Chapter 40

17.9K 469 47
                                    

"I don't care if they're looking for me. I'm the CEO," Hinx said on the other line.

Napailing na lang siya habang nakatingin dito na may kausap sa telepono. Secretary nito ang kausap, pinapabalik sa opisina dahil kalahating taon na ring hindi nagtatrabaho.

"Just cancel all my appointments, si Hakob ang inutusan kong mamahala muna diyan, sabihin mo iwan muna ang California." Utos pa ni Hinx.

"Good. I'll be back next year." Anito sabay patay sa linya.

"What do you mean next year?" Kunot-noong tanong niya rito.

Nagkibit balikat ang binata at tumabi sa kanya. Niyakap siya nito at binaon ang mukha sa leeg niya. For almost two weeks ganito lang lagi. Kahit saan siya pupunta nakabuntot ang binata, palagi pa siyang nilalandi hanggang sa mauwi na naman sila sa mainit na pagsasalo.

"I wanna spend time with you, love. Babawi tayo sa mga nasayang nating oras." Paglalambing nito na para bang okay na sila.

She groaned and tried to push him.

"Lumayo ka, Hinx. Ang baho mo." Anas niya.

Hinx jaw fell and immediately smell himself. Kakaligo lang nito kaya nagulat ito sa sinabi niya.

"What? But I just took a bath, love.." Mahinang anas nito na hindi nakikipag-argumento.

"Nasusuka ako sa baho mo. Huwag kang lumapit sa 'kin." Asik niya rito saka tumayo. Iniwan niya ito sa sala at pumasok sa kwarto nila.

"Ano bang gusto mong amoy ko?" He asked carefully. Nakasunod pala ito sa kanya.

"I want to smell strawberries."

Agad na nalukot ang mukha nito.

"That's too girly, love."

Siya naman ngayon ang malukot ang mukha. Hindi niya gusto ang protesta niya.

"Okay. Don't come closer to me---"

"Okay, fine. Just wait here." Agad na putol nito at pumasok sa banyo.

She smiled and satisfaction. Napatingin siya sa kama at mukhang nang-iimbita iyon sa kanya. Kakagising nga lang nila pero inaantok na siya. Siguro dahil sa pagod dahil palagi siyang pinupuyat ng binata.

She yawned and lay on the bed. Nang maramdaman niya ang lambot ng kama ay agad siyang nakatulog.

Her pillow smell like strawberries. Alam niyang matagal na siyang nakatulog pero ayaw niya pa ring dumilat. The smell of strawberries brought peace to her mind.

Mas lalo niyang hinapit ang matigas na bagay na nasa tabi niya. Sobrang bango nito.

"Wake up, love. I prepared lunch for us." Malambing na anas ni Hinx.

She just groaned and hugged him tighter.

"I love your smell." She murmured.

"Pwede bang silent ang r at smell?"

Kahit napapikit ay agad siyang napaisip.

"I love you?" Is that what he mean?

"I love you, too." Hinx giggled.

Agad siyang napadilat sa sinabi nito at tinampal ito sa balikat. Napatawa naman si Hinx.

"Talino ko ba?" Tanong nito sabay taas baba ng kilay.

Inirapan niya ito at bumangon.

"Puro ka biro." Anas niya at umalis sa kama.

"I'm not kidding! I love you kaya, ikaw nga 'tong hindi ako mahal. Sino ba naman kasi ako para ibigin, 'di ba? Si Hinx lang, gwapo, worthy boyfriend, mayaman, masipag, tas gwapo, mayaman, gwapo, mayaman----"

"Hindi belong sa standards ko ang gwapo at mayaman, lalo na ang sad boy." Pagtataray niya dito.

"Ouch, hindi naman ako sad kasi narito na ang happiness ko, nagsusungit pa nga, eh. Baka may laman na." Panunukso pa nito sa kanya.

"The only thing I wish na magkalaman is 'yang utak mo," pabalang na sagot niya rito at bumaba ng hagdan.

"May laman naman utak ko, ah? Puro Claudia laman nito, pati na rin sa puso ko." Banat pa nito.

"Argh, Hinx!" She groaned in frustration. Narinig naman biya ang halakhak nito saka lumapit at kinarga siya. Agad naman siyang napayakap sa batok nito sa takot na mahulog sila sa hagdan.

"Kailan mo ba kasi ako papakasalan?" Pangungulit ni Hinx habang nanunuod na ulit sila ng TV.

"Kung papalabasin mo 'ko sa bahat na 'to." Sagot niya.

Agad namang sumimangot ang binata.

"Aalis ka. Alam kong aalis ka sa oras na papalabasin kita. Iiwan mo na naman ako," there's a glimpse of fear on his eyes. He can't just deny it.

She sighed. Hindi siya sumagot. Kasi hindi rin niya alam. Wala siyang alam sa susunod na gagawin o mangyayari. She has always been organized on his thought but when it comes to Hinx, she's always clueless. That's why she's always surprised in a good way and she loves it.

"Hinx.." Tawag niya sa binata.

"Yes, love?" Agad na sagot nito.

"I'm so proud of you, I'm always proud of you, don't forget that." Nakangiting sabi niya rito.

Natigilan ito saka napatingin sa kanya. There's an unshed tears on his eyes but she haven't watch it for too long because Hinx hugged her tightly.

"That words... I've always wanna hear that words from you, Claudia. Thank you because I make you proud."

No, Hinx...Thank you for always making me proud.

Nagulat siya ng bigla na lang bumigat ang binata. To her shock he's suddenly unconscious!

"Did he fall asleep?"

Gulat siya ng makita si Ckim. Hindi niya ito napansin, ah!

Doon niya lang nakita ang syringe sa kamay nito. Mukhang may ininject sa binata na pampatulog.

"C-Ckim!" Gulat na anas niya.

"Let's go! I was here to save you. Pambihira, dalawang linggo ka ng hiyang dito." Palatak ni Ckim.

Tinulungan siya nitong ihiga si Hinx sa sofa. Akmang lalagyan niya ito ng unan ng pigilan siya nito sa braso.

"We need to go now." Mariing saad ni Ckim.

Matagal na niyang gustong makaalis sa bahay ng binata...O gusto niya ba talaga? Pakiramdam niya ay may mabigat na dumagan sa dibdib niya. Ayaw niyang iwan si Hinx. She can feel it, their relationship is restarting. Mahal siya ng binata at mahal niya pa rin ito.

"Claudia, let's go." Anito sabay hila sa kanya.

Wala sa sariling nagpatianod siya dito. Mabigat talaga ang loob niya na para bang isang kasalanan ang iwan na naman ang binata.

But Claudia, remember what he did to you for his revenge. Nabayaran mo na ang pag-iwan mo sa kanya, you need to prioritized yourself first.

Napabuga na lang siya ng hangin saka nilisan ang bahay nito.

Scientist' Clandestine Affair (4th Gen #13)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon