigilang mapaluha sa sinabi nito. Niyakap niya ang binata at binaon ang mukha sa dibdib nito.
"Hala, bakit umiiyak ang scientist ko?"
Umiiling siya at niyakap lang ng mahigpit ang binata. Naramdaman niya ang paghagod ng kamay nito sa kanyang likuran.
"Is my baby scientist is sad? May nagbago na ba sa 'tin? Pumangit na ba ako?" Nag-alalang tanong nito.
Hindi niya napigilang matawa sa sinabi nito. Pasinghot-singhot niyang pinahid ang luha sa kanyang mata.
"Hmm. Mabuti na rin at umiyak ka para matanggal 'yang make up sa mukha mo. I prefer you bare face."
Napasimangot siya sa sinabi nito. Napangisi naman ang binata.
Muli niyang pinahid ang luha sa mata niya. Nakita niyang nawala ang ngiti nito habang nakatingin sa daliri niya.
"Where's your ring?" Seryosong tanong nito.
Kumunot ang noo niya sa pagtataka.
"W-what ring?"
"Your wedding ring. Nasaan? Bakit hindi mo suot?" He asked. Mukhang nagalit pa ito.
"Ha? I'm not married."
Mas lalong kumunot ang noo nito.
"We're not married?"
"Oo?"
"Why?"
Ha?
"Why are we not married yet? Fuck, I can't believe myself I let almost eight years passed without marrying you. I planned to marry you right after our graduation."
Her eyes widen in shock. Her heart pumps quickly, tila kinikiliti ang tiyan niya sa narinig.
"Y-you wanna marry me?"
Mas lalong kumunot ag noo ng binata.
"Why are you doubting, love? I love you so much that I would never let you go. Everytime, I always thought about marrying you."
May lumukob na init sa puso niya sa narinig. Kausap niya ngayon si Hinx na kasintahan niya dati, mahal na mahal siya nito. Pero mas gugustuhin niyang marinig ang mga katagang 'yun kung maaalala na nito ang masalimuot nilang ala-alang nakalimutan nito.
"Love, I think it's long overdue, ang dami kong sinayang na oras." Hinx said.
"A-anong ibig mong sabihin?" Kinakabahang tanong niya.
Ngumiti sa kanya ang binata.
"Magpakasal na tayo."